“Ano to?” nagtataka si Hannah ng tingalain ang isang building, “bakit tayo narito?”“Basta, halika na,” hinila siya papasok ni Edward sa isang salon -boutique.Ang lugar na iyon ay parang isang langit sa mga babaeng mahilig mag kolorete. May mamahaling mga damit, at istasyon para sa pag aaral ng pagmimake up.“Hi sir..” bati ng isang staff ng makita sila.“Nais kong turuan mo siya kung paano mag make up. Marunong na yan, wala lang practice,” tugon ni Edward.“Ay, napakabait niyo naman sir.. Sana ako na lang ang maid niyo..” ngumiti ang baklang staff ng makita si Hannah.“Hindi ko siya maid,” nakasimangot na sagot ni Edward, “asawa ko siya.”“Ay, sorry sir.. Akala ko kasi–” muling tiningnan ng staff si Hannah mula ulo hanggang paa, “bweno, halika na, umpisahan na natin ang magic!”Napatingin siya kay Edward, na bahagya namang tumango.“Pakibihisan na rin siya,” bilin niya dito.Inumpisahan na ang ‘pagpapalitada’ sa mukha ni Hannah.Tatlong staff ang nagkakagulo sa kanya, pang apat ang
Last Updated : 2025-03-06 Read more