Alex Pov
"Uuhm..." mahinang ungol ko habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking kamalayan. Hindi ko pa nga naididilat ang aking mga mata ngunit mabilis na akong napabalikwas nang maalala ko ang huling nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay. Pagdilat ko ng aking mga mata ay ganoon na lamang ang pagkabiglang naramdaman ko nang makitang nasa loob ako ng isang eleganteng kuwarto. Halatadong mayaman ang may-ari ng kuwarto dahil ang mga kagamitang naroon sa loob ay mukhang mga mamahalin. Kahit ang vase na nasa itaas ng divider ay mukhang mamahalin din ang presyo kahit na simple lamang ang hitsura. Magkano ko kaya maibebenta iyan kapag itinakbo ko?Agad kong binura sa isip ko ang hindi magandang ideya na biglang pumasok sa utak ko. Mukhang desperado na yata akong magkapera kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Imbes na ang isipin ko kung nasaan ako at ano ang dahilan kung bakit ako kinidnap ang pagnanakaw pa talaga ang pumasok sa isip ko. Pero bakit nga ba ako kinidnap? Hindi naman ako mayaman para ipatubos sa mama ko. Naglakad nga lang ako pauwi para makatipid ng pamasahe nakidnap naman ako. Kung alam ko lang na makikidnap ako ay ipinikit ko na lamang sana ang aking mga mata at sumakay na lamang ako ng tricycle pauwi sa bahay namin.Dahan-dahan akong bumangon sa kama para sumilip sa labas ng kuwarto. Kapag wala akong makitang tao sa labas ng kuwarto ay tatakas ako sa lugar na ito. Akmang bababa na ako sa kama nang maramdaman kong mabigat ang suot ko. Literal na napanganga ako nang makita ko nakasuot ako ng magarang dress. Kaagad akong bumaba sa kama at nagmamadaling lumapit sa harapan ng human-size na salamin. Napatili ako ng malakas nang makita ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Hindi lang pala isang simpleng dress ang suot ko kundi wedding dress. Nakukulapulan din ng kolorete ang mukha ko na sa loob ng labinwalong taon ay ngayon lang nasayaran ng makeup."Ano ang nangyari sa akin? Sino ang kumulam sa akin? Pumasok ba ang kaluluwa ko sa katawan ng ibang tao?" hindi napigilang kausap ko sa sarili. Ngunit mukha ko naman ang nakikita ko sa harapan ng salamin at kaluluwa ko ang nasa loob ng katawan kaya imposibleng pumasok sa ibang katawan ang kaluluwa ko kagaya ng mga napapanuod ko sa mga palabas sa television. Pero in fairness, ang ganda ko pala kapag naayusan ako at ang seksi pala ng katawan ko. Hindi ko naman kasi tinitingnan ang katawan ko sa salamin dahil unang-una ay maliit na salamin na tatlong dangkal lamang yata ang haba ang salamin namin sa bahay at hindi naman ako nagsusuot ng mga pa-seksing damit. Wala rin naman kasi ako niyon. Mga lumang t-shirt na maluwang at lumang jeans lamang ang palaging suot ko. Nakakapagsuot lamang ako ng maikli dahil sa uniform ko sa coffee shop na nilayasan ko.Napatingin ako sa kanang kamay ko nang maramdaman ko na tila may hawak akong isang maniois na bagay na parang papel. Papel nga ang hawak ko nang tingnan ko ang aking kanang kamay. Akmang bubuklatin ko na ang papel nang biglang bumukas ang pintuan at humahangos na pumasok ang isang babae na nakasuot ng uniporme na pang katulong kaya hindi na niya kailangan pang itanong kung ano ito sa bahay na iyon."Ano po ang nangyari, Ma'am Alexa? Bakit kayo sumigaw ng malakas?" agad nitong tanong sa akin.Ma'am? Alexa? Kailan pa naging Eonna ang pangalan ko? tanong ko sa aking isip."Nasaan ako at bakit nakasuot ako ng wedding dress?" nagtatakang tanong ko sa katulong.Napakunot ang noo ng katulong habang nakatingin sa akin na tila nawi-werduhan sa ikinikilos ko."Nasa loob ka ng kuwarto mo, Ma'am Alexa at kaya ka nakasuot ng wedding dress ay dahil kasal mo ngayon kay Sir Uriel. Nakalimutan mo na ba?" sagot niya sa akin. "Nakatulog ka kanina habang inaayusan ka ng makeuo artist. Dahil maaga pa naman kaya sabi ng daddy mo ay hayaan ka na lang munang matulog at gisingin na lang daw kita kapag aalis na.""Ano? Kasal ko ngayon? Ni wala nga akong boyfriend tapos ikakasal ako?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Mukhang may misunderstanding yata na nagaganap.""Ma'am, wala na po tayong oras dahil nandiyan na po ang kotse na maghahatid sa'yo papunta sa simbahan," paliwanag ng katulong.Nataranta ako nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Relax, Alex. Relax," mahinang kausap ko sa aking sarili. Kailangan kong mag-isip kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. Hindi ako papayag na basta na lamang ako ikasal sa lalaking ni anino ay hindi ko pa nakita. Ano ang malay ko kung isa na palang lolo ang Davin na iyon na pakakasalan ko tapos may walong anak at sampung apo. Di naging instant lola pa ako nito ngayon. "Puwedeng pakisabi sa naghihintay na driver na saglit lamang dahil nagre-retouch pa ako? Nagusot kasi ang damit ko nang mahiga ako sa kama," pagdadahilan ko. Pero ang totoo ay magbibihis ako ng damit at tatakas sa bahay na ito."Sige po, Ma'am Alexa. Sasabihin ko po sa kanya," anang katulong pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto.Paglabas ng katulong ay akmang huhubarin ko na ang suot kong wedding dress nang maalala ko ang papel na hawak ko kanina. Dinampot ko iyon sa sahig dahil nabitawan ko iyon kanina pagpasok ng katulong. Baka nasa papel na ito ang kasagutan sa kanyang mga katanungan. Nanginginig ang mga kamay na binuklat ko ang nakatuping papel para basahin...Hello, Alex. I know you don't know me but I knew you. I am your identical twin, Alexa. I grew up with our father while you grew up with our mother. I'm sorry kung kinidnap kita para ipalit sa akin bilang bride ni Uriel. Hindi sa ayokong magpakasal sa kanya ngunit hindi lang talaga ako handa pa para magpakasal. Don't worry, ipapagamot ko si Mama kaya huwag kang mag-alala sa kanya. At huwag ka ring mag-alala dahil hindi ako magpapanggap bilang ikaw. I will tell our mother about my real identity at pati na rin ang ginawa ko sa'yo. I will take this chance to get closer to our mother. Matagal ko siyang hindi nakasama kaya nananabik ako sa pagmamahal ng isang ina. At sana ay mapalapit ka rin kay daddy. Mapatawad mo sana siya sa ginawa niyang pag-iwan sa inyo ni Mommy. Aalagaan ko si Mommy at hindi ko siya pababayaan. Please, pretend as me hanggang sa bumalik ako. At sa pagbabalik ko ay nakahanda na akong harapin ang buhay ng may asawa. I'm really, really sorry that I put you in this kind of situation. Babawi ako sa'yo kapag may pagkakataon at ikukuwento ko na rin sa'yo kung paano ko nalaman na may kakambal pala ako kahit hindi ka naman binabanggit sa akin ni Daddy. I love Uriel pero hindi pa ako handang mag-asawa. Please take care of him for me. Your Sister, AlexaHindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha matapos kong basahin ang sulat na iniwan sa akin ni Alexa. May kakambal pala ako. Bakit hindi sinabi sa akin ni Mama na may kapatid pala ako at dinala ng walang hiya kong ama noong inabandona niya kami ni Mama. Gusto ni Alexa na maging malapit ako sa aming ama at mapatawad ko siya sa pag-iwan niya sa amin ni Mama? Hindi. Hindi mangyayari ang kanyang nais. Galit ako sa ama ko dahil kung hindi niya kami iniwan ni Mama ay hindi sana namin mararanasan ang lahat ng hirap na pinagdaanan naming dalawa para lamang mabuhay. Hindi sana magkakasakit ang mama ko dahil sa sobrang pagkayod para lamang kami makakain kahit isang beses man lang sa isang araw. Hindi ko siya mapapatawad. Hindi!***Hindi ko mapigilan ang pagdagsa ng kaba sa aking dibdib habang naglalakad ako sa aisles palapit sa lalaking magiging asawa ko ngunit ngayon pa lamang ko oa lamang makikita. Sa tabi ko ay ang aking ama na sa loob ng labinwalong taon ay ngayon ko lang nakita. At sa araw pa ng kasal ko na dapat ay kasal ng kakambal kong si AlexaKanina nang sinalubong niya ako sa harapan ng simbahan nang nakangiti ay hindi ko magawang suklian ang kanyang matamis na ngiti. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng mga sakit na pinagdaanan namin ni Mama ngunit hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil malalaman niya na hindi ako si Alexa kundi ang inabandona niyang anak na si Alex."Please, take care of my one and only daughter, Uriel," bilin ng kanyang ama nang iniabot nito kay Uriel ang aking kamay.Nakaramdam ako ng sakit dahil sa sinabi ng aking ama. One and only daughter? Talagang kinalimutan na nga niya na may isa pa siyang anak. Gusto ko sanang bulyawan siya at sabihing ako si Uriel. Ang kanyang pangalawang anak. Ngunit alang-alang sa pagpapagamot ng mama ko ay pinigil ko ang sarili kong gawin iyon.Biglang nanlamig ang kamay ko nang maramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ng mainit-init na kamay ni Uriel. Hindi ko siya magawang tingnan dahil baka ipagkanulo ako ng aking damdamin at mabuko pa na hindi naman talaga ako si Alexa. Kapag nangyari iyon ay para ko na ring pinatay ang aking mama.Lutang ang isip ko habang nagsasalita ang pari sa harapan namin. At hindi na lamang ang mga kamay ko ang nanlalamig kundi ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay nagsisikip na rin ang aking dibdib. Tila hindi ako makahinga at parang nanlalabo ang aking mga paningin kaya bahagya kong ipinilig ang aking ulo."And now, you may kiss the bride," pag-aanunsiyo ng pari bilang pagtatapos sa seremonyas ng kasal. Ang ibig sabihin ay halik na lamang ang kulang at opisyal na silang mag-asawa ni Uriel.Napapikit ako nang marahan niya akong pinihit paharap sa kanya at pagkatapos ay iniangat ang nakatakip na belo sa aking mukha."Open your eyes," narinig kong utos sa akin ni Uriel sa mahinang boses."Kiss! Kiss!" malakas na udyok ng mga tao sa paligid namin.Huminga muna ako ng malalim bago nilakasan ko ang aking loob para imulat ang aking mga mata. Napatitig sa pinaka-guwapong mukha ng isang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Bahagyang nakakunot ang noo nito at seryoso ang anyo habang nakatingin sa akin ngunit hindi ito nakabawas sa aking nitong kakisigan.Nang bumaba ang kanyang mukha sa mukha ko para tapusin ang pinakahuling bahagi ng seremonyas ay nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagdidilim nang aking paligid. At bago pa man lumapat sa aking mga labi ang mga labi ni Uriel ay para nauupos na kandila na bigla na lamang akong bumagsak at nawalan ng malay.Alex PovSa pangalawang pagkakataon ay nagising ako sa loob ng hindi pamilyar na kuwarto. Napangiwi ako nang maalala ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Tiyak na pinagtatawanan ako ngayon ng mga taong nakakita sa mga pangyayari. Ako lang yata kasi ang bride na biglang hinimatay sa part ng "you may kiss the bride." Hindi pa nga niya ako nahahalikan ay bigla na akong hinimatay. Nakakahiya ang ginawa ko.Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naupo na lamang sa gilid ng kama. Nagugutom na kasi ako ngunit nahihiya naman akong lumabas para humingi ng makakain. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang humarap sa maraming tao. Nangangapal ang mukha ko sa hiya.Naalarma ako nang makarinig ako ng mga yabag ng sapatos na papunta sa kuwartong kinaroroonan ko. Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at nagkunwaring wala pa ring malay. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako biglang hinimatay.Itinodo ko na ang pag-arte ko na tulog kahit ramdam ko ang pagtitig sa akin ng tao
Alex's POVNakangiwing pinapanuod ko si Uriel na hindi maipinta ang mukha habang pinupunasan ng tissue ang mamahaling tuxedo niya na siyang sumalo sa icing ng cake na natumba kanina. Kahit ang likuran ng ulo niya ay nalagyan din ng icing kaya nagmukhang may uban na siya sa likurang ulo. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti dahil naiimagine kung may uban siya sa likuran samantalang black na black ang kulay ng buhok niya sa harapan at tagiliran. Ngunit agad na naaglaho ang ngiti ko nang biglang tumigil sa ginagawa si Uriel at nakakunot ang noo na tiningnan ako."What's funny?" seryoso ang mukha na angil niya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil seryoso ang mukha niya na parang hindi natutuwa ngunit parang hindi naman siya galit. Nakakalito."Wala naman. Mukha ka lang naman kasing binatang matanda," sagot ko. "Ang ibig kong sabihin ay bata pa ngunit may uban na," bawi ko nang ma-realized kong mali ang sinabi ko."At sino naman ang may kasalanan kung bakit ako natapunan
Alex's POVHindi ko maitago ang biglang pamumutla ng aking mukha sa babaeng kaharap ko na nagsasabing matalik siyang kaibigan ng kakambal ko. Kung totoo nga na best friend ito ni Alexa ay tiyak na mahahalata niya agad na hindi ako ang kaibigan niya dahil siguradong kilalang-kilala niya ang kakambal ko. Kaya walang silbi kung itago ko man sa kanya ang totoo."Nasaan ang kaibigan ko? Ano ang ginawa mo sa kanya?" prangkang tanong niya sa akin.Hindi ko naiwasan ng magpalingon-lingon sa paligid sa takot na baka may ibang tao na nakarinig sa kanyang mga sinabi. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang bisita na malapit sa amin at lahat ng mga bisita ay busy sa kani-kanilang mga kausap."Hindi nga ako si Alexa pero huwag kang mag-alala dahil wala akong ginawang masama sa kanya," sagot ko sa kanya pagkatapos ay agad kong ipinabasa sa kanya ang sulat ni Alexa na natagpuan ko sa aking kamay nang magising ako."OMG! Kung ganoon ay totoo talaga na may kakambal siya. Ikaw
Alex's POVMariin ang pagkakapikit ng aking mga mata habang hinihintay ko kung ano ang gagawin sa akin ni Uriel. Asawa na niya ako kaya kung gugustuhin niyang may mangyari sa amin ay wala akong magagawa kundi ang magpaubaya sa kanya. Baka kasi mahalata nito na hindi naman talaga ako si Alexa tiyak na malaking gulo. Maaaring hindi matuloy ang pagpapagamot ni Alexa kay Mama kapag nabuko na hindi siya ang pinakasalan ni Uriel kundi ako na kakambal ni Alexa.Habang hinihintay ko ang gagawin ni Uriel sa akin ay isang malakas na pitik sa aking noo ang naramdaman ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Nakasalubong ko ang naniningkit na mga mata ni Uriel."Silly. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin?" mula sa pagkakadagan sa akin ay bumangon siya at naupo na lamang sa gilid ng kama.Usapan namin? Ano ang usapan namin? Wala namang nababanggit sa kanyang sulat si Alexa na may usapan pala ito at ng lalaking ito. "S-Sorry. Nakalimutan ko. Nataranta kasi
Alex's POVMataas na ang araw nang magising ako. Agad kong iniligpit ang hinigaan ko at inilagay sa ilalim ng kama ni Uriel. Pinagbawalan ni Uriel ang may edad nitong katiwala na pumasok sa loob ng kuwarto namin at kahit ang maglinis sa loob ay hindi na rin nito gagawin. Dahil ako na raw ang maglilinis ng kuwarto namin magmula ngayon. Alam ko naman kung bakit ito ginawa ni Uriel. Para hindi malaman ng mga kasama namin sa bahay na hindi kami magkatabing matulog sa kama. Mautak talaga ang Uriel na ito. Napasimangot ako nang maalala ko ang lalaking iyon. Napaka-ungentleman nito. Talagang sa ibaba ako pinatulog habang ito ay masarap ang pagkakahiga sa malambot na kama. Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil sanay naman akong matulog sa matigas na sahig ngunit bilang lalaki ay dapat magpaubaya siya at ako na lamang ang patulugin sa kama niya. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa isang taong katulad niya? Hindi naman pala niya mahal ang kakambal ko kaya niya ito pinakasalan kundi dahil may cont
Alex's PovInis ako kay Uriel kaya ipinasya kong umalis ng bahay niya at magpalamig sa isang mall. Ngunit hindi mawala-wala sa aking isip kung bakit tila galit sa akin si Aling Lorena at kung bakit ganoon na lamang kung ipagtanggol ni Uriel ang mayordoma niya laban sa akin. Mukhang malapit sa isa't isa ang dalawa at espesyal ang turing ni Uriel sa matandang iyon. "Bakit kaya hindi na lang silang dalawa ang mag-asawa tutal ay mukhang sobrang close nila sa isa't isa?" nakaismid kong sabi habang sumisipsip sa pineapple juice na binili ko sa isang juice stall. Makakatulong ang pineapple juice na ito para hindi ako ma-high blood sa dalawang taong iyon."Alexa! Ano ang ginagawa mo rito? Nagsa-shopping ka ba? Bakit nag-iisa ka lamang?" biglang tanong sa akin ng isang ginang na padaan sana ngunit biglang huminto nang makita ako. Bagama't may edad na ito ay mahahalata pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. "N-Nagpapalamig lang po ako rito sa mall," magalang kong sagot kahit na hindi ko
Alexa's Pov"Ginabi ka yata sa pamamasyal, Sweetheart," malambing na kausap sa akin ni Uriel matapos niya akong halikan sa mga labi. Malambing ang tinig niya ngunit alam ko na kung wala lamang sa harapan niya ang kanyang ina ay tiyak na galit na niya akong sinalubong ng sermon."Sorry, Sweetheart. Medyo nalibang kami ng mommy mo sa pagkukuwentuhan kaya hindi namin napansin ang oras," malambing ang aking tinig na sagot ko sa kanya ngunit nakasimangot naman ang expression ng aking mukha. Hindi naman nakikita ng mommy ni Uriel ang aking mukha kaya libre akong magsimangot sa harapan niya para ipakita sa kanya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang paghalik sa akin."Huwag mo nang pagalitan ang asawa mo, Uriel. Totoo ang sinabi niya na masyado kaming nalibang sa pagkukuwentuhan kaya hindi namin napansin ang oras," pagtatanggol sa akin ng aking biyenan. Inirapan ko si Uriel pagkatapos ay humarap ako sa mommy niya na may matamis na ngiti sa aking mga labi. "Sa tingin ko ay hindi na mauuli
Alex's PovNakangiwi ang mukha ko habang sinisipat ko sa harapan ng salamin ang aking noo na siyang mas napuruhan ng hamba nang pintuan. Ang ilong ko na bumangga rin sa pintuan ay hindi gaanong nasaktan at hindi katulad sa aking noo na pulang-pula ang hitsura."Ba't kasi hindi ka nag-iingat, Alex? Nagmukha ka tuloy katawa-tawa sa harapan ng aroganteng lalaki iyon," sermon ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Napatingin ako sa pintuan ng aming silid nang pumasok si Uriel. Agad kong iniiwas sa kanya ang aking paningin. Alam ko kasi na pinagtatawanan niya ako sa kanyang isipan dahil sa pagiging clumsy ko. "Ilagay mo 'to sa noo mo para mabawasan ang pamumula at hindi mamaga," kausap niya sa akin. Hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa aking tabi. Para kasi itong ninja kung maglakad. Masyadong magaan ang mga yabag na parang hindi ito malaking tao."Ano naman iya—" humarap ako sa kanya para itanong kung ano iyong ibinibigay niya sa akin ngunit naudlot ang aking pagsasalita n
Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s
Alex's Pov"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin."Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Alex's PovSa isang malaki at bagong-bagong puting bahay ako dinala ni Uriel. Nagpapapalag pa rin habang ibinababa niya sa sasakyan niya."Ano ba, Uriel?! Ibalik mo ako sa school ngayon din," mariing utos ko sa kanya habang binabayo ko ang kanyang likuran."I will. Pero pagkatapos na nating mag-usap," sagot niya sa akin. Balewala lamang sa kanya ang ginagawa kong pagbayo sa kanyang likuran na tila ba hindi siya nasasaktan."Wala naman tayong dapat pang pag-usapan pa, Uriel. Tapos na sa inyo ni Alexa ang lahat kaya wala na rin tayong koneksiyon.""Yes. Tama ka. Tapos na ang lahat sa amin ni Alexa pero hindi tayo. Dahil kailangan nating mag-usap."Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay ibinaba niya ako sa sofa. Agad akong tumayo pagkababa niya sa akin ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila pahiga sa sofa tapos dinaganan niya ako ng kanyang katawan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakadagan niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud