Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
View More“Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikila
“George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi k
“Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res
“Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments