Dion Clamente is a simple girl. She's in between of being an introvert and extrovert. She likes watching k-drama and anime. Pero sa lahat ng hobby niya sa buhay, ang panonood ng tiktok videos ng paborito niyang creator ang isa sa pinakapaborito niyang gawin. Wala siyang oras na pinapalagpas para makanood lang ng tiktok vids. Sa dinamidami ng creator at voice actors na naglipana sa buong social media ay isa lang ang nakakuha at nakaangkin ng interes at damdamin niya. At yun ay si Aki Hitoko. Pagkadinig pa lang niya sa boses nang lalaki ay may naramdaman siyang emosyon na di niya maipaliwanag. Sa baritono nitong boses ay para siyang hinihipnotismo. Sa bawat bigkas nito ng mga salita ay parang mawawalan siya ng diwa na para bang papanawan na siya ng ulirat. Di niya pa ito nakikita at tanging boses lang ang kilala niya pero isa lang ang alam niya, she's already into him. She's been captivated.
View More"Ano ba naman yan. Wala na ngang klase pinagpalinis naman tayo ng room," reklamo ng isa kong kaklase habang nagpupunas ng bintana. "Hayaan mo para naman 'to sa atin," sabi ko naman habang nagpupunas sa kabilang bintana.Todo linis kami ngayon kasi bukas ay may event ang school at may mga bisita pa galing sa ibang school. Every year ay may event ang school kung saan dumadalo rin ang iilang school na nasa city namin. Bukod sa math camp ay may parang jamboree na nagaganap rito sa school na siyang dinadayo ng ibang students.Lahat ay abala. Ang boys ay inilalabas ang mga upuan at nilalagay sa hallway. Ang iba naman ay nagbubunot ng damo sa likod at harap ng room. At habang ang ibang girls ay nagwawalis at naglalagay ng floor wax sa sahig alangan naman sa wall.Habang nagpupunas sa bintana na katapat na pwesto sa likod ng room ay nakita ko si Akihiko na nagbubunot ng damo. The way he grab the grass looks sexy and appealing. Medyo napalunok pa ako sa aking nasaksihan. Sa bawat hawak niya
Pagkapasok ko ng room namin ay hinanap ko agad si Akihiko. Hindi naman siya mahirap hanapin kasi bukod sa nasa katabing upuan ko siya ay angat siya sa lahat. Akihiko Cantilejo for president para angat buhay lahat. Just kidding. Agad akong tumabi kay Akihiko not minding my classmates calling my name."Pst," pag tawag ko sa atensiyon niya ngunit di niya ako pinapansin. "Pst Aki," pagtawag ko ulit sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa gawi ko."What did you just call me?" di makapaniwalang tanong sa akin ni Akihiko. What's with him?"Uhm I called you Aki?" pag-alangan kong sabi sabay ngiti."Don't call me by that name, call me Haru," sabi ni Akihiko at bumalik na ito sa ginagawa niyang pagkalikot sa cellphone niya.Kita mo ang sungit talaga. Pati nickname ipinagkakait. Ilang bagay na ba ang ipinagkait niya sa akin sa araw na ito? Marami-rami na rin.Napabuntong hinininga ako at kinuha ko na lang ang phone ko. Anong oras pa lang kaya wala pa ang teacher namin para sa pang hapon namin na
"Hi everyone," panimula niya. "I'm Akihiko Cantilejo." Tipid nitong sabi. Nagtama pa ang paningin naming dalawa bago siya tuluyang makaupo.Napanganga ako. Ang gwapo na nga ng mukha ang gwapo pa ng boses. Pasensiya na Aki kung nagtataksil ako pero shems ang boses niya kasi ang gwapo talaga."Close your mouth miss baka may pumasok na langaw o di kaya tumulo laway mo," sabi nito sa mismong tainga ko.Mas lalo kong isinubsob ang mukha ko dahil sa nadinig. Nakakahiya ka talaga Dion kahit kailan. Di tutulo laway ko sa kanya di naman siya gold. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko. Siguro titiisin ko na lang ng isang oras ang sakit bago ako magpunta sa clinic. Gusto kong i-chat si Hera, ang aking friend sa section namin, ngunit nag start na ang klase.Lalo lang tumindi ang sakit ng ulo ko ng mag-announce si ma'am Jiménez na may long quiz pa kami. Grabe talaga 'tong teacher na 'to everyday may quiz. Pagkabigay ng test paper sa amin ay agad akong nagsagot kahit iniinda ko ang sakit ng ulo ko.
Pagkadating ko pa lang ng bahay namin ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Agad kong binuksan ang laptop at nagconnect sa wifi namin. Kung mag ask kayo about our wifi password, it's SECRET. Napagalitan pa ako ni mama dahil muntikan pa akong mauntog sa hagdan buti na lang nakakapit ako sa barindelya. Di na din ako nagpalit ng damit dahil late na ako ng one minute sa panonood. Kapag friday kasi ay nanonood ako ng livestream ng paborito kong voice actor sa Tiktok at YouTube. Kung dati ay gumagala ako pagkakatapos ng klase kasama ang mga classmates ko, ngayon hindi na deretso na ako sa bahay pagpatak ng ala singko. Bahay-School-Library-Bahay. Yan na lang ang routine ko sa pang-araw-araw. Lahat nga ng friends ko ay naguguluhan at nagtatanong na kung bakit di na ako sumasama sa mga gala nila. Ang lagi ko lang sagot ay nagbabagong buhay na ako.Sa ilang buwan na pag fan girl ko kay Aki ay halos maubos ko na mapanood lahat ng videos niya. Dinadownload ko pa ang mga ito at kino
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments