Matapos tumakas sa kaniyang dating asawa na si Diether Ford, ang tagapagmana ng pinakamalaking kompanya sa bansa, namuhay nang mapayapa si Anastacia kasama ang kambal niyang anak. Ngunit isang nakakagulantang na rebelasyon ang maaaring muling magdugtong ng landas nilang dalawa. Kakayanin bang isakripisyo ni Anastacia ang kapayapaang tinatamasa niya sa kasalukuyan? O gagawin niya ang lahat upang hindi na sila kailanman magkita pa?
View MoreChapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l
“Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan
“Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans
"Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli
Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co
“D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.
“At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo. “Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak. Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito. Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan n
“Nasaan si Dra. Villareal?” tanong ni Diether pagkapasok na pagkapasok niya sa office ni Stacy. Akala niya ay matatagpuan niya roon ang dalaga ngunit tanging ang isang babaeng nurse lamang ang naabutan niya. “Ay nakaalis na po si doktora, Mr. Ford. Out na po kasi niya. Sasabihin ko na lang po na napadaan kayo bukas.” Kinakabahan ang babae dahil baka bigla siyang sigawan ng lalaki. Gayunpaman ay pinilit niyang ayusin ang kaniyang boses dahil baka lalo siyang malagot. Paano ba namang hindi siya matatakot? Kunot na kunot ang noo nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at agad na hinablot ang calling card na nakalapag sa mesa ng doktora. Saka ito dali-daling lumabas ng opisina. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba para sa doktora. Kilala bilang magaling at mabait na doktor si Stacy kahit na kakalipat niya pa lang sa St. Joseph’s Hospital noong nakaraang taon. Pero mukhang mapapatalsik na siya dahil sa ginawang pagtanggi sa ca
“Dra. Villareal, kailangan talagang ikaw ang magsagawa ng operasyon. Wala tayong oras na dapat sayangin. Buhay ng bata ang nakasalalay rito,” muling pakiusap kay Stacy ni Dr. Medina. “Ano po ba kasing trip ng lalaking ‘yon at siya ang namimili ng mag-oopera sa anak niya gayong may naka-assign na?” inis na tanong ni Stacy. “Hindi ko rin alam. Pero kailangan natin siyang sundin. Nagbanta na siyang babawiin niya ang shares niya sa ospital kapag hindi ikaw ang naging doktor ng anak niya. Kapag nangyari ‘yon, hindi kakayanin ng ospital na makapaghanap agad ng kapalit niya.”Kita sa itsura ni Dr. Medina ang stress dahil sa pabor ni Diether. Pati ito ay hindi maintindihan kung anong nasa isip ng negosyante. Nagawa nitong ilagay sa panganib ang anak niya para sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Nang marinig ni Stacy ang pagbabantang ginawa ni Diether ay lalong nagpuyos ang kaniyang galit. Sa isip niya, iba na talaga ang takbo ng isip ng mga mayayaman. Akala nila ay makukuha nila ang lahat
“Magpapakasal na kami ni Jane,” parang wala lang na siwalat ni Diether kay Anastacia. Nabato si Anastacia sa kinatatayuan niya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Hanggang sa unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luhang namuo sa mga mata niya. “A-Anong sabi mo?” nanginginig niyang tanong. Baka naman kasi nagkamali lang siya ng dinig. Hindi naman siguro gagawin ni Diether iyon sa kaniya. Lalo na sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. “Magpapakasal na kami ni Jane sa Linggo,” ulit ni Diether. Hindi niya alintana ang negatibong reaksyon ng babae sa harapan niya. Totoo nga. Hindi nagkamali si Anastacia ng dinig. Ito pala ang dahilan kung bakit siya ipinatawag nito sa study room alas syete pa lang ng umaga. Parang nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya. Unti-unti ring bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Pati ang kalamnan niya ay nagsimulang manginig. Ni wala man lang siyang nakitang pagsisisi sa mukha nito. Tinapunan niya ng tinging puno ng galit at hinanakit si Diether. “Nar
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments