All Chapters of Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire: Chapter 11 - Chapter 20

75 Chapters

Chapter 11

"Leona," napatingin si Caleb sa babae, "kung hindi ka magiging maayos, paano mo ako matutulungan sa negosyo? ikaw ang pinili ko, tandaan mo yan, kaya tigilan mo na yang kakaselos mo!"Natameme si Leona sa sinabi ng lalaki. Tama ito. Siya ang pinili, ibig sabihin, siya ang mahal."Isa pa," pagpapatuloy nito, "tigilan niyo na si Hannah. Kailangan nga natin siya ngayon, kaya sa halip na inaaway niyo siya, dapat na kunin ninyo ang loob niya. Paano mag iinvest ulit sa atin sina Mr. Rodrigo at Mr. Marcos niyan, kung patuloy niyong gagawan ng masama si Hannah?"Hindi nakapagsalita si Miraflor, saka nagtanong, "ganoon ba kalaki ang epekto ng paghihiwalay niyo?""Mommy, higit pa sa inaasahan niyo. Kaya nga kailangan, mabawi natin ang lahat. Mahigit isang buwan pa lang kaming hiwalay ni Hannah, subalit bumubulusok na tayo pababa. Nais niyo bang bumalik tayo sa simpleng pamumuhay natin at maging isang empleyado na naman ako?" tanong ni Caleb sa ina.Manager lang siya noon sa isang maliit na kumpa
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 12

"Ninong, hindi ganoon kadaling itapon ang ilang taon naming pagiging mag asawa. Aaminin ko, nasasaktan ako sa nakikita ko, subalit mas lamang ang galit. Masakit lang sa mata na nakikita ko sila, pero masaya ako kung babagsak sila." kailangan niyang panindigan na nais niyang malugmok sa lusak ang kanyang ex.Subalit ang eksenang iyon ay talagang nagpasakit sa kanyang puso."Ninong, kailangan ko ng pulis.." sabi niya sa lalaki."Ninong? nais mo talaga akong tawaging ninong lagi?" nakakunot ang noo ni Edward habang nakatingin sa babae, "baguhin mo yan, baka mahuli ka nila."Kailangan ko ng pulis, ngayon na.." pautos ang salita niyang iyon.Napatda si Edward saglit, saka biglang napangiti..'Ito na siya.. ang totoong Hannah Agoncillio na isang bratinella. Sana lang mapanindigan mo ang ginagawa mo,' bulong niya sa kanyang isipan.LALABAS na sana sina Caleb, ng bigla silang harangan ng mga pulis.."Bakit?" tanong niya ng naguguluhan."May reklamo po kay Mrs. Endaya at Miss Bermudez ng panan
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 13

Bigla siyang natigilan ng marealize na mamahalin iyon, kaya mas minabuti niya ang kumalma. Napatingin siya kina Caleb"Nakita niyo na ba ang balita sa internet?""Mawawala din yan, Mom.." kaswal na sagot ni Caleb habang nagbabasa ng mga papeles."Ano?" nanlalaki ang mga mata ni Miraflor ng marinig ang sinabi ng anak, "tayo ang napahiya dito ng dahil sa babaeng iyon, tapos, hayaan?""Bakit mom, may magagawa ka ba?" nilingon siya ng kanyang anak. Natahimik siya, saka ito nagpatuloy, "kung wala naman pala, please lang, wag na kayong gumawa ng mas malalang gulo. Hayaan niyo si Hannah. Sinabi ko naman sa inyo na kailangan natin siya.""Pero anak, napapahiya na tayo!" inis na sagot niya."Kasalanan niyo yan. Lapit kayo ng lapit sa tao," hindi nililingon ni Caleb ang kanyang ina habang nagsasalita.Natahimik si Miraflor. Tama naman si Caleb. Kung hindi nila nilalapitan si Hannah, hindi ito mangyayari. Kailangan muna nilang makipag ayos sa babae, para malaman nila kung ano ang kahinaan nito, a
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 14

"'OKAY, sige, naiintindihan ko..," ibinaba na ni Leona ang kanyang cellphone."Sino yun?" tanong ni Ellaine habang humihigop ng kape."Si Caleb.. may Party daw sa sabado, isasama niya ko, kailangan kong bumili ng damit," nakangiti niyang sagot sa kanyang kaibigan."So.. official na talaga kayo?" tanong nito habang matamang nakatingin sa kanya, "buti pumayag makipaghiwalay si Hannah?""No choice naman siya. Isa pa, kailangang hindi ko muna awayin si Hannah, kasi, may mga investors kaming nag pull out ng malamang hiwalay na sila ni Caleb. Kailangan kong gumawa ng issue na may iba siyang lalaki kaya sila naghiwalay ni Caleb. Ang problema, ang hirap hanapan ng butas ni Hannah. Isa pa, bigla siyang nagbago..""Paanong nagbago?" nakakunot ang noo ni Ellaine na parang hindi mawari kung ano ang sinasabi niya."Bigla siyang naging palaban.. mahigit isang buwan lang na hindi kami nagkikita, pero parang ibang tao na siya girl.. ibang iba.""Paano mangyayari yun?" napaisip si Ellaine sa sinabing
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 15

"Renzelle, bagay kaya ito sa akin?" itinaas niya ang isang blue glittery long gowan na may mahabang slit na halos umabot sa singit. "Ay, friend, pak na pak yan sayo " nakangiti pang nag snap ang babae sa harapan niya. "Pero maganda din ito.." kukunin na niya ang isa niyang napiling damit na kulay red, ng may isang kamay na kasabay niyang humawak doon. "Excuse me.. gusto ko to," isang familiar na tinig iyon na nilakbay ang hangin patungo sa tainga ni Hannah. Napatingin siya dito. Ano na namang ginagawa ng babaeng ito dito? "Oh.. hi there Hanna.." nakangiting bati ni Leona sa kanya. Bigla siyang napasimangot ng tumingin ito sa lanya. "Gusto mo ba yan?" tanong ni Ellaine saka hinila ng malakas ang hanger mula sa kanyang kamay. Naagaw nito ang damit na pula. "Nauna ako diyan," naiinis na sabi niya sa babae. "And so?" maarteng sabi ni Ellaine. "Wala akong paki kung nauna ka man dito or what. Gusto ito ni Leona, kaya kukunin niya ito." Huminga na lang ng malalim si Hannah
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 16

"Saan mo nakuha ang black card mo?" namamanghang tanong ni Hannah sa kaibigan. Oo, may kaya si Renzhelle, subalit hindi ito aabot para makakuha ng black card. "Sinabi ko na, hindi ba? sa fiancee ko.." nakangiting sagot nito. "Paano ka magkaka fiancee ng mayaman eh hindi ka naman mahilig sa mga social gatherings?" ito ang kasangga niya noong taong bahay pa lang siya. Kaya alam niyang hindi ito umaattend sa mga party. "Basta.. makikilala mo rin siya " nginitian siya ng babae, "isukat mo na yan. Naiimbiyerna pa rin ako kina Leona. Sino ba ang kasama niya?" "Sikat si Ellaine, hindi mo kilala?" nagtataka niyang tanong habang, isinusukat ang damit sa loob ng fitting room. Isinara ang buong store, para sa kanila, kapalit ng pagbili nila ng tig dalawang gown at pananatili doon ng isang oras. "Hindi ko siya kilala.. wala akong kilalang sikat na ugaling squatter," tawa ng tawang sagot nito. "So, eh ganun din naman ikaw ah," biro niya dito, "hindi na nga ako nagsalita kanina kasi ang
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 17

HINDI magkasabay na tutungo sa banquet sina Hannah at Edward. Ayaw ng lalaki na mabunyag agad ang ugnayan nilang dalawa. "Mauuna na ko. Nandiyan si Mang Simon, siya ang magdadala sayo sa lugar ng venue ng banquet," aalis na sana ang lalaki, subalit may naalala ito, "oo nga pala," kinuha nito ang isang magandang sobre sa bulsa ng coat, 'invitation mo. Hindi ka makakapasok kung wala yan." "Salamat.. sige, susunod na lang ako," hindi pa siya nagbibihis. Nasa harapan lang siya ng kanyang salamin at nag uumpisa pa lang mag ayos. Iniwan na siya ni Edward.. maya maya pa, tumunog ang phone niya. Si Renzelle. Nagpasa ito ng picture sa kanya. Halos lumaki ang mga mata niya ng makita ito. Maganda si Renzelle, subalit ang larawang iyon ay higit pa sa maganda ang tamang paglalarawan. Hindi siya makapaniwwala na ang kaibigan niya, ay may ganoong side. Mahilig lang sila sa oarty noon, subalit hindi sila pumupunta sa mga ganitong event. Silver ang kulay ng gown ni Renzelle, at ang kanyang nagmum
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 18

"Bakit katabi nila sa upuan sina Josh at Edward Ignacio?" bulong ni Leona kay Ellaine, "dapat tayo ang kasama nila sa table, hindi ba?""Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari, sandali nga," tumayo si Ellaine at nagtungo sa organizer na binayaran niya ng malaki, "anong nangyari? di ba, sabi ko sayo, dapat, katabi ko si Josh tapos katabi ni Leona si Edward?" inis niyang bunsol sa organizer."Opo ma'am, kaso, nagkaroon ng last minute na pagpapalit, sila ang pumili sa dalawang iyon para maupo sa lamesang iyon,"' paliwanag nito sa kanya."Paanong sila ang pumili? paano nangyari iyon?" hindi makapaniwala si Ellaine sa kanyang naririnig. Paano siya mapapalapit ng husto kay Josh?"Wala na po talaga akong magagawa ma'am.."Naiinis siyang bumalik sa upuan. Apat na babae at apat na lalaki na ang naroroon na parang magkakapareha.Kasama naman nila sa table sina Caleb at ang iba pa.Napansin niya ang kanyang katabi, na panay ang tingin sa kabilang mesa. Sinita niya ito."Gusto mo bang lumipat? ma
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 19

Noon, sa tuwing naiinis siya, agad itong lumalapit sa kanya at malambing ang tinig na magtatanong.."Anong nangyari mahal? okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya."Hindi. May mga investors na mahirap kausap.""Ako ang bahala sa kanila, huwag kang mag alala.. Wag ka ng sumimangot, maaayos din ang lahat."Tapos ngingitian siya ng babae, at hahaplusin ang kanyang ulo.Subalit ngayon, napakalayo na nito sa dating si Hannah. Mataras na itong magsalita na parang isang inahing manok na mangingitlog.Hindi niya mawari kung ano ang nangyari dito, paano ito naging ganoon katapang?Sa tuwing nagagalit siya, agad itong humihingi ng tawad kahit hindi nito kasalanan.Biglang nagdilim ang kanyang mga mata sa pagbabalik tanaw sa mga dating alaala.."Sino ka?" tanong niya kay Hannah. Mahigpit ang hawak niya sa braso nito."Ha? anong sino ako?" inis na tanong ni Hannah, "wag mong sabihing nakalimutan mo na agad ang dati mong asawa?""Hindi! hindi ganyan ang Hannah na kilala ko!""Pwes, patay na ang Hann
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 20

"Josh!" nakita ni Ellaine ang lalaki na may dalang pagkain. Napasimangot agad ito at tinangka siyang iwasan, "Josh wait!""Bakit ba?" tanong nito habang nakaharang siya sa dadaanan nito."About sa engagement natin, kailan--""Anong engagement?" nakakunot ang noo ni Josh habang nakatingin sa kanya."Hindi ba, kaya ka bumalik ng Pilipinas para ituloy ang ating kasal?" nakakunot ang noo ni Ellaine habang nagtatanong."Ako? bumalik para sayo? ofcourse not!" mabigat pa rin ang timbre ng pananalita ng lalaki, gaya noon, ng tumakas ito upang maiwasan ang kanilang kasal.Hinanap niya ito, subalit hindi niya natagpuan, at ayon sa kanyang mga magulang, bumalik na si Joash at pumayag na makasal silang dalawa.Kaya ngayon, labis siyang nagtataka, kung bakit hindi nito alam ang tungkol sa engagement."Pero Josh, kailangan nating magpakasal--" tulad kanina, muli na naman siyang binara ng lalaki, "sinong may sabi? kailangan? seryoso ka? sa ugali mong yan, palagay mo ba, gugustuhin kita?" may pang uu
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more
PREV
123456
...
8
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status