Gayumpaman, ang mga pinto sa silid ay hindi gaanong nakasara ng mahigpit , kayat sa akyat palang niya ay kita niya na ang dalawang maliit na Bata na nakahiga sa pamamagitan ng madilim na ilaw sa koridor.
Ang dalawang bata ay nakatulog sa silid sa na inihanda ni Thessa para sana sa kanyang anak na si Bella, bagama't malaki naman ang kwarto nito, at nagkasya naman sila at nakatulog pa ng mahimbing.
Sa tapat ng silid ng mga bata ay naroon din ang kwarto ni Thessa na hindi rin gaanong nakasara.
Sa pag aakalang si Thessa ay nakapag asawang muli at nagka anak sila ng babae,‘’pasulyap nga na tingin ni Carlo , nakakuyom na lamang sa kanyang mga kamay at umalis nalang ito nang tila malungkot ang mukha.
Kinaumagahan..
Si Thessa ay hindi gaanong nakatulog at dahil mahimbing pa ang tulog ng anak nitong si Bella, ay nais niya munang bumaba upang maka inom muna ng mainit na kape.
Upang maka baba at makapag kape ng maayos si Thessa, binuksan na lamang neto ang monitor bidyo na konektado sa kanyang telepono upang ng sagayon ay mabantayan niya parin ang bawat kilos ng anak niya sa bella habang itoy natutulog pa.
Pagkalipas nga ng dalawang araw na pananatili ng mga Bata, si Kerby ay naganahan sa kanyang kapatid na Babae, maging ang bunso namang si Kenzo ay tila nahihiya parin tila unti-unti itong natutunaw sa sobrang kyut ni Bella.
Tila may pa sekreto pa nga ang mga batang ito na sumilip at tignan kung gising naba ang kanilang “Nanay” pumasok ang bata at nanatili sa kanyang tabi ang mga ito hanggang siya ay magising.
Ang sekretarya na naunang gumising, agad na kinapalan ang mukha ng masimot ang napakabangong kape mula sa silid ni Thessa , at don nakita niya na nagtitimpla ito ng kape.
“ Maari ba akong makahingi ng isang tasa” ang mahiyain na boses ng sekretarya.
Nang matapos na ngarin si Carlo sa pagbibihis ay agad naman itong bumaba , at nakita niya silang nagkakape: “ Boss , ang sarap pala ng kape na galing sa asawa mo, ngayun lang ako nakatikim ng masarap at mabango na kape.” Masiyahing mukha ng sekretarya.
“ Talaga? Gaano naman iyang kasarap” sagot naman ni Carlo sa sekretarya.
At agad nagmadali ang sekretaryang ubusin ang natitirang kape upang ng sagayon ay matignan ang labas kung maayos na ba ang panahon upang sila ay maka alis na.
Pagkalipas nga nang dalawang araw , ay humina na ang ulan, ngunit bali-balita parin na maydarating pang mas malakas na ulan, gayon paman hindi parin sila maka alis dahil sa patuloy na pag baha at pag guho ng mga bato, mas delikado .
Lumapit si Carlo kay Thessa at tinignan ang kamay nito na may hawak na kape, at sarkastikong sinabi: “ Limang taon na tayong kasal, ngunit diko batid na meron ka palang ganitong talento.”
Ngunit si Thessa ay naka tutok sa monitor nang kanyang telopono kung saan nakabantay sa pag gising ng kanyang anak, tila wala itong paki alam sa tanong o pasabi ni Carlo.
Si Thessa nga ay napansing gising na ang kanyang anak na si Bella , kita pa niya sa bidyo ang mga maliliit na kamay nito na hawak- hawak ang mga daliri nang kanyang mga kapatid , napakaganda ng gising nito at tila gusto pang humiga sa kama at matulog kasama ang mga kapatid.
Nang marinig niya nga ang mga salita ni Carlo, tumalikod lamang si Thessa at ngumuso “ Mukang dimona kailangan malaman.” Pasabi pa ni Thessa sa kanya.
Gayon paman nakita ni Thessa alsa bidyong pinagmamasdan na hindi naman gaano kalayo ang loob ni Kenzo sa Kapatid nitong Babae, bagamat binibigyan pa nga niya nito ng mga paborito niyang laruan ng sa gayon ay makasama naman ng batang ito si Bella maglaro.
Ibinaba ni Thessa ang kanyang tasa matapos magkape , at akmang aakyat na sana siya ng hagdanan , natapat ang kanyang siko kay Carlo at biglang nag alala ito dahil sa hindi pa pagbaba ng lagnat mula gabi meron parin itong lagnat.
“ Thessa, hindi kaba nakakaramdam nang awa sa tuwing nakikita mo ang iyong mga anak” biglaang pagtanong ito sa kanya ni Carlo.
“ Nawala ka samin ng halos dalawang taon, at nasa mga bisig mo ang Anak mong Babae saiyong mga kamay , naisip mo rin ba sina kenzo at kerby, Ina karin nila Thessa!”
“ Anim na taong gulang pa lamang sila , hindi mo man lang ba naisip na kailangan din nila ng isang Ina!” batid pa nito kay thessa.
Gayon paman, halos dalawangpot taon ding naging maayos ang pakikitungo ng pamilya ni Thessa at pamilya ni Carlo, hindi pa lamang ito naisilang si Thessa ay magkakilala na ang mga magulang nila bago sila maikasal.
Nagka roon naman ng problema sa pamilya ni Thessa dahil sa pagka bangkarota, kaya natagalan ang kanilang pakikipag ugnayan sa isat-isa.
Si Thessa ay labing taong gulang pa lamang nuon na nag-aaral sa isang unibersidad at na diskobrehan na ng ama nitong si Carlo, kaya naman nang naka graduate ito ay agad nagpakasal ang dalawa at si Thessa ay nabontis.
Ang nangyaring kasal na iyon ay bagamat pa sekreto lamang nangyari, inakala ni Thessa na mananatili ang respeto nila sa isat-isa bilang isang mag asawa kahit na wala itong pamamahal na nabatid.
Pero siya lamang ay nabigo, at hindi kailanman ito naramdaman mula sa kanya, iniisip niyang siya ay nagkamali ng taong pinakasalan.
“ Awa? Bakit ko naman mararamdaman iyon, ikaw ang unang nagkasala! Ikaw dapat ang maawa, bakit ? Nong ikaw ay nagloko kasama ng iyong kabit , naisip mo rin ba na ikaw ang ama ng mga anak natin?”
“Napaka babaw naman ng rason mo Thessa, isa lamanh iyong simpleng salo-salo upang masagi yan sa isip mo , seryuso ka ba?”
Itinaas na lamang ni Thessa ang kanyang ulo upang ma indi ang sakit na nararamdaman ng kanyang mata, dahil hanggang sa huling sandali naisip parin nito na si Trixie ang pinaglalaban niya.
“Thessa, si Trixie ay hindi siya babae tulad ng inaakala mo ,batid kung hindi mo ako naiintindihan, wagmo lang sana siyang siraan.” :paliwanag ni Carlo ng may panlalamig at lungkot sa kanyang mga mukha.
Makalipas ang dalawang taon, naisip ni Thessa na hindi na kailanman sasakit pa ang kanyang puso.Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay ganun parin, bawat salita na lumalabas mula sa kanyang labi ay kasing sakit parin nang isang karayom na nakatusok at tagos kanyang dibdib.“Wala na tayo, at ikinasal na akong muli.” Pakiusap respetuhin mo naman ang iyong sarili. Walang pagsubaling boses ni Thessa mula sa Ex nitong si Carlo at itinulak ito habang papa akyat na ito ng hagdanan.Muling hinawakan ni Carlo ang pulso ni Thessa at hinila ito pabalik sa kanya: “Sino ang lalaking iyon, upang maisip mong e abandona na lamang ang iyong Asawa at Anak?” Galit na tanong ito ni mula kay Thessa.Agad namang itinanggal ni Thessa ang mga kamay ni Carlo na nakapulupot sa kanya, at sinabi ang bawat salita. “Gusto mong malaman? Siya lamang ay isang Tao na isang daang beses, isang libong beses at sampung libong beses ang mas mahusay pa kaysa sayo!” Galit at agad na umalis si Thessa paakyat ng hagdan, n
Magalang na tumahimik lamang ito.“ Thessa, nakita kung si Bella ay mahimbing pa ang tulog, at saka malapit lamang ang ang aking bahay kaya makakabalik lamang ako agad, upang kunin lamang ang aking mga sinampay na damit, kaya ako napabalik ng biglaan. Pagpapaliwanag ni Manang Aurora sa amo nito na si Thessa.“Si Bella ay okay na ngayon. Kapag abala sa bukid sa nayon sa pagtatrabaho, ang mga Bata ay na nanatili lamang sa bahay nang mag-isa, at walang halos nangyari buong taon, papano na ang isang batang sanggol na Babae ay naging maselan? Hindi sya Lalake.” usal ni Thessa At sa puntong iyon, si Manang Aurora muling inituwid ang kanyang likod.“Ang tatay ni Bella ay gumagawa lamang nang gulo, wala kang alam, sinisisi niya lamang ako, ilang buwan na akong nagtatrabaho sa bahay niyo at kailanman hindi pa ako napagkamalan ng ganito. Thessa, meron ka para bigyan ako ng kompensasyon.” Pagtatampong boses nang Tiyahin mula kay Thessa.Si Thessa ay tumingin sa Tiyahin at nanh lamig ang kanyang
Ang Batang si Bella ay nasugatan.Nang marinig naman ng mga tao ang isang tunog mula sa nayon agad sila na lumabas upang tingnan at makahagip ng chismis kung ano iyon.“Tiya, nakiusap ako sayo na bantayan muna ang aking anak pansamantala dahil mayroon lamang akong gagamuting mga matatanda sa nayon, ngunit kinuha mo lang ang pera mula saakin at bumalik pauwi sa inyong bahay!” Galit na usal ni Thessa sa kanyang tiyahin nito.Gayon pa man, tinignan ni Thessa ang mga taong nasa labas na nakikipag chismis, “Iingatan ko ang aking anak kahit ilan pamang hakbang ang aking hahamakin para sa kinabukasan niya, at simula ngayon, lahat ng may dinaramdam na sakit, pumunta agad sa nayon upang maagapan at mabigyan ng lunas.”Wika ni Thessa sa mga taong naroon, at ipinaliwanag niya rin ang mga rason kung bakit wala na siyang nakikita pang doktor.Noong araw na iyon agad namang kumalat ang balita sa nayon ang tungkol sa Tiyahin nitong si Thessa na kumuha lamang ito ng pera at walang magandang ginawa ku
Malakas ang pagkaka sampal ni Thessa sa kabilang mukha ni Trixie dahilan ng pamamaga nito.Hindi na ito pinansin pa ang mga taong nag chichismisan sa kabilang partido dahil agad itong kinuha ang lalagyanan ng gamot para disimpektahin ang sugat ng kanyang anak na babae na dumudugo, habang ito nga ay ginagamot nanginginig pa rin ang mga kamay nito sa galit.At sa kabutihang palad, mabilis ang paggamot at tumigil ang pagdurugo nang hindi nagdudulot pa ng anumang malubhang sakuna.Si Bella ay lumapit at napaiyak sa leeg ng kanyang ina, at sinabing “Nanay, ang sakit talaga.” “Bella, anak wag kang mag-alala mawawala rin yan dahil ginagamot na yan ni Nanay” Wika ni Thessa na puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata dahil sa pag iwan nito sa kanyang giliran.Nakita rin ni Carlo ang mukha ng batang si Bella na may sugat at namumula dahilan ng pagka maga sa pisngi nito.Kaya naman ng nakita ni Trixie ang pag iyak ng bata, nakabatid ito ng pagka konsensya sa ginawa, at agad itinago ang kuko na ma
Ang batang si Bella ay may dinaramdam na lagnat.Nang maramdaman ni Thessa ang init habang naka sandal sa kanyang balikat ang anak nitong si Bella ay meron na pala itong lagnat, at agad naman nitong kinuha ang lalagyanan ng mga gamot upang mapa inom kay Bella.Nakarinig ng isang tunog “bang bang bang”sa kanilang bahay.Ang sofa na inuupuan ni Thessa, ang karpet na kanyang natapakan, at anumang bagay na “kontamindo” niya ay agad na itinapon ito lahat sa labas ng bakuran. Ilang sandali pa, nang matigil ang putukan agad na umalis si Thessa bitbit ang Anak sa Barangay Payapa, at hindi na nga ito nagtangkang lumingon pa.Naka lock ng malakas ang pintuan ng courtyard, at para bang si Thessa ay hindi na makakabalik pa.Tumingin si Carlo sa nag-aalalang mga mata ng dalawang bata, at lumubog ang kanyang puso. Hinawakan ni Kenzo ang mga kamay ng kanyang Kapatid na si Kerby, at hindi man lang pinakinggan ang pag komporta ng Tita nilang si Trixie, sa mga sandaling iyon ay hindi malilimutan ng m
Mabilis na sumugod ang batang si Kerby at hinawakan ng mahigpit ng dalawa niyang kamay ang palda ni Thessa.May bahid ng pagkabalisa ang boses nito: “N-nay, patawarin niyo po ako, patawad po Inay, nagsisi akong hindi ko napigilan ang kapatid ko, akala ko hindi na kita makikita pang muli…”Sumakit ang puso ni Thessa nang tawagin siya nitong “Nanay”, at hindi niya maiwasang maging malungkot.Kahit gaano paman siya ka lamig ng dugo sa mga ito, lahat ng kalungkutan noon ay itinabi na lamang sa likuran niya nang makita ang anak na may sakit.Si Thessa ay napa luhod at niyakap ng mahigpit ang anak sa kanyang mga balikat, at sinabing: “ Anak, wag kang matakot andito na si Nanay.”Ganon paman, nalaman ni Thessa mula sa matandang kasambahay na si Kerby pala ay madalas ng nagkakasakit simula ng pagbalik nila sa Barangay Payapa, madalas nga itong nilalagnat at patuloy na inuubo.Kaya naman si Carlo ay ipinasok niya sa isang Pribadong ospital ang anak upang maalagaan siya ng isang nars ng bente k
Kinaumagahan…Naramdaman ni Kerby ang pangangati ng kanyang pisngi. Suminghot siya. Narinig ang mahinang boses ni Thessa “Bella, wag mong istorbohin ang kapatid mong natutulog. Halika, magtitimpla tayo ng gatas.”Nanumbalik sa memorya niyang sumama nga pala siya sa ina kahapon. Nang iminulat ni Kerby ang kanyang mga mata, ang nakangiting mukha ni Bella ang nabungaran niya. Pumapalpak si Bella nang makitang gising na ang kapatid. “Kuya!” Lumingon si Thessa nang mapansing gising na si Kerby, “anak, kung inaantok ka pa, pwede kang matulog ulit.” aniya nang mapansing humihikab pa ito. Iling lang ang tugon ni Kerby.Ang paggising na katabi ang ina ay tila ba nakatulong upang mas mapabilis ang pagkawala ng lagnat niya. Hinawakan ni Thessa ang noo ng anak at nakitang wala na nga ang lagnat. Napahinga siya ng maluwag. Pagkatapos ng almusal kasama ng mga anak, dinala sila ni Thessa sa bakuran at naglaro.Doon ay may malaking duyan na gawa sa rattan. Si Thessa naman ay nakatayo sa likur
Nasulyapan niya ang anak na masayang kausap ang Ina, at hindi na ito naistorbo pa. Tumalikod siya at bumalik sa ginagawa.Natanggap na ni Kerby ang litrato na ipinadala ng kanyang Ina.Laking tuwa nito matapos na makumpirmang nai-save ang larawan.Gayon paman, nang matapos ni Carlo ang gawain, agad na bumalik ito sa silid, at doon napansin ang mobile phone na palihim na kinuha ni Kerby ay muling ibinalik sa gilid ng mesa.Sa sandaling namamahinga, biglang nag vibrato ang kanyang mobile phone, binuksan ito at nakita ang isang huwarang litrato na hindi pamilyar sa kanya.Sa kabilang partido ay may nagpadala ng mensahe na boses.Pinindot ni Carlo ang mensahe, nakita nito ang mga larawan habang binabasa ang iba pang mensahe.Karamihan sa mga larawan ay si Kerby at Bella. mayroon ding larawan nila ni Thessa, Ang Babae sa larawan ay maamo ang mga mata, habang si Bella ay masiglang nakangiti sa Kapatid, ganun din si Kerby ang may pagka hiya.Binuksan ang mensahe, at boses ni Thessa ang nagsa
Kung kaya mang ibigay ni Thessa ang sapat na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak, paano kung ang munting bata ay naghahangad din ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang puso?May isang sandali ng pagkabigla sa kanyang mga mata, at napahinto ang kanyang paghinga.Mahinahong sumagot si Thessa, "Yan ay... Hintayin muna natin ang resulta bago mo husgahan kung karapat-dapat kang mangialam." aniya.Isinara niya ang pinto ng silid-aklatan at iniwan ni Thessa ang lalaking nakatayo roon, ang likod ay isang larawan ng walang pakialam.Sa katahimikan ng silid-aklatan, si Carlo na lamang ang natira. Nagtikom ang kanyang mga labi, at dahan-dahang umakyat ang kanyang mga mata sa isang larawan sa may ibabaw ng mesa. Isang polaroid, kuha nina Thessa at ng tatlong mga bata.Sa araw ding iyon, sa tahanan ng mga Santiago. Nagtungo si Carlo upang sunduin ang mga bata, at nasaksihan niya ang kanilang pagkuha ng mga larawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pa siya sumingit nun sa kuha. Maaari na
Ang maliwanag at magandang mga nata ni Thessa ay may bahid ng pagdududa. Tumingin siya kay Carlo na puno ng may hindi pagkakaunawa, para bang siya'y sinasapian."Bakit ngayon ka biglang naging mabait kay Bella?" pagtatakang tanong ni Thessa.Sa harap ng mga matang puno ng pagdududa, parang iniipit si Carlo sa isang nakakasakal na silid. Nanghihina ang hangin, bawat paghinga'y tila pagsuong sa makapal na putik, unti-unting nauubusan siya ng lakas. "Thessa, nais ko lang bilhan ng mga laruan ang mga bata." giit pa nito.Sa isang tinig na walang bahid ng pagmamadali, ibinaon niya ang katotohanan: ang bagay na di masusukat ang halaga ay ginagawa niyang parang mga mumurahing paninda sa bangketa, walang saysay na banggitin."Milyon-milyong mga branded ang kasuotang pambihira, mga laruan lang ba talaga iyon sa paningin mo?" Malamig na usal ni Thessa, halos walang awang bumulwak mula sa kanyang bibig."Carlo, ginugulo mo ang lahat sa pagtatanghal mo, ano ba talaga ang pakay mo!" Dagdag pa niy
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka