THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA
Paninumula: Pagkatapos ng limang taon na patago nilang kasal, hindi kailanman malapit sa kanya ang kanyang asawa sa harap ng iba. Hanggang sa isinama nito ang kanyang dalawang anak na lalaki at maging si Trixie Domingo para mag candle light dinner at makatanggap ng papuri mula sa pamilya ni Shania mula sa internet bago ito tuloyang mamaalam. Nang marinig niya ang kanyang anak na tinawag itong "Auntie Trixie" dahilan ng pagkaguho niya at pagkawalang interest nito sa asawa niya na kailanman ay hindi ito mahal maging ang kaniyang mga anak ay kinamumuhian siya.
Naisipan na lamang ng Thessa na magpaka layo-layo at tanging paraan niya lamang ay mahalin ang sarili matapos ang pakikipag diborsyo sa asawa nito, at balikan ang dating maliit na negosyo sa Baranggay Payapa, doon ay nakakapag experimento siya ng mga halamang para sa mga may sakit , at mga halamang pang paganda.
Matapos malaman na gusto niyang maghanap ng Tatay para sa anak niyang Babae , isang sayantipikong boss, isang financial tycoon , at isang nangungunang idolo sa isang aktibadong teleserye at lahat ng mga ito ay nag rekomenda at nagpakilala sa kanilang sarili. Para humingi lamang ng pabor.
Kalaunan ang kanyang dating asawa ay biglang lumuhod at punong puno ito ng pagsisi sa mukha, "Thessa" mahal kita pwede ba tayong magpakasal muli? Ang tila bosses na puno ng pagsisi ng kanyang asawa.
"Carlo" para alam lang alam mo sariwa pa saakin ang lahat ng nagyari mula ng ikaw ay nagloko! Maging ang mga anak nito ay nagmakaawa na rin na balikan sila: "Nay" ikaw ang kailangan namin. At si Thessa ay iwinagayway na lamang ang mga kamay, " Hindi!" Hindi ko na kaya pa.
Basahin
Chapter: Chapter 39: P.2“Hindi na muling mag-aasawa si Nanay, anak… Nais ko na lamang mamuhay ng tahimik kasama kayo nina Kenzo at Bella. Gusto mo ba iyon, Kerby?” Mahinahong sinabi ni Thessa sa lalaking anak. Hindi kaagad nakasagot si Kerby, subalit alam niya sa kanyang sarili na gusto niya rin iyon. Gustong-gusto. Kapareho lang din iyon ng sinabi ng ama. Na kahit ano pa mang mangyari, ito ay mananatiling ama ni Kerby at Kenzo at ang kanilang ina ay mananatiling kanilang ina. Bukod pa rito, mayroon din silang maganda at mapagmahal na tiyahin.Nang maisip na araw-araw na nitong makakasama ang nakababatang kapatid na babae ay biglang nawala ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kaya naman ay gumuhit ang masayang ngiti sa kanyang mga labi at sunod-sunod ang naging pagtango niya sa ina. “Opo, Nanay! Gustong-gusto ko po iyon!” Hindi na mapigilan pa ang tuwa sa boses ng bata.Nakahinga ng maluwag si Thessa sa naging sagot ng anak. Bagama't mayroon siyang kaunting kumpiyansang papayag si Kerby na s
Huling Na-update: 2025-01-18
Chapter: Chapter 39: P.1Nang dalhin ni Thessa ang tatlo niyang anak sa malawak na amusement park ng mga katuwaan, pumaroon din sina Trisha kasama ang anak niyang si Nathan. Mayroon silang mahalagang pagpupulong sa kumpanya ng mga Riverra kaya't nagpasya itong manatili na muna sa isang hotel.Dalawang adulto at apat na musmos ang lubos na nasiyahan sa lahat ng nakakalugod na pasilidad ng parke ng mga bata. Paglabas nila, kapwa ang mga matatanda at mga bata ay puno ng saya at magagandang alaala.Kagagaling pa lamang ni Thessa magpaalam mula kina Trisha at sa mga kasamahan ng biglang tumunog ang cellphone number niya, isang mensahe galing kay Benjamin.Isang nakakagulat na balita ang kanyang narinig: napalaya na si Trixie, sa tulong ng makapangyarihang angkan ng mga Davilla.Habang papalubog ang araw, ang ginintuang sinag nito ay dumampi sa katawan ni Thessa, na para bang isang sagradong belo na naghahatid sa kanya ng karangalan at kadakilaan.Napukaw ng kanyang kagandahan ang pansin ng mga turistang nakapaligi
Huling Na-update: 2025-01-18
Chapter: Chapter 38: P.2Subalit ang ebidensyang ipinasa ni Thessa ay taliwas sa resulta ng imbestigasyon. Natulala na lamang si Dylan sa kung saan dahil hindi niya alam kung paano niyang ipaliliwanag kay Carlo ang lahat. Sa kabilang banda, nakatayo si Carlo sa kanyang harden. Ang kanyang mga mata ay nasa malayong parte kung nasaan nakatanim ang mga inaalagaang rosas.Iyon ay isang klase ng rosas na galing pa sa bansang Pransiya, ang rosas ay isang bihirang kulay itim na lila na mayroong napakagandang disenyong talaga namang mabibighani ang sinumang makakita lalo na sa tuwing ito'y aamuyin. Ang mga rosas na iyon ay si Thessa pa ang personal na nagtanim ilang araw bago ang kanilang kasal. Sa paglipas ng mga taon heto at masagana na itong namumukadkad. Ang kambal na sina Kerby at Kenzo at nakasunod lamang sa isang katiwala, dala-dala ng mga ito ang plastik na takure na ginagamit sa pandidilig at may pag-iingat nilang dinidiligan ang mga halaman, lalo na ang rosas.“Mr. Carlo? Mr. Carlo? Mr. Carlo?” Sunud-sun
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: Chapter 38: P.1Kumunot ang noo ni Thessa at masama ng tingin sa lalaki.“Tinatawag ka ng anak mo.” aniya.Ibinaba ng lalaki ang kanyang paningin sa bunsong supling, at agad na nagpahayag, “Tay, maaari ko bang isama si Bella kina lolo at lola? Gusto ko siyang ipakilala.”Tunay ngang ang pagmamahal nito sa kanyang kapatid ay mas lalong lumalalim.Ngunit sa pagkakataong iyon, marahang hinila ni Kerby ang kamay ng kanyang kapatid at bahagyang nag-aalala ang kanyang tinig, “Hindi, ang ating kapatid ay maliit pa lamang at kailangan niyang manatili sa kanyang Ina.” Masusing tiningnan ng Lalaki ang panganay nitong anak.Namataan ang pagka dismaya sa mga mata ng bunsong anak, ngunit agad din itong napalitan ng ningning, “Kung gayon, bakit hindi natin isama si Nanay at Bella?” Isang mahinang usal na halos hindi marinig, “Hindi naman ito ang unang pagdalaw ni Nanay kina lolo at lola, Nay, sumama ka sa amin sa lumang bahay!” boses ni Kenzo.Kung ikukumpara ito sa saya at pag-asang sumisimbolo sa kanyang mga m
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: Chapter 37: P.2Si Thessa ay suminghal ng isang ngisi: “Wala akong pakialam diyan.” Tumalikod ito at naglakad palayo ng hindi na lumingon muli.Bago ito umalis, ipinag-utos niya sa mga bodyguard na huwag papasukin ang lalaki kapag dinala nito ang mga bata.Carlo: “...” Walang imik.Nakita ni Kerby ang pagbabalik ng kanyang Ina mula sa harapan ng kanilang tahanan, nag-iisa. “Nay, aniya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka, “Nasaan si Tatay?”Yumuko si Thessa at marahang hinaplos ang maitim at malambot na buhok ng kanyang anak, “May pinadala lang ang iyong ama sa ospital,” wika niya, “Babalik rin ito mamaya upang sunduin kayo.”Si Kerby ay matalino at sensitibo mula pagkabata, bigla nitong naalala ang isang boses na naririnig niyang umiiyak.Isang tanong ang bumuo sa kanyang labi, “Si Tita, Trixie ba iyon?” Tanong niya sa sarili.Tumango naman si Thessa, hindi niya ito itinago sa anak niya.Mahigpit na hinawakan ni Kerby ang kamay ng kanyang Ina, isang matinding pighati ang sumasalamin sa kanyan
Huling Na-update: 2025-01-14
Chapter: Chapter 37: P.1Ngunit sa mga sandaling iyon.Ang isipan ni Lalaki ay nakatuon lamang kay Thessa. Isang matinding antipatiya ang nararamdaman nito mula sa babae, hindi mawala-wala ang matinding pag-ayaw na nadarama nito mula sa kanya, isang bigat na palagi niyang nadadala nitong mga nakaraang araw pa.Ang mainit na kamay na nakadapo sa kanyang pulso ang siyang dahilan ng di komportableng pakiramdam ni Thessa. Ang mga salitang binitawan ng lalaki ay tila nag-aapoy at nakakasakal sa kanyang dibdib. Walang pagaalinlangan malakas niya itong tinulak palayo at napunta sa ilalim ng puno.Masyadong biglaan ang pagkilos ni Thessa. Hindi agad nakasagot ang lalaki, ngunit nang makabawi ito, nasa puno na siya, nakasandal sa puno ng kahoy dahil sa pagtulak ni Thessa.Matalim itong tinitigan ni Thessa, at ang boses niya ay puno ng sarkasmo, “Kahihiyan? Nagkamali siya, at naghahanap ako ng hustisya! Sa tingin mo ba ito ay isang kahihiyan?” galit na boses ni Thessa.Malinaw at gwapo ang kilay ng lalaki. kapag ito
Huling Na-update: 2025-01-14