10Third Person's POVLumipas ang ilang buwan..."Andrina! May pasalubong ako sa..." Natigilan si Kyros ng makitang magkasama sa sala si Andrina at Xavien. Napapatawa na rin ni Xavien si Andrina, hindi niya akalaing makukuha rin ng kanyang kaibigan ang loob nito."Kyros, nandito ka na pala. Ang tagal mong wala a." Tumayo si Andrina para salubungin siya."Oo nga e. May pasalubong ako sayo." Parang nawala ito sa mood dahil sa nakita." Talaga? Nag abala ka pa Kyros. Maraming salamat dito." Kita naman niya ang tuwa sa mukha nito kaya nanumbalik na rin ang sigla niya.Sa kabilang banda naman ay nakatingin sa kanilang dalawa si Xavien."Xavien, ang daming pasalubong sa akin ni Kyros. Mabuti na lang at malaki ang kwarto dito ni Dr. Rowan. May mga mapaglalagyan pa ako ng mga dinadala ninyo." Sabi ni Andrina. Sa dami kasi ng mga ibinibigay ng mga ito sa kanya ay hindi na niya nagagamit halos ang iba.Nagkatitigan naman ang magkaibigan."Sige na Andrina, dalhin mo na iyan sa kwarto mo." Sabi n
11Tulala lamang si Erin hanggang sa makarating sila Everette at Emir."What happened to her? Umaacting na naman ba, Andrina? " Malamig na tanong ni Emir. Para namang robot na tumayo si Erin at malakas na sinampla ang lalaki. Lahat sila ay nabigla sa ginawa nito."What is your problem?!" Galit na sabi ni Emir ng makabawi sa pagkakasampal sa kanya ni Erin."Fuck, ang lakas non." Naiiling na sabi ni Everette."Nakakaalala na siya. Pinapunta ko kayo rito para sabihin iyon sa inyo, isa pa para mahanap ang nanay niya. Kasama niya raw si Inez Abrigo sa lumubog na barko." Sabi ni Xavien at saka tumayo para awatin si Erin."Huwag mo akong tawaging Andrina." Galit na sabi ni Erin sa binata. Napangisi lamang si Emir sa dalaga."What a helpless kitten..." "Stop provoking her, Emir." Napatayo rin si Rowan para awatin ang kaibigan. Sa kanilang lima ay ito ang pinaka pikon at mainitin ang ulo."Tsk. I won't help her." Sabi nito at saka lumabas ng silid."Hindi ko naman kailangan ng tulong ninyo. A
12Nang makabalik ang dalawa sa bahay ng doktor ay agad na lumapit kay Erin si Xavien at Kyros sa dalaga."Nakita ko siya sa daan parang pusang pagala gala." Bumalik na ulit sa pagiging masungit si Emir. Hinayaan na lamang ito ni Erin."Are you okay? " Tanong agad dito ni Xavien."Hindi mo kabisado ang Maynila, hindi ka dapat umalis." Napabuntong hiningang sabi naman ni Kyros."Bakit may benda 'yang paa mo?" Sabi muli ni Xavien."Nalimutan kong magsuot ng pampaa." Mabilis na sagot ng dalaga."Walang kayong record ng nanay mo sa mga sumakay sa barko. Ni picture ninyong dalawa ay wala kami.""Sa bahay namin sa Mindoro. Baka meron doon, kaya lang ay si tatay Iryong ang naroroon. Ayoko ng bumalik doon." Natatakot na sabi ni Erin sa nga lalaking kaharap niya.FLASHBACK"INEZ! PUNYETA KA TALAGANG BABAE KA! BAKIT WALANG PANANGHALIAN DITO HA? HALIKA NGA DITO!" Nagmamadali namang tumayo mula sa paglalabada ang nanay ni Erin para puntahan ang kanyang stepfather. Lumaki na si Erin sa pangmamaltr
13"Erin, bilisan mo. Kailangan na nating makaalis agad. Hindi tayo pwedeng abutin ng tatay Iryong mo."Tumatakbo ang dalawang babae sa gilid ng kalsada. Ramdam na rin ni Erin ang pagkapagod dahil sa kanilang pagtakbo."Inay, sandali lamang. Nagdurugo pa rin ang sugat mo." Nag aalang sabi ni Erin sa ina."Huwag mong intindihin 'yan, ang mahalaga ay makaalis tayo rito. Bakit ba kasi walang dumadaang sasakyan rito? " Natatarantang sabi ng ina ni Erin."Inay..." Umiiyak na sabi ni Erin."Hindi ito ang panahon para umiyak ka. Bilisan mo." Patuloy na binagtas ng mag ina ang madilim na kalsada. Kahit na parehong nakayapak ay walang pakialam ang kanyang ina.Habang naglalakad ay may narinig silang ugong ng mga sasakyan."Bilisan mo Erin, baka iyan ang tatay Iryong mo. Tumakbo kana. Bilisan mo! " "Hindi kita iiwan 'nay. ""Umalis kana! Magtago ka! Kapag iyan ang tatay Iryong mo ay hindi na tayo makakawala. Ibinenta ka niya sa kaibigan niya. Bilisan mo! Parang awa mo na anak." Umiiyak na sab
14Nagkasundo ang dalawa ni Erin at Xavien. Napag alaman din ni Erin na kasabwat ni Andrina si Manang Lucing. Ito ang nagbabalita sa asawa ni Xavien sa mga nangyayari sa kanila."Gusto kong isama ka pag uwi ko para malaman ni Andrina na nagkakaayos na tayo, Erin." "Takot si Andrina sa sarili niyang multo kaya iyon ang gagawin ko sa kanya. Pupwede ka bang magpanggap na ayos na tayo? Yung parang mag asawa tayo? ""Huh? " Napatangang sabi ni Erin sa binata."Kung okay lang sayo... Ayaw na ayaw ni Andrina namapapalapit ako sa ibang babae kahit na niloloko niya ako.""Kung makakatulong iyon sa atin ay papayag ako." Napangiti naman si Xavien sa sinabi ng dalaga."So, payag ka ng sumama sa akin pauwi ng bahay? ""Oo naman. Madali lang naman sigurong magpanggap, lalo na at sa harap lang naman ni Manang Lucing. Hindi ko akalaing tutulungan niya si Andrina. Napakabait niya sa akin noong nasa bahay mo ako."Nasabi na lamang ni Erin, hindi niya tuloy mawari sa sarili kung totoo ba ang ipinakita
15 "Mommy! Napacute talaga ni Chase at Malibu, buti na lang po at mabait sila sa akin." Tuwang tuwa an sabi ni Pixie kay Erin. "Mabait ka rin kasi sa kanila anak." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Ma'am Andrina, okay na po ang gamit ninyo. Naisakay na rin po namin sa kotse ni Sir Xavien." Malumanay na sabi ni Mila kay Erin ng makababa ito. "Sige, Mila. Salamat." Kinakailangan muling sanayin ni Erin ang sarili niya sa pangalan ni Andrina. Hindi sila pupwedeng mabuko ni Manang Lucing dahil masasayang lang ang kanilang mga pinaghirapan. "Halika na anak, nasa labas na din yata ang daddy mo." Tumango naman sa akin si Pixie at saka humawak sa aking kamay. "Namiss talaga kita mommy. Promise po, magbabait na ako mommy. Ayoko na pong nakikita kayong nag aaway ni daddy." "Salamat anak, mahal na mahal ka namin ng daddy mo." Ngiti dito ni Erin. "Xavien." "Hon, let's go? Naririto na lahat ng gamit mo." Aya ni Xavien sa mag ina. "Uuna na kami Dr. Rowan, maraming salamat sa inyo. " Tumango naman kay E
16"Andrina, ito na iyong mga ipinapabili mo sa palengke hija." Ngumiti lamang si Erin kay Manang Lucing."Salamat po manang. Mabuti na lang po at pumayag si Xavien na magluto ako.""Ano bang lulutuin mo hija? Gusto mo bang tulungan kita? " Malumanay na tanong ng katulong kay Erin."Hindi na po manang. Kaya ko na po ito." Napatango na lamang si Manang Lucing. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lamang siya hindi magluluto sa bahay ng kanyang amo.Pinanood niya si Erin at masasabi ni Manang Lucing na bihasa ito sa kusina, hindi katulad ni Andrina. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang humawak kahit isang kaldero sa kusina."Ngayon ko lang din nalamang marunong ka pala sa kusina hija." Magiliw na sabi ni Manang Lucing kay Erin.Napangiti lamang si Erin dahil sa sinabi ng matanda."Hindi ko rin po alam manang, basta nang payagan ako ni Rowan na gawin ang mga gusto ko sa mansion niya ay kinagiliwan ko na ang pagluluto." Ngiti ni Erin."Mabuti naman hija at mabait sa iyo ang doktor na iyon.""
17"Erin, wake up.""X...av? Bakit? " Natawa naman si Xavien dahil sa itsura ni Erin."Isasama kita ngayon sa opisina.""Huh? Bakit? " Napabangon naman si Erin dahil doon."May magandang balita sila Emir para sayo." Nakangiting sabi ni Xavien.Masyadong magkalapit ang mukha ng dalawa.Iyon ang inabutan ni Manang Lucing."Ay, sorry sir! "Nagulat naman ang dalawa kaya napatayo ng tuwid si Xavien. Napatikhim pa ito bago magsalita."Manang, sa susunod ho ay kumatok kayo." Iyon lamang ang sinabi nito at nilampasan ang matanda."Good morning po manang.""Good morning din hija. Paalis na si Pixie kaya ako naparito." Tumango lamang si Erin at saka bumangon para puntahan ang kanyang anak."Good morning baby! " Masayang bati ni Erin kay Pixie ng makababa siya."Sorry anak, hindi na kita naasikaso ngayong umaga. Nalate kasi si mommy ng gising." Malumanay na sabi pa nito sa bata."Okay lang po mommy. Sabi po ni ate Sabel baka daw po pinagod kayo ni daddy. Sabi niya baka daw po gumagawa na kayo
Special Chapter"Mom! " Nakangiting lumapit kay Erin si Pixie. Pagkalapit nito sa kanya ay agad itong napatitig sa kanyang mukha. Disi otso anyos na ngayon si Pixie at kahit kailan ay hindi nito dinalaw si Andrina. "Why? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin sanay sa mukha ni mommy? " malumanay na tanong ni Erin sa dalaga.Tatlong taon na si Xavine Rage ng mapagpasyahan ni Erin na ibalik ang kanyang totoong mukha. Sa tulong ng isang magaling na surgeon ay naisakatuparan ito. Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Xavien at ng kanyang ina na si Inez.Noon pa sana ito gusto ni Xavien kaya lamang ay tumanggi siya dahil mas inuna niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak."Sorry, mom. May mga pagkakataon lang din kasi talaga na naaalala ko si mommy Andrina. Hindi naman po masamang maalala ko siya, hindi po ba ? "" Oo naman, anak. Nakasama mo rin ang mommy Andrina mo ng matagal na panahon kaya naman hindi rin agad agad siya maaalis sa isipan mo. Hindi ka namin pipigilan ng da
Lumipas ang mga taon at masayang nagsama si Erin at Xavien. Limang taon na si Eron at maglalabing isang taon na si Pixie. Ngayong araw ang ikalimang anibersaryo ng kasal ni erin at Xavien. "Pixie? Nasaan ang daddy mo? " Takang tanong ni Erin sa kanilang panganay ng makalabas siya ng kanilang kwarto. "Po? Nakaalis na po si Daddy. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? " Nakakunot noong tanong ni Pixie kay Erin. Nagdadalaga na rin si Pixie at mas lalo itong napalapit sa kanya sa ilang taon na lumipas. Isang beses lamang itong dumalaw kay Andrina at simula noon ay ayaw na niya itong makita. Nirespeto nilang mag asawa ang desisyon ng bata dahil nakita nilang mas naging maayos si Pixie nang malayo ito kay Andrina. "Baka nalimutan lang ng daddy mo, anak. May problema daw kasi sa kompanya."Malumanay na sabi ni Erin dito. "Si Eron? " "Kasama mo ni Mama Inez at Papa Miguel. Nasa kusina na po sila. Tara na, mommy. Kumain na lang tayo ng breakfast, hayaan mo papagalitan ko mamaya si D
"It's done! Babe, I'm free! Nanalo tayo sa kaso! " Tuwang tuwa na sabi ni Xavien ng makabalik siya sa kanilang tahanan. Malaki na ang tiyan ni Erin dahil ito ay pitong buwan ng buntis. "Masaya ako para sayo, Xavien. Sa wakas ay nakalaya ka na." Masayang sabi ni Erin dito. "Careful, babe. " Inalalayan ni Xavien si Erin. "Si nanay? Nasaan? " Tanong ni Xavien sa kanyang nobya. "Nasa taas, sinasamahan niya si Pixie. " Malumanay na sabi ni Erin. Nang makilala nito ang bata at nang malaman ang sitwasyon nito ay mas lalong naging malapit ang Ina ni Erin kay Pixie. Si Mayor Reyes naman ay palaging dumadalaw sa kanila at minsan pa ay isinasama pauwi sa kanila ang kanyang ina. Wala naman itong problema kay Erin dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina. "Thank you so much, babe. " Masuyong hinalikan ni Xavien sa noo si Erin. mo "Huwag kang magpasalamat sa akin, Babe. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sa iyo." Malumanay na sabi ni Erin. "Thank you for accepting me, Raze. Alam
"Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso
Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada
34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin
33"Nasa taas si Erin. Hindi niya alam na ngayon ang uwi niyo." Sabi lamang ni Emir sa kanyang kaibigan.Mabilis na nagtungo si Xavien sa kwarto ng dalaga."Babe? ""Xav...ien." natigilang sabi naman ni Erin. Nagulat ito dahil ang alam niya ay sa isang linggo pa uuwi ang lalaki."Xav! Salamat! Akala ko ay hindi mo ako makikilala." Umiiyak na sabi ni Erin at yumakap kay Xavien"Erin, I know you. I know you too well." Inalo ni Xavien ang dalagang umiiyak at saka hinalikan ito sa noo."Andrina's in jail right now. Sa dami ng ebidensiya natin sigurado akong hindi na siya makakalabas. Hindi mo na kailangang mag alala pa. It's over, babe. I love you" Dagdag pa na sabi ni Xavien sa dalaga."Mahal din kita, Xavien. Alam kong mali dahil kasal ka pa kay Andrina pero mahal na mahal kita, Xavien." Sinserong sabi ni Erin sa lalaki."May... May good news ako sayo, Xav." Sumisinghot na dagdag pa ni Erin."Ano iyon? " Malumanay na tanong sa kanya ni Xavien at kita rin ang pagiging excited nito."Ito
32"Daddy, umuwi na po tayo agad..." Malungkot na sabi ni Pixie sa kanyang daddy Xavien."I'm so sorry anak, hayaan mo at babawi ako sayo... Sa inyo ng mommy mo. " Malumanay na sabi ni Xavien. Pababa na ang eroplanong sinasakyan nila at excited na ring bumalik sa mansion niya si Andrina."We're here! " Patiling sabi ni Andrina kaya naman napatingin sa kanya si Xavien."Uh, sorry babe. Gustong gusto ko na kasing magpahinga ." Pagdadahilan ni Xavien."Don't worry, babe. Makakapagpahinga ka na ng maayos mamaya." Matamis na ngiti sa kanya ni Xavien."Thank you, Xav."Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng airport. Walang kaalam alam si Andrina na may naghihintay na sa kanilang pulis."Hi, Rowan! Balita ko ay mayroon ka ng babae na kinababaliwan." Nasabi na ni Xavien kay Andrina na susunduin sila ni Rowan ngayon dahil pupunta sila sa check up ni Andrina."Huh? You're being weird, Erin." Kunot noong tanong ni Rowan sa kanya.Natigilan naman si Andrina dahil sa sinabi ni Rowan, ngayon niya
31"Xav, pansinin mo naman ako. Kanina pang masakit ang mga paa ko." Pagmamaktol ni Andrina, simula ng dumating sila sa disneyland ay hindi na siya halos kinakausap ni Xavien. "Sorry babe, halika maupo ka muna rito. Hihilutin ko iyang binti mo." Malumanay na sabi ni Xavien sa asawa."Alam mo naman kasing dito tayo pupunta, may takong pa ang isinuot mo." Napabuntong hininga pang dagdag ni Xavien."Sorry, nawala kasi sa isip ko." Nakangiwing sabi ni Andrina dahil sa masakit niyang paa."Hindi na kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa munting prinsesa natin. Sobrang saya niya ngayon." Natatawang sabi ni Xavien. Napairap na lamang sa hangin si Andrina dahil sa sinabi ng kanyang asawa.Napansin ito ni Pixie kaya naman natigilan siya. Napangiti na lamang si Andrina, alam niyang mauuto pa niya ang bata."Nag eenjoy ka ba, anak? " Malamunay na tanong niya kay Pixie habang hinihimas ang buhok nito. "Yes po, mommy! Sobrang saya ko po. Salamat po sa inyo ni daddy! " Yumakap si Pixie sa