Scream Your Name

Scream Your Name

last updateLast Updated : 2024-07-14
By:   Luna Marie  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
39Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Pagkagising niya ay sumalubong agad sa kanya ang galit na galit na si Xavien. Pagkagulat, pagkalito at takot ang una niyang naramdaman. Para sa kanya ay hindi siya ang babaeng kinagagalitan nito. Hindi siya ang Andrina na tinatawag nito at lalong hindi siya ang asawa nito. Paano niya matatakasan ang galit at poot ni Xavien kung pati siya ay hindi maalala ang mga nangyari sa kanya? Sino ang tutulong sa kanya upang makaalis sa poder ng lalaking nagsasabi na siya ang asawa nito?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

1"Sino ka ba? At nasaan ako? Hindi nga kasi kita kilala! Paalisin niyo na ako please." Sigaw ko at nagpupumiglas. Shit, nasaan ba ako? Kanino ba itong bahay? Puro maid ang kasama ko ngayon at ni isa sa kanila ay walang nasagot sa akin.Sumasakit na rin ang kamay ko dahil sa pagwawala. Itinali nila ang kamay ko ngayon dito sa gilid ng kama."ANONG KAGULUHAN ITO?" Galit na sigaw sa amin ng isang matangkad at makisig na lalaki. Napapitlag naman ako dahil sa galit niyang boses."Sir Xavien, si Ma'am ho kasi..." Hindi na rin naituloy ng isang maid ang sasabihin niya dahil sa takot sa bagong dating na lalaki.Lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa panga."Ano na namang katarantaduhan ang pinaggagagawa mo Andrina? Nakatali kana at lahat ay gumagawa ka pa rin ng kalokohan?" Galit na titig naman niya sa akin.Dahil sa takot ay napaiyak na lamang ako pilit kumakawala sa hawak niya."Sir, please nasasaktan ho ako. " Iyak ko."Sir? Ginagago mo ba talaga ako? " Pagak siyang napatawa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Fatima Matalam
hai author. daily rin ba update nito,??
2024-05-03 20:53:01
0
39 Chapters
Chapter 1
1"Sino ka ba? At nasaan ako? Hindi nga kasi kita kilala! Paalisin niyo na ako please." Sigaw ko at nagpupumiglas. Shit, nasaan ba ako? Kanino ba itong bahay? Puro maid ang kasama ko ngayon at ni isa sa kanila ay walang nasagot sa akin.Sumasakit na rin ang kamay ko dahil sa pagwawala. Itinali nila ang kamay ko ngayon dito sa gilid ng kama."ANONG KAGULUHAN ITO?" Galit na sigaw sa amin ng isang matangkad at makisig na lalaki. Napapitlag naman ako dahil sa galit niyang boses."Sir Xavien, si Ma'am ho kasi..." Hindi na rin naituloy ng isang maid ang sasabihin niya dahil sa takot sa bagong dating na lalaki.Lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa panga."Ano na namang katarantaduhan ang pinaggagagawa mo Andrina? Nakatali kana at lahat ay gumagawa ka pa rin ng kalokohan?" Galit na titig naman niya sa akin.Dahil sa takot ay napaiyak na lamang ako pilit kumakawala sa hawak niya."Sir, please nasasaktan ho ako. " Iyak ko."Sir? Ginagago mo ba talaga ako? " Pagak siyang napatawa
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 2
2Inalisan na nila ako ng tali pero hindi pa rin ako nakakalabas ng kwarto. Palagi pa rin akong dinadalhan ng pagkain. Tanging si Manang Lucing ang kumakausap sa akin.Naglibot libot ako sa kwarto at may nabuksan akong isang pinto. Pagkapasok ay bumungad saakin ang napakaraming damit, bag, alahas at kolorete sa mukha. Nilibot ko ang buong kwarto at puro mamahaling gamit ang nakikita ko. Lahat ng iyon ay hindi naaayon sa aking mga gusto. Kung ako nga si Andrina, bakit ayaw ko sa mga ito? Napadako ang tingin ko sa napakalaking salamin kaya lumapit ako dito. Nakikita ko ngayon ang aking repleksiyon, nakasuot ako ng isang bestidang puti na pantulog. Mugtong mugto ang aking mata, maputla ang maputi kong balat at magulo ang aking buhok. Pinagmasdan ko ang aking mukha sa salamin, pilit kong pinagtatanto kung sino ba talaga ako. Ako ba talaga ang asawa ng Xavien na iyon? "Namimiss mo na bang magsuot ng magagarang damit? Hindi mo na ba kayang panindigan ang pag arte mo? " Kinilabutan ako ng
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 3
3"You're Pixie? ""Opo mommy, namiss po kita. Saan po ba kayo nagpunta? " Maluha luha niyang sabi."Uhm... Pasensya kana kung umalis si Mommy." Iyo lamang ang nasabi ko at hinimas ang buhok niya.Parang bago sa akin ang ganito ngunit magaan sa pakiramdam."Maupo na kayo." Malamig na sabi ni Xavien.Sinunod ko naman agad siya at inalalayan sa tabi ko si Pixie.Nagsimula na kaming kumain, ipinagsandok ko si Pixie ng kanin at ulam. Mukha ngang namiss niya ako at tuwang tuwa pa siya habang ipinagsasandok ko siya."Salamat po mommy." Ngiti niya sa akin. Ang kaninang napansin kong takot sa mga mata niya ay nawala na."Kumain ka ng kumain Pixie, ito gulay. Mainam ito sa katawan mo." Sabi ko sa kanya, sabay lagay ng sitaw at kalabasa sa pinggan niya."Mommy, hindi po ako kumakain niyan." Simangot niya. Napangiti ako dahil sa cute niyang reaksiyon."Ah, pasensya na nakalimutan ko. Pero mas mabuti kung kakain ka ng gulay. Gusto mo bang tikman? Kahit kaunti lang? " Magiliw na sabi ko."Sige mom
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 4
4Nagising ako sa parehong kwarto na tinutulugan ko nung mga nakaraan. Dahan dahan akong bumangon.Kumikirot pa rin ang ulo ko."Kumusta ang pakiramdam mo?" Rinig kong sabi ng doktor."Sa tuwing pupunta ka rito, iyan ang itinatanong mo. " Wala sa sariling sabi ko, mukhang nagulat naman siya sa isinagot ko."Mukha bang ayos lamang ako? Iniisip ko kung ako ba talaga si Andrina para danasin ko ang ganito. Nabuhay lamang ba ako para pahirapan ng lalaking iyon? " Umiiyak kong wika.Napabuntong hininga lamang ang doktor at sinuri ako."Tulungan mo ako, parang awa mo na..." "Sa tingin mo? Saan ka pupulutin kapag umalis ka rito? Sa tingin mo ba kapag nakaalis ka ay titigilan kana ni Xavien? " Malamig na turan ng doktor."Doktor, anong gusto mong gawin ko? Antayin ang kamatayan ko sa lugar na ito?" Umiiyak kong sabi sa kanya."Paano si Pixie? Paano ang anak mo? " Nakatitig na sabi ni sa akin, noon din ay napatigil ako sa pag iyak at napatingin rin sa kanya."Palagi kang hinahanap ng anak mo.
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 5
5Pagkatapos kumain ay naglinis na rin ako ng katawan. Matapos makapaglinis ay ibinaba ko na ang aking pinagkainan."Hija, hindi mo na sana iyan ibinaba. Paakyat na rin sana ako sa kwarto mo." Bungad sa akin ni Manang Lucing.Umismid naman ang ibang katulong na nasa kusina."Ano kaba manang? Hayaan mo siya, hindi na niya tayo pwedeng artehan ngayon ano? Kita mo bang halos isuka na siya ni Sir Xavien." Sabi ng isang katulong, sa tingin ko ay mas matanda lamang siya sa akin ng ilang taon."Kaya nga manang, tapos na ang pagrereyna reynahan niyan dito. " Sabi pa ng isa."Magsitahimik kayo. Kahit ano pang sabihin ninyo ay siya pa rin ang asawa ni Sir Xavien. May mas karapatan siya kaysa sainyo. Naiintindihan niyo ba? " Napapitlag ako dahil maotoridad na tono ni Manang Lucing. Miski ang ibang katulong ay nagulat rin."Naiintindihan niyo ba? " Striktong dagdag pa nito.Napayuko naman ng ulo ang dalawa bago sumagot."Opo manang." "Mabuti kung ganon, kuhanin niyo ang dala niya at hugasan na
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 6
6Lumipas ang isang buwan, tangging si Manang Lucing at Dr. Rowan ang dumadalaw sa akin sa kwarto. Simula ng insidente sa pool ay pinagbawalan ulit ako ni Xavien lumabas sa aking silid. Tanging ang pagbabasa ng mga libro ang kinagiliwan ko sa nagdaang isang buwan. Ni anino ni Xavien ay hindi ko nakikita sa silid na ito. Si Pixie ay ayaw rin akong makita ayon kay Manang Lucing."Oh señora, ito na ang pagkain mo. Wala si Manang Lucing dahil nagkaproblema sa bahay nila." Hindi na ako nagulat sa pakikitungo sa akin ni Shiela."Ah, salamat." Padaskol niyang nilapag ang pagkain ko sa mesang nasa silid. Halos natapon na ang lahat dala niya sa tray."Ewan ko ba kung bakit nandito ka pa, nakakabwisit. " Irap nito sa akin bago lumabas.Napatingin ako sa pagkaing dinala niya. Kung siya ang magdadala sa akin ng mga pagkain ay baka ganito lagi ang mangyari. Tiningnan ko ang pagkaing dala niya. Mayroon iyong nilagang baboy kanin at halos mabulok na mangga. Sinubukan ko pa ring kainin ang dala n
last updateLast Updated : 2024-04-29
Read more
Chapter 7
7Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulala, napagod na yata ang mga mata ko sa pag iyak.Pumasok si Sabel kanina upang linisin ang kalat doon. Alam kong tiningnan niya ang itsura kong nakahiga sa kama kung kaya't tinabunan ko na lamang ang sarili ng kumot. Tahimik lamang siyang nilinis ang kalat at wala ring lingong lumabas ng silid.Nagising na lamang ba ako para maranasan ang mga ito? Mas mabuti pa sigurong mamatay na lamang ako... Ayoko ng danasin ang mga ito.Naging hudyat iyon upang bumangon sa kama.Humahangos akong pumasok sa banyo, wala akong makitang maaaring gagamitin sa aking gagawin. Napatingin ako ng matagal sa bathtub na naroroon. Sinimulan ko itong punuuin ng tubig.Hindi na... Ayoko na... Tama na... Hindi ko na kaya itong mga pananakit nila... Mas mabuti pang mamatay na lamang ako...Hinayaan kong mapuno ng tubig ang bathtub saka lumubog doon. Mas mabuti pang mamatay na lamang ako..."ANDRINA! DAMN IT! " Siya na naman iyon... Ang halimaw na iyon. Ayoko na...
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more
Chapter 8
8"Andrina." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kyros sa loob ng kusina."Magugulatin ka pa rin! Anong ginagawa mo? Miryenda ba iyan? Hati tayo! " Parang bata na sabi nito.Sa pananatili ko ng ilang buwan dito ay masasabi kong ibang iba ang turing nila sa akin. Mababait ang mga tao rito hindi katulad sa bahay ni Xavien. Nakakalabas ako hanggang sa kanilang bakuran, mas marami nga lang ang bantay rito kesa sa bahay ni Xavien. Isa pa itong si Kyros, halos sa labas na siya ng kwarto ko natutulog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit, pero para sa akin mas mabuti na iyon. Mabilis niya akong nagigising kapag binabangungot ako. Nakakasanayan ko na ang pamamalagi ko rito."Bakit hindi ka nagsasalita? Ang pagkakaalam ko lamang ay nakalimutan mo kung sino ka, pero ang magsalita hindi.""Ah... Pasensiya na. Pritong kamote lang ito, gusto mo ba? Masarap ito kapag isinawsaw sa asukal. Magkakape rin ako." Kahit naiilang ay sumagot pa rin ako. Kaibigan siya ni Xavien at hindi ko alam kung anong pa
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more
Chapter 9
9"Hindi siya sasama sa iyo ngayon Xavien." May pinalidad na sabi ni Dr.Rowan."Ako ang asawa niya Rowan. Ako ang may karapatan sa kanya. Isasama ko siya ngayon pauwi sa bahay namin. Naiintindihan mo ba? " Galit na sabi ni Xavien.Umungol naman ang dalawang aso sa tabi ko."Umalis ka na raw Xavien." Bagot na sabi ni Kyros."Nagagalit ang dalawang ito oh." Turo niya sa dalawang aso na katabi ko."Andrina... " Malamig na sabi nito sa akin."Can we talk? Yung tayong dalawa lang?" Napabuntong hiningang sabi nito sa akin."Sige na Andrina, kausapin mo na ang asawa mo. Naririto lang naman kami sa labas ni Kyros." Pagpapakalma niya sa akin.Nagtungo kami sa opisina ng doktor."Kumusta ka rito Andrina?""O...kay lang naman Xavien." Napabuntong hininga ito sa akin."Look, I'm not here to hurt you. Okay? Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko sayo. Alam kong mali ako at nagpadala ako sa galit ko." Ramdam ko naman ang pagiging sincere niya."Palaging umiiyak si Pixie at gustong gusto ka na
last updateLast Updated : 2024-05-02
Read more
Chapter 10
10Third Person's POVLumipas ang ilang buwan..."Andrina! May pasalubong ako sa..." Natigilan si Kyros ng makitang magkasama sa sala si Andrina at Xavien. Napapatawa na rin ni Xavien si Andrina, hindi niya akalaing makukuha rin ng kanyang kaibigan ang loob nito."Kyros, nandito ka na pala. Ang tagal mong wala a." Tumayo si Andrina para salubungin siya."Oo nga e. May pasalubong ako sayo." Parang nawala ito sa mood dahil sa nakita." Talaga? Nag abala ka pa Kyros. Maraming salamat dito." Kita naman niya ang tuwa sa mukha nito kaya nanumbalik na rin ang sigla niya.Sa kabilang banda naman ay nakatingin sa kanilang dalawa si Xavien."Xavien, ang daming pasalubong sa akin ni Kyros. Mabuti na lang at malaki ang kwarto dito ni Dr. Rowan. May mga mapaglalagyan pa ako ng mga dinadala ninyo." Sabi ni Andrina. Sa dami kasi ng mga ibinibigay ng mga ito sa kanya ay hindi na niya nagagamit halos ang iba.Nagkatitigan naman ang magkaibigan."Sige na Andrina, dalhin mo na iyan sa kwarto mo." Sabi n
last updateLast Updated : 2024-05-05
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status