CEO's Triplets On A Secret Mission

CEO's Triplets On A Secret Mission

By:  Marimar  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings
9Chapters
25views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“Gusto mo akong maging sa ‘yo ulit? Then, kailangan mong mamili. Ako o ang asawa mo?” “Gusto mo bang ikaw ang piliin ko?” “Kung tunay kang lalaki, alam mo kung sino ang pipiliin mo.” Napangisi si Warren at bumulong sa kaniyang tenga. “It doesn't matter if I am a man or not. Mas alam ng katawan mo kung gaano ako kalalaki, kaysa ng bibig mo.” **** Lubos ang sakit at paghihirap na dinanas ni Allison nang siya ay manganak, habang ang kaniyang asawa na si Warren ay nagpakasal sa bago nitong asawa. Ang akala ng lahat ay namatay siya noong araw na 'yon, ngunit ang totoo ay buhay siya sa ibang pangalan at pagkatao. Ngunit ang akala niyang kambal na anak, ay triplets pala! Hindi siya papayag na ibang babae ang kikilalanin nitong ina. Ngayon, ay gagawin niya ang lahat makuha lang ang anak niya, kahit pa isang Warren Harrison na isang bilyonaryo ang makakalaban niya. Pero paano kung hindi lang ang tadhana ang gagawa ng paraan para sa kanila? What if ang triplets nilang anak ay tila nasa isang secret mission para magkabalikan sila? OMG! Triplets On A Secret Mission!

View More
CEO's Triplets On A Secret Mission Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Emerald Dela Cruz
Sana palagi ng may update Author Marimar ...
2024-07-05 16:25:32
2
user avatar
Twinkling Stardust
must read!
2024-07-04 21:30:19
2
9 Chapters
TRIPLETS 01: Huwag Kunin Ang Anak Ko!
KABANATA 1: HUWAG KUNIN ANG ANAK KO! [Don't Take My Child!] “Pakiusap, tawagan niyo ang asawa ko, papuntahin niyo rito…” sambit ni Allison habang himas niya ang kaniyang tiyan, at patuloy niyang nararamdaman ang pagsakit nito. Natawa naman si Scarlet. “Sinong asawa ang tinutukoy mo? Mukhang nagdederilyo ka na nga talaga, Allison. Nakalimutan mo yatang bigla na hiwalay na kayo ni Warren.” Napakuyom ng kamao si Allison. Alam niya ang bagay na ‘yon. At sa dalawang taon nilang pagsasama ay umaasa pa rin siya na sana ay bibigyan siyang halaga ni Warren. Ngunit malabo na yata itong mangyari. “Ah! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko, Doc!” sigaw niya. Papasok pa sana ng delivery room si Scarlet ngunit pinigil naman ito ng Doctor. “Hanggang dito na lang po muna kayo, Miss Scarlet.” “Doctor, kahit anong mangyari ay mas unahin niyong alisin ang bata. That's the heir of Harrison Family, kaya kung ayaw niyong magkaproblema ay gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. At ang babae… hindi bale
Read more
TRIPLETS 02: Ang Tagapagmana
KABANATA 2: ANG TAGAPAGMANA [The Heir] LIMANG TAON ANG NAKALIPAS Sa loob ng limang taon ay ngayon lang ulit magdadaos ng engrandeng kaarawan si Warren, kaya abala ang lahat sa mansion. At talagang pinaghandaan din ito ng lahat, para sa tagapagmanang si Wesley. Si Wesley ay isang batang lalaki na tahimik lamang na nakaupo sa kaniyang kuwarto. Ang guwapo nitong mukha ay pinaresan ng makapal na kilay at malamlam na mga mata. Bumukas ang kuwarto sa silid nito at pumasok si Scarlet, na kasalukuyang nakasuot ng isang eleganteng pulang gown. “At bakit hindi ka pa nagbibihis, Wesley? Dumarating na sa Harisson Mansion ang lahat ng bisita kaya magpalit ka na ng damit, at sumunod ka sa akin sa labas!” utos ni Scarlet. “Ayoko pong sumama.” maikling tugon ni Wesley na tila matamlay. Mabilis na mas lumapit pa si Scarlet sa kaniya habang hawak ang isang pares ng damit. “Isuot mo na ang iyong damit!” pilit pa rin ni Scarlet. Nagdabog naman si Wesley. “Sabing ayoko! Ayoko pong sumama
Read more
TRIPLETS 03: Do or Die?
KABANATA 3: GAGAWIN MO O PAPATAYIN KITA? [Do or Die?] “H–Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Nagkulong si Wesley sa kaniyang kuwarto at ayaw niya akong papasukin. Naisipan ko na hintayin ka na lang para kauspain siya, pero nagulat na lang kami nang biglang may malakas na kalabog ang bumagsak. Hindi ko inakala na siguro sa sobrang kakulitan niya ay magagawa niyang umakyat sa bintana, dahilan ng kaniyang pagkalaglag. Kasalanan ko, Warren, patawarin mo ako…” umiiyak niyang paliwanag. “Nasaan si Wesley? Nasaan ang anak ko?!” madilim na tanong ni Warren. Tumabi naman si Scarlet sa daraanan nito saka nanginginig na itinuro si Wesley na naliligo na sa sarili nitong dugo. Ang nakakunot na noo ni Warren ay biglang nagulat dahil sa nakitang kalagayan ng kaniyang anak. Mabilis na lalong nagdilim ang paningin ni Warren at kwinelyuhan si Scarlet. “Kapag may nangyaring masama sa anak ko, o kung magkaroon siya ng depekto, at kung mauwi siya sa kamatayan ay papatayin din kita pati n
Read more
TRIPLETS 04: Panganay na Anak
KABANATA 4: PANGANAY NA ANAK [Her First Child] “Anong klaseng tao ka? Hindi mo ba alam na isang karangalan ang ma-operahan ang young master?! Na kahit sampung buhay mayroon ka ay hindi mo matutumbasan ang karangalan na ‘yon!” galit na wika ni Scarlet. “Gusto mo ba ang karangalan na sinasabi mo? Then, if you have knowledge about operating, then do it.” tugon ni Allison. Halos napaawang naman ang labi ng Director dahil sa narinig. Hindi niya inakala ang ganitong pag-uugali ni Doktora Sandoval. At ngayon ay doble na ang takot na nararamdaman niya. Tahimik naman napakuyom ng kamao si Scarlet dahil sa pagkapahiya. “Warren, narinig mo ang sinabi ng Doctor na ‘yan, at kitang-kita mo kung gaano ito nagmamalaki. Kung sakaling may mangyaring masama kay Wesley, ay tiyak na kasalanan niya ‘yon.” Napangisi si Allison. “Nagpapatawa ka ba? Bakit ko magiging responsibilidad ang buhay niya? Ako ba ang nagtulak sa bata para mahulog ito?” Tila na-corner si Scarlet ng katotohanan. “S–So, ano a
Read more
ROTLM 05: Muling Pagkikita
KABANATA 5: MULING PAGKIKITA [Meet Again] Dumiretso si Allison sa kaniyang opisina habang tumutulo ang luha. Habang si Warren naman ay naglalakad na tila ba walang nangyari. Madilim pa rin ang kaniyang awra, at malamig ang tingin sa mga taong naroon sa hospital, dahilan ng takot at pag-iwas ng mga ito. Hindi nila halos akalain na ang baguhang Doctor ay tila hindi takot sa kamatayan. Kahit na ang operasyon ay matagumpay, walang sinuman ang makakapagligtas kay Doktora Sandoval ngayon. Walang sabing binuksan ni Warren ang pinto sa consulting room! Isang tahimik na nurse na nakasuot ng itim na salamin ang nakaupo sa duty sa loob, na may pagtataka sa mukha, at takot nang makilala kung sino ang pumasok. “I–Ikaw po pala ‘yan, Mr. Harrison. S–Sino ang hinahanap mo?” “Nasaan si Doktora Sandoval?” ang boses ni Warren ay sobrang nakakatakot. “L–Lumabas si Doktora Sandoval para kumain at babalik siya mamaya. May kailangan po ba kayo sa kaniya?” Hindi sumagot si Warren. Tumingin
Read more
ROTLM 06: Multo ng Nakaraan
KABANATA 6: MULTO NG NAKARAAN [Ghost In The Past] Ang baritonong boses ni Warren ay bumalot sa kaniyang opisina. Mabuti na lang at nakasuot pa rin siya ng facemask kaya tanging mga mata niya lang ang makikita. Mabilis siyang pumalag at lumayo kay Warren. Talaga bang kilala na siya nito ngayon? “Mr. Harrison, sino ba ang tinutukoy mo?” patay malisya niyang tanong, habang pinapakalma ang sarili. “Nagpapanggap ka pa rin kahit bistado na kita?” napakalamig ng boses ng nito habang nakatitig sa kaniya ng masama. Sinulyapan ni Allisson ang business card na nasa consultation table, Allison Sandoval, ito na ang pangalan na ginagamit niya sa ospital. “Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi mo, Mr. Harrison. Pumunta ka ba rito para malaman kung kailan mamamatay ang anak mo?” Sinubukan ni Allison na maging matapang. Matalim ang mga mata ni Warren, at mabilis niyang nilapitang muli si Allison. “Sa tingin mo ba sa pagsuot mo ng mamahaling damit, at pagpalit ng iyong pangalan
Read more
ROTLM 07: Pasa, Sugat, at Takot
KABANATA 7: Pasa, Sugat, at Takot [Bruises, Wound, and Fear]Nakita ng mga staff at nurse sa hospital kung paano tratuhin ni Warren si Allison. Nakakaramdam sila kay Doktora, kahit na nagawa naman nito ng maayos ang operasyon sa young master, ay hindi pa rin ito naging mabait sa kaniya.“Doktora Allison, ayos ka lang ba? Hindi ba't parang grabe naman yata kung saktan ka ni Mr. Harrison.” sambit ni Yanna, isa sa mga nurse.“Ayos lang naman ako, baka gano'n lang talaga siya dahil din sa inasal ko.” tugon ni Allison at iniwasan na niya ang ilang mga nurse na nagkumpulan at mukhang siya ang laman ng usapan.Sa totoo lang alam ni Allison na mas matinding hirap pa ang kaniyang daranasin sa kamay ni Warren. Pero handa siyang kalabanin ito, ngipin sa ngipin, pangil sa pangil.Dumiretso siya kay Doctor Anthony, upang ipagamot ang sugat sa kaniyang braso na gawa ni Warren.“Doktora Allison, kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung sino ang may gawa nito. Dapat ba talagang buhay mo ang maging kaba
Read more
ROTLM 08: You Want To Be, Mrs. Harrison?
KABANATA 08: YOU WANT TO BE, MRS. HARRISON?Hindi natinag si Scarlet. “Kilala kita! Isa ka lang hamak na Doktor! Ako pa rin ang guradian ni Wesley, kaya ako pa rin ang may karapatan sa kaligtasan niya!” bwelta ni Scarlet sabay hinawakan nito ang braso ni Wesley.Hindi makapagsalita si Wesley dahil sa nararamdaman na pananakit ng kaniyang mga sugat.“Wow! His safetyness? Nagawa mo pa talagang sabihin ang salitang ‘yan matapos mong pabayaan na malaglag si Wesley. Pero ang tanong, nalaglag nga ba o baka tinulak mo?”Sa inis ni Allison, ay tinggal niya ng malakas ang kamay ni Scarlet dahilan kaya ito tumama sa lamesa.“A-Anong pinagsasabi mo diyan?! Hindi ko siya tinulak kaya huwag kang mang bintang! Napakatapang mo talaga, huh?! Gusto mo talagang sirain ko ang buong hospital na ito?!”Napangisi si Allison, “Go! I don’t care, but in return ay sasabihin ko sa lahat na ikaw ang dahilan kung bakit nalaglag si Wesley, sasabihin ko na sinaktan mo siya ngayon. Tingnan natin kung ano ang sasabi
Read more
TRIPLETS 09: Weak Spot
KABANATA 09: WEAK SPOTKABANATA 09:“Warren, Mabuti naman at narito ka na! Tingan mo ang ginawa ng Doktor na ‘yan sa ‘kin!” pagsumbong ni Scarlet habang umaarte itong umiiyak at nasasaktan.Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Warren at sa halip ay nakatitig lamang ito kay Allison. Walang sbaing tinanggal ni Allison ang pagakakapit sa kaniyang kamay ni Doctor Anthony, dahil ayaw niyang iba ang isipin ni Warren na kahulugan nito.Doon pa lamang tumingin si Warren sa paligid, habang nakahiga si Wesley ay nagkalat naman ang kanin at ulam sa paligid, magulo din pati ang ilang gamit sa lamesa.“Anong ginawa mo?” tanong ni Warren kay Allison.Hindi makapaniwala si Allison, talagang siya ang tinanong nito? Well, ano pa nga ba ang aasahan niya sa dating asawa?“W-wala akong ginawa—”“She attacked me!” naputol ang pagsasalita ni Allison dahil kay Scarlet na bida-bida. “Narito lang naman ako para bisitahin si Wesley nang bigla niya ang sampalin at sabunutan. Warren, talagang nababaliw na a
Read more
DMCA.com Protection Status