It Turns Out That He's A Billionaire

It Turns Out That He's A Billionaire

last updateLast Updated : 2023-04-06
By:  SUMMERIASWINTER  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
53Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Cassandra came from a poor family so her dream in life is to find a rich husband to get out from poverty. During one of their photo shoots, she met Dark, a billionaire who's only pretending to be a low class man in order to find his dream wife. They became friends but what Cassandra didn't expect is her feelings that started to grow for Dark. But despite that, she made a bad move and didn't listen to her heart. And now that she finally entered his world, will she able to win him again? Can she make him fall in love again now that he's being cold and heartless towards her? Can he forgive her and starts over again?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Ano ba talaga ang plano mo kay Clark? Noon pa 'yon nanliligaw sa iyo pero bakit hindi mo pa sinasagot? Tingnan mo at parang aso nang nauulol kakahabol sa'yo."Hindi ko pinansin ang sinabi ni Margie at itinuloy lang ang pag-aayos ng aking mga gamit sa isang malaking maleta."Huy!" Niyugyog niya ang balikat ko nang hindi ko sinagot ang tanong niya."Ano ba?" irap ko sabay tampal ng kamay niya."Ano'ng ano ba? Tinatanong kita. Akala ko ba ay naghahanap ka ng mapapangasawang mayaman? Andiyan na si Clark. Bakit hindi mo pa sagutin?" nakapamewang na tanong niya sa akin.Totoo ang sinabi niya. Nabibilang ako sa porsyento ng mga babaeng naghahanap ng mayaman na lalaki na pakakasalan. At wala akong nakikitang masama doon. Hindi na uso ngayon ang salitang pag-ibig. Ang kailangan ng tao ay pera.Ngunit dahil sa lantaran na ambisyon kong iyon ay madaming naiinis at lumalayo sa akin pati na ang iba kong mga kaibigan.Wala namang kaso sa akin iyon. Natatawa pa nga ako dahil sino ba ang niloloko n

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
lezielatutubo21
next chapter pls
2024-06-20 20:24:24
0
53 Chapters

Chapter 1

"Ano ba talaga ang plano mo kay Clark? Noon pa 'yon nanliligaw sa iyo pero bakit hindi mo pa sinasagot? Tingnan mo at parang aso nang nauulol kakahabol sa'yo."Hindi ko pinansin ang sinabi ni Margie at itinuloy lang ang pag-aayos ng aking mga gamit sa isang malaking maleta."Huy!" Niyugyog niya ang balikat ko nang hindi ko sinagot ang tanong niya."Ano ba?" irap ko sabay tampal ng kamay niya."Ano'ng ano ba? Tinatanong kita. Akala ko ba ay naghahanap ka ng mapapangasawang mayaman? Andiyan na si Clark. Bakit hindi mo pa sagutin?" nakapamewang na tanong niya sa akin.Totoo ang sinabi niya. Nabibilang ako sa porsyento ng mga babaeng naghahanap ng mayaman na lalaki na pakakasalan. At wala akong nakikitang masama doon. Hindi na uso ngayon ang salitang pag-ibig. Ang kailangan ng tao ay pera.Ngunit dahil sa lantaran na ambisyon kong iyon ay madaming naiinis at lumalayo sa akin pati na ang iba kong mga kaibigan.Wala namang kaso sa akin iyon. Natatawa pa nga ako dahil sino ba ang niloloko n
Read more

Chapter 2

Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ni Clark. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin pero tahimik lang ako at malalim na nag-iisip."Just call me once you're done here. Susunduin ko kayo," aniya matapos niya akong tulungan na ipasok ang aking mga gamit sa hotel na tutuluyan namin."Sige," sang-ayon ko na lang upang hindi na naman kami mag-away.Umangat ang gilid ng labi niya saka mabilis akong hinalikan."Good. I'm going now. Huwag kang masyadong maglalapit sa mga lalaki dito," bilin niya na siyang tinanguan ko lang."I need a word Cassandra," he demanded.Huminga ako ng malalim. "Oo Clark."Matapos ang ilang mga bilin niya ay tuluyan na siyang umalis.Pagkasara ko ng pintuan ay naabutan ko si Margie na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin. Base sa ekspresyon niya ay mukhang nakikinig siya sa usapan namin kanina."Bakit?""Narinig ko yung usapan niyo kanina sa sasakyan," aniya.Tsk. Buong akala ko pa naman ay tulog siya buong biyahe.
Read more

Chapter 3

"Ang ganda dito Marj," namamangha kong wika sa aking kaibigan habang naglalakad kami dito sa kalawakan ng beach resort.Gabi na ngayon at halos katatapos lang ng trabaho namin. Gusto ko na sanang matulog at magpahinga pero kinulit ako ni Margie na maglakad-lakad muna saglit. Hindi ko inakalang ganito pala kaganda dito, halatang pangmayaman. Bigla tuloy nawala ang pagod at antok ko dahil kuha ako nang kuha ng mga larawan."I told you," ani Margie habang kumakain ng ice cream.Ayon sa kanya ay hindi raw ito ang unang beses na nakapunta siya dito dahil minsan na raw nagbakasyon ang pamilya at kamag-anak niya dito noon.Sumimangot ako. "Kung hindi lang dahil sa modelling na ito ay hindi ako makakapunta sa mga ganitong lugar," wika ko habang tinitingnan ang mga kuha kong larawan.Tawa lang ang isinagot ni Margie sa sinabi ko."Tara sa labas. May mga night market doon at mga shops para sa mga pasalubong," aniya sabay hila sa akin."Teka, hindi ba tayo mapapagalitan?" pigil ko sa kanya."Hin
Read more

Chapter 4

I've never been this never nervous in my entire life especially in front of a man. I am always confident and proud so I'm confused as hell on what's happening right now.Pasimple ko siyang pinagmasdan at sa isang tingin lang ay nasagot na ang mga katanungan kong iyon.Akala ko ay nasa modelling industry na ang mga may pinakamamagandang mukha dahil sila ang laging mga laman ng mga magazine at mga advertisements pero hindi pala.He's beside me and I completely see the outline of his face. His jawline was so prominent and his nose was so sharp. He looks foreign in every aspect.He's drinking a canned beer and I don't know why I find it damn hot.Nang dumako ang tingin ko sa braso niya ay biglang nahiya ang kutis ko dahil jusme, mukhang mas makinis pa ang balat niya kaysa sa akin.Simple lang ang pananamit niya pero agaw pansin talaga ang big bike na sinasandalan niya.Sa kanya ba ito?"Mag-isa ka lang dito?" Bahagya pa akong napaigtad nang bigla siyang nagsalita.Ako ba ang kinakausap ni
Read more

Chapter 5

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang photo shoot namin at isang linggo na rin magmula nang umalis si Margie dito sa tinutuluyan naming apartment.Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagtatampo sa kanya. Pero base na rin sa mga kwento niya tungkol sa kapatid niya ay mukhang mas mabuting magpakalayo-layo muna siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na iniwan niya ako. Nag-uusap naman kami araw-araw pero iba pa rin kapag nandito siya.Ang problema ko ngayon ay mag-isa ako dito sa apartment. Wala akong kahati sa upa, kuryente at tubig. Kailangan kong maghanap ng bagong kasama para may kahati ako sa mga bayarin dito.Matapos kong mag-ayos ay lumakad na ako papuntang University. Matagal na sana akong nakapagtapos pero dahil sa kakapusan ng pera ay tumigil ako.Umalis ako sa aming bahay dahil kapag nanatili ako doon ay walang patutunguhan ang buhay ko. The environment there is suffocating and negative. Baka lalo lang akong mahila pababa kung hindi ako umalis do
Read more

Chapter 6

Pagabi na nang matapos kami sa paggawa ng aming group report. Nauna nang umuwi sina Stephanie at Merry habang ako ay nagpasya nang tapusin sa coffee shop ang ilan sa mga assignments ko.Madalas akong tumingin sa counter kung nasaan kanina si Dark pero hindi ko na siya mahagilap simula pa kanina. Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya hinahanap. Pasara na rin ang shop kaya malamang na tapos na ang shift niya at kanina pa umuwi.Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at lumabas na. Maglalakad na sana ako papunta sa paradahan ng mga jeep nang marinig ko ang pagbukas sara ng pintuan sa likod ng coffee shop.Lumingon ako doon at hindi nagtagal ay nabungaran ko si Dark habang sinusuot niya ang kanyang jacket.Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang magtama ang aming mga paningin. Akala ko ay nakaalis na siya."H-Hey.." utal kong bati sa kanya."Cassandra," aniya na parang hindi man lang ata nasorpresa sa pagkikita naming ito."Hmm. Mabuti naman at natata
Read more

Chapter 7

Sabado ngayon at gaya nga ng napag-usapan namin noon ni Clark ay magdadate kami sa kanyang condo. Ilang araw ko rin siyang hindi nakikita dahil meron daw ipinapapagawa sa kanya ang kanyang ama sa Cebu kaya hanggang tawag lang siya muna sa ngayon.Ayon pa sa kanya ay hindi pa raw siya tapos sa kanyang ginagawa pero isiningit daw niyang umuwi para sa date namin. Gustong umikot ang mga mata ko lalo na nung maalala ko ang ipinakita noon na larawan ni Stephanie.Gusto kong magdahilan na masama ang pakiramdam ko upang hindi matuloy ang lakad namin na ito but knowing Clark, hindi iyon maniniwala at talagang kakaladkarin ako paalabas ng apartment ko.Tungkol naman sa makakasama ko dito ay meron na raw nairekomenda si Aling Marites at darating daw ito sa Lunes. Bukod sa babae raw ay wala ng ibang impormasyong sinabi si Aling Marites.Alas singko pa lang ng hapon ay tumawag na si Clark upang sabihin kung anong oras niya ako susunduin. At dahil maaga pa ay pinili ko na lang na maglaba muna.Haba
Read more

Chapter 8

Sa loob pa lang ng sasakyan ay madalas na ang mga paghaplos haplos sa akin ni Clark. Minsan ay sa aking mga hita at paminsan-minsan naman sa aking bewang.Humugot ako ng malalim na hininga habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa akin. Ang plano kong takasan siya kanina sa bar ay hindi nangyari dahil bantay sarado niya ako bawat minuto. Kahit ang pagpunta ko sa comfort room ay sinasamahan niya ako. Kahit na kausap at kakwentuhan niya ang kanyang mga barkada ay laging nakabantay ang mga mata niya sa akin.Bago kami pumunta sa bar ay sinabi niya na saglit lang kami at hindi siya iinom pero heto siya ngayon at lasing na. Kilala ko si Clark. Malakas ang alcohol tolerance niya kaya kahit na lasing na siya ay alam pa rin niya ang kanyang ginagawa. Ang ikinababahala ko ay lalo siyang nagiging obsessed kapag may halong alak ang kanyang sistema. Papunta kami sa condo niya at kanina pa ako hindi mapakali. Wala na ba akong kawala sa kanya? Sa isiping iyon ay nanlumo ako.Humingi kaya ako
Read more

Chapter 9

Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-abala na ihatid ako sa aking apartment.Tumigil kami sa tapat ng apartment building ni Aling Marites. Nalilito man kung bakit dito niya ako itinigil pero bumaba na rin ako.Nagsitahulan ang mga tao sa kalsada dahil sa pagdating naming dalawa."Salamat sa paghatid ulit Dark. Ito na ang pangalawa," wika ko at bahagyang tumawa upang maibsan ang tensyon sa pagitan namin.Tumango lang siya saka kinuha ang kanyang helmet na hawak ko."Hmm. Una na ako?" Turo ko sa daan.Nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ay naiilang akong ngumiti at tumalikod na. Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang tinawag niya ang pangalan ko."Bakit?"Matagal bago siya sumagot. Bumuntong hininga siya. "Gusto mo bang magmeryenda muna?"Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Gabi na at gusto ko nang magpahinga pero malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya bilang pasasalamat ay sumang-ayon ako. "S-Sure. Doon na lang tayo sa apartment ko," wika
Read more

Chapter 10

Lunes ng umaga ay napagpasyahan kong ihatid si Avi sa kanyang paaralan. Wala lang, gusto ko lang maglakad-lakad tutal at wala akong klase sa umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga professor namin.Salita nang salita si Avi. Ang dami niyang kwento kaya kahit na hindi na ako magtanong tungkol sa kanya ay kilala ko na siya. Umagang-umaga pa lang ay parang wala na akong lakas dahil sa ingay niya. Hindi ko rin maiwasan ang hindi maalala ang aking kapatid na naiwan doon sa bahay namin.Bisitahin ko kaya siya sa susunod na linggo?"Dito na ako Ate Cassandra. Salamat sa paghatid!" aniya saka niyakap pa ako.Hinaplos ko ang buhok ni Avi. "Galingan mo sa klase.""Of course! Kailangan kong magkaroon ng matataas na grade para makapag-aral ako sa Harvard sa College!"Natawa ako sa sinabi niya.Pagkatapos kong maihatid si Avi sa kanyang paaralan ay napagpasyahan kong mag-agahan na lang dito sa labas. Wala na akong stock sa apartment. Maggogrocery na lang ako pagkatapos ng klase ng mga k
Read more
DMCA.com Protection Status