Babysitting my Billionaire Ex-Husband

Babysitting my Billionaire Ex-Husband

last updateLast Updated : 2022-04-30
By:  pariahrei  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
36 ratings. 36 reviews
97Chapters
164.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

(Nexus Almeradez's story) Annulled si Amara Stephanie sa kanyang asawa. Two years later, nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya nito. Na-aksidente ang dati niyang asawa at tanging siya lang ang naalala nito. Naki-usap sa kanya ang pamilya ng dating asawa na manatili siya sa tabi nito at tulungan itong makaalala. They offer her a big amount of money that she couldn’t resist. Kailangan niya iyon sa expansion ng kanyang business. Tinanggap niya ang offer, nasa isipan na trabaho lamang at walang personalan. Sa perspketibo ng dati niyang asawa, kasal pa sila kaya kung umasta ito ay parang wala itong kasalanan sa kanya. Kung kumilos ito ay parang noong dating mag-asawa pa sila. Nilalambing, binibigyan ng bulaklak at kahit hirap ay inaalala siya nito. Those gestures of him make her weak again. Nexus Almeradez is a walking trouble that she should avoid. Kumakatok na naman ito sa puso niyang nagsisimula na naman mahulog dito. She’s falling for him again and again. Oh no—yes!

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Chapter 1 “What is this, Attorney Mendez?” walang emosyon ang mga matang tanong ni Amara Stephanie Mijares sa abogado ng dating asawa. Bigla na lamang kasi itong sumulpot sa Casa Amara matapos ang dalawang taon. “Akala ko ba nagkasundo na ang dalawang kampo na wala ng pakialamanan at tapos na ang lahat. It’s been two years since I received the annulment paper.” “I know, Ms. Mijares. Pero kailangan ka ng kliyente ko.” Bakas sa boses ng matanda ang stress na nararamdaman. Mukhang desperado na nga ito na makausap siya ng matino. “Need me?” sarkastiko niyang gagad at bahaw na natawa. “Nexus Almeradez’s family needs your help. Na-aksidente si Sir Nexus, ang dati mong asawa, at ikaw lang ang naalala niya. They want you to help him to remember everything.” Kumislot ang sintido niya sa sinabi ng abogado. Ang ideya na makita ulit ang lalaking dumurog sa kanya ay nakakapanginig na ng laman, makasama pa kaya ito at tulungan? Nexus Almeradez is the man sh

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jane Jane
galing ng author ...️
2023-05-14 21:58:37
0
user avatar
Michelle Geroy Loyola Carlos
MgAnda Ang kweNto
2022-10-28 00:14:16
0
user avatar
Jonel Buban
wow! ang gandaa
2022-10-22 19:06:50
1
user avatar
Ttotoy
highly recommended
2022-10-22 19:05:16
2
user avatar
Elsie Galvez
Love the twists of the story. ...️...️...️ Waiting for the story of Vioxx and Calix
2022-08-27 08:02:31
0
user avatar
Ychin Remaxia
ice one so beautiful story
2022-08-23 08:37:06
0
user avatar
Precious Mendoza
i like the story
2022-08-05 21:57:58
0
user avatar
Nimfa Antalan Antonio
ang Ganda po..
2022-07-27 17:00:02
0
user avatar
Maw Kuri
Updety po ms. a sa Marrying cowboy
2022-07-07 10:10:33
0
user avatar
pariahrei
Castiel Revamonte's Story (Marrying the Tyrant Cowboy) is now available at the GoodNovel app
2022-07-06 19:18:21
3
user avatar
Ervie 💟
Super ganda ng story... Sobrang tapang ni Amara Stephanie ...️ Nakakainlove po ang kwento......
2022-06-30 06:41:51
1
user avatar
Tanio Eimreh
nkaka ecite bawat episode......
2022-06-27 23:57:24
2
user avatar
WARRIOR2022
nice story,more pls,the story of alejandro namn
2022-06-27 10:53:47
0
user avatar
Anette Husana
sana mabuksan ng lahat ng episode palagi qko excited sa mga susunod na kabanata...napakaganda ng story..
2022-06-13 16:26:05
0
user avatar
April Ruga
possible bang Buhay pa c calix
2022-06-07 09:54:56
0
  • 1
  • 2
  • 3
97 Chapters

Chapter 1

Chapter 1 “What is this, Attorney Mendez?” walang emosyon ang mga matang tanong ni Amara Stephanie Mijares sa abogado ng dating asawa. Bigla na lamang kasi itong sumulpot sa Casa Amara matapos ang dalawang taon. “Akala ko ba nagkasundo na ang dalawang kampo na wala ng pakialamanan at tapos na ang lahat. It’s been two years since I received the annulment paper.” “I know, Ms. Mijares. Pero kailangan ka ng kliyente ko.” Bakas sa boses ng matanda ang stress na nararamdaman. Mukhang desperado na nga ito na makausap siya ng matino. “Need me?” sarkastiko niyang gagad at bahaw na natawa. “Nexus Almeradez’s family needs your help. Na-aksidente si Sir Nexus, ang dati mong asawa, at ikaw lang ang naalala niya. They want you to help him to remember everything.” Kumislot ang sintido niya sa sinabi ng abogado. Ang ideya na makita ulit ang lalaking dumurog sa kanya ay nakakapanginig na ng laman, makasama pa kaya ito at tulungan? Nexus Almeradez is the man sh
Read more

Chapter 2

Chapter 2 Nasundan niya ng tingin ang therapist na hinatid ni Alejandro palabas ng kwarto ni Nexus. Hindi maganda ang kinalabasan ng session ng learning abilities ng dati niyang asawa dahil hindi ito nakikipag-cooperate. Bumalik siya sa harapan ni Nexus na nakatingin sa kanya mula pa kanina. Umupo siya sa gilid ng higaan nito at inabot niya ang flashcards na ginamit kanina ng therapist. “Alam mo ba kung ano ito?” Ipinakita niya ang isang flashcard na may nakasulat na letrang ‘B’. Hindi siya sinagot ng lalaki bagkus ay nakatitig lang ito sa kanya. “This is letter B.” Kinuha niya ang isa pang flashcard. “And this is A.” Tumango si Nexus, naiintindihan ang sinabi niya. “Ano ito?” muli niyang tanong. “E-Ey.” “How about this one?” “B-B.” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Alam mo naman pala eh. Bakit hindi ka sumasagot kanina nang tinanong ka no’ng therapist?”
Read more

Chapter 3

Chapter 3 Inaya siya ni Nanang Yeye na kumain muna dahil nagluto raw ito para sa pagdating nina Alejandro at Nexus sa hacienda. Tipid niyang tinanggihan ang paanyaya ng matanda at sa halip ay pinili munang magpahinga. Hindi siya maayos na nakatulog kagabi. Bakas sa mata ni Nanang Yeye ang lungkot habang nakasunod ang tingin nito sa kanya na paakyat ng hagdan. Hindi niya tinapunan ng kahit na saglit na tingin ang pintuan ng master’s bedroom. Dire-diresto lamang siya papasok sa kwarto na nasa harap niyon. Ang maaliwalas na silid ang bumungad sa kanya. Hinubad niya ang suot na high heels bago basta na lang iyon itinapon sa sahig. Humakbang siya palapit sa sliding door na gawa sa salamin. Binuksan niya iyon at lumabas patungo sa Veranda. Binusog niya ang kanyang mga mata nang kulay luntiang kapaligiran. Ang mga bundok sa kalayuan, matataas na puno na ang ilan ay may nagkukumpulang bunga ng prutas, ang malawak n
Read more

Chapter 4

Chapter 4 Nakangiti ang matalik niyang kaibigan na si Castiel nang salubungin niya ito sa harap ng mansion. Nakapaskil ang mapang-asar nitong ngisi sa mga labi nang i-abot sa kanya ang isang pumpon ng bulaklak. “Hindi mo sinabi sa akin na babalik ka sa hacienda. Change of mind?” Inirapan niya ito at inaya ito papasok ng mansion. Nakasalubong niya si Nanang Yeye na pababa ng hagdan. Curious itong nakatingin kay Castiel. “Nanang, palagay naman po nito sa vase,” aniya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang nag-uusyusong pagtaas ng kilay ni Castiel sa sinabi niya. Atubili pa ang matanda nang kunin nito mula sa kamay niya ang bulaklak. “Ikaw iyong binate ng mga Revamonte, hindi ba? Ang may-ari ng Rancho Revamonte?” Ang Rancho Revamonte ay ang katabing lupain ng Hacienda Constancia. Tumango si Castiel at magalang na bahagyang yumuko sa matanda. “Opo. Ako nga po.” Tumango-tango si Nanang
Read more

Chapter 5

Chapter 5 Natigilan sa paghakbang si Amara Stephanie nang marinig niya ang pamilyar na boses sa loob ng kwarto ni Nexus. “Leave us first,” si Leticia. Nagulat pa si Rex nang makita siyang nakatayo sa harap ng pinto nang lumabas ito. Bahagya lang itong yumuko at umalis sa harap niya, iniwan ang pinto na nakabukas ng kaunti. Dumating si Leticia at Hordan kaninang alas-tres ng madaling araw, sakay ng chopper na lumapag sa rooftop ng mansion. Inis na inis pa siya dahil binulabog ang tulog niya. Mabuti sana kung sa master’s bedroom siya nakahiga dahil soundproof iyon. Nagkanda-istorbo rin ang mga katulong na namamahinga dahil sa walang pasabing pagdating nito at tila pa donyang sunod-sunod ang utos sa mga kasambahay. Pati si Nanang Yeye na hindi pa masyadong nakatulog ay pinag-uutusan na ng bruha. “I have some papers here na kailangan ng pirma mo.” Wala siyang narinig na sagot mula kay Nexus. Kailangan lang ng
Read more

Chapter 6

Chapter 6 Dalawampung missed calls ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang kanyang cellphone. Galing sa iisang numero. May tatlong text na nagpakilalang si Rex, nakiki-usap kung pwede raw na bumalik na siya sa Hacienda. Bandang alas-onse pa ang mag text message at alas-singko na nang hapon. Dinelete niya ang missed calls at muling ibinalik ang cellphone sa dala-dala niyang bag. Nagsisimula ng dumilim ang paligid kaya nagsibukasan na ang mga street light na nasa gilid ng magkabilang driveway. Mas binagalan pa niya ang kanyang paglalakad, ayaw matapos ang sandaling iyon dahil kapag nakapasok na siyang muli sa mansion, alam niyang hindi na naman siya muling makakahinga. Nakasasakal! Pasado ala-sais na nang gabi nang makarating siya sa mismong bahay ng Hacienda Constancia. Nabistahan niya ang sasakyan ni Alejandro na nakasampa sa Bermuda grass. Tahimik ang paligid nang makapasok siya living room. Walang bakas ni Leticia o ni Hordan man.
Read more

Chapter 7

Chapter 7 Wala sa oras na napatakbo siya kay Nexus nang nang makitang namimilipit ito sa sahig. Nakadagan sa kalahating katawan nito ang wheelchair. “Nexus!” Hindi ito sumagot bagkus ay mas lumalim ang pakakakunot ng noo nito at mas lalong namilipit. “Nexus!” Mahina niya itong inalog ngunit umiling lamang ito na parang may iniinda. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong hawak-hawak at mahina siyang napamura nang makitang dumudugo iyon dahil sa mga nakatusok na mga basag na bote. Ngayon niya rin lang napansin ang mga bubog sa sahig. Nakita niya ang baso at platito na basag sa di-kalayuan. Napamura siya nang mahaplos niya ang mukha nito dahil inaapoy ito ng lagnat. Sunod-sunod niyang pinindot ang buzzer at nang walang sumagot sa intercom ay muli niyang nilapitan ang dating asawa. “S-Steph,” nahihirapan nitong wika. Napangiwi siya nang halos pareho silang babagsak nang binuhat niya ito upang ibal
Read more

Chapter 8

Chapter 8 Nanlalaki ang kanyang mga mata at natuod sa kinauupuan. Ang malambot na labi ni Nexus ay tila kawad ng kuryente na naghatid sa kanya ng nakakapanginig na boltahe at pinaralisa ang buong sistema niya. Kung gaano kabilis lumapat ang labi ni Nexus sa mga labi niya, ganon din kabilis itong humiwalay. Namula ang tainga nito pati na rin ang leeg bago yumuko at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Kung hindi pa humaplos ang kamay nito na nasa kanyang baywang ay hindi pa magigising ang diwa niya. Ilang beses siyang lumunok at iginalaw ang kamay para maingat na alisin ang ulo ni Nexus sa kanyang balikat. “Magpahinga ka na, gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ang chief.” Naramdaman yata nito ang pag-iwas niya dahil pinisil nito ang kanyang baywang bago mabagal iyong binitawan. Nagpaubaya ito nang inalalayan niya itong pahiga sa kama. Nang masiguro niyang maayos na ito sa kinahihigaan ay sumandig siya sa headboard
Read more

Chapter 9

Chapter 9 Ipinarada ni Amara Stephanie ang kanyang sasakyan sa harap ng mansion ng hipag niya na nasa loob ng exclusive village ng Northshire town. Maraming kotse na nakasampa sa Bermuda grass pati na rin sa parking space. Dinig na dinig niya ang pambatang tugtog at sigawan ng mga bata na nagmumula sa hardin ng mansion. Kinuha niya ang malaking paper bag bago siya bumaba sa kanyang kotse. Sinalubong siya ng isang kasambahay ng mga Rocc at iginiya siya sa garden ng mansion. Bibong-bibo na tumakbo papunta sa kanya ang birthdays celebrant na si Sevi. “Tita!” maligalig nitong wika at agad na kumunyapit sa kanyang hita bago siya tiningala at kumurap-kurap ang bata. “Happy birthday,” she greeted and kissed her nephew’s forehead. Hinawakan ni Sevi ang dala niyang paper bag at ngumisi sa kanya. “Is this for me?” Tumango siya at tuluyang inabot dito ang regalo. Tuwang-tuwa ito at gusto na sanang buksan kung hindi lan
Read more

Chapter 10

Chapter 10 Ang sabi sa kanya ni Alejandro, bigla na lang daw naglahong parang bula si Angel Love nang maaksidente si Nexus. Nakabalandra sa lahat ng TV station, mga dyaryo at social media ang engagement ni Nexus at Angel Love, isang buwan matapos ang opisyal na hiwalayan nila ni Nexus. Si Angel Love ang gusto ni Leticia para sa anak nito. Halatang-halata ang pagkakagusto ni Angel Love kay Nexus at dikit ng dikit na parang linta kahit noong kasal pa sila. Lumipat ang tingin niya sa lalaking katabi nito. The man on his late fifties. Kung hindi siya nagkakamali ay senador iyon ng bansa. Mistulang nakakita ng multo ang babae nang naglakad siya papunta sa direksyon nito. Nilagpasan niya si Angel Love at lumapit sa kapatid niyang kausap ang isang ginang. Nagpa-excuse si Neshara at niyakap siya nang magpaalam na uuwi na. “Nakita ko ang hilaw na fiancée ni Nexus. Gusto mo palayasin ko?” bulong nito sa kanya habang matalim ang tingin kay Angel Love. “H
Read more
DMCA.com Protection Status