Nagising na lamang si Alex na nasa loob ng isang magarang kuwarto at nakasuot ng mamahaling wedding dress habang may hawak na sulat sa isa niyang kamay. Nakiusap sa kanya ang kakambal niyang si Alexa na ngayong lang niya nakilala na magpanggap siyang si Alexa at magpakasal kay Uriel Fontagio na isang milyonaryo kapalit ng pagpapagamot nito sa may sakit niyang ina. Wala siyang choice kundi ang pumayag sa nais ni Alexa kaya siya ang nagpakasal sa fiance nito. Ngunit paano pakikisamahan ng isang katulad niyang may pagka-clumsy at hindi sanay sa karangyaan ang kanyang asawang seryoso at may pagkamasungit pa?
view moreAlex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s
Alex's Pov"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin."Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Alex's PovSa isang malaki at bagong-bagong puting bahay ako dinala ni Uriel. Nagpapapalag pa rin habang ibinababa niya sa sasakyan niya."Ano ba, Uriel?! Ibalik mo ako sa school ngayon din," mariing utos ko sa kanya habang binabayo ko ang kanyang likuran."I will. Pero pagkatapos na nating mag-usap," sagot niya sa akin. Balewala lamang sa kanya ang ginagawa kong pagbayo sa kanyang likuran na tila ba hindi siya nasasaktan."Wala naman tayong dapat pang pag-usapan pa, Uriel. Tapos na sa inyo ni Alexa ang lahat kaya wala na rin tayong koneksiyon.""Yes. Tama ka. Tapos na ang lahat sa amin ni Alexa pero hindi tayo. Dahil kailangan nating mag-usap."Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay ibinaba niya ako sa sofa. Agad akong tumayo pagkababa niya sa akin ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila pahiga sa sofa tapos dinaganan niya ako ng kanyang katawan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakadagan niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud
Alex PovHindi ako magkandatuto sa pag-iistima sa mga customers na pumapasok sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop sa Ermita. Dalawa kasi kaming waitress ngunit hindi pumasok ngayon si Lorna kung kailan mas dumagsa ang mga taong pumasok para magkape at mag-meryenda. Hindi naman kalakihan ang coffee shop na pinagtatrabahuhan ko ngunit madalas ay maraming tao ang pumapasok sa loob dahil na rin sa matao ang lugar na kinatitirikan ng shop. Katulad ngayon, marami na namang customers ang pumasok kaya parang hilong talilong na ako. Tawag dito, tawag doon. Deliver dito, deliver do'n ang ginagawa ko. Masungit pa naman ang may-ari ng shop na siya ring tumatayong cashier. Pinagtitiyagaan ko na lamang ang trabahong ito dahil wala naman akong ibang mapasukang trabaho. Saan ba naman kasi magtatrabaho ang isang katulad ko na graduate lamang ng high school?"Alex,, ano ka ba? Huwag ka ngang babagal-bagal diyan at marami pang customers ang naghihintay sa order nila," masungit na sita sa akin ng boss ko...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments