Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado. Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi. Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya. Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
View MoreHINDI NIYA makalimutan ang nangyari kay Hasumi. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ginawa ng babae ang bagay na iyon. Mahal na mahal siya nito at alam nito na hindi niya kayang gawin na patayin ang babae. Hasumi made her decision that day. She was willing to give the justice to Brael because the man was chasing it all his life but ended up knowing who was running that justice away, it was her, Hasumi.Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo sa upuan na nasa tabi ng puntod kung saan sila naroroon ng anak na si Kioshi. Napangiti siyang pinagmamasdan ang anak niya na naglalaro sa tabi. Napaluha siya dahil sa dami ng nangyari sa buhay niya. Huminga na lang siya nang malalim buhat nang naibalik sa araw na iyon ang kaniyang alaala. Ramdam na ramdam pa niya ang sakit na makita si Hasumi na nakahandusay at walang malay. Tumalima siya at agad niyang hinila ang katawan ni Hasumi. Ngayon ay nasa mga bisig na niya ang babaeng mahal niya at duguan ito. He was longing for the woman to open her e
TUMAYO SIYA. Tumungo siya sa higaan ni Kioshi at agad niyang pinadaplis ang kaniyang kamay sa pisngi ng apo niyang mahimbing na natutulog. "Boss, nagawa na namin ang inutos mo. Patay na si Ludwig at Sathania," sabi ng isa sa mga tauhan niya.Humarap siya sa tatlong lalaki na inutusan niya upang tapusin ang buhay ni Sathania at Ludwig. Ngumiti siya at lumunok. "Good. Akala siguro ng mga ulol na iyon ay maiisahan nila ako. Alam ko ang plano nilang baliktarin ako. Hindi ko rin hahayaan na isang musmusing assassin na tulad ni Sathania ang makakasira sa anak ko. Itong si Ludwig naman ay tarantado. Hindi man lang niya hinintay ang plano ko. Ngayon ay nakapasya na ako na hayaan na lang si Hasumi at Brael na makapiling nila sa isa't isa. Hindi na ako magiging balakid sa pagmamahalan nilang dalawa.""Boss, ang kaso ay may problema." Tumingin siya sa nagsalita. "Ano naman iyon?" tanong niya rito."Nahuli kami nang dating sa simbahan. Nasabi ni Sathania ang sikreto ni Hasumi kay Brael," anang
ANG KASAL ay isang sagradong selebrasyon upang mabigyang basbas ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng mga pagsubok na dinanas sa buhay. A fantabulous marriage doesn't happen between perfect couple to corporate. It happens between imperfect couple that has willingness to accept the imperfections and understand the shortages of each party. Para kay Hasumi ay isang malaking sugal ang ginawa niya. Ang pagmamahal niya kay Brael ay isang sugal. Wala naman kasing kasiguraduhan noong naramdaman niya ang pag-ibig kay Brael na mamahalin siya pabalik ng lalaki. Minsan napapangiti na nga lamang siya kapag naiisip niya na minahal siya pabalik ni Brael. Isang pribilehiyo para sa kaniya ang mahalin pabalik. Inahon niya ang kaniyang sulyap sa loob ng katamtamang laki na simbahan. Ang mga kurtinang ginamit ay kulay puti. May mga kulay peach din dahil ito ang motibo ng kasal nila ng lalaki. Tumingin siya sa kaibigan niyang si Hakura na nasa unahan na at kaharap nito si Kajo. Nap
TUMINGIN SIYA sa paligid bago niya marahas na ininom ang alak na nasa basong hawak niya. She was played like an invaluable creature on Earth. Akala niya ay kaya niyang paglaruan si Hasumi pero nagkamali siya."Fuck that woman! Fuck her!" ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis na namayani sa sistema niya. Gusto niyang ipahamak si Hasumi nang tuluyan pero hindi niya ito magawa dahil sa utos sa kaniya ni Yakuma na protektahan ang babaeng iyon. Nang pumasok si Hasumi sa DEP ay sinadya niya itong saktan upang malaman kung malakas ba ang babae. Akala niya ay mahina si Hasumi pero sa sumunod nilang ingkwentro ay napatunayan niyang malakas nga ang assassin na matagal na niyang gustong paslangin. Just damn it because she was controlled by Yakuma and the man was a hindrance for her goal. Hindi niya rin puwedeng suwayin ang leader ng organisasyong DEP dahil nga ay nakadepende rito ang buhay niya. Kahit na mayaman ang angkan nila ay wala na siyang magagawa pa dahil si Yakuma na ang nagmamay-ar
NASA BATIS silang anim ngayon at nagsasaya. Magkaharap sina Hanare at Joro. Si Hakura naman at Kajo ay walang ibang ginawa kun'di ang magbangayan na parang aso at pusa. Habang silang dalawa ni Hasumi ay magkadikit ang mga katawan habang ang kalahating parte ng mga ito ay nakalublob sa tubig. Gabi na kaya ay mas uminit pa ang katawan niya, lalo na at dikit na dikit ang babae sa kaniya.Nakasuot lamang siya ng manipis na short habang ang kaniyang nobya ay nakabikini lamang. Damang-dama nila ang init ng balat ng isa't isa na pilit kinokontra ang malamig na temperatura ng tubig. He was hugging Hasumi from the back. His chin was resting above Hasumi's right shoulder. Pinagmamasdan nila nang sabay ang ibabaw ng malinaw na tubig-batis."Buti na lang inaway kita noong gabing iyon, ano? Kung hindi ay tiyak ako na hanggang ngayon ay si Sathania pa rin ang iniisip mong girlfriend mo," sabi ni Hasumi.He chuckled because of the obvious jealousy heard from Hasumi's voice. Mabuti na lang ay inexte
NASA SALA siya ng bahay ni Lola Lumeng at nakaupo siya sa malambot at mahabang sofa. Nakatitig siya sa kisami at taimtim na nag-iisip. Ngumiti siya nang malungkot. Miss na miss niya na naman ang lalaki. Kasama niya ito at nakikita pero hindi niya ito nakakausap kasi nga ay wala pa itong malay. Gustong-gusto na naman niyang marinig ang boses ng lalaki. Nasasabik siyang marinig ang mga salitang sinasabi ng lalaki na kumikiliti sa kaniyang puso. Umaasa siya na magigising din ang lalaki. Ngayon pa ba siya mawawalan ng pag-asa kung tiyak na nasa mabuting kalagayan ang lalaki?Binabalikan niya ang nakaraan at kung saan nagsimula ang kanilang kuwento ni Brael. Nagkatunog na lamang bigla ang kaniyang pagngiti nang maalala kung paano siya binuhat ng lalaki noong ginulpi siya ng ex-girlfriend nito. Noon pa man ay alam niya na sa sarili niya na nahulog na siya sa lalaki. Noong pagkakataon na iyon din ay natiyak niyang may ihahaba pa ang kuwento nila ni Brael. Napalingon siya sa mga kaibigan ni
IKALAWANG ARAW na ito ni Brael na wala pang malay. Kahit na ganito ang lagay ng lalaki ay kaunting napanatag si Hasumi. Puno siya nang pag-aalala noong gabing dinala nila sa bahay ni Lola Lumeng si Brael lalo na at hindi pa pumayag sa una ang matanda na tulungan ang nobyo niya.Napabuga na lamang ng hangin si Hasumi nang maalala niya ang gabing iyon. Nasa likod ni Kajo si Brael habang silang tatlo nina Lola Tersing at Yura ay nakasunod kay Kajo. Nabasa pa sila ng ulan nang makarating sila sa bahay ni Lola Lumeng. "Lumeng, tulungan mo kami! May dala kaming pasyente," sabi ni Lola Tersing.Pinapasok sila ni Lola Lumeng. Pinaupo sila ng matanda at isa-isang binigyan ng tuwalya. "Tersing, alam mo naman na hindi ako naggagamot. Hindi ako doktor, alam mo iyan.""Lumeng, hindi ka lang nakapagtapos pero alam kong magaling ka. Magaling kang doktor subalit ikaw ay hinamak lamang ng mga maalipustang tao."Huminga nang malalim si Lola Lumeng. Nag-aalala na si Hasumi nang lubusan. Salitan siyan
HER KNEES fell on the ground. Nanginginig niyang inangat ang mga kamay niya. Tinitigan niya ang mga ito. Shit! She hurt someone who was trying to do an effort for her own good.Lumingon siya kung saan tumungo si Brael. Madilim na sa bahaging iyon at ngayon ay may takot na sa puso niya. Baka mapahamak ang lalaki. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa lalaki sa gitna ng kakahuyan. "Yumi," sabi ni Yura at agad siya nitong inakbayan. Napakapa siya sa kamay ng kaibigan niya at humagulgol na siya nang tuluyan. Pinaharap siya ni Yura ay agad siyang niyakap nito. Mas humagulgol pa siya sa pag-iyak. Umiiyak siya ngayon dahil alam niya na sumobra na siya sa ginagawa niya kay Brael. Sinabi niya sa sarili niya na bibigyan niya ng panahon ang lalaki pero isang buwan pa lang ay nagsawa na siya at nainip na sa paghintay. "Y-Yura, humiram ka para sa akin ng flashlight. I-I have to look for him. Hindi siya puwedeng mag-isip nang sobra dahil mapapahamak siya. Sasakit
NAGMADALI SIYANG buhatin ang babae patungo sa isang kuwarto sa bahay ni Lola Tersing. Pinahiga niya ang babae at inayos niya ang buhok nito. He was so worried about the woman's condition. Hindi kasi niya alam na may iniinda pala ang babae. Hindi rin kasi nagpapahalata ang babae. "Lola, tulungan niyo po si Hasumi. Tulungan niyo po siya," sabi niya. "Ano ba ang nangyari, Tisoy?""May masakit sa kaniya. Sa tiyan niya. I-Its a scar. Lola, b-baka mapaano si Hasumi," sabi niya sa matanda."Kumalma ka, Tisoy," sabi ng matanda sa kaniya.Hindi siya mapakali. Nakahawak sa kaniyang magkabilang bisig si Yura. He was crying right now. Bigla na lang siyang nakaramdam ng lubusang pag-aalala para sa babae. "Fuck! I can't stand watching her unconscious!""Brael, calm down. Baka may nakain lang si Hasumi na hindi kayang tunawin ng tiyan niya," sabi ni Yura. Tumingin siya kay Yura. Kahit na ikubli man ng kaibigan ni Hasumi ay masyadong halata na nag-aalala rin ito. "Hindi. This is serious. S-She
Hustisya ang pinaglalaban ni Brael Montegarde. Hustisya para sa trahedyang bumago sa kaniyang buhay. Trahedyang hindi niya malimot-limot at mananatiling bangungot ng buo niyang pagkatao. Kaya'y sinisiguro niyang makakamit niya ito kahit ang kapalit ay ang sariling buhay. "Shit," bulyaw ni Brael nang marinig paano nabasag ang bungo na naapakan niya. "Ang dami palang bangkay na tinatapon dito!" singhal niya nang namataan na puro buto ng mga tao ang nakakalat sa buong paligid."Iwan mo na lang diyan," ani Joro na kasangga niya sa transaksiyon na ito. "Ah." Sa wakas ay nakapagpahinga na ang balikat niya. Tinaas niya ang kaniyang kanang braso at inikot-ikot ito sa ere. "Ang bigat naman ng matandang ito," reklamo ni Brael sabay unat kaya naman ay nahulma ang kaniyang maskuladong kantawan. "Bilisan na natin dito, Bra! Balita ko may bago raw tayong miyembro na ipakikilala ni Mister Yakuma mamaya!" "Umayos ka sa pagtawag sa akin ng 'Bra' ha!? Ogag ka ba? Ano tingin mo sa akin bra ng babae?
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments