“Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.
“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.
Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.
“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”
“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some respect with your childhood friend.”
Napangiwi ako nang marinig iyon. Childhood friend? Baka childhood enemy? Eh magmula bata pa lang kami ay wala kaming ibang ginawa niyang ni Eliam kundi mag-away.
“Ma, hindi ako puwedeng ikasal kay Eliam, may boyfriend ako sa Manila at maayos ang relasyon namin ni Angelo. Anong sasabihin ko sa boyfriend ko pagbalik ko roon? Na umuwi lang ako ng Guimaras and in an instant, engage na ako dito sa… sa lalaking ‘to?”
Sumimangot naman si Eliam.
“Kung makapagsalita ka riyan akala mo ikaw pa ang lugi. Ayoko rin namang makasal sa iyo ‘no! Dinaig mo pang nakalunok ng megaphone sa lakas ng bibig mo. Lagi ka pang naninigaw.”
Umiling siya nang paulit-ulit. Bumaling siya kina Mama.
“Please reconsider Tita Jasmine, wala po bang ibang paraan para pumayag sina Lolo na ibigay sa amin ang share namin sa Manggahan? Kailangan po ba talagang ikasal kaming dalawa ni George?”
Sabay na tumango ang aming mga magulang.
“Sa inyo nang dalawa nakapangalan ang ilang hectares na manggahan na pag-aari ng Lolo Albert at Lolo Dennis niyo dahil bago pa man kayo ipanganak ay napagkasunduan na nila ang bagay na iyon.”
“Iyon naman po pala, bakit hindi nalang po nila ibigay sa amin? Bakit kailangan po nila itong ibenta ngayon? Malaki ang ambag ng manggahan sa buhay namin ni George habang lumalaki kami. Actually, hindi lang sa amin ni George kundi pati na rin sa mga tauhan nito. Kapag ibinenta nina Lolo ang manggahan, mawawalan ng kabuyahan ang ibang taga-rito sa San Lorenzo.”
May punto si Eliam. Iyon din ang inaalala ko. Okay lang sana kung hindi mawawalan ng trabaho ang mga trabahador ng plantasyon. Sila pa naman ang nagpalago ng manggahan na iyon magmula pa noon.
“Wala na tayong magagawa. Matagal na nilang napag-isipang ibenta iyon, ngunit may magagawa kayong dalawa para iligtas ang plantasyon sa pagkakabenta. Ang kondisyon na ibinigay nila ay kailangan niyong maikasal sa lalong madaling panahon para maging opisyal niyo nang pag-aari ang plantasyon.”
Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Nang magtama ang aming paningin ni Eliam ay kita ko sa kaniyang mga mata na nahihirapan din siya. Ang alam ko kasi ay may girlfriend din siya, at mahal na mahal niya yun. Kung hindi ako nagkakamali ay may plano na siyang mag-propose sa girlfriend niya sa susunod na taon. Habang ako naman ay kasisimula pa lang sa relasyon namin ni Angelo. Angelo is a great boyfriend, napaka-supportive rin nito at sobrang ganda ng family background. And I plan to keep him at kung papalarin, siya na rin ang gusto kong mapangasawa at makasama habang buhay. Pero dahil sa nangyayaring ito ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
“Nasa inyo ang desisyon, Georgianna at Eliam.” malungkot na sambit ni Tita Andrea, ang Mama ni Eliam.
“Isang linggo ang palugit na binigay ng inyong mga Lolo. Kapag sa loob ng isang linggo ay hindi pa kayo nakapagdesisyon, we’ll have to let go of the plantation.” saad naman ni Mama.
Pagkatapos nilang mag-usap ay iniwan na nila kami ni Eliam dito sa veranda ng bahay namin. Pumasok na sila sa loob upang maghanda ng aming hapunan. Papadilim na rin ang paligid at ang mga streetlights ay paunti-unti nang sinisindihan.
Nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ni Eliam ay roon ako napabaling sa kaniya. Nakagat ko ang aking ibabang labi at nag-isip ng sasabihin.
“Truce muna. Kailangan nating pag-isipan ‘to, George. Hindi ito puwedeng idaan sa away. Hindi lang buhay natin ang nakataya sa desisyong ito, kundi pati na rin ang buhay ng mga trabahador ng plantasyon.”
Tumango naman ako sa kaniya.
“Alam ko. Hindi na tayo mga bata para makipag-away ako sa ganitong panahon. Pero grabe sina Lolo ano? Sa dinami-rami ng puwedeng gawing kondisyon, iyong ikasal pa tayong dalawa. Eh hindi ko nga kayang matagalan ‘yang pagmumukha mo.”
He scoffed and pointed my mouth using his forefinger.
“Grabe rin talaga ‘yang bibig mo ‘no? Minsan parang gusto ko nang tapalan ng packing tape eh.”
Inambahan ko naman siya nang suntok kaya agad siyang umatras.
“Pasalamat ka talaga hindi ako pumapatol sa babae.” aniya sa iritadong tono.
Hindi ko naman napigilang matawa. Hindi raw pumapatol sa babae.
“Talaga ba? Baka nakakalimutan mong dinikitan mo ng chewing gum na puno ng laway mo yung buhok ko noong elementary tayo.”
Sinamaan niya naman ako nang tingin.
“Dapat lang naman sa’yo ‘yon kasi pinatid mo ako sa harapan ng klase. Pinahiya mo ako sa crush ko noon.”
“Eh paano yung noong nilagyan mo ng bato yung bag ko kaya biglang bumigat? Ano ‘yon? Huwag mo sabihing trip mo lang ‘yon?”
He scoffed. Nakikita kong konti nalang mapapatid na ang kaniyang pasensiya.
“Hoy babae, maling reviewer ang binigay mo sa akin kaya ang baba ko sa exam. Kung hindi ko lang alam, sinadya mo iyon dahil naiinggit ka sa akin dahil top 1 ako noon.”
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Kasalanan mo ‘yon, naniwala ka kasi na ipapahiram ko sa’yo yung ginawa kong reviewer. Hindi ako mabait sa mga gaya mong plastic.”
“Hindi ka naman talaga mabait. Masama talaga ang ugali mo. Ayaw mo lang aminin.”
Pakiramdam ko habang tumatagal ang usapan namin ay unti-unting kumukulo ang dugo ko.
“Masama rin naman ang ugali mo. Bakit kala mo mabait ka? Kaya ka lang namang maraming kaibigan kasi masarap lagi yang baon mo.”
“At least may kaibigan, ikaw talagang wala kasi walang makatagal sa ugali mong pabibo.”
Sasagot pa sana ako nang biglang tinawag ng aming mga magulang ang aming pangalan. Natahimik kami bigla dahil hindi namin inaasahan na babalikan nila kami rito sa veranda.
“Tumigil na kayong dalawa, utang na loob.” saad ni Mama sa kalmadong boses. Alam kong pinipilit niya na lang maging kalmado kahit na ang totoo ay pikon na pikon na siya sa aming dalawa.
“Pumasok na kayo rito sa loob at kakain na tayo.” ani Tita Andrea.
Napayuko naman kaming dalawa at sabay na naglakad papasok.
“Ano ba naman kayong dalawa. Ang tatanda niyo na ah. Act your age the two of you, will you? Pareho na kayong 25 years old pero dinaig niyo pang mga bata kung mag-away. Back then, understandable pa yung pag-aaway niyo dahil sa pagkakaiba niyong dalawa. Pero ngayon, hindi na talaga nakakatuwa. Hindi na namin naiintindihan kung bakit ganiyan ang trato niyo sa isa’t isa.”
Napanguso naman ako habang naglalakad palapit sa lamesa kung saan nakahanda ng lahat ng pagkaing niluto ng mga kusinera namin dito sa bahay. Bago kami umupo ni Eliam ay napatingin pa kami sa isa’t-isa. Inirapan ko naman siya saka umupo na sa tabi ng kapatid kong si Gabby. Sa kabila naman ni Gabby ay naroon si Papa. Ang katabi naman ni Mama ay ang isa ko pang kapatid na si Alex.
“Kayo nalang ang pag-asa ng manggahan, sana naman maging seryoso na kayong dalawa. Ikaw, George tigilan mo na ang pangpo-provoke rito kay Eliam. Palagi nalang ikaw ang dahilan ng away niyo.”
Mas lalong tumulis ang nguso ko sa sinabi ni Mama.
“Sorry po.” pabulong ko namang sambit bago kumuha ng kanin at ulam.
Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay nagsalita naman si Tita Andrea.
“Tutal ay naka-leave naman kayo ng one week sa mga trabaho niyo, bakit hindi nalang muna kayo manatili sa bahay na tuluyan sa Manggahan? Makisama kayo roon sa mga trabahador para makita niyo ang ginagawa nila sa araw-araw. Pakiramdam ko ay malaki ang maitutulong ng pananatili niyo sa manggahan kahit pansamantala lang sa pagdedesisyon niyo.”
Iniisip ko palang na kasama ko sa iisang bahay si Eliam, nag-iinit na ang dugo ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng kapatid kong si Alex. Napatingin sa kaniya ang lahat dahil sa reaksiyon niyang iyon.
“May nakakatawa ba sa sinabi ng Tita Andrea mo, Alex?” mataray na tanong sa kaniya ni Mama.
Umiling naman siya.
“Nothing, Mama. I just can’t help but to think what will happen to Ate George and Kuya Eliam kapag nagkasama sila sa iisang bahay. I can foresee that they will never stop bickering at each other every single time na makikita nila ang isa’t isa.”
Wow. Buti pa itong kapatid ko, alam na alam kung anong mangyayari.
“What if hindi ganoon yung mangyari? Malay mo naman dahil sa pananatili nila sa iisang bahay, magbago ang tingin nila sa isa’t isa.”
Sabay-sabay namang lumipat ang aming paningin sa kapatid ni Eliam na si Elery. Tumaas ang kilay ko nang rumehistro sa isipan ko ang sinabi nito. Napakaimposible nang sinasabi niya. Kahit lumuhod pa sa akin ang mga tala, hindi magbabago ang tingin ko sa kuya niya.
“Maraming puwedeng mangyari. Kaya huwag muna kayong magsalita nang tapos.” saad pa nito at bumaling sa akin. Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
Ha! Did she just read my mind?
Tumikhim naman si Tita Andrea, paraan niya para kunin ang atensiyon namin ni Eliam.
“Desisyon namin iyon bilang mga magulang niyo. Umaasa kami na sana magkasundo na kayong dalawa. Kahit iyon nalang, gawin niyo na para sa amin. Manatili lang kayo ng ilang araw kasama ng mga trabahador sa plantasyon.”
Humugot ako ng malalim na hininga. Gustuhin ko mang tumanggi pero alam kong ako ang magmumukhang masama kapag ginawa ko yun. Kaya ang ending, pumayag na kaming dalawa.
Kinabukasan ay sabay kaming nagtungo sa plantasyon. Gaya ng sabi ni Eliam, malaki ang ambag ng manggahang ito sa amin magmula pagkabata. Eliam and I weren’t enemies all the time, may mga pagkakataong nagkakasundo naman kaming dalawa. At kapag okay kaming dalawa, dito kami laging nagtutungo. Mayroon kaming paboritong puno na inaakyatan naming dalawa. Iyong puno lang kasi na iyon ang may magandang sanga na puwede naming tambayan. Kapag gabi, doon kami tumatambay para mapagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Pero bihira lang iyon mangyari. Bilang na bilang sa daliri ko ang mga pagkakataong nagkakasundo kami.
“Akin na ‘yang gamit mo.” aniya saka kinuha ang duffel bag na may laman ng mga gamit ko.
Nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako. Nang makita ko ang tulay sa hindi kalayuan ay bahagya akong napahinto sa paglalakad. Nang mapansin ni Eliam na huminto ako sa kinatatayuan ko ay huminto na rin siya. Naglakad siya pabalik sa at inilahad ang kaniyang isang kamay sa akin.
“Alam kong hanggang ngayon ay may trauma ka pa rin diyan, kaya dali na. Kapit ka na sa akin.”
Napatitig ako sa kaniyang kamay. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, humawak na ako roon kahit may parte sa pagkatao ko na humahadlang na gawin iyon. Wala akong choice ngayon. Hanggang ngayon, natatandaan ko pa rin kung anong nangyari sa akin sa ilalim ng tulay na iyan at kung paano ako iniligtas ni Eliam kahit na alam niyang posible ring malagay sa panganib ang kaniyang buhay.
“Hold my hand, George and don’t let go.” he said and gave me an encouraging look.
“George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi k
“Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikila
“Never! Never kong gugustuhing makasali sa pageant na iyon. At mas lalong never na papayag akong maging partner noong Eliam na iyon!” inis na reklamo ko pagkapasok ko sa kuwarto ng kapatid kong si Alex.Huminto siya sa paglalaro ng lego at bumaling sa akin. He looked so confused and a bit of shocked. I know. I understand. Hindi ko naman kasing ugali na pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko. Pero ngayong iritang-irita ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naisipan kong dito magtungo para kahit paano ay makapaglabas ako ng sama ng loob. At sigurado akong may makakarinig sa sinasabi ko tungkol sa nakakainis na lalaking iyon. And his Mom, don’t get me wrong. I like Tita Andrea a lot ‘cause she’s truly a sweetheart. But this time, I don’t like what she’s trying to do.“Bakit naman ayaw mong sumali sa pageant sa school natin? Hindi ba mas magiging maganda iyon sa reputation mo. Mas makikila
“George puwede bang pakikuha yung bola? Nasa ilalim lang ng lamesa.”Umangat ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ni Eliam. Pasimple kong sinilip ang bola sa ilalim ng lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi lumingon sa aking likuran kung saan naroon sila kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi nito at muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Sabado ngayon at oras para gumawa ng assignment, pero inuuna pa niya ang paglalaro. Manigas siya riyan!“Hoy, Georgianna! Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Kunin mo kako iyong bola na napunta sa ilalim ng lamesa.”Inis akong humarap sa kaniya. I flipped my hair at pinag-ekis ang aking dalawang braso sa harapan ng aking dibdib. Ito ang ayaw ko, iyong busy ako sa pag-aaral, pero nandito sila para manggulo. Kung bakit ba naman kasi nasa harapan ng guest house ang basketball court na ito. At hindi k
“Kasal?!” sabay naming sigaw ni Eliam sa harapan ng aming mga magulang. I scoffed at the idea. Napahawak ako sa aking batok at napayuko sandali at naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.“Hindi naman kayo seryoso hindi ba, Papa?” tanong ko sa aking na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Agad naman itong umiwas sa aking paningin at inabala na lamang ang kaniyang sarili sa pakikipaglaro sa aking nakababatang kapatid na si Gabby.Nang bumaling ako kay Mama ay diretso lang itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ito natinag sa tingin na ibinigay ko sa kaniya. Nang bumaling ako kay Eliam, nakatingin lang din ito sa akin. Gayunpaman, halatang nangangamba rin ito sa balitang ipinaalam sa amin ng aming mga magulang.“Ni hindi ko nga kayang makasama sa iisang lugar itong kumag na’to, pakakasalan ko pa kaya?”“Georgianna, watch your words! Hindi kita pinalaki na ganyan magsalita. Have some res