Paninumula: Pagkatapos ng limang taon na patago nilang kasal, hindi kailanman malapit sa kanya ang kanyang asawa sa harap ng iba. Hanggang sa isinama nito ang kanyang dalawang anak na lalaki at maging si Trixie Domingo para mag candle light dinner at makatanggap ng papuri mula sa pamilya ni Shania mula sa internet bago ito tuloyang mamaalam. Nang marinig niya ang kanyang anak na tinawag itong "Auntie Trixie" dahilan ng pagkaguho niya at pagkawalang interest nito sa asawa niya na kailanman ay hindi ito mahal maging ang kaniyang mga anak ay kinamumuhian siya. Naisipan na lamang ng Thessa na magpaka layo-layo at tanging paraan niya lamang ay mahalin ang sarili matapos ang pakikipag diborsyo sa asawa nito, at balikan ang dating maliit na negosyo sa Baranggay Payapa, doon ay nakakapag experimento siya ng mga halamang para sa mga may sakit , at mga halamang pang paganda. Matapos malaman na gusto niyang maghanap ng Tatay para sa anak niyang Babae , isang sayantipikong boss, isang financial tycoon , at isang nangungunang idolo sa isang aktibadong teleserye at lahat ng mga ito ay nag rekomenda at nagpakilala sa kanilang sarili. Para humingi lamang ng pabor. Kalaunan ang kanyang dating asawa ay biglang lumuhod at punong puno ito ng pagsisi sa mukha, "Thessa" mahal kita pwede ba tayong magpakasal muli? Ang tila bosses na puno ng pagsisi ng kanyang asawa. "Carlo" para alam lang alam mo sariwa pa saakin ang lahat ng nagyari mula ng ikaw ay nagloko! Maging ang mga anak nito ay nagmakaawa na rin na balikan sila: "Nay" ikaw ang kailangan namin. At si Thessa ay iwinagayway na lamang ang mga kamay, " Hindi!" Hindi ko na kaya pa.
ดูเพิ่มเติม"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka
Dahil sa kagyatan ng sitwasyon, agad na dumiretso si Carlo sa paliparan.Habang nasa sasakyan, maingat na inulat ni Dylan ang dahilan ng problema, "Ang dating namamahala sa panig ng kasusyo natin ay natanggal na sa pwesto. At ang kasalukuyang namamahala ay humihingi ng dalawang karagdagang puntos sa ating kontrata." kalmadong tugon ng sekretarya.Isang malamig, matigas na ekspresyon ang sumalubong sa mga mata ni Dylan. "Kung ganon, palitan nalang natin ang kasusyo." malamig na tugon ni Carlo.Isang linggo ang itatagal ng paglalakbay ni Carlo sa ibang bansa. Ang kanyang presensya ay kailangan doon, at ang pag-asa ay nakasalalay sa kanyang kakayahan na maayos ang sitwasyon.Sa gitna ng kaguluhan at pag-aalala, isang bagong damdamin ang nagsimulang tumubo sa puso ni Thessa. Sa loob ng isang linggo, naging malinaw sa kanya ang kanyang nararamdaman. Isang pag-ibig na hindi naging madali, tila ba isang pag-ibig na parang naglalakbay sa isang malamig na kweba. Upang makaligtas kilangan mong
Sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata, alam na ni Thessa na iba si Carlo. Hindi lang iba, kundi isang lalaki na walang puso at walang habag. Parang yelo ang kanyang mga mata, malamig at walang emosyong nakatingin sa lalaki.Kahit na hindi siya mahal ni Carlo, alam din niyang wala rin itong ibang babae na mahal. Iniisip niya na kahit respeto at suporta na lamang ang mayroon sila bilang mag-asawa pagkatapos ng kasal, ay maari pa ring maging mapayapa at maganda ang kanilang buhay.Subalit, sa kabila ng kanyang pag-iingat, hindi niya napigilan ang pagkahumaling kay Carlo. Unti-unti hindi niya namamalayan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing malapit ito.Sa pagdating ng kanilang kambal na mga anak, isang kapansin-pansing pagbabago ang naobserbahan ni Thessa sa lalaki, mas lalo na nitong inalagaaan ang kanyang pamilya. Nakakita ng pag-asa si Thessa at nagsimulang isipin ang posibilidad na magpakasal muna sila bago ang pag-ibig.Handa na si Thessa, tiyak na siya sa kanyang d
Ang bintana ng silid ay hindi gaanong nakasara, kaya't isang sinag ng mainit na na hangin ng tag-araw ang sumisiksik papasok. Bihira lamang magtagal ang mga mata ni Thessa sa mukha ng lalaki. Sa taglay nitong kakaibang kagwapuhan at ang kayamanan, hindi nga kataka-taka kung bakit maraming babae ang naghahabol sa kanya.Matibay ang paniniwala ni Thessa na kahit umabot pa sa apatnapu' o limampung taon, hinding-hindi mauubusan ng mga naghahabol na dalaga ang lalaking nasa harapan niya.Isang pagkunot ng noo ang sumalubong sa mga salita ni Thessa, at isang matinding pananakit ng sentido ang kanyang nararamdaman. Handa na sanang ipaliwanag ni Carlo ang lahat tungkol sa pakikipag-ugnayan niya kay Trixie ay pawang pagbabayad lamang ng utang na loob, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, isang kagyat na tawag mula kay Dylan."Boss, boss, si Ms.Trixie... wala na" nauutal-utal pang wika ng sekretarya.Ang bigat ng naunang pag-uusap at ang sumunod na katahimikan ay nagpaparamdam ng kakaib
Si Thessa Santiago-Davilla ay naniniwala pa rin na sa kabila ng nangyari kahit wala na ang matamis na pagmamahalan nilang mag asawa ay mananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t-isa para na rin sa anak na kambal nilang dalawa.Sa limang taong pagsasama at patago nilang kasal ni Carlo ay masasabi niyang nagampanan niya ng maayos ang pagiging isang ina at mabuting asawa para sa nabuo nilang pamilya.“Congratulations, Mrs! Kayo po ay nag dadalang-tao.” Masayang bati sa kanya ng doktor.Nakangiting naglalakad palabas si Thessa ng hospital at hindi na nga ito mapakali pa na sabihin agad sa kanyang asawa ang isang magandang balita. At maya-maya ay pwede na rin nga itong masundo at ng ma-iuwi na sa kanilang bahay kasama ang kanilang kambal na anak. Ngunit naka ilang tawag na nga si Thessa ay hindi pa rin mahagip si Carlo. Ni hindi niya malaman kung lowbat lang ba ito o busy pa nga sa trabaho. Tinawagan niya rin ang sekretarya nito ngunit ganoon din naman, pareho silang hindi sumasagot ng te...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น