Share

TRIPLETS 06: Multo ng Nakaraan

KABANATA 6: MULTO NG NAKARAAN [Ghost In The Past]

Ang baritonong boses ni Warren ay bumalot sa kaniyang opisina. Mabuti na lang at nakasuot pa rin siya ng facemask kaya tanging mga mata niya lang ang makikita. Mabilis siyang pumalag at lumayo kay Warren.

Talaga bang kilala na siya nito ngayon?

“Mr. Harrison, sino ba ang tinutukoy mo?” patay malisya niyang tanong, habang pinapakalma ang sarili.

“Nagpapanggap ka pa rin kahit bistado na kita?” napakalamig ng boses ng nito habang nakatitig sa kaniya ng masama.

Sinulyapan ni Allisson ang business card na nasa consultation table, Allison Sandoval, ito na ang pangalan na ginagamit niya sa ospital.

“Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi mo, Mr. Harrison. Pumunta ka ba rito para malaman kung kailan mamamatay ang anak mo?”

Sinubukan ni Allison na maging matapang.

Matalim ang mga mata ni Warren, at mabilis niyang nilapitang muli si Allison.

“Sa tingin mo ba sa pagsuot mo ng mamahaling damit, at pagpalit ng iyong pangalan ay hindi kita makikilala?” Galit nitong tinanggal ang facemask na suot niya.

Isang pamilyar na mukha ang lumitaw sa mga mata ng ni Warren, na noong una ay medyo naghihinala pa siya. Ngayon ay nakumpirmado na niya kaya bigla siyang napangisi.

“It’s really you!” halatang nagngangalit ang mga ngipin nito.

“Oo, ako nga. Nadismaya ka ba na hindi ako namatay noon sa operating table?”

“May lakas loob ka pa ring bumalik, Allison!” galit na sambit ni Warren at tinulak siya nito.

Ang kaniyang buong katawan ay tumama sa lamesa. Nakaramdam siya ng sakit, at ang kaniyang mukha ay tila namutla. Ngunit tahimik at itinulak niya si Warren na nasa kaniyang harapan palayo.

“At bakit hindi ako babalik? Wala ba akong karapatang bumalik dito? Dahil lang ba sa ayaw sa akin ni Olivia ay wala na akong karapatan at dapat na akong matakot?”

“At ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan ni Olivia!”

Nakakuyom ang kamo ni Warren dahil sa galit pero walang pakielam si Allison.

“Why? Ayaw niya bang binabanggit ko ang pangalan niya? Sobrang selan naman ng asawa mo. Nabalitaan ko nga rin pala na sobrang ganda na ng buhay niya. Nabalitaan ko rin na nakapagsilang pa siya ng sanggol para sa iyo. Na ngayon ay si Wesley na nasa kritikal na kondisyon.”

Gustong-gusto niyang inaasar si Warren, nang sa gayon ay kahit pa paano ay makaganti siya. Ngunit hindi na yata talaga maiaalis sa isipan nito na siya ang dahilan kung bakit comatose si Olivia.

Hanggang ngayon ay malinis ang konsensya niya. Hindi nagustuhan ni Warren noon na hindi niya inako ang kasalanan, pero wala siyang pinagsisisihan, dahil wala naman talaga siyang kasalanan.

“Alam ng lahat na ikaw ang may kasalanan kung bakit comatose si Olivia ngayon pero kaya mo pa ring tumawa?” inis na tanong ni Warren, at hinawakan nito ng mahigpit ang palapulsuhan ni Allison na halos madurog na ang buto nito. “Ikaw ang muntik ng mamatay noon. Paano ka pa rin nakakatawa ngayon?”

Natawa si Allison na parang nang-iinis lalo.

“Hindi kasi ako sing malas ni Olivia.”

Walang sabing sinampal siya ng malakas ni Warren, dahilan kaya siya napaupo at napadaing sa sakit.

After all these years, galit na galit pa rin ito siya sa kaniya! Kaya ba galit din ito kay Wesley, at hindi maayos ang pakikitungo nito sa bata?

“Warren, napakasama mong tao!” galit na wika ni Allison sa kaniyang isipan.

“Kahit anong gawin mo ay hindi na magigising pa si Olivia! Habang buhay siyang nakaratay na parang walang buhay! Madali lang naman para sa iyo na magpalit ng asawa ‘di ba? Nagawa mo nga akong palitan ng gano'n na lang!”

Napangisi si Warren. “Talaga bang hindi mo na mahal ang buhay mo? Gusto mo na ba talagang mamatay?!”

Hinawakan ni Warren ang kaniyang panga, kaya nakatingala siya rito ngayon.

“Ako pa talaga ang tinanong mo? Baka nakakalimutan mong minsan na akong namatay!”

Natigilan si Warren, at binitawan si Allison. Tandang-tanda niya ang araw na ‘yon. Nagtungo siya sa hospital ngunit nang dumating siya ay wala na Allison. Idineklara na itong patay ng mga Doctor, at hindi na niya mahagilap ang katawan nito.

Sa dalawang taon nilang magkasama bilang mag-asawa, siya lang ang bukod tanging nakakakilala kay Allison. Siya lang din ang nakaalam kung gaano niya ito kamahal. Pero para gawin kay Olivia ang bagay na ‘yon? Sobrang sama nitong tao na hindi niya kayang patawaring hanggang ngayon.

Kinasusuklaman niya si Allison, pero ayaw na niyang saktan pa ito.

“Umalis ka na.” utos ni Warren kay Allison.

“Ito ang opisina ko, ikaw dapat ang umalis!” hindi natatakot na tugon ni Allison.

Napangisi si Warren. “Talaga yatang bulag ako para pakasalan ka noon.” saka ito tumalikod na ito para umalis.

Naguluhan si Allison. Hindi ba't siya ang bulag para ipilit na pakasalan siya nito kaya siya napunta sa sitwasyon niya ngayon?

“Tama ka, at bulag din ako para pakasalan ka. Hindi ko kaagad nakita ang tunay mong kulay bilang isang demonyo. Nagsisisi akong pinakasalan kita.”

Napahinto si Warren, at nagpipigil ng kaniyang galit.

“Pero kung may kabutihan pang natitira sa puso mo, pakibalik sa akin ang anak ko.” mariing sambit ni Allison.

Natawa si Warren na tila ba nang-iinis at humarap sa kaniya.

“Anak mo? Bakit? Karapat-dapat ka bang maging ina para sa kaniya?”

“Anak ko si Wesley! Alam man ng lahat na si Olivia ang ina niya, pero sa ating dalawa alam mong anak ko siya! Mas may karapatan ako sa bata! Hindi mo naman mahal ang bata, kaya ibalik mo na lang siya! Hindi ako papayag na lalaki siyang si Olivia ang kinikilalang ina!”

“It’s none of your business. Sa akin si Wesley, sa amin lang ang bata.”

Walang balak si Warren na ibalik kay Allison ang bata. Hindi deserve ni Wesley ang isang inang mamamatay tao.

“Kung tunay kang lalaki ibabalik mo sa akin ang anak ko!” tuluyan nang nabasag ang kaniyang boses at kumawala ang isang paghagulgol.

“Huwag mo ng subukin na kunin pa si Wesley, dahil natitiyak kong hindi lang ikaw ang magdurusa kapag ginawa mo ‘yon.” walang buhay na tugon ni Warren bago ito tuluyang lumabas ng opisina at sinarado ng malakas ang pintuan.

Hindi alintana ni Allison ang pagdurugo ng kaniyang braso, dahil mas nagdurugo ang puso niya ngayon.

“Hindi ako papayag, Warren. Minsan na akong namatay, kung kinakailangan kitang akitin ay gagawin ko. Ibalik mo lang muli ang anak ko…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status