She's loving him all her heart while he's hating her all his soul. There's nothing wrong in giving everything to someone you love the most. Love is selfless. It's all about sacrifices. But what if the unwanted become the most unwanted? Would it be right to hold on the vows of marriage? Or it's better to let go and move on? Taliyah, the unwanted wife begun to suffer more when her husband, Max Rothus Villaron found her darkest secret. As the day passes by, another secret unfold; the secret that encompasses their pain and pleasures.
View MoreHindi napigil ni Max Rothus ang pangiliran ng luha nang pumasok sa loob ng simbahan ang babaeng nakasuot ng ballgown wedding dress. "Huwag ka nang umiyak, Hijo. Hindi ka tatakbuhan ni Taliyah. At saka kapag tinakbuhan ka niya, sigurado namang gagawa ka ng paraan para mapalapit ka sa kanya. Hangga't may alak na nakakalasing, may paraan ka rin." Biro sa kanya ng kanyang inang si Valerie dahilan upang mapangiti na rin siya. "Mommy naman eh." Hindi niya naiwasan ang namula. "Oh hindi ba totoo? Naglasing ka noon at kunwari naligaw sa inuupahan niyang bahay?" "Fine, mom. I admit it. Ginawa ko 'yon kasi ayokong mawala siya sa'kin, dahil mahal ko siya." Hindi rin napigil ni Taliyah ang mapangiti nang tuluyan siyang makalapit Kay Rothus Villaron. Matikas at napakakisig ng lalaking kanina pa nakatingin sa kanya habang tinatalunton niya ang altar. "Take of my daughter." Iyon ang tipid na bilin ni Gordon Cosme ngunit alam nilang galing iyon sa puso. Kung mayroon na sigurong magandang
Mula sa balkonahe ng hotel room at tanaw ni Taliyah ang banayad na alon ng dagat. Kahit papaano ay naging kalmante ang isip niya sa bagay na ilang buwan na ring gumugulo sa kanya. "Taliyah?" Agad na napalingon sa pinagmulan ng tinig si Taliyah. Mula sa pinto patungo sa balkonahe ng hotel room na okupado nila ay lumabas si Rothus Villaron. Magulo ang buhok nito at tila ba naging gising lang. Gayunpaman ay napakisig pa rin ng lalaki. Well, wala naman yata itong pangit na angulo. Tanging sando at boxer lamang ang suot nito dahilan upang makita ang matipuno nitong mga braso at magandang body built. Hindi lamang napakagwapo ng lalaki kundi nakakalaway din ang katawan nitong tila alaga sa gymn. "Ba't gising ka pa?" Malambing ang tinig ng lalaki. "Gabi na, dapat matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas, remember?" Pumulupot ang kamay nito sa kanyang beywang. "Do you want me to massage you, hmm?" Agad namang umiling si Taliyah. "Hindi na. Lumabas lang ako para lumanghap ng sariwang
Napatitig si Max Rothus Villaron sa tatlong taong gulang na lalaki na naglalaro ng bola sa bakuran ng isang bungalow house. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang huli niyang makausap si Taliyah sa sementeryo. Kinabukasan matapos ang pag-uusap nila ay kaagad niyang kinontak ang pinagkakatiwalan niyang private investigator upang alamin ang lokasyon ng kanyang misis. Wala pang bente-kwarto oras ay nalaman na niya kung saan ito nakatira ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob na lumapit sa pintuan ng tahanan nito at kumatok. Tumutugma naman ang kwento ni Taliyah kung saan natagpuan ng otoridad ang kanyang ama. Nakakulong ito sa isang abandonadong bahay sa gitna ng gubat. Bukod sa mga galos nito ay mayroon din itong tama ng baril. Halos wala na itong buhay nang ma-rescue ng mga pulis. Nanatili itong walang malay ng tatlong araw at nang magkamalay ay wala itong ibang maging bukambibig kundi ang kanyang nalalapit na kasal. "Dad, pwede ba? Huwag niyo na munang inti
Hindi maampat ang luha ni Taliyah Cosme. Iyon ang kanyang unang karanasan. Bukod sa masakit ang kanyang maselang bahagi ay tila ba madurog rin ang kanyang puso at kaluluwa. Sa isang iglap ay nawala ang isang bagay na labis-labis niyang pinakaiingatan. Hindi naman niya masisi si Maximillano dahil pareho lamang silang biktima. Oo nga at pumayag siyang gawin nila iyon ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang madiri sa sarili. Tanging sila na lamang ni Maximillano ang nasa loob ng silid. Nasa labas ng silid ang dalawang kawatan at doon ay abala sa pag-iinuman. Pangalawang araw na mula nang mangyari ang insidente, pagkatapos mangyari iyon ay iniwan sila ng dalawang lalaki sa silid. Matapos siyang kalagan ni Maximillano nang gabi ring iyon ay wala na siyang ginawa kundi ang pangilidan ng luha. Binibigyan naman sila ng makakain ngunit tila ba pati kumain ay nawalan na siya ng gana. "Taliyah, I'm sorry." Mahinang turan ni Maximillano. "Patawarin mo ako." Nag-iwas ng tingin si Taliyah sa lal
"Hindi kita iiwan!" Umiling-iling si Taliyah. "Pakiusap, iwan mo na ako. Pareho tayong mapapahamak kung---" hindi na natapos ni Maximillano ang kanyang sasabihin nang ipalo ng lalaki ang baril sa kanyang ulo. Napadukdok ito sa sahig at napadaing."Peste kang matanda ka! Nabali yata kamay ko dahil sa ginawa mo!" Hinilot ng lalaki ang kanyang kamay. "Max!" Hindi na napigil ni Taliyah ang mapaluha dahil sa awang nadarama para kay Maximillano."Takte naman 'to!" Nagkamot ng ulo ang lalaking kalalabas lamang ng sasakyan. "Umalis ka na, Liyah! Tumakbo ka na!" "Tumahimik kang matanda ka!" Sinipa nito si Maximillano dahilan upang lalo itong dumaing."Please, tama na po. Huwag niyo na pong saktan ang kasama ko. Hindi po ako tatakbo.""Aba! Dapat lang! Dahil sa oras na ginawa mo 'yan, wasak ang ulo nitong kasama mo." Nangggalaiti nitong itinutok sa sentido ni Maximillano ang baril ."Hindi po ako tatakbo" Sumpa ni kasabay nang paglapit niya kay Maximillano."Dapat umalis ka na lang. Dapat i
Hindi naging hadlang kay Maximillano Villaron ang kanyang natuklasan. Nagpatuloy pa rin siya sa pagiging regular na costumer ng coffee shop ni Taliyah. Halos gabi-gabi siyang nagpupunta roon. May mga pagkakataong kahit business meeting ay doon na rin ginagawa. "Nandito ka po ulit." Nakangiting turan ni Taliyah. Pasado alas tres na ng madaling araw at buong akala niya ay hindi na darating ang lalaki. Lalo pa at dumaan ito roon nang pasado alas diyes ng umaga. "Kasi kailangan mo ng costumer." Nakangiting wika ng lalaki. "Salamat po. Pero hindi niyo naman po ako kailangang tawagin ng po. Parang namang hindi ako makisig niyan.Just call me Max, please." Umupo ito sa paborito niyang pwesto. Nanatili namang walang kakilos-kilos si Taliyah sa kanyang kinatatayuan. "Oh? Ba't nakatingin ka sa'kin ng ganyan? Totoo naman, 'di ba? Pangalan pa nga lang, makisig na, 'di ba? Bagay na bagay sa mukha ko," sunod na biro ng lalaki. Napangiti na lamang si Taliyah Cosme. Anang isipan ni Taliya
Flashback.... "Welcome to Taliyah's Cafe." Ngumiti ng matamis ang babaeng nasa counter ng maliit na coffee shop. Nakapusod ang mahaba nitong buhok. Wala itong kahit anong make up sa mukha ngunit ang kitang-kita ang natural nitong ganda. Ang ngiti nitong abot hanggang mga mata. Tila ba nagliliwanag ang mukha nitong nakangiti. Nakasuot ito ng kulay pink na T-shirt na tinernuhan niya ng itim na pantalon, pinatungan niya iyon kulay dilaw na apron na tila lalong nagpaningning ng kanyang awra. Pasado alas-dos na nang madaling araw at tanging ang establishimentong ito na lamang ang bukas sa lugar. Sandali naman siyang sinuklian ng ngiti ni Maximillano bago nito igala ang kanyang paningin sa paligid. Nasa sampung piraso ng pandalawahang mesa lamang ang nasa loob. May bookshelves na puno ng pocket books na pwedeng hiramin habang naghihintay ng order. Simple lamang ang disenyo sa loob. Tanging fortune plants ang makikitang palamuti sa loob at artificial aerial plants ang makikitang palamut
Kaybilis lumipas ng panahon. Hindi na rin mawari ng kanilang puso kung paano nila ipinagpatuloy ang buhay na magkalayo. Buntong-hiningang humakbang si Rothus sa sementeryo. Hindi niya naiwasan ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata kasabay ng kanyang paghakbang patungo sa loob ng musoleo. Ngunit natigil siya sa pahakbang nang mabungaran niya sa loob ang isang babaeng nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ama. Nakasuot ito ng kulay dark blue na bestidang hapit na hapit sa makurba nitong pangangatawan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagsino niya iyon. Kahit nakatalikod ay natitiyak niyang hindi siya nagkakamali. Kahit pa halatang nagbago na ang istilo ng pananamit nito. Nasisiguro niyang ito ay walang iba kundi ang babaeng dati siyang minahal, si Taliyah Cosme-Villaron. "Taliyah?" Mahina niyang sambit. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng babae. Agad naman itong napalingon sa kanyang gawi. At hindi nga siya nagkamali. Sa sandaling humarap ito at nakumpir
"I'm home." Tila alanganing sambit ni Rothus. Pagkabukas na pagkabukas niya kasi ng pinto ay bumungad sa kanya si Taliyah na nakaupo sala. Diretso ang tingin nito sa pinto na tila ba hinihintay ang kanyang pag-uwi."Pasensya na kung ginabi ako ng uwi. Marami lang akong inasikaso." Humakbang palapit sa kanya si Rothus ngunit bigla itong tumayo sa pagkakaupo at dumetso sa tulugan.Hindi naman naiwasan ni Max Rothus ang magtaka sa inasta ng kanyang misis. Gayunpaman ay sumunod pa rin siya rito. Nang nasa tabi na ng kama si Taliyah nang huminto at humarap sa lalaki. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At hindi nakaligtas sa paningin no Rothus ang tila walang emosyon nitong titig.Nakakapanibago subalit pinilit pa ring ngumiti ni Rothus."Tulog na ba si baby Axell?" He asked, trying to start a conversation."Isinama siya ni Marcus." Malamig na wika ni Taliyah. Bago pa makaimik Muli si Rothus at kumilos ang kamay nito at tinaggal ang pagkakatali ng kulay itim na silk robe na suot niya.Na
"TALIYAH!" Umalingawngaw ang malakas na tinig ni Max Rothus Villaron. Nagngangalit ang ngipin nito habang ang kanang kamay nito ay tangan ang kanyang sinturon."Tama na Rothus, maawa ka sa akin." Hindi na napigil ni Taliyah ang mapaluha. Hindi na rin niya alintana kahit wala siyang anumang saplot sa katawan. Kahabag-habag ang hitsura nito. Magulo ang kanyang buhok. Kitang-kita ang mga pasa nito sa kanyang pisngi at papahilom pa lamang na sugat sa gilid ng labi nito. Nakuha niya ang mga iyon sa mga nag-daang-araw. Ngunit sa ginawa at gagawing pananakit sa kanya ni Rothus ngayon ay mukhang panibagong pasa ulit ang kanyang pahihilumin. Gayunpaman, kahit kaawa-awa siya at kitang-kitang ang panginginig nito dahil sa takot ay tila hindi naman natinag si Max Rothus Villaron. Mariin siya nitong tinitigan. Titig na hindi man lang kakikitaan ng kahit katiting na awa."Maawa? Hindi ba ginusto mo 'to, Taliyah?" Maaligasgas na turan nito sa kanya kasabay ng pagtalim ng titig nito. "Ikaw ang pumi...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments