4
Nagising ako sa parehong kwarto na tinutulugan ko nung mga nakaraan. Dahan dahan akong bumangon.Kumikirot pa rin ang ulo ko."Kumusta ang pakiramdam mo?" Rinig kong sabi ng doktor."Sa tuwing pupunta ka rito, iyan ang itinatanong mo. " Wala sa sariling sabi ko, mukhang nagulat naman siya sa isinagot ko."Mukha bang ayos lamang ako? Iniisip ko kung ako ba talaga si Andrina para danasin ko ang ganito. Nabuhay lamang ba ako para pahirapan ng lalaking iyon? " Umiiyak kong wika.Napabuntong hininga lamang ang doktor at sinuri ako."Tulungan mo ako, parang awa mo na...""Sa tingin mo? Saan ka pupulutin kapag umalis ka rito? Sa tingin mo ba kapag nakaalis ka ay titigilan kana ni Xavien? " Malamig na turan ng doktor."Doktor, anong gusto mong gawin ko? Antayin ang kamatayan ko sa lugar na ito?" Umiiyak kong sabi sa kanya."Paano si Pixie? Paano ang anak mo? " Nakatitig na sabi ni sa akin, noon din ay napatigil ako sa pag iyak at napatingin rin sa kanya."Palagi kang hinahanap ng anak mo. " Yun lamang ang sinabi niya at lumabas na.Anong gagawin ko?Paano si Pixie? Ayokong makita siyang umiiyak...Napatigil rin ako sa pag iyak ng maalala ko si Pixie Fleur.Pinilit kong tumayo upang puntahan ang bata. Kahit may kaunti pang hilo ay tumayo na ako.Napatingin rin ako sa orasan at alas dyis pa lamang ng gabi. Baka sakaling gising pa si Pixie.Sinubukan kong buksan ang pintuan at bumukas naman ito. Mabuti naman at inalis na nila ang pagkakalock nito mula sa labas.Naglakad ako patungo sa kwarto ng bata, nasabi sa akin ni Manang Lucing na, dalawang pinto mula rito sa aking silid ang silid ni Pixie.Marahan akong naglakad, patay na rin ang ilaw sa paligid kaya iniwasan kong gumawa ng kahit anong tunog.Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong pumasok."Pixie? "Marahan namang lumingon sa akin ang bata at namumugto ang mga mata nito."Bakit umiiyak ka? " lumapit ako rito."Mo...mo...mommy! " hikbi nito at niyakap ako."Ssshhh, tahan na. Nandito na ako." Hinagod ko ang kanyang likod at pinakalma."Akala ko po umalis kana naman. Kanina pa po kitang hinihintay." Humihikbi pa ring sabi niya."Hindi na kita iiwan Pixie, pasensya kana at nagtagal si Mommy."Nanatiling nakayakap sa akin ang bata hanggang sa tuluyan na siyang tumahan."Ano pong nangyari sa ulo mo mommy? " nagtatakang tanong niya sa akin.Napahawak naman ako sa kumikirot kong ulo."Ah ito ba? Nadulas kasi ako kanina sa comfort room anak, ginamot ko muna kaya ako nagtagal. Pasensiya kana pinaghintay kita.""Masakit po ba mommy? " malumanay na sabi niya saakin."Hindi naman anak, ayos lamang." Napangiti ako sa kanya. Magaan ang loob ko kay Pixie, pakiramdam ko ay may kailangan akong punan sa kanya."Magpahinga na tayo Pixie, maaga kapa bukas dahil may pasok kapa.""Opo mommy." Nahiga na kami at yumakap siya sa akin. Kinantahan ko na lamang siya at agad kaming nakatulog.Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may tumabi sa akin.Ramdam ko ang haplos ng mainit na kamay sa mukha ko.Sinubukan kong huwag gumawa ng kahit anong reaksiyon, ngunit mas nangibabaw ang takot ko."Huwag mo akong sasaktan, please." Nanginginig na ako ngayon sa takot dahil kay Xavien.Mukhang nagulat naman siya dahil sa reaksiyon ko."Aalis na ako, just rest now Andrina." Nagbalik ang malamig na tingin niya saakin.Naiiyak naman akong tumango.Marahan siyang umalis sa tabi ko at lumabas ng kwarto. Nang makaalis siya ay saka lamang ako nakahinga muli ng maluwag.Hinayaan ko na lamang ang sarili kong hilahin ng antok.Nagising ako dahil sa pag irit ni Pixie."Anak, bakit? " Napabalikwas ako ng bangon."You're not my mommy! Who are you?"Nagulat ako dahil sa galit niya sa akin."Who are you?! " Wala akong maisagot sa kanya dahil sa gulat. Ni hindi ko rin nga alam kung sino ako."I'm sorry Pixie..."Lalo lamang siyang nagwala at umiyak."Anak please... Kumalma ka." Sinubukan kong lumapit sa kanya."No! Hindi ikaw ang mommy ko!"Umiiyak niyang sabi sa akin.Biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Xavien."What did you do to my daughter?! " Galit na sabi ni Xavien at mabilis na lumapit kay Pixie."Daddy! Daddy! " Yumakap ang bata sa kanyang ama."Wala akong ginawa... Nagising nalang din ako dahil sa pagsigaw niya." Paliwanag ko kay Xavien kahit na alam kong hindi naman niya ako papaniwalaan."She's not my mommy, daddy. " Umiiyak pa rin na sabi ni Pixie.Natigilan naman si Xavien."Bakit anak? Anong ginawa niya sayo? " Malumanay na tanong nito kay Pixie."She's not my mommy. " Umiiling na sabi ni Pixie.Pumasok si Manang Lucing at lumapit sa akin.Umiiyak na rin ako dahil sa takot na baka may gawin na naman sa akin si Xavien."Manang, pakilabas na lamang muna si Andrina. Kakausapin ko lang si Pixie. Ikaw naman, mag uusap tayo mamaya." Malamig na baling niya sa akin.Sumama na lamang ako kay Manang Lucing palabas ng kwarto."Kumalma ka hija, nanginginig ka." Malumanay na sabi nito sa akin, pagkatapos akong alalayan"Baka ho kung ano na naman ang gawin niya sa akin Manang Lucing. Baka ho saktan na naman niya ako." Mas lalo lamang akong napaiyak sa takot dahil sa naisip ko."Manang tulungan mo ako, baka saktan na naman niya ako." Umiiyak at nanginginig kong sabi sa kanya.Bakas man ang awa niya sa akin ay mukhang wala rin siyang magawa."Halika sa kwarto mo hija, magpahinga ka. Susubukan kong kausapin si Xavien mamaya."Sinamahan niya ako sa kwarto hanggang sa kumalma ako."Ayos kana ba hija? " Malumanay niyang tanong sa akin."Opo, maraming salamat po sainyo Manang.""Kung ganoon ay lalabas na ako, kukuha ako ng almusal mo. Dito kana muna kumain dahil baka umiyak ulit si Pixie kapag nakita ka niya.""Sige po manang, salamat po. Siya nga po pala Manang Lucing? Maaari ko bang malaman mamayang pagbalik mo kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Pixie? ""Sige hija. Maiwan muna kita."Napuno ng katahimikan ang kwarto ng umalis si Manang Lucing. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Pixie. Maayos naman kaming natulog kagabi.Baka isipin ni Xavien na sinasaktan ko si Pixie.Nanumbalik ang kaba sa akin dahil doon.Maya maya pa ay pumasok sa aking silid si Xavien. Madilim ang mukha nito. Mukhang sasaktan na naman niya ako."Huwag mo akong sasaktan, please. Pangako, wala akong ginawa kay Pixie. Parang awa mo na. " Napahikbi na lamang ako pagkatapos ay tumungo."Puro iyak na lamang ba ang gagawin mo Andrina? Puro paawa na lang ba ha? " Galit siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa panga para maiharap ang mukha ko sa kanya."Wa...wa...la akong ginawa. Please, ma...awa ka sa...kin...""Ssshhh, calm down. " Bakas pa rin sa boses niya ang pinipigil na galit habang patuloy lamang ang panginginig ko."Huwag... Please..."Galit lamang siyang tumitig sa akin bago pakawalan ang panga ko."Paakyat na si Manang Lucing, kumain ka na pagkarating niya. Huwag ka munang lalapit kay Pixie, pwede kang lumabas ng kwartong ito. Kung gusto mong pumunta sa hardin at maaari ka ring pumunta. Huwag mo lamang susubukang tumakas Andrina kung ayaw mong masaktan na naman."Tumango lamang ako.Walang imik naman siyang umalis, doon lamang kumalma ang sistema ko."Hija, ito na ang almusal mo. Sinaktan ka na naman ba ni Sir Xavien? " Nag aalalang tanong niya sa akin."Hindi ho manang.""Mabuti naman kung ganon hija, halika kumain kana."Agad naman akong tumango at kinain ang dalang pagkain ni Manang Lucing."Naihatid na si Pixie ng driver niya. Maaari kang lumabas kung gusto mo hija, mamaya pang alas dos ng hapon ang awas niya. Kabilin bilinan lamang ni Sir Xavien ay huwag ka munang magpapakita sa bata."Tumango lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Napabuntong hininga naman si Manang Lucing."Hija, kung may maaalala ka mang ibang bagay ay sabihin mo agad kay Dr.Rowan. Naniniwala rin akong hindi ikaw si Andrina.""Maniwala kaya siya saakin manang? ""Huwag kang mag alala, tutulungan ka niya. " Malumanay siyang ngumiti sa akin at inalis ang nakaharang na buhok sa mukha ko."Siya sige na, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Nariyan na rin ang gamot mo, inumin mo pagkatapos. Aalis na ako at may aasikasuhin pa ako sa kusina.""Sige po manang, maraming salamat po." Medyo nabuhayan ako ng loob dahil kay manang.5Pagkatapos kumain ay naglinis na rin ako ng katawan. Matapos makapaglinis ay ibinaba ko na ang aking pinagkainan."Hija, hindi mo na sana iyan ibinaba. Paakyat na rin sana ako sa kwarto mo." Bungad sa akin ni Manang Lucing.Umismid naman ang ibang katulong na nasa kusina."Ano kaba manang? Hayaan mo siya, hindi na niya tayo pwedeng artehan ngayon ano? Kita mo bang halos isuka na siya ni Sir Xavien." Sabi ng isang katulong, sa tingin ko ay mas matanda lamang siya sa akin ng ilang taon."Kaya nga manang, tapos na ang pagrereyna reynahan niyan dito. " Sabi pa ng isa."Magsitahimik kayo. Kahit ano pang sabihin ninyo ay siya pa rin ang asawa ni Sir Xavien. May mas karapatan siya kaysa sainyo. Naiintindihan niyo ba? " Napapitlag ako dahil maotoridad na tono ni Manang Lucing. Miski ang ibang katulong ay nagulat rin."Naiintindihan niyo ba? " Striktong dagdag pa nito.Napayuko naman ng ulo ang dalawa bago sumagot."Opo manang." "Mabuti kung ganon, kuhanin niyo ang dala niya at hugasan na
6Lumipas ang isang buwan, tangging si Manang Lucing at Dr. Rowan ang dumadalaw sa akin sa kwarto. Simula ng insidente sa pool ay pinagbawalan ulit ako ni Xavien lumabas sa aking silid. Tanging ang pagbabasa ng mga libro ang kinagiliwan ko sa nagdaang isang buwan. Ni anino ni Xavien ay hindi ko nakikita sa silid na ito. Si Pixie ay ayaw rin akong makita ayon kay Manang Lucing."Oh señora, ito na ang pagkain mo. Wala si Manang Lucing dahil nagkaproblema sa bahay nila." Hindi na ako nagulat sa pakikitungo sa akin ni Shiela."Ah, salamat." Padaskol niyang nilapag ang pagkain ko sa mesang nasa silid. Halos natapon na ang lahat dala niya sa tray."Ewan ko ba kung bakit nandito ka pa, nakakabwisit. " Irap nito sa akin bago lumabas.Napatingin ako sa pagkaing dinala niya. Kung siya ang magdadala sa akin ng mga pagkain ay baka ganito lagi ang mangyari. Tiningnan ko ang pagkaing dala niya. Mayroon iyong nilagang baboy kanin at halos mabulok na mangga. Sinubukan ko pa ring kainin ang dala n
7Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulala, napagod na yata ang mga mata ko sa pag iyak.Pumasok si Sabel kanina upang linisin ang kalat doon. Alam kong tiningnan niya ang itsura kong nakahiga sa kama kung kaya't tinabunan ko na lamang ang sarili ng kumot. Tahimik lamang siyang nilinis ang kalat at wala ring lingong lumabas ng silid.Nagising na lamang ba ako para maranasan ang mga ito? Mas mabuti pa sigurong mamatay na lamang ako... Ayoko ng danasin ang mga ito.Naging hudyat iyon upang bumangon sa kama.Humahangos akong pumasok sa banyo, wala akong makitang maaaring gagamitin sa aking gagawin. Napatingin ako ng matagal sa bathtub na naroroon. Sinimulan ko itong punuuin ng tubig.Hindi na... Ayoko na... Tama na... Hindi ko na kaya itong mga pananakit nila... Mas mabuti pang mamatay na lamang ako...Hinayaan kong mapuno ng tubig ang bathtub saka lumubog doon. Mas mabuti pang mamatay na lamang ako..."ANDRINA! DAMN IT! " Siya na naman iyon... Ang halimaw na iyon. Ayoko na...
8"Andrina." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kyros sa loob ng kusina."Magugulatin ka pa rin! Anong ginagawa mo? Miryenda ba iyan? Hati tayo! " Parang bata na sabi nito.Sa pananatili ko ng ilang buwan dito ay masasabi kong ibang iba ang turing nila sa akin. Mababait ang mga tao rito hindi katulad sa bahay ni Xavien. Nakakalabas ako hanggang sa kanilang bakuran, mas marami nga lang ang bantay rito kesa sa bahay ni Xavien. Isa pa itong si Kyros, halos sa labas na siya ng kwarto ko natutulog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit, pero para sa akin mas mabuti na iyon. Mabilis niya akong nagigising kapag binabangungot ako. Nakakasanayan ko na ang pamamalagi ko rito."Bakit hindi ka nagsasalita? Ang pagkakaalam ko lamang ay nakalimutan mo kung sino ka, pero ang magsalita hindi.""Ah... Pasensiya na. Pritong kamote lang ito, gusto mo ba? Masarap ito kapag isinawsaw sa asukal. Magkakape rin ako." Kahit naiilang ay sumagot pa rin ako. Kaibigan siya ni Xavien at hindi ko alam kung anong pa
9"Hindi siya sasama sa iyo ngayon Xavien." May pinalidad na sabi ni Dr.Rowan."Ako ang asawa niya Rowan. Ako ang may karapatan sa kanya. Isasama ko siya ngayon pauwi sa bahay namin. Naiintindihan mo ba? " Galit na sabi ni Xavien.Umungol naman ang dalawang aso sa tabi ko."Umalis ka na raw Xavien." Bagot na sabi ni Kyros."Nagagalit ang dalawang ito oh." Turo niya sa dalawang aso na katabi ko."Andrina... " Malamig na sabi nito sa akin."Can we talk? Yung tayong dalawa lang?" Napabuntong hiningang sabi nito sa akin."Sige na Andrina, kausapin mo na ang asawa mo. Naririto lang naman kami sa labas ni Kyros." Pagpapakalma niya sa akin.Nagtungo kami sa opisina ng doktor."Kumusta ka rito Andrina?""O...kay lang naman Xavien." Napabuntong hininga ito sa akin."Look, I'm not here to hurt you. Okay? Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko sayo. Alam kong mali ako at nagpadala ako sa galit ko." Ramdam ko naman ang pagiging sincere niya."Palaging umiiyak si Pixie at gustong gusto ka na
10Third Person's POVLumipas ang ilang buwan..."Andrina! May pasalubong ako sa..." Natigilan si Kyros ng makitang magkasama sa sala si Andrina at Xavien. Napapatawa na rin ni Xavien si Andrina, hindi niya akalaing makukuha rin ng kanyang kaibigan ang loob nito."Kyros, nandito ka na pala. Ang tagal mong wala a." Tumayo si Andrina para salubungin siya."Oo nga e. May pasalubong ako sayo." Parang nawala ito sa mood dahil sa nakita." Talaga? Nag abala ka pa Kyros. Maraming salamat dito." Kita naman niya ang tuwa sa mukha nito kaya nanumbalik na rin ang sigla niya.Sa kabilang banda naman ay nakatingin sa kanilang dalawa si Xavien."Xavien, ang daming pasalubong sa akin ni Kyros. Mabuti na lang at malaki ang kwarto dito ni Dr. Rowan. May mga mapaglalagyan pa ako ng mga dinadala ninyo." Sabi ni Andrina. Sa dami kasi ng mga ibinibigay ng mga ito sa kanya ay hindi na niya nagagamit halos ang iba.Nagkatitigan naman ang magkaibigan."Sige na Andrina, dalhin mo na iyan sa kwarto mo." Sabi n
11Tulala lamang si Erin hanggang sa makarating sila Everette at Emir."What happened to her? Umaacting na naman ba, Andrina? " Malamig na tanong ni Emir. Para namang robot na tumayo si Erin at malakas na sinampla ang lalaki. Lahat sila ay nabigla sa ginawa nito."What is your problem?!" Galit na sabi ni Emir ng makabawi sa pagkakasampal sa kanya ni Erin."Fuck, ang lakas non." Naiiling na sabi ni Everette."Nakakaalala na siya. Pinapunta ko kayo rito para sabihin iyon sa inyo, isa pa para mahanap ang nanay niya. Kasama niya raw si Inez Abrigo sa lumubog na barko." Sabi ni Xavien at saka tumayo para awatin si Erin."Huwag mo akong tawaging Andrina." Galit na sabi ni Erin sa binata. Napangisi lamang si Emir sa dalaga."What a helpless kitten..." "Stop provoking her, Emir." Napatayo rin si Rowan para awatin ang kaibigan. Sa kanilang lima ay ito ang pinaka pikon at mainitin ang ulo."Tsk. I won't help her." Sabi nito at saka lumabas ng silid."Hindi ko naman kailangan ng tulong ninyo. A
12Nang makabalik ang dalawa sa bahay ng doktor ay agad na lumapit kay Erin si Xavien at Kyros sa dalaga."Nakita ko siya sa daan parang pusang pagala gala." Bumalik na ulit sa pagiging masungit si Emir. Hinayaan na lamang ito ni Erin."Are you okay? " Tanong agad dito ni Xavien."Hindi mo kabisado ang Maynila, hindi ka dapat umalis." Napabuntong hiningang sabi naman ni Kyros."Bakit may benda 'yang paa mo?" Sabi muli ni Xavien."Nalimutan kong magsuot ng pampaa." Mabilis na sagot ng dalaga."Walang kayong record ng nanay mo sa mga sumakay sa barko. Ni picture ninyong dalawa ay wala kami.""Sa bahay namin sa Mindoro. Baka meron doon, kaya lang ay si tatay Iryong ang naroroon. Ayoko ng bumalik doon." Natatakot na sabi ni Erin sa nga lalaking kaharap niya.FLASHBACK"INEZ! PUNYETA KA TALAGANG BABAE KA! BAKIT WALANG PANANGHALIAN DITO HA? HALIKA NGA DITO!" Nagmamadali namang tumayo mula sa paglalabada ang nanay ni Erin para puntahan ang kanyang stepfather. Lumaki na si Erin sa pangmamaltr
Special Chapter"Mom! " Nakangiting lumapit kay Erin si Pixie. Pagkalapit nito sa kanya ay agad itong napatitig sa kanyang mukha. Disi otso anyos na ngayon si Pixie at kahit kailan ay hindi nito dinalaw si Andrina. "Why? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin sanay sa mukha ni mommy? " malumanay na tanong ni Erin sa dalaga.Tatlong taon na si Xavine Rage ng mapagpasyahan ni Erin na ibalik ang kanyang totoong mukha. Sa tulong ng isang magaling na surgeon ay naisakatuparan ito. Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Xavien at ng kanyang ina na si Inez.Noon pa sana ito gusto ni Xavien kaya lamang ay tumanggi siya dahil mas inuna niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak."Sorry, mom. May mga pagkakataon lang din kasi talaga na naaalala ko si mommy Andrina. Hindi naman po masamang maalala ko siya, hindi po ba ? "" Oo naman, anak. Nakasama mo rin ang mommy Andrina mo ng matagal na panahon kaya naman hindi rin agad agad siya maaalis sa isipan mo. Hindi ka namin pipigilan ng da
Lumipas ang mga taon at masayang nagsama si Erin at Xavien. Limang taon na si Eron at maglalabing isang taon na si Pixie. Ngayong araw ang ikalimang anibersaryo ng kasal ni erin at Xavien. "Pixie? Nasaan ang daddy mo? " Takang tanong ni Erin sa kanilang panganay ng makalabas siya ng kanilang kwarto. "Po? Nakaalis na po si Daddy. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? " Nakakunot noong tanong ni Pixie kay Erin. Nagdadalaga na rin si Pixie at mas lalo itong napalapit sa kanya sa ilang taon na lumipas. Isang beses lamang itong dumalaw kay Andrina at simula noon ay ayaw na niya itong makita. Nirespeto nilang mag asawa ang desisyon ng bata dahil nakita nilang mas naging maayos si Pixie nang malayo ito kay Andrina. "Baka nalimutan lang ng daddy mo, anak. May problema daw kasi sa kompanya."Malumanay na sabi ni Erin dito. "Si Eron? " "Kasama mo ni Mama Inez at Papa Miguel. Nasa kusina na po sila. Tara na, mommy. Kumain na lang tayo ng breakfast, hayaan mo papagalitan ko mamaya si D
"It's done! Babe, I'm free! Nanalo tayo sa kaso! " Tuwang tuwa na sabi ni Xavien ng makabalik siya sa kanilang tahanan. Malaki na ang tiyan ni Erin dahil ito ay pitong buwan ng buntis. "Masaya ako para sayo, Xavien. Sa wakas ay nakalaya ka na." Masayang sabi ni Erin dito. "Careful, babe. " Inalalayan ni Xavien si Erin. "Si nanay? Nasaan? " Tanong ni Xavien sa kanyang nobya. "Nasa taas, sinasamahan niya si Pixie. " Malumanay na sabi ni Erin. Nang makilala nito ang bata at nang malaman ang sitwasyon nito ay mas lalong naging malapit ang Ina ni Erin kay Pixie. Si Mayor Reyes naman ay palaging dumadalaw sa kanila at minsan pa ay isinasama pauwi sa kanila ang kanyang ina. Wala naman itong problema kay Erin dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina. "Thank you so much, babe. " Masuyong hinalikan ni Xavien sa noo si Erin. mo "Huwag kang magpasalamat sa akin, Babe. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sa iyo." Malumanay na sabi ni Erin. "Thank you for accepting me, Raze. Alam
"Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso
Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada
34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin
33"Nasa taas si Erin. Hindi niya alam na ngayon ang uwi niyo." Sabi lamang ni Emir sa kanyang kaibigan.Mabilis na nagtungo si Xavien sa kwarto ng dalaga."Babe? ""Xav...ien." natigilang sabi naman ni Erin. Nagulat ito dahil ang alam niya ay sa isang linggo pa uuwi ang lalaki."Xav! Salamat! Akala ko ay hindi mo ako makikilala." Umiiyak na sabi ni Erin at yumakap kay Xavien"Erin, I know you. I know you too well." Inalo ni Xavien ang dalagang umiiyak at saka hinalikan ito sa noo."Andrina's in jail right now. Sa dami ng ebidensiya natin sigurado akong hindi na siya makakalabas. Hindi mo na kailangang mag alala pa. It's over, babe. I love you" Dagdag pa na sabi ni Xavien sa dalaga."Mahal din kita, Xavien. Alam kong mali dahil kasal ka pa kay Andrina pero mahal na mahal kita, Xavien." Sinserong sabi ni Erin sa lalaki."May... May good news ako sayo, Xav." Sumisinghot na dagdag pa ni Erin."Ano iyon? " Malumanay na tanong sa kanya ni Xavien at kita rin ang pagiging excited nito."Ito
32"Daddy, umuwi na po tayo agad..." Malungkot na sabi ni Pixie sa kanyang daddy Xavien."I'm so sorry anak, hayaan mo at babawi ako sayo... Sa inyo ng mommy mo. " Malumanay na sabi ni Xavien. Pababa na ang eroplanong sinasakyan nila at excited na ring bumalik sa mansion niya si Andrina."We're here! " Patiling sabi ni Andrina kaya naman napatingin sa kanya si Xavien."Uh, sorry babe. Gustong gusto ko na kasing magpahinga ." Pagdadahilan ni Xavien."Don't worry, babe. Makakapagpahinga ka na ng maayos mamaya." Matamis na ngiti sa kanya ni Xavien."Thank you, Xav."Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng airport. Walang kaalam alam si Andrina na may naghihintay na sa kanilang pulis."Hi, Rowan! Balita ko ay mayroon ka ng babae na kinababaliwan." Nasabi na ni Xavien kay Andrina na susunduin sila ni Rowan ngayon dahil pupunta sila sa check up ni Andrina."Huh? You're being weird, Erin." Kunot noong tanong ni Rowan sa kanya.Natigilan naman si Andrina dahil sa sinabi ni Rowan, ngayon niya
31"Xav, pansinin mo naman ako. Kanina pang masakit ang mga paa ko." Pagmamaktol ni Andrina, simula ng dumating sila sa disneyland ay hindi na siya halos kinakausap ni Xavien. "Sorry babe, halika maupo ka muna rito. Hihilutin ko iyang binti mo." Malumanay na sabi ni Xavien sa asawa."Alam mo naman kasing dito tayo pupunta, may takong pa ang isinuot mo." Napabuntong hininga pang dagdag ni Xavien."Sorry, nawala kasi sa isip ko." Nakangiwing sabi ni Andrina dahil sa masakit niyang paa."Hindi na kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa munting prinsesa natin. Sobrang saya niya ngayon." Natatawang sabi ni Xavien. Napairap na lamang sa hangin si Andrina dahil sa sinabi ng kanyang asawa.Napansin ito ni Pixie kaya naman natigilan siya. Napangiti na lamang si Andrina, alam niyang mauuto pa niya ang bata."Nag eenjoy ka ba, anak? " Malamunay na tanong niya kay Pixie habang hinihimas ang buhok nito. "Yes po, mommy! Sobrang saya ko po. Salamat po sa inyo ni daddy! " Yumakap si Pixie sa