Alex decided to disguise her self as a guy to apply for a job she cannot get if she is in a female form. luckily, none of the HR of the company noticed that she is not a real guy and with her talents, she got hired. However, that doesn't change that she won't be able to fall in love to her gay boss that would cause her life to be a real struggle. Will she remain like that just to be with her loved one? Or will she risk both her job and her love one just to confess her feelings to her boss?
view more“Ah... B-Boss M-Madame...” Tila may umipit sa aking dila. Madami akong naiisip na kapani-paniwalang rason na puwede kong pang-lusot sa kanya pero pinangunahan ako ng kaba habang nakatingin ako kay madame Zakira. Madalas ko siyang makitang naiinis, nagagalit, halos araw araw nga ay mainit ang ulo niya pero unang beses ko siyang makita na magalit ng ganito. Ang talim ng mga tingin niya kay Xyl.Mabilis akong tumayo sa pagitan nila upang awatin ang namumuong tensyon sa kanilang dalawa at saka ako ngumiti ng peke.“A.....ahah, M-May tinanong l-lang po ako sa kanya, b-boss m-madame” Nanginginig ang kalamnan kong tugon sa amo ko.“What is it about?” Napakalalim ng tono ni boss-madame, kung hindi ko lang talaga siya kilala, aakalain ko na walang katiting na pagka-babae sa katauhan niya. Hindi ako maka-tugon sa kan'ya dahil kung sasabihin ko ang totoo, hindi ito ang tamang oras para pakinggan niya ang sinabi ni Xyl sa akin kanina. Baka mas lalo pa siyang magalit.Nakakatakot, sa totoo lang.“I
Alex's POVKung hindi lang tanyag ang pangalan ni madame Zakira, malamang sa malamang ay talagang naligaw na ako. Hindi ko pa naman alam kung nasaan ang cellphone ko. Eh sa anak ng kigwa 'yong si Zyrus eh!Hindi na nga ako tinirhan doon sa order niyang pagkain, iniwanan pa akong mag-isa sa malaking city na 'yon. Mabuti na lang at natandaan ko 'yung daanan pabalik sa hotel.Grabeng takot ang naranasan ko kanina.Paano kung may mga adik na nakahanap sa'kin tapos binenta ang mga laman loob ko o kung anong ginawa sa'kin?Baka nga ako pa ang maging susunod na Maria Labo eh. Parang ‘Alex Labo'. Pag ganon, babalikan ko talaga si Zyrus at wawakwakin ko ang tukmol na 'yon!Speaking of iniwanan, naalala ko noong nakaraang linggo kung paano ako iniwanan ni boss-madame noong pumunta siya sa bar nilang mayayaman. Hindi nga ako natakot noon pero ang taas naman ng lagnat ko kinagabihan.Pareho talaga ng pag-uugali ang mag kambal na ito. Kapag nag-kasundo sila, surebol tubol mag fufusion ang kasamaan
Zach's POVXyl Marie Vergabegas is my ex-wife that I caught cheating with my very own twin brother. Just seeing this b*tch is already boiling the very inside of me. Imagine how much of anger is rising while hearing her ugly, annoying, small voice. Masyado siyang pabebe, nakakairita ng sobra!I wasn't aware that she'll be part of the industry, I never thought that she will be one of the models for my launching ceremony.“So... Zach..” As our meeting and introduction ended for the opening of the party that will held later on evening, Marie approached me. “How are you?”“Do I know you?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.“Zach, huwag ka namang gan'yan. For Pete's sake, ilang year ng nangyari iyon. Past is past, let's forgive each other na.” Her tones and expressions are too transparent that I could see the fake drama through her.Bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko at saka ko siya binigyan ng malamig na mga tingin.“Y'know what. I got this really ironic personality
Alex's POV“Dalawang oras pa naman ang ibinigay niya, kakain na muna tayo” sagot ni Zyrus sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay niya at saka pinisil ito.“Sige na! One week training ko pa lang ito kaya baka pag-balik sa pilipinas, tuluyan na akong mawalan ng trabaho oh! Dapat as soon as possible, maibigay ko sa kanya ang iniutos niya. Kapag na late ako ng kahit 0.0001 second ay papatayin talaga ako nun! Please! Sige na!” Hindi ako tumigil na mag-makaawa sa kanya to the point na tumayo ako at lumuhod sa harapan niya na s'yang nakaagaw sa mga atensyon ng mga tao dito.“Tumigil ka nga diyan! Nakakahiya ka, akala ng mga tao dito, boyfriend kita na nag popropose. Tayo tayo!” Nanggigigil pero pabulong na sambit sa akin ni Zyrus.“Hindi ako tatayo! Sisigaw talaga ako ng 'will you marry me' dito! Isa, dalawa—”“What the actual fuck!” Pabulong nitong pag-mumura sa akin at saka siya napatingin sa mga taong nanunuod sa aming dalawa.“Just say yes already, young man!”“That's a true beautiful love i
Alex's POVNapakalawak at nakakapanibago sa pakiramdam na andito ako at nag-lalakad sa USA. Puro mga kano at kana ang nakikita ko at sa totoo lang, maganda lahat ng mga tao dito sa paningin ko. Siguro, dahil lumaki ako sa sosyedad kung saan ang maganda para sa mga mata ng tao ay maputi at matangos ang ilong.At dahil nga sobrang lawak nito ay nakakatakot na baka mawala ako, hindi na lang ito airport kun'di ay buong bansa na, baka tuluyan na talaga akong mawala at hindi na mahanap pang muli. Sa takot ko ay hindi na ako bumitaw kay Zyrus. Bahala na kung mag-mukha kaming BL, basta makahawak lang ako sa kanya.“Huwag mo nga ako hawakan diyan, mapupunit na itong T-shirt ko eh!” Medyo naiirita nang sambit sa akin ni Zyrus. Nginiwian ko naman siya at saka ko ipinulupot ang braso ko sa braso niya.“Hoy hoy! Ano ka, sinusuwerte? Kahit nga si Selena Gomez, hindi ako nahahawakan noh? Bitaw!”“Wow! Assuming ka beh! Para namang naka date mo na iyon noh?” Nakangiwi kong sambit sa kanya at mas lalong
Alex's POVGrabe! Hindi ko kinaya!Paano ba naman kasi! Napapayag ako nitong si Zyrus na makipag date sa kanya dahil talagang tatawagan niya 'yong amo ko! Napaka demonya talaga niya, pareho lang silang mag kambal!Nakaalis na sana siya kanina pero ilang sandali lang ay bumalik siya tapos talagang nag send pa ng video kay madame Zakira na kesyo babae daw ako at kung ano ano pang detalye tungkol sa akin.Hinalikan ko pa yung sapatos niya, mapapayag ko lang siya na e delete ang video na 'yon. Saka lang niya binura nang pumayag na akong makipag-date sa kanya. Nakaka sira talaga ng araw! Hayop na iyan!“So... Ganyan na ang suot mo? Sa tingin mo, papayag akong makipag-date sa mukhang lalake?” Nakangiwing saad ni Zyrus sa akin.“Hoy hoy hoy! Anong tingin mo sa'kin? Manika na puwede mong diktahan ang panunuot? Sinasabi ko sa'yo, hindi ako straight na babae! Tomboy ako, lesbian, babae ang gusto ko at gusto ko din ng lalaki— este gusto ko maging lalaki! Sinasabi ko sa'yo, kapag ako talaga nawala
Zach's POVI shouldn't like him... I really shouldn't.I've been saying this so many times and I'm gonna tell it to my self again.“Zach or Zakira... You cannot like Alex! You're not a total gay or a queer, you just hate women.”I couldn't find what do I really want in my life. It feels like... I don't really know how should I explain.Para ba akong nalulong sa isang bagay na alam kong mali na at napaka hirap na iwasan. Since I began being like this, I already knew to myself that I'm straight and I wouldn't even think of liking someone that has a same gender like me, and so is the opposite.But... why is it like this? Why can't I control what I feel when I know what exactly should I not and should I do?I don't like Alex because he is a total clumsy and a little bit of stupid, it's so stupid that he makes me laugh, and... blush... and flatter.How dare he?!He called me beautiful boss the moment I woke up, and I took it as a compliment because after all, I love it when I'm called a be
Alex's POVDumating kami sa isang mamahaling 5 star hotel sa America dahil doon muna mamamalagi ng dalawang araw si boss madame.At dahil ako itong assistant niya na wala namang nai-aambag at wala namang alam sa kung ano ang mayroon sa lugar na ito, hanggang sa pag-tulog niya ay naka-buntot lang ako sa kanya. Sa takot ko kasing baka mawala ulit, sinigurado kong hindi mawawala sa paningin ko ang amo ko.Kasalukuyan kasi akong naka-upo at nag-mumuni sa sofa habang pinag-mamasdan si boss-madame na mahimbing ang tulog sa napaka-laki niyang kama.Mabuti na lang at hindi masyadong mainitin ang ulo ni boss-madame ngayon kaya maayos ang lagay ko kahit na wala naman akong kuwenta pag-dating sa larangan dito sa America.Madalas ko nang naiisip na pag nagalit ito, baka bigla akong iwanan kaya hanggang sa puwede ay iiwasan kong magalit si boss madame.Bukas pala ay gaganapin ang fashion event ni boss madame kung saan e la-launch ang kauna-unahang modeling industry for all sizes under sa kaka-laun
Alex's POVLigtas naman kaming nakarating sa America pero hindi pa din magaan ang loob ko. Paano ba naman kasing hanggang sa ngayon ay hindi pa din ako maka-move on sa nangyari sa amin kanina.Juskolord naman kasi Alex! Ang tanga-tanga mo! Hayysst, kung puwede lang sana na maibalik ko ang oras at pigilan ang pag-tulo ng laway ko kanina. Hindi ko naman masasabing buti na lang at imbis na magalit eh nakita ko pang tawang-tawa si boss madame. Sa totoo lang, mas magiging komportable ako ngayon kung nagalit siya at hindi tumawa. Nakakahiya naman kasi talagang pagtawanan."Welcome, mr... m-miss Z-Zachary?" Tila nag aalinlangan pang pag-bati ng isang kano kay boss-madame. Mabilis na nag-anyong tigre ang mga mata ni madam Zakira, kasunod nito ay ang pag-irap niya ng matindi sa kano. Pagkatapos ay pumusisyon siya ng tila isang modelo na napaka sexy."Ah... I... I a-am so sorry, Madame Zak-Z-Zakira f-for m-my mistake. I wasn't well aware. P-Please do follow me--" "Do you think I can folllow s
ALEX'S POINT OF VIEW “HI SIR! Welcome to our restaurant, I am Alex and I will be serving you tonight.” Ang nakangiti kong pagbati sa kararating pa lang na customer.Ako ay isang waitress sa isang sikat na fine dining at french restaurant. “Would you like to make a reservation, Sir? ” Magalang at desente na tanong ko sa kanya. Ginawa ko na ang lahat maging maaliwalas lang ang aking mukha kahit pagod na ako sa hirap ng buhay.“A VIP room, please.” Tila matapobreng tugon ng customer, isa siyang may edad na lalaki.Napabusangot naman kaagad ako dahil ang init na nga ng ulo ko tapos magiging matapobre pa ang customer namin ngayon.Gamit ang kaliwang palad ko ay itinuro ko ang dayreksyon na dapat niyang puntahan. “This way sir, please do follow me.” Ngumingiti pa ding pahayag ko sa kaniya at saka na ako nag patiunang nag lakad papuntang VIP room,naPagkarating namin sa VIP room, binuksan ko na ito agad para sa kanya bilang kan'yang servant.Pinaupo ko siya sa isang mamahalin at malambot na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments