Pagkadating ko pa lang ng bahay namin ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Agad kong binuksan ang laptop at nagconnect sa wifi namin. Kung mag ask kayo about our wifi password, it's SECRET. Napagalitan pa ako ni mama dahil muntikan pa akong mauntog sa hagdan buti na lang nakakapit ako sa barindelya. Di na din ako nagpalit ng damit dahil late na ako ng one minute sa panonood.
Kapag friday kasi ay nanonood ako ng livestream ng paborito kong voice actor sa Tiktok at YouTube. Kung dati ay gumagala ako pagkakatapos ng klase kasama ang mga classmates ko, ngayon hindi na deretso na ako sa bahay pagpatak ng ala singko. Bahay-School-Library-Bahay. Yan na lang ang routine ko sa pang-araw-araw. Lahat nga ng friends ko ay naguguluhan at nagtatanong na kung bakit di na ako sumasama sa mga gala nila. Ang lagi ko lang sagot ay nagbabagong buhay na ako.Sa ilang buwan na pag fan girl ko kay Aki ay halos maubos ko na mapanood lahat ng videos niya. Dinadownload ko pa ang mga ito at kino-compile sa laptop ko. I watched it repetitively yet I can't stop admiring his voice. Nagsasawa na nga sila mama kakadinig sa bawat pagtili ko sa tuwing nanonood ako. Kahit ang kapitbahay namin ay naririndi na din. Pero wala akong pake happiness ko si Aki at walang makakapigil nun kahit si Lucifer pa.Taimtim lang akong nanonood sa live ni Aki. Madaming nagcocomment ngunit ako ay sadyang walang ginagawa kundi ang hangaan ang boses niya. Ang ganda ng boses niya. Iyan ang paulit-ulit na sinasambit ng utak ko. Buo at parang napakakisig ngunit malamyos pa rin pakinggan. Kung kilala ko lang si Aki baka jinowa ko na siya. Napatili ako sa naisip ko. Nadinig ko pa ang pagsuway sa akin ni mama. Tigilan ko na raw ang pagtili baka magreklamo na naman ang isa sa kapitbahay namin. Hindi ako tumigil sa kakatili ngunit pinipilit ko na pahinaan ang boses ko. Kung may bayad sa bawat pagtili ko siguro bilyonaryo na ako ngayon."Dion pagkatapos mo diyan mag half-bath ka na ready na din ang ipampapaligo mo and please minimize your noise and stop squealing masakit sa tainga," sabi ni mama habang nakasilip sa may pintuan ko. Ngumiti lang ako bilang tugon sa aking ina at bumalik na din ako sa panonood. Wala nang bago sa buhay ko simula ng makilala ko si Aki. Para bang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko.Tumagal lang ng ilang oras ang live ni Aki ay natapos din ito dahil sa may gagawin pa daw siyang school activity. As a graduating student he need to focus. I really admire him because he can do his school works while doing the things he love. But I kept on wondering, his a graduating student but on what level? Junior highschool? Senior High? Or in College?Pagkapatay ko ng laptop ko ay nagpunta na ako sa cr para mag half-bath dahil sa utos ng mahal na reyna. Hinubad ko ang navy blue and gray stripes kong skirt na abot hanggang tuhod pati na din ang white short sleeves uniform ko at inilagay sa lalagyan ng labahan. Hindi kami mayaman ngunit meron kaming bath tub sa cr na siyang gustong-gusto ko sa lahat sa kadahilanang paborito kong magbabad sa tubig. Nakakarelax lang kasi lalo na at pagod ako kakaisip ng mga isipin kahit wala naman akong isip.Tumagal ako ng ilang minuto bago napagpasiyahang tapusin na ang pagbabad ko. Pagkatapos magbanlaw ay binalot ko ang sarili ko ng black kong tuwalya at bumalik na sa kwarto. Habang pumipili sa pajama ko ay may nakita akong repleksyon ng isang lalaki sa salaming na nakakabit sa aparador ko. Bigla akong kinabahan at tumakbo pakaripas sa may bintana sabay sara nito. Shit nakakahiya ka Dion bakit mo kinalimutan ang bintana mo?Dahil tinted ang bintana ko ay napagmasdan ko ng mabuti ang lalaki. He's cute infairness. He had this lavender colored eyes, damp and messy hair and it looks so soft, moreno skin and a plump lips. Di naman ata siya nakatingin sa akin kaya bakit ako nataranta kanina? Ang assuming mo talaga self.Bumalik na ako sa paghahanap ng pajama na susuotin ko. I have a lot of pj's ngunit halos lahat ay black kung hindi naman ay cream ang kulay. Pinili ko ang black kasi ito ang paborito kong kulay. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako para kumain."Ma may bagong lipat sa kabilang bahay? May nakita kasi akong lalaki na nakatambay sa veranda ng bahay nila Dra. Cantilejo," I asked my mom out of curiosity."Ah yun ba? Anak ata yun nila Doctora galing Maynila. Ang sabi ng katulong nila nung isang araw dadating daw ang bunsong anak nila doctora," sagot naman sa akin ni mama habang naghahalo ng niluto niya.So anak pala siya ni Doctora Cantilejo. Ang akala ko si ate Tina lang ang anak nila may isa pa pala. Kaya pala the boy has lavender eyes mana kay sir Rin na asawa ni doctora. Napangiti na lang ako. Mukhang madagdag siya sa magiging crush ko.Kinabuksan ay nakatungo lang ako sa desk ko at nakikinig sa ingay ng mga kaklase ko. Sa sobrang ingay nila ay naririndi na ako. Gusto kong sawayin sila na huwag mag-ingay dahil parang puputok ang ulo ko pero ayokong magsalita dahil katamad kaya hinahayaan ko na lang. Nakaramdam ako ng umupo sa gilid ko ngunit di ko ito binigyan ng pansin at itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagpahupa ng sakit ng aking ulo.Makalipas ang ilang minuto ay tumahimik ang mga kaklase ko dahil sa pagdating ng instructor namin sa first subject. Tunog pa lang ng takong ay alam ko na si ma'am Jiménez ito."Class we have a transferee," pag announce ni ma'am Jiménez. "Please introduce yourself to the class."Naramdaman ko na umusog ang upuan sa tabi ko. Naamoy ko pa ang axe black na pabango ng aking katabi. Ang bango parang mawawala ang sakit ng ulo ko. Bahagya akong tumingala. Nakita ko ang side view ng lalaki. Shit siya yung anak ni Doctora Cantilejo. Ang tangkad pala niya sa personal. Halos lahat ng mga kaklase kong babae ay nagtitilian dahil sa katabi ko.Mas lalong nagtilian ang mga kaklase ko ng magsalita na ang lalaki."Hi everyone," panimula niya. "I'm Akihiko Cantilejo.""Hi everyone," panimula niya. "I'm Akihiko Cantilejo." Tipid nitong sabi. Nagtama pa ang paningin naming dalawa bago siya tuluyang makaupo.Napanganga ako. Ang gwapo na nga ng mukha ang gwapo pa ng boses. Pasensiya na Aki kung nagtataksil ako pero shems ang boses niya kasi ang gwapo talaga."Close your mouth miss baka may pumasok na langaw o di kaya tumulo laway mo," sabi nito sa mismong tainga ko.Mas lalo kong isinubsob ang mukha ko dahil sa nadinig. Nakakahiya ka talaga Dion kahit kailan. Di tutulo laway ko sa kanya di naman siya gold. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko. Siguro titiisin ko na lang ng isang oras ang sakit bago ako magpunta sa clinic. Gusto kong i-chat si Hera, ang aking friend sa section namin, ngunit nag start na ang klase.Lalo lang tumindi ang sakit ng ulo ko ng mag-announce si ma'am Jiménez na may long quiz pa kami. Grabe talaga 'tong teacher na 'to everyday may quiz. Pagkabigay ng test paper sa amin ay agad akong nagsagot kahit iniinda ko ang sakit ng ulo ko.
Pagkapasok ko ng room namin ay hinanap ko agad si Akihiko. Hindi naman siya mahirap hanapin kasi bukod sa nasa katabing upuan ko siya ay angat siya sa lahat. Akihiko Cantilejo for president para angat buhay lahat. Just kidding. Agad akong tumabi kay Akihiko not minding my classmates calling my name."Pst," pag tawag ko sa atensiyon niya ngunit di niya ako pinapansin. "Pst Aki," pagtawag ko ulit sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa gawi ko."What did you just call me?" di makapaniwalang tanong sa akin ni Akihiko. What's with him?"Uhm I called you Aki?" pag-alangan kong sabi sabay ngiti."Don't call me by that name, call me Haru," sabi ni Akihiko at bumalik na ito sa ginagawa niyang pagkalikot sa cellphone niya.Kita mo ang sungit talaga. Pati nickname ipinagkakait. Ilang bagay na ba ang ipinagkait niya sa akin sa araw na ito? Marami-rami na rin.Napabuntong hinininga ako at kinuha ko na lang ang phone ko. Anong oras pa lang kaya wala pa ang teacher namin para sa pang hapon namin na
"Ano ba naman yan. Wala na ngang klase pinagpalinis naman tayo ng room," reklamo ng isa kong kaklase habang nagpupunas ng bintana. "Hayaan mo para naman 'to sa atin," sabi ko naman habang nagpupunas sa kabilang bintana.Todo linis kami ngayon kasi bukas ay may event ang school at may mga bisita pa galing sa ibang school. Every year ay may event ang school kung saan dumadalo rin ang iilang school na nasa city namin. Bukod sa math camp ay may parang jamboree na nagaganap rito sa school na siyang dinadayo ng ibang students.Lahat ay abala. Ang boys ay inilalabas ang mga upuan at nilalagay sa hallway. Ang iba naman ay nagbubunot ng damo sa likod at harap ng room. At habang ang ibang girls ay nagwawalis at naglalagay ng floor wax sa sahig alangan naman sa wall.Habang nagpupunas sa bintana na katapat na pwesto sa likod ng room ay nakita ko si Akihiko na nagbubunot ng damo. The way he grab the grass looks sexy and appealing. Medyo napalunok pa ako sa aking nasaksihan. Sa bawat hawak niya