"'OKAY, sige, naiintindihan ko..," ibinaba na ni Leona ang kanyang cellphone."Sino yun?" tanong ni Ellaine habang humihigop ng kape."Si Caleb.. may Party daw sa sabado, isasama niya ko, kailangan kong bumili ng damit," nakangiti niyang sagot sa kanyang kaibigan."So.. official na talaga kayo?" tanong nito habang matamang nakatingin sa kanya, "buti pumayag makipaghiwalay si Hannah?""No choice naman siya. Isa pa, kailangang hindi ko muna awayin si Hannah, kasi, may mga investors kaming nag pull out ng malamang hiwalay na sila ni Caleb. Kailangan kong gumawa ng issue na may iba siyang lalaki kaya sila naghiwalay ni Caleb. Ang problema, ang hirap hanapan ng butas ni Hannah. Isa pa, bigla siyang nagbago..""Paanong nagbago?" nakakunot ang noo ni Ellaine na parang hindi mawari kung ano ang sinasabi niya."Bigla siyang naging palaban.. mahigit isang buwan lang na hindi kami nagkikita, pero parang ibang tao na siya girl.. ibang iba.""Paano mangyayari yun?" napaisip si Ellaine sa sinabing
"Renzelle, bagay kaya ito sa akin?" itinaas niya ang isang blue glittery long gowan na may mahabang slit na halos umabot sa singit. "Ay, friend, pak na pak yan sayo " nakangiti pang nag snap ang babae sa harapan niya. "Pero maganda din ito.." kukunin na niya ang isa niyang napiling damit na kulay red, ng may isang kamay na kasabay niyang humawak doon. "Excuse me.. gusto ko to," isang familiar na tinig iyon na nilakbay ang hangin patungo sa tainga ni Hannah. Napatingin siya dito. Ano na namang ginagawa ng babaeng ito dito? "Oh.. hi there Hanna.." nakangiting bati ni Leona sa kanya. Bigla siyang napasimangot ng tumingin ito sa lanya. "Gusto mo ba yan?" tanong ni Ellaine saka hinila ng malakas ang hanger mula sa kanyang kamay. Naagaw nito ang damit na pula. "Nauna ako diyan," naiinis na sabi niya sa babae. "And so?" maarteng sabi ni Ellaine. "Wala akong paki kung nauna ka man dito or what. Gusto ito ni Leona, kaya kukunin niya ito." Huminga na lang ng malalim si Hannah
"Saan mo nakuha ang black card mo?" namamanghang tanong ni Hannah sa kaibigan. Oo, may kaya si Renzhelle, subalit hindi ito aabot para makakuha ng black card. "Sinabi ko na, hindi ba? sa fiancee ko.." nakangiting sagot nito. "Paano ka magkaka fiancee ng mayaman eh hindi ka naman mahilig sa mga social gatherings?" ito ang kasangga niya noong taong bahay pa lang siya. Kaya alam niyang hindi ito umaattend sa mga party. "Basta.. makikilala mo rin siya " nginitian siya ng babae, "isukat mo na yan. Naiimbiyerna pa rin ako kina Leona. Sino ba ang kasama niya?" "Sikat si Ellaine, hindi mo kilala?" nagtataka niyang tanong habang, isinusukat ang damit sa loob ng fitting room. Isinara ang buong store, para sa kanila, kapalit ng pagbili nila ng tig dalawang gown at pananatili doon ng isang oras. "Hindi ko siya kilala.. wala akong kilalang sikat na ugaling squatter," tawa ng tawang sagot nito. "So, eh ganun din naman ikaw ah," biro niya dito, "hindi na nga ako nagsalita kanina kasi ang
HINDI magkasabay na tutungo sa banquet sina Hannah at Edward. Ayaw ng lalaki na mabunyag agad ang ugnayan nilang dalawa. "Mauuna na ko. Nandiyan si Mang Simon, siya ang magdadala sayo sa lugar ng venue ng banquet," aalis na sana ang lalaki, subalit may naalala ito, "oo nga pala," kinuha nito ang isang magandang sobre sa bulsa ng coat, 'invitation mo. Hindi ka makakapasok kung wala yan." "Salamat.. sige, susunod na lang ako," hindi pa siya nagbibihis. Nasa harapan lang siya ng kanyang salamin at nag uumpisa pa lang mag ayos. Iniwan na siya ni Edward.. maya maya pa, tumunog ang phone niya. Si Renzelle. Nagpasa ito ng picture sa kanya. Halos lumaki ang mga mata niya ng makita ito. Maganda si Renzelle, subalit ang larawang iyon ay higit pa sa maganda ang tamang paglalarawan. Hindi siya makapaniwwala na ang kaibigan niya, ay may ganoong side. Mahilig lang sila sa oarty noon, subalit hindi sila pumupunta sa mga ganitong event. Silver ang kulay ng gown ni Renzelle, at ang kanyang nagmum
"Bakit katabi nila sa upuan sina Josh at Edward Ignacio?" bulong ni Leona kay Ellaine, "dapat tayo ang kasama nila sa table, hindi ba?""Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari, sandali nga," tumayo si Ellaine at nagtungo sa organizer na binayaran niya ng malaki, "anong nangyari? di ba, sabi ko sayo, dapat, katabi ko si Josh tapos katabi ni Leona si Edward?" inis niyang bunsol sa organizer."Opo ma'am, kaso, nagkaroon ng last minute na pagpapalit, sila ang pumili sa dalawang iyon para maupo sa lamesang iyon,"' paliwanag nito sa kanya."Paanong sila ang pumili? paano nangyari iyon?" hindi makapaniwala si Ellaine sa kanyang naririnig. Paano siya mapapalapit ng husto kay Josh?"Wala na po talaga akong magagawa ma'am.."Naiinis siyang bumalik sa upuan. Apat na babae at apat na lalaki na ang naroroon na parang magkakapareha.Kasama naman nila sa table sina Caleb at ang iba pa.Napansin niya ang kanyang katabi, na panay ang tingin sa kabilang mesa. Sinita niya ito."Gusto mo bang lumipat? ma
Noon, sa tuwing naiinis siya, agad itong lumalapit sa kanya at malambing ang tinig na magtatanong.."Anong nangyari mahal? okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya."Hindi. May mga investors na mahirap kausap.""Ako ang bahala sa kanila, huwag kang mag alala.. Wag ka ng sumimangot, maaayos din ang lahat."Tapos ngingitian siya ng babae, at hahaplusin ang kanyang ulo.Subalit ngayon, napakalayo na nito sa dating si Hannah. Mataras na itong magsalita na parang isang inahing manok na mangingitlog.Hindi niya mawari kung ano ang nangyari dito, paano ito naging ganoon katapang?Sa tuwing nagagalit siya, agad itong humihingi ng tawad kahit hindi nito kasalanan.Biglang nagdilim ang kanyang mga mata sa pagbabalik tanaw sa mga dating alaala.."Sino ka?" tanong niya kay Hannah. Mahigpit ang hawak niya sa braso nito."Ha? anong sino ako?" inis na tanong ni Hannah, "wag mong sabihing nakalimutan mo na agad ang dati mong asawa?""Hindi! hindi ganyan ang Hannah na kilala ko!""Pwes, patay na ang Hann
"Josh!" nakita ni Ellaine ang lalaki na may dalang pagkain. Napasimangot agad ito at tinangka siyang iwasan, "Josh wait!""Bakit ba?" tanong nito habang nakaharang siya sa dadaanan nito."About sa engagement natin, kailan--""Anong engagement?" nakakunot ang noo ni Josh habang nakatingin sa kanya."Hindi ba, kaya ka bumalik ng Pilipinas para ituloy ang ating kasal?" nakakunot ang noo ni Ellaine habang nagtatanong."Ako? bumalik para sayo? ofcourse not!" mabigat pa rin ang timbre ng pananalita ng lalaki, gaya noon, ng tumakas ito upang maiwasan ang kanilang kasal.Hinanap niya ito, subalit hindi niya natagpuan, at ayon sa kanyang mga magulang, bumalik na si Joash at pumayag na makasal silang dalawa.Kaya ngayon, labis siyang nagtataka, kung bakit hindi nito alam ang tungkol sa engagement."Pero Josh, kailangan nating magpakasal--" tulad kanina, muli na naman siyang binara ng lalaki, "sinong may sabi? kailangan? seryoso ka? sa ugali mong yan, palagay mo ba, gugustuhin kita?" may pang uu
Kasalukuyang kumukuha ng pagkain sina Hannah at Renzelle. Masaya silang nag uusap at nagtatawanan, ng muli silang lapitan nina Leona at Ellaine."Well! Well! Well! ang mga sugar babies." sabi ni Ellaine na halatang tipsy na. "Sino sa mga mayayamang ito ang nabingwit niyo?""Pwede ba, kayong dalawa," iritadong sabi ni Hannah, "wag kami ang atupagin niyo. Nananahimikl kami, wala na kayong ibang nakita kundi kaming dalawa. My filter ba ang mga mata niyo? kami lang ba ang tao dito?""Baka nagagandahan sa atin ang dalawang yan," malakas ang tinig na sabi ni Renzelle, "sa bagay, sino ba naman ang magiging mahilig sa aratiles na napakatamis.. Sa mga papaya na lang ako, malilinis pa ang bituka ko.""Yang pananalita niyong puro basura ang laman!" sabi ni Leona na halatang naiirita din, "akala mo naman magaganda!""Wow.. Leona!" nakangiting sabi ni Hannah at nakipag apir siya kay Renzelle, "sa sobrang ganda nga namin, pati kayong dalawa, nabibighani eh.. uuh sorry na lang, hindi namin kayo type!
Nakatalikod si Hannah sa pinto, at bahagya lang ipinilig ang ulo, matapos maramdaman ang kanyang presensiya. Bukas ang shower, na naghahatid ng kakaibang init sa lugar na iyon.Hinubad ni Edward ang kanyang sapatos, saka sumama kay Hannah sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa na kaunti na lang ay abot na ng ulo niya.Hinawakan niya ang mga balikat ng babae, saka ito hinalikan sa leeg. Mainit ang dampi ng kanyang mga labi sa mala niyebeng kulay ng kutis nito."Hmmm.." ungol ni Hannah habang nakahawak sa pader ng banyo na parang ninanamnam ang bawat lapat ng mainit na hiningang iyon sa kanyang makinis na balat.Iniyakap naman ni Edward ang kanyang mga braso sa baywang ng nakatalikod na babae, habang patuloy ang pagdampi ng kanyang dila sa balat nito. Unti unting nagkakaroon ng pulang marka ang balat ni Hannah.Dahan dahan siyang iniharap ni Edward. Sa basang mukha, nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan at hinaplos ni Edward ang makinis na mukha niya, saka dahan dahang ibinaba a
"Hannah.." tawag ni Edward ng makita ang asawa na nakatingin sa labas ng bintana at tila ba malalim ang iniisip."Bakit ninong?" hindi man lang niya nilingon ang lalaki at nanatiling nakatitig sa mga sumasayaw na bulaklak sa labas."Bakit hindi mo ako isinasama sa mga check up mo?" tanong nito sa kanya, "maaari naman kitang alalayan? nakakahiya na kay Renzelle kung siya lagi ang hinihila mo..""Ninong.." doon pa lang niya naisipang tingnan ang lalaki,l "pakiramdam ko, may nagmamanman sa akin.. ayokong masira ang plano natin at ayokong madamay ka.. nais kong lutasin ito ng unti unti ng hindi nasisira o nababatikan ang iyong pangalan," bahagya pa siyang ngumiti sa lalaki.Bigla naman ang daloy ng sinabi ni Hannah sa isipan ni Edward. 'Ganoon ba niya pinapahalagahan ang pangalan ko at ayaw niyang madamay ako sa mga ginagawa niya?'"Pero-- baka nahihirapan kayo," nag aalalang tanong niya s ababae. Ganito na lang, pasasamahan kita sa dalawang bodyguard, at kapag may napansing kahina hinala
Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng salamin. Wala na ang make-up na lagi niyang ipinagmamalaki. Ang buhok niyang laging maayos, ngayon ay magulo at nakalugay. Halos hindi na siya ang Leona na banidosa, maalaga sa sarili at maganda.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Caleb. Tahimik. Wala pa ring katiyakan ang kanyang damdamin, pero may dala siyang pagkain at gamot. Kahit naman papaano, ayaw naman niyang may mangyaring hindi maganda kay Leona.“Leona… kumain ka muna.” alok niya sa babae, na sa tingin niya ay isa ng bruha sa hitsura nito.“Huwag mo akong alukin ng pagkain,” matalim ang tingin ni Leona. “Pagkatapos mong sabihin sa’king si Hannah pa rin ang mahal mo, aakto ka ngayon na parang nagmamalasakit ka? Ganyan ka ba kasama, Caleb?”“Leona…” buntong-hininga ni Caleb. “Hindi kita kayang saktan pa. Pero hindi ko rin kayang ipilit ang sarili ko sa relasyon na hindi totoo. Marami na ang nangyari, hindi ko na kayang ipaliwanag pa.”“Hindi totoo?! Lahat ng taon natin? Hindi totoo?!” Pumatak
Natigilan si Leona sa narinig. Para siyang sinampal ng isang mapait na katotohanan. Ang lalaking akala niya'y pag-aari na niya, ang lalaking pinaglaban niya sa lahat—ay may iniibig pa ring iba. Hindi lang basta ibang babae, kundi si Hannah. Ang dating asawa, ang "mahinhing babae" na minamaliit nila noon."Caleb..." anas ni Leona. Nanginginig ang kanyang labi habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Ginamit mo lang ba ako?"Hindi sumagot si Caleb. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang sariling magalit, malito, at maluha sa iisang pagkakataon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi niya sinasadyang saktan si Leona, pero maliwanag sa kanyang puso: si Hannah pa rin ang kanyang mahal."Sumagot ka, Caleb!" sigaw ni Leona. "Anong akala mo sa akin? Basahan? Rebound?!"Tumitig siya sa babae, at bagama’t galit ang kanyang mga mata, may bakas ng pagod at pagsisisi sa kanyang mukha. “Alam mong may iniwan akong sugat sa nakaraan. Pero pinilit kong lumigaya, pinilit kong paniwalaan na
"Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni
"Totoo nga!?" halos mabasag ang speaker ng cellphone sa lakas ng boses n i Miraflor, "anong katangahan ang iniisip mo at sinaktan mo siya? talaga bang nababaliw ka na?""Ma-- ma-- makinig ka nga muna sakin.. hindi mo naiintindihan! hindi ko kagustuhan ang nangyari! siya-- siya ang may nais na gawin ko iyon sa kanya!" pangangatwiran niya sa ina."Talagang nababaliw ka na! sinong babae sa inaakala mo ang magnanais na saktan mo ng ganoon? humingi ka ng tawad sa kanya, ngayon din!" bulyaw ni Miraflor sa kanya.Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang mas ninais pa ng ina niya na paniwalaan si Leona kesa sa kanyang anak nito.Hindi niya mawari kung nagayuma ba nito ang kanyang ina, o ano.Hindi din niya maintindihan kung ano ang palabas na ito ni Leona at tila ba ginigipit siya.Ang akala niya, maayos na ang naging usapan nila, ngunit bakit umaarte na naman ito na parang biktima, gayong ginusto naman nito kung ano ang nangyari..Wala siyang matandaang nag away sila
"Talaga ,mommy?" gulat na gulat si Leona sa ibinalita ni Miraflor sa kanya."Oo, nakita ko sila.." kumunot ang noo ng matandang babae at doon napansin ang mga pasa niya, "anong-- nangyari sayo, hija?"'Ah--" ibinaba niya ang jacket na napangat sa kanyang braso.. Sdaya niya iyong ipinakita sa matanda, "wa--wala po ito.""Patingin nga!" hinila nito ang kanyang braso, saka tiningnan ang mga pasa, "sinong may kagagawan nito?""Wag na lang po nating pag usapan, mommy," namuo ang luha sa kanyang mga mata. Nais niyang makuha ang simpatiya ng matadang babae upang kampihan siya nito. "Ayoko pong magkaroon pa kami ng problema ni-- ni Caleb.. Pinagbibintangan niya kasi ako mommy na pinatay ang bago niyang babae.. hindi ko nga kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?""Ang walang hiyang yun at nagkaroon pa ng lakas ng loob na saktan ka. Humanda sa akin ang lalaking yan!" naniningkit ang mga mata ni Miraflor habang nakatingin sa bintana.Sa malayang mga mata ni Leona, mababanaag ang tagumpay. Hindi si
Magkasamang naglalakad sina Renzelle at Hannah sa pasilyo ng ospital, ng matanaw sila ng isang hindi kaaya ayang tao, si Miraflor!Hindi nila napansin ang babae, na sumusunod sunod sa kanila."Sasamahan kita sa loob.." nakangiting sabi ni Renzelle sa kanya."Sige.. kinakabahan nga ako eh.. sana okay lang ang baby ko." tugon niya sa kaibigan, "nakakatuwa.. magiging nanay na ko. Matagal ko ng pangarap ito.. ""Pero.. sino ba talaga ang tatay niyan?" alanganin ang ngiti na tanong ni Ellaine. "Si Edward ba talaga?""Pati ba naman ikaw?" nakangusong sagot niya sa kaibigan, "hindi ako nabuntis ni Caleb, baka hindi talaga kami para sa isa't isa.. Kaya noong makilala ko si Edward, siya ang ibinigay ni Lord sa akin na maging tatay ng anak ko.. Isa pa.. mahigit dalawang buwan na akong hindi ginagalaw ni Caleb.""Hindi kaya baog yung dati mong asawa?" biro ni Renzelle, "kasi, biruin mo, sa tagal niyo ng naging mag asawa, hindi ka niya nabuntis..""Hmmm, hindi ko masasagot yan," naiiling na sagot
"Magaling!!!" bati ni Edward sa kanyang kausap. Natuloy na ang plano nila na unang hakbang, ang magkasira sina Leona at Caleb.Nakatanaw si Edward sa glass wall ng floor to ceiling niyang opisina. Ang tamis ng ngiti sa kanyang labi, ay hindi maalis.Masyadong madali ang bagay na ito kung tutuusin. Hindi man lang siya pinawisan.Tama lang naman na palabasin nilang patay na si Cheska, at magbayad sa mga telibisyon para ipalabas iyon.Alam niyang si Caleb ay hindi totoong bato ang puso, lalo na at naging mabait dito si Cheska.Natatawa siya kapag iniisip na nakuha niya si Cheska sa online booking bilang professional clone. Ibig sabihin, lahat ng ipapagawa sa babae ay may katapat na presyo. Kaya nitong gawin ang kahit anong propesyon. At ngayon, naging sekretarya ito.Iniiwasang ipaalam ni Cheska ang kanyang totoong pangalan, para na rin sa kanyang siguridad. Madali niya itong makokontak kung sakaling kailanganin niyang muli ang serbisyo nito.Hindi niya akalaing madali lang mapaikot si Ca