“George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”
Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!
“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”
Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi ko rin maintindihan si Mama kung bakit kailangan niya pa akong isama rito ngayon, samantalang alam niya naman na marami akong inaasikaso tuwing weekend.
Tumaas ang kilay ko at inis na nagtungo sa kinaroroonan ng bola na ginagamit nina Eliam at ng kaniyang mga kaibigan na sina Keiron at PJ. Nang makuha ko ang bola ay mabilis kong kinuha sa lamesa ang ballpen na naroon.
“George! Huwag mong gagawin ‘yan. Sinasabi ko sa iyo, talagang mag-aaway tayo!” kabadong sigaw ni Eliam.
Mataman kong pinagmasdan ang bola, naaalala ko ito. Ito yung bola na ipinadala sa kaniya ng Daddy niya na nagta-trabaho sa New York. Hindi naman ako ganoon kasama para sirain iyon.
Humarap ako sa kaniya at sumenyas na lumapit siya. Ginawa niya naman nang walang pag-aalinlangan. Pagkalapit niya sa akin, agad kong ibinato sa kaniyang ulo ang bola.
“Aray, George!”
I sticked out my tongue and grinned at him.
“Tama lang sa’yo ‘yan. Kita mong may nag-aaral dito, ang ingay-ingay mo. Ang kapal pa ng mukha mo na utusan ako. Aba! Sa buong buhay ko, walang ibang nag-uutos sa akin ng kung ano ang dapat kong gawin maliban sa Mama ko. Tapos ikaw, ang lakas ng loob mong iutos sa akin na kunin ang bola mo. Manigas ka sa sakit!”
Umayos naman siya sa pagkakatayo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at hinila niya ako palapit sa kaniya.
“Sumusobra ka na, Georgianna! Pinapakuha ko lang naman sa iyo yung bola ah. Hindi mo naman kailangan manakit.” aniya sa seryosong tono.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
“Like what I said, busy ako. You just ruined my mood. Can’t you see I’m studying here? Porke hindi ka nag-aaral!” saad ko saka binawi ang aking braso sa kaniyang pagkakahawak.
“Hindi ko naman na kailangang mag-aral. Dahil kahit anong mangyari, ako pa rin ang magiging top 1 sa klase sa susunod na grading ranking, tandaan mo ‘yan.”
I scoffed at him.
“Nakuha mo lang sa akin ang first place noong second grading. Huwag kang mag-alala, babawiin ko iyon sa’yo. Humanda ka rin sa result ng exam dahil sisiguraduhin kong mas tataasan ko ang mga scores mo.”
Pagkasabi ko niyon ay agad kong kinuha ang mga gamit ko. Akala ko ay titigil na siya, pero hindi. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ang ugali mo, George. Pang-elementary pa rin, grow up, will you? Third year high school na tayo!”
Natawa ako nang marinig ang kaniyang sinabi.
“Wow. Do you think I’m being childish here? At sino ba ang may kasalanan kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa’yo ha? Ako ba? No! It’s you! Kasalanan mo kung bakit namatay ang alaga kong aso. Dahil sa’yo, namatay ang aso ko. He’s my bestfriend, Eliam. My only pet and my only bestfriend pero dahil sa’yo, he’s gone.”
He heaved a sigh.
“That was when we were grade three, George. Ang tagal na nun!”
I nodded at him.
“Yeah, you’re right. Matagal na yun. Pero alam mo ba, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. He’s the only thing I have. Finn was given my late Lola and she told me to take care of him. Siguro matagal na yun para sa’yo, pero para sa akin hindi. Dahil sa tuwing nakikita kita, naaalala ko kung ano ang ginawa mo nung araw na iyon. You freed him para lang makaganti sa akin.”
“It was never my intention—”
“Yeah, I’ve heard that several times, Eliam. But I don’t care. Kasalanan mo pa rin. Kaya huwag mo akong sisihin kung ayaw ko sa’yo.”
Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay tumalikod na ako at naglakad patungo sa aming sasakyan na nakaparada sa ilalim ng mga punong manga. I put all my things inside the car before I went in. Dahil hindi naman tinted ang bintana ng aming sasakyan, kitang-kita ko mula rito sa loob ng sasakyan ang maraming puno ng manga at ang mga dahon nitong sinasayaw ng mabining hangin. Ang mga punong ito ang pinuntahan ng mga magulang ko rito sa plantasyon. Nakipag-usap kasi sila sa mga tagapangasiwa tungkol sa pest control. Hindi kasi masyadong maganda ang ani ng manggahan noong nakaraang harvest season dahil sa peste na dumapo sa mga bunga nito.
I’ve always liked this place. Masaya naman ako kapag pumupunta rito basta ba huwag ko lang makita ang pagmumukha ng Eliam na iyon.
Si Eliam ang anak ni Tita Andrea. Gaya ko, siya rin ang panganay sa kanilang magkakapatid. Kung ide-describe ko ang katangiang panlabas ni Eliam, masasabi kong guwapo siya, matangkad at mayroong magandang ngiti dahil sa kaniyang pantay-pantay na ngipin. Siguro kung hindi ko lang siya kilala magmula noong bata pa kami, magugustuhan ko siya kagaya ng pagkakagusto sa kaniya ng mga kaklase namin at ng ibang mga estudyante sa eskuwelahang pinapasukan namin.
Kaso, isang malaking ekis sa akin ang kaniyang ugali. Bata palang kami, lahat ng hindi ko gusto, gusto niya. Doon palang, alam kong hindi na kami magkakasundo. And now, look at us. We clearly don’t like each other. Isama pa natin yung ginawa niya sa aso kong si Finn. I know it’s been six years, pero malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyari noong araw na iyon.
I shake my head to remove that thought in my head. I can’t let myself feel this emotion especially now that I’m doing my assignment in Geometry. Mamaya ay magsisimula na rin akong mag-aral para sa paparating na exam namin sa susunod na buwan. Ibinaba ko ang bintana ng aming sasakyan para pumasok ang malamig na hangin. Sakto namang pagbaba nito ay nakita ko si Papa sa hindi kalayuan. Nang makita niya ako na nasa sasakyan ay agad siyang kumaway at ipinakita ang hawak niya.
Natawa ako nang makita ang isang hinog na manga na hawak ng kaniyang kaliwang kamay.
“Special mango for my favorite daughter.”
Pagak akong tumawa at umiling.
“As if naman may iba ka pang anak na babae.” napapailing na sambit ko.
Ako lang ang babaeng anak ng mga magulang ko. Ang dalawa kong kapatid na sina Alex at Gabby ay parehong lalaki. Nakakatawa diba, kasi kahit na babae ako, George ang tawag nila sa akin. Short for Georgianna Elise. Kasi mahirap nga naman kung tatawagin ako sa buo kong pangalan. Isa pa, hindi ko rin naman iyon gusto.
Kinuha ko ang manga na inabot sa akin ni Papa at nilagay iyon sa paperbag na lalagyan ng baon kong pagkain.
“Bakit ka umalis doon sa veranda ng guesthouse? Ang ganda roon ah.”
Sumimangot ako agad nang marinig ang sinabi ni Papa.
“Nakakainis kayo ni Mama, you purposely bring me here para makita ko si Eliam. Hindi niyo naman sinabi sa akin na narito siya, edi sana hindi na ako sumama.”
Bumuntong-hininga si Papa.
“Galit ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon?”
Kibit-balikat lang ang sinagot ko sa kaniya.
“Dahil kay Finn?”
Tumango naman ako.
“Sigurado kang iyon lang?”
Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang iyon.
“May iba pang dahilan, Papa?”
Papa looked at me. It’s as if he’s trying to read my mind.
“Malay ko ba kung may gusto ka sa kaniya tapos binasted ka niya.” ani Papa saka tumawa.
Dahil sa pagkainis ay inirapan ko siya.
“I can’t believe you, Papa! Ako? Magkakagusto kay Eliam? Never!”
“Siguraduhin mo lang, George. Dahil kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan, sinasabi ko sa’yo, tatawanan talaga kita.”
I rolled my eyes at him. Muli kong isinara ang bintana ng sasakyan para hindi ko na gaanong marinig kung ano man ang sinasabi niya. Knowing Papa, he’s really good at pestering me with his nonsense narratives and I must say he’s a funny person. Kaya rin siguro nagustuhan siya ni Mama. They’re totally opposite but they complement with each other.
Mabuti nalang at hindi na kami inabot ng tanghalian sa plantasyon. Pero bago kami umuwi ay nag-offer pa si Tita Andrea ng pagkain sa amin na siyempre, hindi naman tinanggihan ng mga magulang ko.
Bukod sa aming dalawa ni Eliam, naroon din ang kaniyang kapatid na babae na si Elery. If Eliam is annoying, Elery is a total weirdo. Don’t get me wrong, she’s really pretty but she’s always wearing her thick eyeglasses like a nerd, read lots of book and do unusual things like talking to her toys. She loves being alone as well. Parang ako. But we’re entirely different I could say.
“I hope Georgianna enjoyed the plantation this time.” nakangiting sambit ni Tita Andrea.
I gave her a small smile. Ngumiti naman si Mama at marahang hinawi ang aking buhok na humaharang sa kalahating parte ng aking mukha.
“Siya nga pala, I more reason why I asked for George to come with you is because their homeroom adviser asked me for a favor.”
Bumaling sa akin si Tita Andrea at alanganing ngumiti.
“Si Eliam kasi ang kinuha ng third year committee na maging escort for the upcoming school foundation day. Dapat ay si Thalia ang kaniyang partner, eh kaso nag-back out si Thalia dahil wala ang kaniyang Mama sa mismong event. Pinilit ng teacher yung bata, pero ayaw pa rin. Kaya kung papayag si George, siya sana ang magiging partner ni Eliam sa pageant.”
“What?!” sabay naming tanong ni Eliam.
“Oh no, Tita Andy. No way.”
Ngumiwi naman si Eliam.
“Talagang no way! Hindi ko gugustuhing makapartner ang malditang kagaya mo.”
Bumaling naman siya agad kay Mama at humingi ng paumanhin.
“No, George. You’re pretty and smart. Why not join anak?” agad namang saad ni Mama.
I scoffed. Kahit imagine-in man lang ang sarili ko na rumarampa sa pageant ay hindi ko magawa, ang sumali pa kaya? No way! That’s a big crazy idea!
“Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikila
“Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res
“Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikila
“George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi k
“Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res