NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY

NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY

last updateLast Updated : 2023-01-03
By:   Michelle Vito  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
115Chapters
28.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Paano kung ang babaeng anak ng taong pumatay sa iyong pamilya ay ang babaeng pinakamamahal mo? Handa mo bang isakripisyo ang pag-ibig mo kapalit ng iyong paghihiganti?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

"SINISIGURO kong pagsisihan niya ang araw na ito," paniniyak ni Genis sa kanyang sarili, hinubad niya ang kanyang suot na barong tagalog at itinapat ang katawan sa shower. Katatapos lang ng kanilang civil wedding ni Amanda na ginaganap sa kanyang strawberry farm dito sa Baguio. At ngayon ay nandito sila sa kanyang resthouse dito rin sa Baguio. Sa edad niyang 28 years old ay marami na siyang naipundar na mga properties dito sa Pilipinas at sa iba't-ibang panig ng mundo. Ngunit hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan para lamang marating ang kinalalagyan niya ngayon. Sinong mag-aakala na iyong dating lampa at iyaking bata eighteen years ago ay magiging ganito na ngayon?Napakuyom ang kanyang mga palad. Hindi siya maaring magkamali sa bawat hakbang. Kailangan niyang maisukatuparan ang lahat niyang mga plano. Kahit na kailan ay hindi niya sisirain ang pangakong binitiwan niya sa kanyang mga magulang at Ate Lyca. Hindi niya ipagkakanulo ang mga ito ng dahil lamang sa isang babae. "...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Windy Francisco
Anong date po ito nasulat?
2024-04-12 11:57:54
0
user avatar
Zhean Kasim
so beautiful
2024-01-14 16:28:56
0
default avatar
Jeff S Gauci
Beautiful story
2022-10-11 13:49:22
0
default avatar
Jeff S Gauci
Love the story about Genis and Amanda...
2022-10-11 13:48:49
0
user avatar
Jules Benedict Oblefias
kaabang abang .. between love or pride...let us see...
2022-08-26 17:19:45
1
user avatar
Eloisa Capistrano
interesting story
2022-08-24 15:58:11
1
user avatar
Mimi CUA
Highly recommended.
2022-08-23 20:51:00
1
115 Chapters
CHAPTER 1
"SINISIGURO kong pagsisihan niya ang araw na ito," paniniyak ni Genis sa kanyang sarili, hinubad niya ang kanyang suot na barong tagalog at itinapat ang katawan sa shower. Katatapos lang ng kanilang civil wedding ni Amanda na ginaganap sa kanyang strawberry farm dito sa Baguio. At ngayon ay nandito sila sa kanyang resthouse dito rin sa Baguio. Sa edad niyang 28 years old ay marami na siyang naipundar na mga properties dito sa Pilipinas at sa iba't-ibang panig ng mundo. Ngunit hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan para lamang marating ang kinalalagyan niya ngayon. Sinong mag-aakala na iyong dating lampa at iyaking bata eighteen years ago ay magiging ganito na ngayon?Napakuyom ang kanyang mga palad. Hindi siya maaring magkamali sa bawat hakbang. Kailangan niyang maisukatuparan ang lahat niyang mga plano. Kahit na kailan ay hindi niya sisirain ang pangakong binitiwan niya sa kanyang mga magulang at Ate Lyca. Hindi niya ipagkakanulo ang mga ito ng dahil lamang sa isang babae. "
last updateLast Updated : 2022-08-02
Read more
CHAPTER 2
NABITIWAN NI AMANDA ang hinihilang maleta nang makita niya si Wendy na hinahalikan sa mga labi nito ang kanyang asawa. Gulong-gulo ang utak niya sa mga nangyayaring ito. At si Genis, waring enjoy na enjoy itong masaksihan niya ang pakikipaghalikan nito kay Wendy. Hindi niya magawang gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay may mga punyal na tumatarak sa kanyang dibdib habang nakamasid sa dalawa. “A-Anong nangyayari?” Sa wakas ay nagawa niyang itanong sa mga ito matapos ng ilang minutong pagkalito at pagkabigla, ang kanyang mga mata ay nagpapalipat-lipat sa mukha ni Wendy at ni Genis. “Ano ba sa palagay mo?” Tanong ni Wendy sa kanya saka nakangising tiningnan si Genis, “Pinaalis ko na iyong ibang maids.!" anito sa kanyang asawa saka muling tumingin sa kanya, "From now on, ikaw na ang magiging maid namin dito sa bahay. Iyong cook na lang ang itinira ko, alam mo namang pihikan ako pagdating sa pagkain.” May tono ng sarcasm na sabi n
last updateLast Updated : 2022-08-02
Read more
CHAPTER 3
DUMIRETSO SI GENIS sa isa sa mga pasugalan niya. Ilan lamang ang mga pasugalan sa kanyang underground business. Eighteen years ago ay hindi pa ganito kalaki ang kinikita ng mga pasugalang ito. Ngunit simula nang pamahalaan niya ito ay lumaki na ito ng lumaki. Pati mga players nila ay mga big time na rin. Kaya naman bilib na bilib ang Ninong niya sa kanya. Hindi raw ito nagkamali sa paghubog sa kanya. Engineer siya by profession at sa mata ng publiko at kanyang mga kaibigan, isa siyang matagumpay na Engineer. Iyon rin ang pagkakakilanlan ni Amanda sa kanya. Ngunit mas malaki ang kinikita niya sa kanyang mga sideline kesa sa kanyang pagiging engineer although millions rin naman ang iniakyat nitong pera sa kanya. Sabi nga ng Ninong Ben niya, sa likod ng mabait at very dignified niyang mukha, sino ang mag-aakalang isa siyang Mafia King? Kaya naman very proud ang Ninong Ben niya sa kanya. Maging ang nag-iisa nitong anak na si Wendy ay halos ipagtulakan na sa kanya.
last updateLast Updated : 2022-08-02
Read more
CHAPTER 4
ALAS KUWATRO pa lamang ay gising na si Amanda para mag-prepare ng breakfast. Alam kasi niyang maagang gumigising si Genis. “Ma’m mukhang ang sarap ng break fast na inihanda ninyo ah.” Anang kusinera, “Siguradong mas masarap kesa sa luto ko.” Ngumiti siya. Sabi nila ‘a way to a man’s heart is thorugh his stomach.’ Mabuti na lamang at bata pa lamang siya ay hilig na niya ang magluto kaya naman sarap na sarap ang lahat sa tuwing siya ang nagluluto sa kanilang bahay. Dalawang beses na rin niyang naipagluto si Genis. At tiyak niyang hindi ito nagpapanggap lang nang matikman nito ang luto niya. Ipinatong niya sa mesa ang ginawang tortang talong at ang kanyang masarap na masarap na fried rice pati na rin ang ginawa niyang chicken soup. Alam na rin niya ang timpla ng kape ng asawa kung kaya’t tinimplahan na rin niya ito. Nakahanda na ang mesa ng pasukin niya ito sa kwarto. Nakabihis na ito. Akmang aayusin niya ang kwelyo ng suot nitong lo
last updateLast Updated : 2022-08-02
Read more
CHAPTER 5
“MANONG DOY, ibaba mo na lang ako dyan,” sabi ni Genis sa kanyang driver nang makarating sila sa ospital. Inihinto ng matanda ang sasakyan, mabilis siyang bumaba at pasimpleng naglakad patungo sa suite na kinaroroonan ni Mayor Alcazar. Dinatnan niya itong nag-iisa sa loob ng kuwarto habang kung anu-anong apparatus ang nakasaksak dito. Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa walang malay na matanda. “Sayang at mukhang inunahan na ako ng Diyos saiyo. Ang dami ko pa naman sanang gustong gawin saiyo,” bahagya pa siyang napailing, waring nanunuya ang kanyang mga mata, “Hindi tuloy tayo makakapaglaro.” Bumukas ang pinto, paglingon niya ay nakita niya ang butihing asawa ni Mayor, “Genis?” “Nagmamadali akong pumunta dito nang mabalitaan ko ang nangyari kay Mayor,” kunwa’y nag-aalalang sabi niya sa babae. Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang kaibiganin niya si Mayor. Sa katunayan, isa siya sa may pinakamalaking donasyo
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
CHAPTER 6
NAGPAPAHINGA SI AMANDA nang pumasok si Wendy at gisingin siya. “Labhan mo iyong mga damit ko!” Utos nito sa kanya, “Make sure malinis na malinis iyon. Mamahalin ang mga damit ko kaya ihandwash mo lahat!” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinahihigaan. Sino ba sa akala nito ang babaeng iyon na basta na lamang darating sa bahay anytime nitong gustuhin na akala mo ay ito ang asawa. Kung inaakala nitong isusuko niya ang pagiging may bahay niya kay Genis, nagkakamali ito. Hindi niya bibigyan ng satisfaction si Wendy na ibigay ang gusto nitong mangyari. Kailangan lang niyang maging metatag. Siya ang asawa. Kahit na pinakasalan lamang siya ni Genis para mapasakitan siya, the mere fact na ibinigay nito sa kanya ang pangalan nito ay mas may karapatan pa rin siya dito kesa kay Wendy. At ipaglalaban niya ang karapatan niyang iyon! Muli siyang pumikit at bumalik sa pagtulog. Maya-maya ay nari
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
CHAPTER 7
“DAD, Mom, biglaan naman ang pasyal nyo dito, ni hindi kayo nagpasabi,” Natatarantang sabi ni Amanda sa mga magulang nang bigla na lamang itong sumulpot sa bahay nila. “Isang lingo na simula nang ikinasal ka, ni hindi mo man lamang kami naalalang tawagan ng Mommy mo,” anitong iginagala ang mga mata sa kabuuan ng bahay, “Ang laki pala at ang ganda ng bahay nyo,” dagdag pa nito saka kumunot ang nuo, “Teka, bakit mukhang nangangayayat ang prinsesa ko?” “Ito naman, syempre naninibago ang anak mo sa buhay may asawa. Nasaan nga pala ang asawa mo?” Anang ina niya. “Naliligo po Ma,” sagot niya. Ang totoo ay kinakabahan siya sa ipapakita sa mga ito ni Genis. Tiyak na magkakagulo kapag nalaman ng mga ito ang nangyayari sa kanila ng asawa. “Sandali lang po at igagawa ko kayo ng maiinom.” Aniyang nagtungo sa kusina. Sinundan siya ng Mommy niya duon. “Kumusta ka naman, anak?” “Masaya naman, Mommy. Ang bait-bait sakin ni Genis. Mas
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
CHAPTER 8
“ITAY. . .” Napahagulhol si Genis, niyakap niya nang ubod higpit ang ama, “Patawarin nyo ako kung wala akong nagawa. . .’ “Genis. . .” Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya si Amanda na, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Bumangon siya ay yumakap dito habang umiiyak. Pagkatapos ng napakahabang panahon, ngayon lang siya muling umiyak. Pinakawalan niya ang lahat ng galit at pangungulila sa pamilya na nararamdaman niya. “Wala man lamang akong nagawa,” sabi niya rito, “Naririnig ko silang nagmamakaawa pero nagtago lang ako. Wala akong ginawa para matulungan sila,” aniya kay Amanda, kailangan niyang ilabas lahat ng nasa dibdib niya or else sasabog na iyon. “Ang sakit-sakit. Hindi ako patahimikin ng konsensya ko.” Naramdaman niya ang mga kamay nitong humagod sa likuran niya. Kahit paano ay nakatulong iyon para maibsan ang bigat ng dibdib na nadarama. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat nito.RAMDAM NI A
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
CHAPTER 9
NASA kusina sina Imee at Amanda nang marinig nila ang malakas na boses ni Wendy sa salas. Nangigigil siya dahil basta na lamang ito dumarating anytime nito gustuhin. “Hindi mo inilock ang pinto,” sita niya kay Imee, “Alam mo namang nagkalat ang magnanakaw dito sa Maynila.” Magnanakaw na gaya ni Wendy na ibig nakawin ang puso ng asawa niya. Nagmamahalan kami, tanda niyang sabi sa kanya ni Genis ngunit iba ang naririnig miyang sinasabi ng damdamin nito. Hindi siya convince na may pagtingin nga rito ang kanyang asawa. Marahil ay isa lamang iyon sa mga palabas ng mga ito para pasakitan siya. Gayunpaman ay nagseselos pa rin siya. Babae pa rin naman si Wendy. “Amanda!” Palahaw ni Wendy ngunit kunwa’y wala siyang naririnig. Mas lalo namang natrigger si Wendy, yamot na hinila nito ang buhok niya, “Kapag tinatawag ko ang pangalan mo, lalapit ka kagad!” “Ma’m. . .” sabi ni Imee na takot na takot nakatayo lang habang pinapanuod sila.
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
CHAPTER 10
“MAAWA KA NA, MALILIIT PA ANG MGA ANAK KO, saka pare, hindi ba inaanak mo si Andrei? Mahal na mahal ka ng anak kong iyon!” Nagsusumamong sabi ni Enrico habang nakaluhod ito sa harapan ni Genis. Ngunit parang walang naririnig si Genis, ikinasa niya ang baril na hawak niya at itinutok sa ulo nito. Napaihi sa takot ang lalaki. Si Enrico ay Filipino-Chinese na kasamahan nila sa kanilang underworld business. Ito ang namamahala ng mga ini-smuggle nilang armas sa Amerika na idinidistribute nila sa Asia. Ngunit last month ay nadiskubre niyang winawalanghiya siya nito at nakikipagsabwatan sa kakompetensya nilang grupo. “Genis, magkaibigan tayo,” mahina nitong sabi sa kanya, ramdam niya ang takot sa tinig nito. “Iyon na nga eh, akala ko magkaibigan tayo!” Singhal niya rito, “Pero anong ginawa mo? Hindi ba binalaan na kita bago ka pumasok sa grupo ko? Alam mo ang number one na patarakan ng grupong ito, hindi ba?” Napaiyak ito saka
last updateLast Updated : 2022-08-06
Read more
DMCA.com Protection Status