Kinaumagahan…Naramdaman ni Kerby ang pangangati ng kanyang pisngi. Suminghot siya. Narinig ang mahinang boses ni Thessa “Bella, wag mong istorbohin ang kapatid mong natutulog. Halika, magtitimpla tayo ng gatas.”Nanumbalik sa memorya niyang sumama nga pala siya sa ina kahapon. Nang iminulat ni Kerby ang kanyang mga mata, ang nakangiting mukha ni Bella ang nabungaran niya. Pumapalpak si Bella nang makitang gising na ang kapatid. “Kuya!” Lumingon si Thessa nang mapansing gising na si Kerby, “anak, kung inaantok ka pa, pwede kang matulog ulit.” aniya nang mapansing humihikab pa ito. Iling lang ang tugon ni Kerby.Ang paggising na katabi ang ina ay tila ba nakatulong upang mas mapabilis ang pagkawala ng lagnat niya. Hinawakan ni Thessa ang noo ng anak at nakitang wala na nga ang lagnat. Napahinga siya ng maluwag. Pagkatapos ng almusal kasama ng mga anak, dinala sila ni Thessa sa bakuran at naglaro.Doon ay may malaking duyan na gawa sa rattan. Si Thessa naman ay nakatayo sa likur
Nasulyapan niya ang anak na masayang kausap ang Ina, at hindi na ito naistorbo pa. Tumalikod siya at bumalik sa ginagawa.Natanggap na ni Kerby ang litrato na ipinadala ng kanyang Ina.Laking tuwa nito matapos na makumpirmang nai-save ang larawan.Gayon paman, nang matapos ni Carlo ang gawain, agad na bumalik ito sa silid, at doon napansin ang mobile phone na palihim na kinuha ni Kerby ay muling ibinalik sa gilid ng mesa.Sa sandaling namamahinga, biglang nag vibrato ang kanyang mobile phone, binuksan ito at nakita ang isang huwarang litrato na hindi pamilyar sa kanya.Sa kabilang partido ay may nagpadala ng mensahe na boses.Pinindot ni Carlo ang mensahe, nakita nito ang mga larawan habang binabasa ang iba pang mensahe.Karamihan sa mga larawan ay si Kerby at Bella. mayroon ding larawan nila ni Thessa, Ang Babae sa larawan ay maamo ang mga mata, habang si Bella ay masiglang nakangiti sa Kapatid, ganun din si Kerby ang may pagka hiya.Binuksan ang mensahe, at boses ni Thessa ang nagsa
Sa hapag kainan sa mansyon ng Davilla.Habang kumakain ay napansin ni Carlo ang kanyang panganay na anak, na panay tingin sa kanya, tila may gustong sasabihin, ibinaba ang hawak-hawak na chopstick at agad nagtanong: “May problema ka ba?” “Tay, pwede ba akong dumalaw kay Bella at maglaro sa araw ng linggo?” nahihiyang tanong nito sa ama.“Nais ko lang sanang ibigay ang mga bago kung binili na laruan para sa kanya.” Matigas itong tinanggihan ni Carlo, ngunit ng makita niyang puno ng pag-asa ang nasa mga mata napalunok ito at sinabing: “Hayaan mo ang taga pag maneho natin na dalhin ka doon.”Ang batang si Kenzo naman ay biglang itinaas ang ulo habang hawak ang kanyang plato, “Tay, ako rin, gusto ko dalhin mo kami doon.” pakiusap naman nito sa ama.Sa araw ng linggo, inihatid ni Carlo ang dalawang bata sa kanilang Ina kasama si Trixie.Ang huli ay nagmukhang pang hostess.Hinawakan ni Trixie ang kamay ni Kenzo gamit ang isang kamay, habang sinubukan namang hawakan sa kabilang kamay si K
Matapos nilang mag almusal, ay nagising narin si Kenzo.Katulad ng ginawa ni Thessa sa dalawang anak, inulit niya ang pagpunas sa mukha sa ikatlong pagkakataon, si thessa ay mahusay, ngunit si kenzo ay mahiyain.Sinulyapan niya ang kanyang ina, at naakit sa maamong mukha nito, pagkukunwaring nakatingin sa malayo.Natuwa ng palihim si kenzo habang tinataas ang pajama nito, magmukhang kaaya-aya.Pagkatapos ay nilabas ni thessa ang mainit-init pang almusal para sa kanya, binangit niya ang pagdating ng kanilang ama kagabi.“Ang tatay niyo ay pumunta kagabi upang sunduin kayo, kaso nakatulog na kayo, kaya hinayaan muna niya kayong matulog rito.”Pagkatapos ipinaliwanag kung bakit nagising silang dalawa sa bahay niya.Tumunog ang timbre ng pinto.Si carlo ay dumating upang sunduin na ang mga bata.Pagkakita ni carlo kay kenzo, alam agad niyang natagalan sa pagtulog at tanghali na namang gumising.“Mag almusal ka muna.” Habang kumakain ay biglang napatanong si kenzo sa ama: “Tay, bakit ang a
Sa wakas ay nagsalita si bella: “kuya, magpaka bait ka, hintayin mo ako.” Ilang beses nang nakinig si kerby sa cellphone ni carlo, nabigo ito ng malaman na si bella at ang ina ay umalis sa bahay nila.Ngunit nangako sa kanya si thessa na agad itong tatawag kapag sila ay nakabalik na.Si thessa at bella ay nanatili sa loob ng tatlong araw sa Sorsogon City kung saan na ospital ang kapatid na si sofia, pagkatapos niyang ma discharge mula sa ospital ay agad na lumipad ang tatlo pauwi ng valencia.Nang gabing iyon, ay kakabukas palang ng mga ilaw.Habang papasok pa lamang si carlo sa isang kainan, nakita niya ang isang pamilyar na larawan.Ang babae ay nakasuot ng maliwanag na kulay lila, at ang itim na kanyang buhok ay nakatali sa likod ng kanyang ulo, na nagpapakita ng kanyang payat at maputing leeg.Sinundan siya ng tingin ng sekretarya at nagtatakang sinabi: “Si madam ba yan?”Malamig itong sinulyapan ni carlo, “kapag muli kapang tumawag sa maling numero, ang iyong bonus ay mababawasa
Sa tuwing nakikita niya ang maliwanag na mga mata ni bella, si carlo ay nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagitan sa pagiging malapit nito sa kanyang puso.Naalala ni bella na sa tuwing siya ay may dinaramdam na sakit binibigyan siya ng kendi ng ina. Bumaba siya sa kama ng maayos at hinanap ang kanyang bag na may kendi, kinuha niya ang kanyang paboritong kendi at nais na ibigay kay Carlo.“Pagkatapos mong uminom ng gamot, kumain ka ng kendi.” Wika ni bella sa kanya.Ngunit si bella ay wala pang alam kung ano ang kahulugan ng video call, nais niyang iabot ang kendi na hawak nito, ngunit hindi niya mabigay.Ang madilim na kalooban ni carlo ay lumiwanag dahil sa pagka aliw sa hitsura ni bella.Nang pumasok si thessa sa loob ng kwarto, nakita niya ang anak na nakahiga sa kama, nanginginig ang kendi na nasa kanyang kamay at itinapat sa telepono, bumulong-bulong tungkol sa pagkain ng kendi.Lumapit si thessa at sinabing: “Bella, kakakain mo lang ng kendi kanina, kapag ikaw ay kakain uli
Napahinto si thessa sa sandaling nakita ang kanyang mga anak.Unang bumaba ng sasakyan ang bunsong kapatid nito, at agad sumunod si kerby na may mukhang hindi masaya. NaSi bella naman na nakahawak sa bisig ng kanyang ina ay nakita ang kanyang pinakamamahal na kapatid, sinulyapan niya ito at iwinagayway ang kanyang maliliit na kamay para tawagin.“Kuyaaaa.”Nang makita ito ni Kerby, naisip niyang baka nanaginip lang siya. Hanggang sa pangalawang beses ay tinawag muli siya ni bella, nakita niya ito at lumiwanag ang kanyang mga mata.Ngumiti at kumaway si kerby sa kanila: “Bella, Nay.” Nakita rin ni carlo si thessa, at nang mag tinginan ang dalawa ay pareho itong umiwas na may malamig na mukha.Si bella ay umalis sa mga bisig ni thessa at agad na tumakbo patungo sa kanyang kapatid.At nang tatakbo na sana si Kerby, pinigilan ito ng kanyang tita trixie.Nagkunwari malungkot at sinabing: “Kerby, espesyal na naglaan ng oras para sainyo at samahan kayo ni Kerby, iiwan mo ba si tita trixie
Nanginig sa kanyang bisig habang hawak-hawak ni thessa ang anak na si Kerby.“Carlo, wag mong idamay ang mga bata sa away pang matatanda.” Galit na tono ng boses ni thessa at walang pakialam.Matalim ang mga tinginan ni carlo sa kanya, at ang malamig na mga mata nito ay nabahiran din ng galit.“Thessa, hindi pa ba sapat na pinayagan kitang tawagan ang mga bata araw-araw?” “Sino ba ang nagbigay lakas loob sayo upang udyukan ang mga bata na malayo sakin?” “huwag mong kalimutan na ikaw ang unang gustong makipag diborsyo, una mong ibinigay sa akin ang mga bata. pano mo ngayon nakuhang humarap upang lumapit at hingin sakin ang mga bata?”Sa ilalim ng nakakapasong araw.Isang lalaking nakaitim at naka pants na matangkad ang tuwid ang pigura, ang lalong nagpahalata sa kanyang dating malayo at walang pakialam na ugali. Ang malamig at malalim na mga mata ang siyang nag timpla ng kamahalan ng isang ama.Sa ilang taong nakalipas, inalagaan niya ang kanyang dalawang anak ng maayos, upang hindi i
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka
Dahil sa kagyatan ng sitwasyon, agad na dumiretso si Carlo sa paliparan.Habang nasa sasakyan, maingat na inulat ni Dylan ang dahilan ng problema, "Ang dating namamahala sa panig ng kasusyo natin ay natanggal na sa pwesto. At ang kasalukuyang namamahala ay humihingi ng dalawang karagdagang puntos sa ating kontrata." kalmadong tugon ng sekretarya.Isang malamig, matigas na ekspresyon ang sumalubong sa mga mata ni Dylan. "Kung ganon, palitan nalang natin ang kasusyo." malamig na tugon ni Carlo.Isang linggo ang itatagal ng paglalakbay ni Carlo sa ibang bansa. Ang kanyang presensya ay kailangan doon, at ang pag-asa ay nakasalalay sa kanyang kakayahan na maayos ang sitwasyon.Sa gitna ng kaguluhan at pag-aalala, isang bagong damdamin ang nagsimulang tumubo sa puso ni Thessa. Sa loob ng isang linggo, naging malinaw sa kanya ang kanyang nararamdaman. Isang pag-ibig na hindi naging madali, tila ba isang pag-ibig na parang naglalakbay sa isang malamig na kweba. Upang makaligtas kilangan mong
Sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata, alam na ni Thessa na iba si Carlo. Hindi lang iba, kundi isang lalaki na walang puso at walang habag. Parang yelo ang kanyang mga mata, malamig at walang emosyong nakatingin sa lalaki.Kahit na hindi siya mahal ni Carlo, alam din niyang wala rin itong ibang babae na mahal. Iniisip niya na kahit respeto at suporta na lamang ang mayroon sila bilang mag-asawa pagkatapos ng kasal, ay maari pa ring maging mapayapa at maganda ang kanilang buhay.Subalit, sa kabila ng kanyang pag-iingat, hindi niya napigilan ang pagkahumaling kay Carlo. Unti-unti hindi niya namamalayan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing malapit ito.Sa pagdating ng kanilang kambal na mga anak, isang kapansin-pansing pagbabago ang naobserbahan ni Thessa sa lalaki, mas lalo na nitong inalagaaan ang kanyang pamilya. Nakakita ng pag-asa si Thessa at nagsimulang isipin ang posibilidad na magpakasal muna sila bago ang pag-ibig.Handa na si Thessa, tiyak na siya sa kanyang d
Ang bintana ng silid ay hindi gaanong nakasara, kaya't isang sinag ng mainit na na hangin ng tag-araw ang sumisiksik papasok. Bihira lamang magtagal ang mga mata ni Thessa sa mukha ng lalaki. Sa taglay nitong kakaibang kagwapuhan at ang kayamanan, hindi nga kataka-taka kung bakit maraming babae ang naghahabol sa kanya.Matibay ang paniniwala ni Thessa na kahit umabot pa sa apatnapu' o limampung taon, hinding-hindi mauubusan ng mga naghahabol na dalaga ang lalaking nasa harapan niya.Isang pagkunot ng noo ang sumalubong sa mga salita ni Thessa, at isang matinding pananakit ng sentido ang kanyang nararamdaman. Handa na sanang ipaliwanag ni Carlo ang lahat tungkol sa pakikipag-ugnayan niya kay Trixie ay pawang pagbabayad lamang ng utang na loob, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, isang kagyat na tawag mula kay Dylan."Boss, boss, si Ms.Trixie... wala na" nauutal-utal pang wika ng sekretarya.Ang bigat ng naunang pag-uusap at ang sumunod na katahimikan ay nagpaparamdam ng kakaib