Binuhat ni Thessa ang kanyang Anak, at sabay halik pa nga sa mga magandang pisngi nito, tinignan ng may maamong mata sabay sabing “Anak, wag kang malikot , halika si mama nalang muna ang kalaro mo.”
Kitang kita nalang ang pagiging malapit na mag Ina sa isat-isa.
Kitang kita sa mata ng nakakatandang bata na si kerby ang pagka inggit habang ang nakababatang kapatid naman nito ay inalayo na lamang ang mukha sa kanila.
Pagkatapos ng kanilang almusal, lumabas si Carlo kasama ang Sekretarya naghahanap pa nga ang mga ito ng paraan upang maka-alis na agad sa bahay na iyon kasama ang mga bata .
Habang nasa labas sila, laking alala pa ni Thessa ang mga ilang minuto na pananatili ng mga Bata , iniisip niya parin ito kahit ilang taon silang hindi nagkita at kahit hindi siya mahal ng mga Bata , Anak pa rin ang tingin niya sa mga ito .
Kaya lang…
Napa simangot na lamang si Thessa dala pa ng mas lalong pananakit sa pakiramdam, ng pagtingin niya sa labas ay tila malakas pa rin ang bagyo at ulan hindi parin huminto sa pagdaloy nito.
Kayat nagtimpla na muna siya ng kape, at habang ginagawa ito ay kinuha naman ni Kerby ang kanyang paboritong laruan na kotse, maingat na inilabas nito ang kanyang ulo at inilipat patungo kay Bella .
Habang si Bella naman ay naka upo sa bakod ay iwinagayway ang mga maliit nitong mga kamay.
“Kuya.”
Napalingon si Thessa ng narinig , at nakita niyang tumigil si Kerby sa labas ng bakod.
Nagka salubong ang mga mata ni Thessa nakabatid ito ng pagka akward at napa yuko na lamang siya sa kanyang ulo at sinabing“ ito ang bagong laruan na binili ng tatay ko , gusto kong ibigay ito sa kapatid ko.
Nang makita ito ay hindi siya pinigilan , iniabot ni Kerby ang laruan patungo kay Bella.
“Ate , ito ay para sayo“
Tumayo na si Bella at naglakad papunts sa may bakod.
Biglang sumigaw ang nakababatang kapatid na si Kenzo“ Kuya, wag mong ibigay sa kanya!”
At narinig nga ni Carlo ang pag iyak ng batang si Kenzo.
Niyakap ni Bella ang laruang kotse at masunuring pumulupot sa mga bisig ng kanyang Ina, nagtataka kung bakit umiyak ng napakalakas ang kakaibang kapatid niya na ito.
Nang makita ni Kerby ang Kapatid na umiiyak, agad niyang nilapitan ito at niyakap upang patahanin , ngunit itinulak lamang siya nito at bumagsak siya sa lupa.
“Ayoko ng Kapatid, makipaglaro ka sa Anak ng isang masamang Babae!”
Binuhat ni Carlo si Kerby mula sa pagka bagsak, lumingon ito kay Kenzo at sumigaw ng malalim na boses: “Kenzo! Mag sorry ka, sa nanay at sa kapatid mo!”
Umiyak parin ng malakas si Kenzo: “Papa ayoko kay nanay, hindi niya nga ako mahal ey, Papa gusto ko si tita Trixie please papa dalhin mo ako sa kaniya , hanapin natin siya!” okay ? (Taksil!)
Napatingin na lamang si Carlo kay Kenzo nang may pagtatampo, nang magpatuloy pa sana siya sa kanyang pag bulyaw, narinig niya ang sinabi ni Thessa.
“Carlo, tama siya, hindi ako karapat- dapat maging ina niya.”
Madaling araw na at oras na para umalis ka sa bahay ko.
Napakalinaw nga ng mga salita ni Thessa na pinapaalis na niya ang mga Bisita.
Ngunit ang madaling araw na ito ay may mas malakas pa na ulan kaysa kagabi.
“Kung mag mamaneho , hindi ko makikita ng malinaw ang labas ng bahay.
Doon nga ay nakita ni Carlo ang hindi inaasahang magiging isa siyang walang hiya , kayat ang presyon na dumadaloy sa kanyang katawan ay bumaba sa sukdulan.
“ Thessa , mga Anak mo sila , sampung buwan mo silang pinag bubuntis! Paano mo matitis na sila ay palabasin habang ang ulan ay nanatiling malakas?”
Makikita na puno ng iritasyon ang boses ng Lalaki , at hinila pa niya ang kwelyo ng kanyang damit.
“Nilalagnat lang sina Kenzo at Kerby, paano masasabing hindi sinasadya ang mga salitang iyon ? Paliwanag ni Carlo.
Kerby: “Papa , ibinigay ko lamang ang isang kotseng laruan na binili mo para saakin , akala ni Kenzo ay sa kanya ang laruan na iyon na ibinigay ko kay Ate kaya siya nagalit.” “
Hindi naman matanggihan ni Carlo na bumili nang mga bagong laruan dahil yun ang hiling nang kanyang mga Anak , lalo pa't ito ang dahilan ng pagsisimula ng gulo sa loob ng sasakyan , (“nanlamig ang mga mata niya”.)
“Kenzo, ikaw lamang ang makakapag pasya kung kanino ibibigay ang laruan at hindi kailanman makatwiran ang pag iyak.” Tugon naman ito ng kanyang Ama.
Ang batang si Bella ay naka kapit parin sa bisig nang kanyang Ina, tila may sinasabi pa ito nang hindi maintindihan nang mga nakakatanda, ngunit ng marinig ang salitang “Kotse” ay agad itong bumaba mula sa bisig ng ina patungo kay Kenzo.
Ibinigay ni Bella ang kotseng laruan kay Kenzo “Kuya halika, maglaro ka.” masayang pag bigay nito ng laruan.
Ang akalay tila itong laruan lamang ang makakapag pahinto sa kanyang pag iyak.
Ngunit sa hinding-hindi inaasahang pagkakataon, ay inilayo ni Kenzo ang kanyang mukha , at sabay-sabay na pumatak ang mga luha at mas lalo pa nga itong umiyak.
Napapaiyak naman itong batang si Bella at tanging ang laruan lamang ang ipinapakita
ng kanyang ina nito upang nang sa gayon ay huminto sa pag iyak.
Ang batang si Bella ay lumapit kay Kenzo at dahan- dahan itong tinapik nang kanyang mga maliliit na kamay ang kanyang balikat. “Kuya, wag kang umiyak.” Si Kenzo ay dahang-dahang napa suyo ng kanyang maliit na Kapatid, “ ngunit hindi ako ang iyong Kapatid.” Batid niya pang pasabi ng mahinhin kay Bella.Napaisip na lamang na kahit ang masamang Babae ay hindi siya nakikilala. Napalingon na lamang ang Batang si Bella , dahil sa mga salita ni Kenzo na tila di maintindihan nang bata, kinuha na lamang nito ang isang garapon na lagayan ng kendi at hinanap ang kanyang Ina. “Nay, gusto ko ng kendi.” Hinawakan ni Thessa ang kanyang ulo at binigyan nga ito ng isa. “Ibigay mo kay kuya” Ang kendi na iyon ay paboritong paborito ng batang si Bella, at sa araw-araw na humihingi iyon ay isa lamang ang kanyang binibigay, para sa kanya ito ang pinaka magandang bagay kailanman.Nang makitang ibinigay niya ito kay Kerby , si Thessa ay napatigil saglit sa di inaasahang ganoon kabilis ang kanyang anak
Nang makita ang pag aatubili ni Kenzo, nakaramdam ng maayos na paghinga si Thessa, at gusto pa nga itong umalis kasama ang anak niyang babae na naka kapit sa kanyang mga bisig. Ang anak naman niyang si Kerby na nasa likuran, ay tila puno rin ito ng pag-aatubili .Palihim niyang sinulyapan si Thessa, gusto nitong magsalita ngunit hindi ito nangahas na ibinaba ang kanyang ulo sa pagka dismaya “ate behave?” Nakita naman iyon ni Carlo mula sa titig ng kanyang Anak sa pag-aatubili nito, kayat naisipan niya tawagin si Thessa at ng makausap niya ito. “Thessa, maari ba muna tayong mag usap.”Umiling si Thessa at daling tumanggi sa gusto niya. “Walang dapat pag-usapan! Maaaring maya-maya lang ay nariyan na ang asawa ko, kaya kung maaari ay makakaalis na kayo. Nagsitaasan ang mga kilay ni Carlo at napalingon na lamang ang kanyang mga mukha habang naka titig sa malamig na ekspresyon nito, ang mga nanlabasan na salita ay tila ba kasing talas pa nang isang espada na siyang ikinagalit nito.“Th
Gayumpaman, ang mga pinto sa silid ay hindi gaanong nakasara ng mahigpit , kayat sa akyat palang niya ay kita niya na ang dalawang maliit na Bata na nakahiga sa pamamagitan ng madilim na ilaw sa koridor. Ang dalawang bata ay nakatulog sa silid sa na inihanda ni Thessa para sana sa kanyang anak na si Bella, bagama't malaki naman ang kwarto nito, at nagkasya naman sila at nakatulog pa ng mahimbing. Sa tapat ng silid ng mga bata ay naroon din ang kwarto ni Thessa na hindi rin gaanong nakasara. Sa pag aakalang si Thessa ay nakapag asawang muli at nagka anak sila ng babae,‘’pasulyap nga na tingin ni Carlo , nakakuyom na lamang sa kanyang mga kamay at umalis nalang ito nang tila malungkot ang mukha. Kinaumagahan..Si Thessa ay hindi gaanong nakatulog at dahil mahimbing pa ang tulog ng anak nitong si Bella, ay nais niya munang bumaba upang maka inom muna ng mainit na kape. Upang maka baba at makapag kape ng maayos si Thessa, binuksan na lamang neto ang monitor bidyo na konektado sa ka
Makalipas ang dalawang taon, naisip ni Thessa na hindi na kailanman sasakit pa ang kanyang puso.Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay ganun parin, bawat salita na lumalabas mula sa kanyang labi ay kasing sakit parin nang isang karayom na nakatusok at tagos kanyang dibdib.“Wala na tayo, at ikinasal na akong muli.” Pakiusap respetuhin mo naman ang iyong sarili. Walang pagsubaling boses ni Thessa mula sa Ex nitong si Carlo at itinulak ito habang papa akyat na ito ng hagdanan.Muling hinawakan ni Carlo ang pulso ni Thessa at hinila ito pabalik sa kanya: “Sino ang lalaking iyon, upang maisip mong e abandona na lamang ang iyong Asawa at Anak?” Galit na tanong ito ni mula kay Thessa.Agad namang itinanggal ni Thessa ang mga kamay ni Carlo na nakapulupot sa kanya, at sinabi ang bawat salita. “Gusto mong malaman? Siya lamang ay isang Tao na isang daang beses, isang libong beses at sampung libong beses ang mas mahusay pa kaysa sayo!” Galit at agad na umalis si Thessa paakyat ng hagdan, n
Magalang na tumahimik lamang ito.“ Thessa, nakita kung si Bella ay mahimbing pa ang tulog, at saka malapit lamang ang ang aking bahay kaya makakabalik lamang ako agad, upang kunin lamang ang aking mga sinampay na damit, kaya ako napabalik ng biglaan. Pagpapaliwanag ni Manang Aurora sa amo nito na si Thessa.“Si Bella ay okay na ngayon. Kapag abala sa bukid sa nayon sa pagtatrabaho, ang mga Bata ay na nanatili lamang sa bahay nang mag-isa, at walang halos nangyari buong taon, papano na ang isang batang sanggol na Babae ay naging maselan? Hindi sya Lalake.” usal ni Thessa At sa puntong iyon, si Manang Aurora muling inituwid ang kanyang likod.“Ang tatay ni Bella ay gumagawa lamang nang gulo, wala kang alam, sinisisi niya lamang ako, ilang buwan na akong nagtatrabaho sa bahay niyo at kailanman hindi pa ako napagkamalan ng ganito. Thessa, meron ka para bigyan ako ng kompensasyon.” Pagtatampong boses nang Tiyahin mula kay Thessa.Si Thessa ay tumingin sa Tiyahin at nanh lamig ang kanyang
Ang Batang si Bella ay nasugatan.Nang marinig naman ng mga tao ang isang tunog mula sa nayon agad sila na lumabas upang tingnan at makahagip ng chismis kung ano iyon.“Tiya, nakiusap ako sayo na bantayan muna ang aking anak pansamantala dahil mayroon lamang akong gagamuting mga matatanda sa nayon, ngunit kinuha mo lang ang pera mula saakin at bumalik pauwi sa inyong bahay!” Galit na usal ni Thessa sa kanyang tiyahin nito.Gayon pa man, tinignan ni Thessa ang mga taong nasa labas na nakikipag chismis, “Iingatan ko ang aking anak kahit ilan pamang hakbang ang aking hahamakin para sa kinabukasan niya, at simula ngayon, lahat ng may dinaramdam na sakit, pumunta agad sa nayon upang maagapan at mabigyan ng lunas.”Wika ni Thessa sa mga taong naroon, at ipinaliwanag niya rin ang mga rason kung bakit wala na siyang nakikita pang doktor.Noong araw na iyon agad namang kumalat ang balita sa nayon ang tungkol sa Tiyahin nitong si Thessa na kumuha lamang ito ng pera at walang magandang ginawa ku
Malakas ang pagkaka sampal ni Thessa sa kabilang mukha ni Trixie dahilan ng pamamaga nito.Hindi na ito pinansin pa ang mga taong nag chichismisan sa kabilang partido dahil agad itong kinuha ang lalagyanan ng gamot para disimpektahin ang sugat ng kanyang anak na babae na dumudugo, habang ito nga ay ginagamot nanginginig pa rin ang mga kamay nito sa galit.At sa kabutihang palad, mabilis ang paggamot at tumigil ang pagdurugo nang hindi nagdudulot pa ng anumang malubhang sakuna.Si Bella ay lumapit at napaiyak sa leeg ng kanyang ina, at sinabing “Nanay, ang sakit talaga.” “Bella, anak wag kang mag-alala mawawala rin yan dahil ginagamot na yan ni Nanay” Wika ni Thessa na puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata dahil sa pag iwan nito sa kanyang giliran.Nakita rin ni Carlo ang mukha ng batang si Bella na may sugat at namumula dahilan ng pagka maga sa pisngi nito.Kaya naman ng nakita ni Trixie ang pag iyak ng bata, nakabatid ito ng pagka konsensya sa ginawa, at agad itinago ang kuko na ma
Ang batang si Bella ay may dinaramdam na lagnat.Nang maramdaman ni Thessa ang init habang naka sandal sa kanyang balikat ang anak nitong si Bella ay meron na pala itong lagnat, at agad naman nitong kinuha ang lalagyanan ng mga gamot upang mapa inom kay Bella.Nakarinig ng isang tunog “bang bang bang”sa kanilang bahay.Ang sofa na inuupuan ni Thessa, ang karpet na kanyang natapakan, at anumang bagay na “kontamindo” niya ay agad na itinapon ito lahat sa labas ng bakuran. Ilang sandali pa, nang matigil ang putukan agad na umalis si Thessa bitbit ang Anak sa Barangay Payapa, at hindi na nga ito nagtangkang lumingon pa.Naka lock ng malakas ang pintuan ng courtyard, at para bang si Thessa ay hindi na makakabalik pa.Tumingin si Carlo sa nag-aalalang mga mata ng dalawang bata, at lumubog ang kanyang puso. Hinawakan ni Kenzo ang mga kamay ng kanyang Kapatid na si Kerby, at hindi man lang pinakinggan ang pag komporta ng Tita nilang si Trixie, sa mga sandaling iyon ay hindi malilimutan ng m
Halos mabuwal siya, ang kanyang maliit na katawan ay tila lumulutang sa hangin.Napatayo si Thessa at William, parehong nag-aalala. Sa isang iglap, sabay nilang inangat si Bella at dinala siya sa kama.Mabilis na hinubad ng munting bata ang kanyang suot na sapatos at agad na sumiksik sa bisig ng kanyang Ina. Nakasuot ng medyas, humihingi ng yakap.Kinuha ni William ang hindi pa tapos na pagkain sa kama. Ang kanyang mga galaw ay mahusay at natural lang, nakatingin siya sa isang Ina at munting batang babae ng may malumay at mainit na mga mata.“Bella, magpakabait ka, may sakit pa si Nanay mo, hindi pa kita mahahawakan anumang oras. Dadalhin ka ni Tito mo pabalik sa kwarto mamaya para magpahinga, okay?” mahinahong sabi ni Thessa, ang boses niya ay may bahid ng pagod at lambing.Tumango ng masunurin ang munting si Bella, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa. Mabilis siyang lumayo sa mga bisig ng kanyang Ina.Niyakap ni Thessa ang kanyang munting supling at hinalikan, ang kanyang bose
Nais sanang bulalas ni Thessa: Nagdadalang tao ako sayo! Ngunit ang matinding pagdurusang nararamdaman niya sa kanyang sinapupunan ang nagpahina sa kanyang mga bisig upang bumagsak.Ang pagod na kanyang dinanas sa nakalipas na dalawang araw ay nagdulot ng kanyang kawalan ng malay.Naramdaman niyang bumagsak siya sa isang malamig na yakap. May naririnig siyang mahinang bulong na puno ng pag-aalala at kaba, tila boses ni Carlo, ngunit hindi niya mawari.Ang kanyang utak ay nag-aalinlangan, napaka imposible ng kanyang iniisip. Dahil sa hindi siya gusto ni Carlo, at kinasusuklaman siya nito. Tanging si Trixie lamang ang nasa puso ng lalaki.“Propesor Thessa, gising na po kayo!” boses ng isang assistant.Ngunit ang kanyang isip ay naguguluhan pa rin. Paanong…Ang katulong na nagbabantay sa tabi ni Thessa, ay nakahinga na rin ng maluwag matapos magkamalay ni Thessa. Sa gilid, naroon ang ilang doktor na nakasuot ng uniporme.Tunay at talagang makikita sa kanilang mga mata ang pag-aalala ni
Ang mga hibla ng buhok sa kanyang noo ay bahagyang basa pa rin, at dahan-dahang dumudulas ito sa kanyang kwelyo, sumusunod sa kanyang malumanay na mga kurba.Nang lumabas siya, handa ng magtungo sa kanyang silid si Thessa upang magpalit ng damit, ngunit nahinto dahil sa lalaki nag-aabang na nakaharang. Malalim at matatag ang kanyang tinig, “Kilala mo ba si Propesor T?” Tanong ni Carlo.Tiningnan siya ni Thessa ng hindi tumatanggi.Sa ilalim ng malabong liwanag ng silid, ang pares ng kanyang mga mata ay nagniningning ng kakaibang liwanag, lubos na naiiba sa liwanag ni Propesor T, animo'y sumasalamin sa sinag ng buwan sa labas ng bintana.Lumapit si Carlo sa kanya ng dahan-dahan, ang kanyang magagandang mga mata ay bahagyang naglalaman ng mga luha, at titig na titig ito sa kanya.“Ang sugat sa mukha ni Trixie ay lubhang malalim.” Panimula ng lalaki.“Narinig kong ang bagong gamot pangpaganda ni Propesor T ay mabilis na nakakapagpagaling ng balat. Maari kabang…” ang huling bahagi ng kan
Naglakad si Carlo sa mahabang pasilyo ng ospital, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang puntong hindi niya alam kung saan. Ang kanyang isip ay abala sa pag-iisip kung nasaan si Propesor T.Ang pangalang Propesor T ay palayaw ni Thessa, at tanging ang mga taong nasa kompanya ang nakakaalam kung sino si Propesor T. At yun nga ay si Thessa.“Nauna pa si Mr. Carlo kaninang umaga para magtanong tungkol sa oras ng konsultasyon ni Propesor T. Gusto niyang humingi ng tulong rito para gamutin ang isang pasyente.”“Ito ang impormasyon ng pasyente.” “Ang pasyente ay nagtamo ng pinsala sa mukha na nag-iwan ng peklat. Maraming cosmetic procedures ang kanyang sinubukan, pero hindi parin siya naka recover, kaya pumunta siya sa ating laboratoryo.”Inabot ng assistant ang isang dokumento.Siya lang ang iilang tao na nakakaalam sa tunay na relasyon nina Thessa at Carlo.Nang buklatin ni Thessa ang file. Hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pangalan ni Trixie.Naisip ni Thessa na dahil sa
Tumango si Thessa at maingat niyang inilagay si Kerby sa kama sa kaliwa. Sunod naman ay si Carlo na maingat ding inilagay si Kenzo sa kabilang kama.At agad na dinala ang dalawang bata sa pagsusuri.Sumulyap ang katulong sa lalaki, at sa harap niya mismo ay tinawag niya si Thessa at sinabing, “Ginang Thess, gusto kang makita ng Propesor sa opisina niya.” Anito.Nanatili si Carlo sa labas ng silid ng pagsusuri.Matapos magpalit ng damit, personal na sinuri ni Thessa ang dalawa niyang anak.Kilala ng lahat sina Kenzo at Kerby. Pagkatapos ng nakaraang nangyari sa kanila, kakaalis lang nila sa laboratoryong iyon, ngunit ilang sandali lang ang nakalipas sa hindi inaasahan, ay agad silang babalik.“Propesor Thess, nakuha na ang data ng gamot sa katawan ng mga bata!” wika ng katulong.“Propesor Thess, ito ang pinakabagong gamot sa dementia, imbento ito mula sa lungsod ng Moldova. Sabi nila espesyal ang gamot na ito.” Dagdag pa niya.Nang marinig iyon, agad na naglaho ang mga ngiti sa mukha
Napako ang tingin ni Carlo sa dalawang bata, ang kanyang puso ay nabalot ng pagka bahala. Naramdaman niya ang mabigat na pakiramdam sa mukha ni Thessa, at hindi niya maiwasang matakot.Hindi nakaramdam ng galit si Carlo sa pang-aasar ni Thessa. Sa halip ay nababahala siyang nagtanong, “Mabuti b ang kalagayan ng dalawang bata?” Aniya.Napako ang tingin ni Thessa sa kamay ng lalaki na nasa palad niya, nararamdaman ang init nito na dumadaloy patungo sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang tingin at nagsalita ng walang pag-aalinlangan.“Kung pipigilan mo pa ako, hindi mo na magugustuhan ang mangyayari.” anito sa lalaki.Tumama ang tingin ng lalaki sa helikopter, ang kanyang mga mata ay tila naninigas.Ang helikopter na sasakyan nila ay ginagamit ng J's Laboratory para sunduin ang mga pasyente. Mayroon itong maraming pribilehiyo.Nagulat ang lalaki ng malaman niyang may kakayahan pala si Thessa igalaw ang helikopter, hindi niya ito inaasahan.Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ni Thessa, hi
“Ms. Joan, hindi ako si Antonio, hindi ako ganun ka-bobo. Sa tingin mo ba, mapapatawad ka lang dahil sa drama mong ‘yan, sa paghihirap mo sa sarili mo?” Ang boses ni Thessa ay malamig at matalim, walang bakas ng awa o simpatya.Biglang natigilan ang babae. Ang pekeng pag-iyak niya ay biglang huminto, parang pinutol ng isang matalim na kutsilyo. “Ikaw ay isang ulila, kinuha ka ng isang mag-asawang walang anak sa Tree Village. Binigyan ka nila ng pagkain, tirahan, at edukasyon. At ano ang ginawa mo pagkatapos mong maka graduate? Kinuha mo ang perang ginamit ng iyong ama-ama na para sana sa kanyang gamot, para lang magpanggap na mayaman ka.” ang bawat salita ni Thessa ay parang mga patalim na tumutusok sa puso ni Joan.“Namatay ang aking ama-ama dahil sa sakit. At ang aking ina-ama… binenta mo siya pamilya nila Trixie ng sampung libong dolyar. Ngayon, hindi ko alam kung saan siya nakatira, sa buhay ng isang biyuda sa gitna ng bundok at kagubatan. Wala na akong balita sa kanya.” Ang bose
Natuklasan ni Thessa na ang kotse na may pekeng plaka ay pag-aari pala ni Antonio Reyes.Natagpuan nina Thessa si Antonio sa isang bar, nakahandusay at himbing na himbing ang tulog sa kalasingan. Walang pagaalinlangan, nagpadala si Thessa ng isang timba ng malamig na tubig para pukawin ang lalaki.“Thessa…Ate Thessa?” Ang boses ay halos pabulong, ang mukha'y bahagyang namumutla. Ang imahe ng babaeng nakahiga sa kama ng ospital ay unang sumagi sa kanyang isipan. “May nangyari po ba kay Fatima?” aniya, ang boses ay puno ng pagkabahala.Walang ekspresyon ang mukha ni Thessa nang ihampas niya ang litrato sa mukha ng lalaki, “Antonio Reyes, sa'yo ang kotse na ito, hindi ba?” Matigas na boses ni Thessa.Pilit na itinuon ni Antonio, ang kanyang mga mata ay nanlalabo sa kalasingan, ang tingin sa litrato. Tumango siya ng dahan-dahan. “Sa akin nga iyan, ngunit matagal ko ng ibinigay…” aniya.“Ibinigay mo ‘yan sa iyong querida kamakailan lang, hindi ba? Kalmadong tanong ni Thessa.Diretso at ma
Nais niyang hawakan ang braso ni Carlo, ngunit naunahan na siya ng lalaki. Nilapitan ni Carlo si Thessa at mariing tinanong, “At anong patunay ang hawak mo?” Aniya.Bumungad sa kanya ang matinding halimuyak ng mga pheromones. Napangiwi si Thessa at umatras ng dalawang hakbang, ang mga mata'y nakataas sa gwapong lalaking nasa harapan niya. May ibang karisma ang lalaki na nagpapabigat sa kanyang paghinga.Binuksan ni Thessa ang kanyang cellphone at pinatugtog ang recording.[Maghanap ka ng maaasahang tao para damputin ang dalawang anak ng pamilyang Davilla, at mapaniwala ang lalaki na si Thessa ang may gawa.][Huwag kang mag-alala, hindi siya magdududa. Buong-buo ang tiwala niya sa akin. Tandaan, kailangan mong maghanap ng taong mahigpit ang bibig, isang taong hindi magsasalita ng kahit na ano.][Ipaalam mo sa matandang babae na e benta ang anak na babae ni Thessa. Ilagay ito sa isang lugar na mahihirapan siyang hanapin pa!][Ingatan mo ang dalawang bata, huwag mong hayaang mahanap sila