"Hi everyone," panimula niya. "I'm Akihiko Cantilejo." Tipid nitong sabi. Nagtama pa ang paningin naming dalawa bago siya tuluyang makaupo.
Napanganga ako. Ang gwapo na nga ng mukha ang gwapo pa ng boses. Pasensiya na Aki kung nagtataksil ako pero shems ang boses niya kasi ang gwapo talaga."Close your mouth miss baka may pumasok na langaw o di kaya tumulo laway mo," sabi nito sa mismong tainga ko.Mas lalo kong isinubsob ang mukha ko dahil sa nadinig. Nakakahiya ka talaga Dion kahit kailan. Di tutulo laway ko sa kanya di naman siya gold. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko. Siguro titiisin ko na lang ng isang oras ang sakit bago ako magpunta sa clinic. Gusto kong i-chat si Hera, ang aking friend sa section namin, ngunit nag start na ang klase.Lalo lang tumindi ang sakit ng ulo ko ng mag-announce si ma'am Jiménez na may long quiz pa kami. Grabe talaga 'tong teacher na 'to everyday may quiz. Pagkabigay ng test paper sa amin ay agad akong nagsagot kahit iniinda ko ang sakit ng ulo ko. Binilisan ko na lang dahil parang sasabog na utak ko. Hindi naman mahirap ang quiz lalo na at tanda ko ang mga sagot. Pagkatapos ko magsagot ay ibinigay ko kay Akihiko ang papel ko."Pakibigay kay ma'am Aki kasi pupunta ako ng clinic," sabi ko at lumabas na ako ng room kahit di nagpapaalam Kay ma'am.Kahit na hirap ay naglakad pa din ako makapunta lang sa clinic. Bakit ba kasi ang layo ng clinic sa room ng mga senior high shutangina. Pag ako nagkaroon ng eskwelahan kahit saan palalagyan ko ng clinic."Oh Dion buti andito ka na. Ikaw na lang muna magbantay ng clinic may nahimatay daw na estudyante sa grade 10," paghahabilin sa akin ni ate Tina na siyang school nurse ng school namin. Si ate Tina yung sinasabi kong anak nina Doctora Cantilejo na siyang kapatid ni Akihiko."Sige ate. Tutulog lang ako saglit kasi sumasakit na naman ulo ko," pag sang-ayon ko."Pwede kang kumuha ng gamot sa cabinet if you want and pag di mo na kaya just call me tatawagan ko parents mo to fetch you just in case," Ate Tina said then she leave me after that.Maingat kong inilapag ang bag ko sa sahig at pumuwesto na sa hospital bed ng clinic. Nasobrahan ata ako kakababad kahapon tapos mga alas tres na nga ako nakatulog dahil sa panonood ng Anime at pagbabasa ng manga. Kasama ako sa Team puyaters na laging nagprapray ng good health. Siguro pagod na kakabantay sa akin ang guardian angel ko kung meron man.Iidlip lang sana ang balak kong gawin ngunit nauwi ito sa mahabang tulog. Nagising na lang ako dahil sa nadinig kong pag-uusap ng dalawang tao."Ate someone in my class called me by my username and it was insane. I'm kinda anxious right now if she really knows something about my identity," sabi ng pamilyar na boses.Iminulat ko na ang mga mata ko ngunit nanatili lang akong nakahiga. Katamad pa kasing bumangon."Don't be. No one will know about your real identity here. Because as far as I know kids here likes anime but no one likes voice acting here in our place," pagpapayo naman ni ate Tina."I do like voice acting," bale walang sabi ko."What the fuck Ate someone's here?" gulat na sigaw ni Akihiko. Pssshh parang tanga lang."Oh yeah I forgot about you Dion come here," pagtawag sa akin ni Ate Tina. Bilang mabait na bata ay lumapit ako sa kanila ng kapatid niya."This is my assistant Dion Clamente. She's also our neighbor Haru. And this is my baby brother Akihiko Haru," pagpapakilala naman ni ate Tina sa amin sa isa't isa. Haru? So may second name pala siya nice.Iniabot ko ang kamay ko kay Akihiko and I thought he would refuse on shaking my hands but he didn't instead he walk closely to me and held my hand and grip it tightly. Like the heck balak niya ata akong balian ng buto. So dahil palaban ako I squeeze his hand with the same intensity as his grip. Di pa ako nakuntento at mas nilakasan ko pa ang paghawak sa kamay niya."Ouch," dinig kong igik ni Akihiko bago ko bitawan kamay niya."Varsity ako sa bunong braso sa section natin kaya wag ka na magulat," pagmamalaki ko habang may ngiti sa mga labi. Paglatapos ay itinuon ko ang atensiyon ko kay ate Tina. "Magkaklase po kami ate.""Oh yeah I forgot STEM student ka rin, silly me," ate Tina said as she smile. Ang anghel talaga kaya ata may crush si kuya sa kanya."By the way about earlier, I love voice acting but I'm not good at it. Wait are you a voice actor?" I said then hinawakan ko sa uniform si Akihiko. Biglang namutla ang lalaki."No-yes I mean kinda," tila naguguluhang tugon niya sa akin. Weird. Tumikhim ito bago nagsalita ulit. "I just started vtubing last month."Parang na excite ako sa nadinig ko. Binalewala ko na lang ang umpisa naming alitan ni Akihiko kung alitan man ang tawag doon."What's your username? You're acc? Where do you usually stream? What kind of character do you usually impersonate and do voice overs? Wait what's your agency?Do you have your own discord server?" di ko mapigilan na huwag sunod-sunod na magtanong dahil na excite ako. Self nakakahiya ka talaga wala kang preno. Napangiwi na lang ako at awkward na tumingin kay Aki."I'll tell you soon," tipid na sagot ni Aki at umupo na sa sofa na nasa harap lang ng desk ni Ate Tina. Sumunod ako sa ginawa niya ngunit sa kabilang dulo ako naupo. Ano siya gold para tabihan ng isang katulad ko? Just kidding ehe no hard feelings bruh. Pero yun na nga buraot 'tong Akihiko na 'to eh account lang di ibinibigay akala mo naman diamond siya. Iyak selp."What did we—," putol ko sa sinasabi ko sabay kamot sa ulo. May kuto yarn?"— aish ano na nga lang ginawa niyo kanina habang wala ako?""We had quiz earlier in chemistry 2 and in Biology 1," sagot ng englishero kong kaklase. Madali lang pala—ibagsak ng sub."but don't worry your friend excused you and explained your situation to our instructors."Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko dahil sa narinig. Kahit kailan talaga maaasahan si Hera. Ngumiti ako na parang walang kasama."Uhm by the way, thank you pala sa pagpass mo ng papel ko kanina," pagpapasalamat ko. Naalala ko kasi na ibinigay ko sa kanya ang papel ko before I came here.Tipid lang na ngumiti sa akin si Aki at bumalik na sa pag kalikot sa cellphone niya. Mas lalo ata siyang gumwapo sa paningin ko well minus the attitude. Gwapo sana kaso may pagkasuplado sarap kutusan.Tumayo ako at bumalik sa pagkakahiga dahil di matinong kausap katabi ko. Ayoko namang istorbohin si ate Tina."I-excuse mo ulit ako sa mga subject instructors natin for this afternoon sleep lang ako," pagsasabi ko bago ko ipikit ang mga mata ko.Naramdaman ko na lang na may humila sa akin papatayo. "Ano ba matutulog nga ako," pasigaw kong saad."We will attend our afternoon class. You had enough sleep so I guess your headache already passed," dadagukan ko na talaga 'tong Akihiko na 'to eh."Gusto ko pang matulog and please stop touching me di tayo close," I said then I slapped his right hand which is holding my left wrist. Ang lakas ng loob manghawak di naman siya gold.Nakita kong huminga siya ng malalalim. Parang nag slow motion bigla ang lahat. Nakita ko pa ang marahang pag-alon ng adam's apple niya dahil sa ginawa niyang paglunok. Shemay parang ang sarap hawakan. Dahil magkalapit lang kami ay lumuhod ako sa kama at inabot ang adam's apple niya sabay haplos."The heck!" sigaw ni Akihiko. Pati ba naman adam's apple ipagkakait? Di makatarungan. "Stop doing that and don't you dare touch it again," mariin nitong sabi."Bakit masama ba yun? Wala naman atang masama si ginagawa ko," dahil sa sinabi ko ay mas sumama ang tingin niya sa akin. Ang buraot na kaibigan este kaklase. Feeling close siya eh.Bumaba na ako ng kama at kinuha na ang bag ko habang siya ay sinusundan lang ang bawat kilos ko. Nang ready na ako umalis ay nagpaalam ako kay ate Tina."'Te balik na ako sa room," sabi ko sa kanya."Mukhang close na kayo ng kapatid ko ah," nakangiting turan ni ate Tina."Feeling close lang yang kapatid mo ate," tumingin ako kay Akihiko at umirap sabay labas ng clinic. Naramdaman ko pang nakasunod siya sa likod ko."Pwede bang wag kang sumunod? nakakairita ka kasi," medyo pasigaw kong saad. "Isa kang buraot na siomai.""Lady, this is the easiest way to our room. What are you expecting me to do? Take a reroute and walk 15 minutes just to reach our class?" Wait a minute may kaboses siya nung sinabi niya ang lady. Imbes na mainis ay mas naexcite ako."Say that again?""What?" He looked at me flatly."The lady word, say it again," pag-uulit ko."No," he said as we continue walking. Hinabol ko siya at hinawakan siya sa dulo ng suot niyang blue polo shirt na siyang uniform ng school namin. Hindi huminto si Akihiko at mas binilisan lang ang paglalakad.Halos lahat ng madadaanan namin na mga estudyante ay napapatingin sa amin. Ang iba naman ay magbubulungan. Kahit nung naglalakad na kami sa gilid ng oval ay nakahawak pa rin ako sa uniform niya."Sabihin mo na nga yung lady sige na," walang humpay na pangungulit ko. Huminto siya at dahil hindi ko napansin ay bumungo ako sa likod niya."Stop annoying me hindi tayo close," sabi niya at mabilis na naglakad papalayo sa akin. Naiwan naman akong nakanganga sa gitna ng arawan.What the heck? Did he just used the 'di-tayo-close' card at me?Pagkapasok ko ng room namin ay hinanap ko agad si Akihiko. Hindi naman siya mahirap hanapin kasi bukod sa nasa katabing upuan ko siya ay angat siya sa lahat. Akihiko Cantilejo for president para angat buhay lahat. Just kidding. Agad akong tumabi kay Akihiko not minding my classmates calling my name."Pst," pag tawag ko sa atensiyon niya ngunit di niya ako pinapansin. "Pst Aki," pagtawag ko ulit sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa gawi ko."What did you just call me?" di makapaniwalang tanong sa akin ni Akihiko. What's with him?"Uhm I called you Aki?" pag-alangan kong sabi sabay ngiti."Don't call me by that name, call me Haru," sabi ni Akihiko at bumalik na ito sa ginagawa niyang pagkalikot sa cellphone niya.Kita mo ang sungit talaga. Pati nickname ipinagkakait. Ilang bagay na ba ang ipinagkait niya sa akin sa araw na ito? Marami-rami na rin.Napabuntong hinininga ako at kinuha ko na lang ang phone ko. Anong oras pa lang kaya wala pa ang teacher namin para sa pang hapon namin na
"Ano ba naman yan. Wala na ngang klase pinagpalinis naman tayo ng room," reklamo ng isa kong kaklase habang nagpupunas ng bintana. "Hayaan mo para naman 'to sa atin," sabi ko naman habang nagpupunas sa kabilang bintana.Todo linis kami ngayon kasi bukas ay may event ang school at may mga bisita pa galing sa ibang school. Every year ay may event ang school kung saan dumadalo rin ang iilang school na nasa city namin. Bukod sa math camp ay may parang jamboree na nagaganap rito sa school na siyang dinadayo ng ibang students.Lahat ay abala. Ang boys ay inilalabas ang mga upuan at nilalagay sa hallway. Ang iba naman ay nagbubunot ng damo sa likod at harap ng room. At habang ang ibang girls ay nagwawalis at naglalagay ng floor wax sa sahig alangan naman sa wall.Habang nagpupunas sa bintana na katapat na pwesto sa likod ng room ay nakita ko si Akihiko na nagbubunot ng damo. The way he grab the grass looks sexy and appealing. Medyo napalunok pa ako sa aking nasaksihan. Sa bawat hawak niya
Pagkadating ko pa lang ng bahay namin ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Agad kong binuksan ang laptop at nagconnect sa wifi namin. Kung mag ask kayo about our wifi password, it's SECRET. Napagalitan pa ako ni mama dahil muntikan pa akong mauntog sa hagdan buti na lang nakakapit ako sa barindelya. Di na din ako nagpalit ng damit dahil late na ako ng one minute sa panonood. Kapag friday kasi ay nanonood ako ng livestream ng paborito kong voice actor sa Tiktok at YouTube. Kung dati ay gumagala ako pagkakatapos ng klase kasama ang mga classmates ko, ngayon hindi na deretso na ako sa bahay pagpatak ng ala singko. Bahay-School-Library-Bahay. Yan na lang ang routine ko sa pang-araw-araw. Lahat nga ng friends ko ay naguguluhan at nagtatanong na kung bakit di na ako sumasama sa mga gala nila. Ang lagi ko lang sagot ay nagbabagong buhay na ako.Sa ilang buwan na pag fan girl ko kay Aki ay halos maubos ko na mapanood lahat ng videos niya. Dinadownload ko pa ang mga ito at kino