Share

Chapter 2

Author: Iya Perez
last update Huling Na-update: 2022-01-26 11:55:40

“Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.

Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.

“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikilala ka ng mga tao. That’s a good publicity lalo na at plano mong sumali sa Student Supreme Government bago mag-end ang school year. Hindi ba?”

Naningkit ang aking mga mata habang pinakikinggan ang sinasabi ng kapatid ko.

“Hindi pa rin. Hindi ko naman kailangan yun. Maraming nang nakakakilala sa akin sa school.”

“Pero mas marami pa ring nakakakilala kay Kuya Eliam. Paano kapag kinuha siya ng opposite party para maging kalaban mo sa pagiging president ng school?”

Itong kapatid ko na ito, first year high school pa lang pero ang dami nang alam. At ang nakakainis pa, lahat ng sinasabi niya may sense. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na isipin ang mga posibilidad. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga bago kumuha ng isang libro sa ibabaw ng cabinet ni Alex. Alex grew up fond of reading books. Gaya ko, wide reader din siya. Siguro ay na-pick up namin ang habit na iyon kay Papa dahil mahilig din itong magbasa.

Umupo ako sa kama at sinubukang magbasa ng ilang pahina nito. Gusto kong ibaling sa ibang bagay ang aking isipan pero habang nagbabasa ako ay panay naman ang pasok ng nangyari kanina sa aking isipan. I’m trying to relate what Alex told me. Sa buong buhay ko, isa lang ang gusto kong mangyari, yun ay makitang hindi nagtatagumpay si Eliam.

 Buo ang loob na tumayo ako at nagdesisyong lumabas na ng kuwarto ng kapatid ko.

“Hoy, Ate! Hindi mo binalik yung libro sa pinagkunan mo!” dinig kong reklamo nito.

Nagkunwari akong walang narinig. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kuwarto ng mga magulang ko. Pagkatapat ko sa labas ng kanilang pinto ay mabilis akong kumatok doon.

Ilang sandali pa ay bumukas ito. Nakita ko si Papa na nakasuot ng salamin at may hawak na libro habang si Mama naman ay nakaharap sa kaniyang vanity mirror at nags-skin care routine.

“Yes, darling? May sasabihin ka ba?”

Inayos ko ang aking suot na eyeglasses at humugot ng malalim na hininga.

“I want to join the pageant.” diretsahan kong sabi kay Mama.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Papa. Si Mama naman ay alanganing napangiti.

“Are you sure about that, George? Baka naman napipilitan ka? I’m telling you, anak. Hindi maganda na gawin ang isang bagay na napipilitan ka lang. Dapat gusto mo ito.” Sabi ni Papa.

Marahan namang tumango si Mama bilang pagsang-ayon sa kaniya. Umayos naman ako sa pagkakatayo at umiling.

“No, hindi ako napipilitan, Papa. After all, I will gain something if I do this. I’ve told you about my plans on running as the Supreme Student Government President, right?”

Huminto ako sa pagsasalita at naglakad palapit kay Papa.

“I think that pageant could help me to be known by other students. That’s a good publicity for me. I don’t have to win. I just have to join and try my best, right?”

Mom smiled and nodded. Habang si Dad naman ay nakakunot pa rin ang noo.

“Are you sure that’s your motive in joining the pageant? Kasi kanina, if I remember it correctly, halos magwala ka kanina nang marinig mo ang sinabi ng Tita Andy mo. Now, you’re saying that you want to join the pageant. Hindi ko lang maiwasan na magtaka, anak.”

I sighed mentally. Kahit kailan talaga, ang hirap maglihim dito sa Tatay ko.  Pero siyempre, kahit ilang beses niyang itanong kung ano ang pinakarason ko, hindi ko iyon sasabihin dahil paniguradong pagagalitan niya lang ako.

“You don’t have to worry about my motive, Papa.” saad ko saka ngumiti nang makahulugan sa kaniya.

***

“Sigurado ka bang sasali ka? Naku, sa daming nagkaka-crush kay Eliam, baka pag-initan ka lang ng mga shipper nila ni Thalia.”

Napahinto ako sandali sa paglalakad papasok sa school nang marinig ang sinabi ni Kyla, ang pinakamatalik at nag-iisa kong kaibigan dito sa San Lorenzo National High School.

“If that happens, that would be a bad publicity for you, Gianna.”

I pouted a bit when I heard what she called me. No one calls me Gianna. Kahit sa bahay namin, walang naglalakas ng loob na tumawag sa akin sa nickname na iyon. Bukod sa baduy itong pakinggan, napaka-feminine rin.

“Stop calling me that. Call me, George.”

Ngumisi ito.

“George. Panglalaki talaga ‘yang nickname mo. Why not change it from George to Gianna? Mas magugustuhan iyon ng karamihan. Saka puwede rin bang, baguhin mo rin ng konti iyang ugali mo? Kaya wala kang gaanong kaibigan kasi intimidated sa’yo lahat ng mga kaklase natin. Marami rin sanang gustong manligaw sa’yo kasi talagang maganda ka naman, ang kaso m*****a ka. Ang hilig mong magtaboy ng lalaki. Naku, pasalamat ka at naiintindihan ko iyang pag-uugali mo, dahil kung hindi baka pati ako, iniwan ka na.”

Imbes na ma-offend ay tinawanan ko lang siya.

“Dapat ba akong mag-thank you kasi hindi mo pa ako iniiwan?”

Inirapan naman niya ako saka nauna nang maglakad. Mas lalo akong natawa. I understand where she’s coming from. Pero anong magagawa ko kung ganito talaga ang ugali ko? Ang hirap namang baguhin agad ang nakasanayan. Hinawakan ko siya sa balikat kaya huminto siya sa paglalakad.

“Sorry na. Huwag kang mag-alala, susubukan kong hindi maging sobrang m*****a. Ssubukan ko nang makisama nang maayos, promise ‘yan.” Sabi ko saka tinaas pa ang isang kamay ko sa harapan niya na parang nagpapanata.

Instead of nodding as her response, napangiwi ako nang muli ako nitong irapan.

“Walk the talk, Georgianna.” aniya saka muling naglakad.

Humugot ako nang malalim na hininga at pilit na kinalma ang aking sarili. Isa si Kyla sa mga anak na babae ng Vice Mayor dito sa San Lorenzo. Nagkakilala kaming dalawa nito noong unang taon namin sa high school. Malaki man ang pagkakaiba namin, pero naging mabuti naman kaming magkaibigan. Kung ako ay introvert,siya naman ang extrovert. Mahilig itong makipag-usap sa kung kani-kanino. Maingay rin ito sa klase kaya laging napapagalitan ng aming mga guro. At higit sa lahat, hindi ito ganoon kagaling sa pag-aaral. Pero kahit paano ay pumapasa naman.

Walang gana akong naglakad papasok sa gate ng school. Ingat na ingat ako na madaanan ang area na mayroong tubig dahil paniguradong mababasa ang sapatos ko. Umulan kasi kagabi dahil mayroong paparating na bagyo. Inayos ko ang pagkakahawak ng aking plastic envelope nang bigla akong makarinig ng hiyawan ng mga estudyanteng paparating. Napalingon ako agad sa mga ito. Nanlaki ang aking mata nang makitang mayroong tatlong estudyante ang nakasakay sa bisekleta at nagkakarerahan sa pagpasok sa eskuwelahan.

Ang unang pumasok sa aking isipan ay kailangan kong lumayo agad dahil paniguradong mababasa ako maduming tubig at marurumihan ang unipormeng suot ko. Pero sa labis na kabang nararamdaman ko ay hindi ko na naikilos ang aking mga paa.

I was panicking. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil papalapit na ang mga ito. Pero nagulat ako nang biglang may humawak sa aking palapulsuhan at bigla akong hinila palayo sa kinaroroonan ko. Dahil sa malakas na paghatak nito ay napasubsob ako sa dibdib nito. Nawala tuloy sa pagkakaayos ang suot kong eyeglasses. Mabilis ko iyong inayos at agad na nag-angat nang tingin sa lalaking nagligtas sa akin.

Agad akong napaatras nang makita kung sino ito.

“Eliam?”

Eliam grinned when he saw my puzzled reaction.

“Wala man lang bang thank you riyan?”

Imbes na magpasalamat ay sinamaan ko siya nang tingin.

“Sana hinayaan mo nalang ako mabasa.” Inis na sabi ko saka tumalikod sa kaniya.

“Gano’n lang iyon? Grabe ka talaga, George. Kahit thank you lang hindi mo talaga maibigay sa akin?” masama ang loob na sambit niya.

“Talagang nag-expect ka na magt-thank you ako sa’yo dahil lang sa ginawa mo? Asa ka. Mangyayari lang iyan sa panaginip mo, o hindi kaya kapag umulan ngayon mismo.” Saad ko saka tumalikod na.

Maya-maya naman ay biglang umambon. Napahinto ako sa paglalakad at inis na bumaling kay Eliam na ngayon ay nakangisi na. Kung minamalas ka nga naman talaga!

“Nasaan na ang thank you ko?”

Umismid ako sa kaniya.

“Hindi pa rin ako magte-thank you.” sambit ko saka mabilis na tumakbo papasok sa classroom namin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
peyvalirie
update po, sobrang gusto ko yung mga ganitpng plot
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Thank Your Stars   Prologue

    “Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res

    Huling Na-update : 2022-01-23
  • Thank Your Stars   Chapter 1

    “George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi k

    Huling Na-update : 2022-01-24

Pinakabagong kabanata

  • Thank Your Stars   Chapter 2

    “Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikila

  • Thank Your Stars   Chapter 1

    “George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi k

  • Thank Your Stars   Prologue

    “Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res

DMCA.com Protection Status