Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
View MoreNang dumating si Luna Santos- Monteverde sa paliparan sa lungsod ng Villa Esperanza, lampas na sa alas nuebe ng gabi.
Ngayong araw ay kaarawan niya. Nang binuksan niya ang kanyang telepono, sunod-sunod na bati ang bumungad sa kanya. Ang mga mensahe na mula sa kanyang mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga kakilala. Ngunit sa kabila ng mga mensaheng natanggap niya, wala ning isang bati man lang sa kanyang kinakasamang si Eduardo Monteverde ang natanggap. Bahagyang natunaw ang mga ngiti sa labi ni Luna. Nang makarating sila sa Villa, lampas na sa alas diyes ng gabi. “Madam, ahhh ano pong ginagawa niyo rito?” nagtataka at naguguluhang boses ng mayordoma na si Aurora. “Nasaan sina Eduardo at Aria?” mahinang tanong ni Luna. “Hindi pa po nakabalik si Boss, nasa kwarto naman ang bata naglalaro.” sagot ng mayordoma. Inabot ni Luna ang bitbit niyang maleta sa mayordoma at dahan-dahang umakyat sa itaas na palapag ng hagdan. Nang makarating siya sa silid ng kanyang anak, naabutan niya ang supling na nakasuot ng pajama na pantulog, nakaupo sa isang maliit na mesa at tila lubhang abala sa isang bagay. “Aria?” malambing na boses ni Luna. “Mom!” masiglang sigaw ni Aria, ang kanyang mukha ay nagliwanag sa tuwa nang makita ang kanyang ina. Pagkatapos ay binalik ng supling ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa bagay na kanyang pinaglalaruan. Lumapit si Luna at mahigpit na niyakap ang kanyang anak. Nang halikan niya ito, tinulak siya palayo ng munting bata. “Mom, may ginagawa pa po ako.” wika niya, halata sa boses ang pagkawalang gana. Dalawang buwan nang hindi nakikita ni Luna ang kanyang anak. Labis ang kanyang pagka-uhaw sa presensya ni nito. Kahit gaano karaming halik ang ibinigay niya, hindi pa rin ito sapat upang maibsan ang kanyang pagnanasa. Nais din niyang makausap ang kanyang anak. Napapansin niya ang lubos na pagka-abala ng kanyang anak sa kanyang ginagawa. Ayaw niyang sirain ang kanyang konsentrasyon, kaya't mahinahon niyang tinanong, “Aria, nag-aayos ka ba ng kuwintas na gawa sa kabibe?” malambing na tanong ni Luna. “Oo!” masiglang sagot ni Ariya. Nang banggitin ang bagay na kanyang kinagigiliwan, nagniningning ang kanyang mga mata at nagsalita ng may kaguluhan. “Isang linggo nalang ang kaarawan ni Tita Regina, ito ang regalong inihanda namin ni Daddy para sa kanya, pinatingkad namin ng mabuti ang mga kabibe gamit ang mga kasangkapan. Maganda ba?” anito sa kanyang Ina. Nanuyot ang lalamunan ni Luna. Bago paman siya makapagsalita, narinig niya ang masiglang tinig ng kanyang anak na nakatalikod sa kanya. “Naghahanda rin si Daddy ng iba pang mga handog para kay Tita Regina. Bukas-?” Ninikip ang dibdib ni Luna, hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. “Aria… naaalala mo ba ang kaarawan ni Mommy?” mapait na tanong ni Luna. “Ha? Ano?” Nag-angat ng tingin si Aria sa kanyang ina, at pagkatapos ay binalik ang kanyang tingin sa mga kabibe na nasa kanyang kamay. “Mom, huwag po ninyo akong kausapin, nagugulo po ang pagkakasunod-sunod ng mga kabibe–” wika pa nito. Binitawan ni Luna ang kamay ng kanyang anak, at nanahimik na lamang. Tumayo siya roon ng magtagal, at nang mapansing hindi man lang siya tinitignan ng kanyang anak, napakagat-labi na lamang si Luna, at sa loob ng silid, umalis siya ng walang imik. Nakita siya ng mayordoma at sinabi, “Madam, tinawagan ko lang ang aking asawa, at sinabi niyang may mga tungkulin siya ngayong gabi, kaya magpahinga na po kayo.” mahinahong tugon niya. “Nauunawaan ko.” Sagot ni Luna. Pagkatapos ay nag-isip siya saglit, naalala ang mga sinabi ng kanyang Anak kanina, at tinawagan si Eduardo. Matagal bago sumagot ng nasa kabilang linya, ngunit ang kanyang tinig ay magaan. “May gagawin pa ako, tatawag nalang ako bukas.” walang ganang tugon ng lalaki. “Eduardo, napakalalim na ng gabi, sino ba ang kausap mo?” isang biglaang boses ng pagsulpot. Boses iyon ni Regina. Mahigpit ang pagkakahawak ni Luna sa telepono. “Wala.” ang isinagot lamang ng Lalake. Bago pa man makapagsalita si Luna, ibinaba na ni Eduardo ang telepono. Dalawa o tatlong taon na ang nakalipas mula ng huli silang magtagpo. Sa wakas ay nakarating siya sa Villa Esperanza, at hindi man lang ito nagmamadaling bumalik para makita siya. Kahit na sa pamamagitan ng telepono, wala man lang pasensya ang lalaki na makinig sa kanya. Napakaraming taon na ang nakaraan ng kanilang pagsasama, ngunit ganun pa rin ito sa kanya, malamig ang pakikitungo, malayo at walang pasensya. Sa katunayan, nasanay na si Luna. Kung noon, tiyak na tatawag muli ito sa kanya at mapagpasensyang tatanungin kung saan siya naroon at kung maari ba itong bumalik. Marahil ay napagod lang siya ng sobra ngayon, at bigla nalang siyang nawalan ng gana na gawin muli iyon. Kinabukasan, nang magising siya naisip niya ang tungkol kagabi at tinawagan si Eduardo. May labing pito o labing walong oras na agwat sa pagitan ng Valley Heights at sa Villa Esperanza. Sa araw na ito ginugunita ang kaarawan niya. Ang dahilan ng kanyang paglalakbay patungo sa Villa Esperanza sa pagkakataong ito, bukod sa nais niyang makita ang kanyang anak na babae at si Eduardo, ay ang pag-asa na makakasama silang makakain ng masaya sa kanyang espesyal na araw. Ito nga ang munting kahilingan ni Luna para sa kanyang kaarawan ngayong taon. Nang tawagan ni Luna si Eduardo, ay hindi ito sumasagot. Matapos ang ilang sandaling paghihintay, ay nagpadala ito ng isang mensahe. [May kailangan ka?] Anito ng lalaki. Luna:[ Mayroon ka bang oras sa tanghalian? Dalhin mo si Ariya, at kakain tayong tatlo sa labas ?] tugon niya. [Okay, ipabatid mo sa akin kung kailan napagpasyahan ang lokasyon.] sagot ni Eduardo. Luna: [Sige.] Pagkatapos nun, walang anumang balita ang dumating mula kay Eduardo. Hindi man lang ito naalala ang araw ng kaarawan niya. Sa isip ni Luna, kahit pa siya’y nakapaghanda na, ngunit hindi parin niya maiwasang makaramdam ng pagka dismaya. Matapos niyang maligo at maghanda upang bumaba, mula sa ibaba narinig niya ang boses ng anak niyang babae at ang mayordoma. “Aria, bumaba ka na rito, malungkot ba ang munting dalagita?” mapagbirong wika ng mayordoma.Noong labing pitong taong gulang pa lamang si Luna, binuo na niya ang Technopath kasama ang kanyang koponan. Marami noon ang nagpapawalang-halaga rito, at itinuturing na ordinaryo lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan nitong ito ang pinakamatibay na sandata ng kanilang kompanya, isang hindi matitinag na pundasyon ng kanilang tagumpay. Ngayon, kinilala na ng buong industriya ang kahanga-hangang kakayahan ng Technopath. Kaya naman tiyak na ang pagdating ni Regina ay dahil dito."Sa nakalipas na dalawa o tatlong taon, talagang napakaraming mahuhusay na indibidwal mula sa iba't-ibang larangan ang nagtungo sa aming kompanya, dahil sa wikang programming na ito." muling paliwanag ni Jeriko.Laking gulat ni Luna sa kanyang mga narinig.Mariing tumingin si Jeriko kay Luna, hinaplos ang kanyang ulo, at ngumiti habang sinasabi, "Kaya naman hindi ako nagkakamali kapag sinabi kong wala siyang halaga sa harap mo." Dagdag pa ng lalaki.Talagang napakagaling ni Luna sa larangang ito. Paa
Kinabukasan. Nakauwi lamang si Luna sa kanyang bahay matapos tuluyang humupa ang lagnat ni Eleanor.Pagkauwi niya, naalala niyang hindi pa pala niya nasisimulan ang paghahanda ng kanyang damit para sa gaganaping salu-salo bukas ng gabi.Kinahapunan, umalis si Luna.Pagdating niya sa isang mamahaling tindahan ng mga damit, abala pa ang tagapamahala at ilang mga empleyado sa isang damit. Dahil sa abala, napansin lamang nila ang presensya ni Luna nang lapitan niya ang mga ito."Paumanhin mis, ano po ang kailangan niyo?" boses ng babaeng tauhan."Ahh, titingin na muna ako." ani Luna."Sige po." malumanay na tumango ang tauhang babae.Bagama't ikinasal siya sa pamilya Monteverde, halos si Luna ay hindi nakakadalo sa anumang mga salu-salo sa nakalipas na mga taon.Kung tutuusin, hindi siya isinasama nina Eduardo at Marcela kahit pa kinakailangan nilang dumalo sa mga pormal na okasyon.Kung tungkol naman sa matandang ginang, matagal na siyang nanatili sa likod ng mga eksena at hindi na nag
Ilang sandali lamang matapos ang pagpupulong, lumapit kay Luna ang sekretaryang si Miguel. Ang mga salita niya ay banayad, halos bulong ngunit sapat na upang marinig iyon ni Luna."Halos tapos na ang iyong paglilipat sa trabaho, mukhang hindi mo na kailangang bumalik bukas." boses ni Miguel, habang ang mga mata'y naglalaman ng isang hindi mabatid na emosyon.Isang simpleng "Alam ko." Lamang ang isinagot ni Luna rito. Walang anumang emosyon ang naririnig sa kanyang titig, isang patunay ng kanyang mahinahong pagtanggap sa balita.Nakapagdesisyon na si Luna na siya na mismo ang magpapaalam kay Miguel sa pagkompleto ng kanyang mga gawain, kahit hindi pa man ito binabanggit sa kanya.Dahil sa personal siyang pinuntahan ng sekretarya, nakaiwas si Luna sa pagod ng paglalakbay. Ngunit hindi inaasahan ni Miguel ang gaan ng pagpayag nito. "Ahh saka nga pala..." usal ni Luna, saka inunat ang kanyang kamay, "Salamat sa pag-aalalaga mo sa mga nakaraang taon." aniya.Hindi pa rin nakakabawi si Mig
Dahil sa kulit ng kanyang anak, wala nang nagawa si Luna kundi ang sumamahan na ito sa hapag-kainan at naupo sa tapat ni Eduardo.Marahan namang inabutan ng mayordoma si Luna ng isang basong tubig. Habang iniinom ito ni Luna, tahimik niyang pinakinggan ang kuwento ni Aria sa mga nangyari sa kanyang paaralan nitong mga nakaraang araw. Si Eduardo naman ay parang wala siyang nakikitang iba kundi ang kanyang anak. Sinasadya niya ba iyon? O sadyang wala lang siyang pakialam? Hindi masasabi, ngunit ang pagwawalang-bahala niya kay Eduardo ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Napansin ni Eduardo ang pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Luna. Naalala ng lalaki ang huling pagbisita nila sa lumang bahay. Ganoon rin ang pakikitungo ni Luna sa kanya noon. Ang pag-aalala na iyon ay nagdulot ng isang madilim na anino sa kanyang mukha. Napakunot ang noo niya, ang galaw ng kanyang mga kamay ay huminto sa pagkain.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Eduardo. Saktong napatingin si L
"Opo." mahinang bulong ni Aria, ang pag-puot ng kanyang mga labi ay bahagyang humupa, napalitan ng isang manipis na ngiti. Isang maliit na tagumpay laban sa lungkot. Ibinaba niya ang telepono at bumaba sa hagdan, ang mga hakbang ay mas magaan na ngayon, patungo sa hapagkainan, dala ang isang bagong pag-asa para sa nalalapit na katapusan ng linggo.Matapos ibaba ang telepono, bumalik na rin kaagad si Eduardo sa kanyang pribadong silid. Pagkapasok pa lang niya, isang mapang-asar na boses ang sumalubong sa kanya, "Ang dami naman yatang tawag si Mr. President." biro pa ng isang bisita.Dahan-dahang inangat ni Eduardo ang baso ng alak sa kanyang labi, ang pulang likido ay sumasalamin sa malamlam na ilaw ng pribadong silid. Isang mahinang pagsimsim para sa sandaling katahimikan bago siya nagsalit, at halos walang emosyon."Nagtatampo kasi ang anak kong babae at ayaw kumain. Kinulit ko lang saglit." aniya, isang simpleng sagot.Nang marinig iyon, iba't-ibang ekspresyon ang sumilay sa mga muk
Sa pagkakataong iyon, ang sekretaryang si Miguel ay nakarating na sa silid ng tsaa. Nang marinig niya ang balita, natigilan siya.Si Miguel at ang isa pa nitong sekretarya na si Troy ay palaging naniniwala na si Luna ay hindi kailanman magiging handang talikuran ang kompanya. Matibay din ang paniniwala nilang makakahanap si Luna ng paraan para manatili. Kahapon, nang magsimula na si Melinda sa trabaho ni Luna, inaasahan nilang kikilos ito.Bukod pa rito, si Melinda ay mahusay at maganda. Paano nga ba magiging panatag si Luna na hahayaan ang dalaga na makasama si Eduardo?Ngunit ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang araw ay lubos na sumalungat sa kanilang inaasahan. Hindi lamang tinanggap ni Luna ang presensya ni Melinda, kundi isang hindi inaasahang pagiging malapit nito sa isat-isa. At tinuturuan pa niya ito kung paano gumawa ng kape?Ang kanilang nakikita ay tila hindi maipaliwanag na dahilan.Hindi alam ni Luna kung ano ang nasa isip ng sekretaryang si Miguel. Seryuso niyang
Isang mahabang, matinis na tili ang pumutol sa hangin, ang boses ni Aria. "Ahhh! Hindi pa pala ako nakapag hilamos at sipilyo, mom, mamaya nalang muna tayo mag-uusap muli!" anito, ang mga salita ay nagmistulang paro-paro, nagmamadaling lumipad.Pagkatapos noon, bago pa man makasagot si Luna, padabog na ibinaba ng bata ang telepono. Ibiniba na rin ni Luna ang kanyang cellphone at nag-almusal, at pagkatapos ay umalis patungo sa kompanya ng Monteverde para magtrabaho.May pagpupulong na gaganapin ngayong umaga, at si Eduardo ay dadalo rin.Pagdating nila sa silid, mahigit sampung minuto ng nakaupo si Luna at ang iba pa bago dumating si Eduardo.Isang iglap lamang at sa wakas ay naroon na rin si Eduardo. At sa sandaling iyon, tila huminto ang mundo para kay Melinda. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, isang pag-amin sa matagal ng pagpipigil. Ang mga mata niyang nagniningning ay tila nakatuon lamang kay Eduardo.Maya-maya, nang opisyal ng magsimula ang pagpupulong,
Halos madaling araw na nang makauwi sina Eduardo at ang kanyang mga kaibigan matapos ang masayang pagdiriwang para kay Regina.Nakita ng mayordoma si Eduardo na pauwi ng hatinggabi, at karga-karga pa nito si Aria. "Bakit gabi na kayo nakauwi?" nag-aalalang tanong nito."Hmm..." tanging sagot lamang ni Eduardo sa mayordoma.Nang mailapag ni Eduardo ang kanyang anak sa kama nito, isang mabigat na katahimikan ang sumalubong sa kanya ng pumasok siya silid. Binuksan niya ang ilaw ang sinag nito'y sumasalubong sa katahimikan. Ngunit wala roon si Luna. Isang biglang pagkabigla ang dumapo sa dibdib ni Eduardo. Agad niyang tinawag ang mayordoma, "Hindi ba siya umuwi ngayong gabi?" tanong niya, ang boses ay may bahid ng kaunting pag-tataka."Ahh si Madam? Hindi." kalmadong sagot ng mayordoma.Bahagyang nagulat si Eduardo. Madalang na ngang umuuwi si Luna nitong mga nakaraang araw. Bihira na lamang itong magpalipas ng gabi sa labas ng kanilang tahanan. Isang bagay na hindi karaniwan sa kanya.Na
Hindi paman nagtatagal ang kanilang pagkikita, ipinakilala na ni Eduardo si Regina kina Ricardo at sa iba pa nitong mga kaibigan. Kaya naman, nang sumapit ang kaarawan ni Regina, si Eduardo mismo ang humingi ng tulong kina Ricardo at sa kanyang mga kasamahan upang sama-sama nilang maipagdiwang ang espesyal na araw na iyon.Nang sumali si Regina sa isang kompetisyon, naroon din sina Ricardo at ang iba pang mga manood. Sikat na rin ang mga balita na maganda ang samahan nina Regina, Ricardo at nang iba pa nitong mga kaibigan.Napakaganda ng kanilang pagsasamahan, anupat kahit wala si Eduardo, palagi pa ring inaanyayahan nina Ricardo at ng kanyang mga kaibigan si Regina sa anumang pagtitipon. Tunay na tinatanggap nila si Regina bilang isa sa kanila, parang tunay na kapatid at kaibigan.Kaya marahil, kapansin-pansin ang paglamig ng pakikitungo nina Ricardo sa kanya sa nakaraang dalawang taon, isang pagbabago na tila ba nagpapahiwatig ng isang di-maipaliwanag na distansya sa pagitan nila.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments