Sabado ngayon at gaya nga ng napag-usapan namin noon ni Clark ay magdadate kami sa kanyang condo. Ilang araw ko rin siyang hindi nakikita dahil meron daw ipinapapagawa sa kanya ang kanyang ama sa Cebu kaya hanggang tawag lang siya muna sa ngayon.Ayon pa sa kanya ay hindi pa raw siya tapos sa kanyang ginagawa pero isiningit daw niyang umuwi para sa date namin. Gustong umikot ang mga mata ko lalo na nung maalala ko ang ipinakita noon na larawan ni Stephanie.Gusto kong magdahilan na masama ang pakiramdam ko upang hindi matuloy ang lakad namin na ito but knowing Clark, hindi iyon maniniwala at talagang kakaladkarin ako paalabas ng apartment ko.Tungkol naman sa makakasama ko dito ay meron na raw nairekomenda si Aling Marites at darating daw ito sa Lunes. Bukod sa babae raw ay wala ng ibang impormasyong sinabi si Aling Marites.Alas singko pa lang ng hapon ay tumawag na si Clark upang sabihin kung anong oras niya ako susunduin. At dahil maaga pa ay pinili ko na lang na maglaba muna.Haba
Sa loob pa lang ng sasakyan ay madalas na ang mga paghaplos haplos sa akin ni Clark. Minsan ay sa aking mga hita at paminsan-minsan naman sa aking bewang.Humugot ako ng malalim na hininga habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa akin. Ang plano kong takasan siya kanina sa bar ay hindi nangyari dahil bantay sarado niya ako bawat minuto. Kahit ang pagpunta ko sa comfort room ay sinasamahan niya ako. Kahit na kausap at kakwentuhan niya ang kanyang mga barkada ay laging nakabantay ang mga mata niya sa akin.Bago kami pumunta sa bar ay sinabi niya na saglit lang kami at hindi siya iinom pero heto siya ngayon at lasing na. Kilala ko si Clark. Malakas ang alcohol tolerance niya kaya kahit na lasing na siya ay alam pa rin niya ang kanyang ginagawa. Ang ikinababahala ko ay lalo siyang nagiging obsessed kapag may halong alak ang kanyang sistema. Papunta kami sa condo niya at kanina pa ako hindi mapakali. Wala na ba akong kawala sa kanya? Sa isiping iyon ay nanlumo ako.Humingi kaya ako
Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-abala na ihatid ako sa aking apartment.Tumigil kami sa tapat ng apartment building ni Aling Marites. Nalilito man kung bakit dito niya ako itinigil pero bumaba na rin ako.Nagsitahulan ang mga tao sa kalsada dahil sa pagdating naming dalawa."Salamat sa paghatid ulit Dark. Ito na ang pangalawa," wika ko at bahagyang tumawa upang maibsan ang tensyon sa pagitan namin.Tumango lang siya saka kinuha ang kanyang helmet na hawak ko."Hmm. Una na ako?" Turo ko sa daan.Nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ay naiilang akong ngumiti at tumalikod na. Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang tinawag niya ang pangalan ko."Bakit?"Matagal bago siya sumagot. Bumuntong hininga siya. "Gusto mo bang magmeryenda muna?"Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Gabi na at gusto ko nang magpahinga pero malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya bilang pasasalamat ay sumang-ayon ako. "S-Sure. Doon na lang tayo sa apartment ko," wika
Lunes ng umaga ay napagpasyahan kong ihatid si Avi sa kanyang paaralan. Wala lang, gusto ko lang maglakad-lakad tutal at wala akong klase sa umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga professor namin.Salita nang salita si Avi. Ang dami niyang kwento kaya kahit na hindi na ako magtanong tungkol sa kanya ay kilala ko na siya. Umagang-umaga pa lang ay parang wala na akong lakas dahil sa ingay niya. Hindi ko rin maiwasan ang hindi maalala ang aking kapatid na naiwan doon sa bahay namin.Bisitahin ko kaya siya sa susunod na linggo?"Dito na ako Ate Cassandra. Salamat sa paghatid!" aniya saka niyakap pa ako.Hinaplos ko ang buhok ni Avi. "Galingan mo sa klase.""Of course! Kailangan kong magkaroon ng matataas na grade para makapag-aral ako sa Harvard sa College!"Natawa ako sa sinabi niya.Pagkatapos kong maihatid si Avi sa kanyang paaralan ay napagpasyahan kong mag-agahan na lang dito sa labas. Wala na akong stock sa apartment. Maggogrocery na lang ako pagkatapos ng klase ng mga k
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakikitang tagpo sa aking harapan. Ang babaeng kinaiinisan ko ay mapangahas na nakakandong kay Clark at malawak ang pagkakangisi. Wala dapat akong pakialam pero sa dinami-rami ng mga babae, ang makitang si Alice pa ang kasama ni Clark ay nakakagalit. Tiyak na ako na naman ang lalabas na masama dito katulad ng ginawa niya sa akin noon."Are you serious Clark? You're with this Alice?" ani Denise. Hindi na ako magtataka kung bakit kilala ni Denise ni Alice. Katulad ko rin siya, yun nga lang ay mas malaki ang impluwensiya niya at mas madami siyang mga kakilala."May problema ka ba sa akin Denise?" tanong naman ni Alice na nakataas ang kilay. Si Clark ay tahimik lang na umiinom ng whiskey. Nakapagtataka lang dahil hindi niya ako napapansin. Kadalasan ay wala pang isang segundo ay nakita na niya ako."You look mad Cassandra," puna ng lalaking kasama ko.Umiling ako saka nagmartsa palabas ng kusina dala ang baso ng tubig. Umalis na ako bago ko pa
"Cassandra!"Sinenyasan ko si Dark na magtago pero ang walang hiya ay humalukipkip lang at naghihintay na buksan ko ang pintuan."Magtago ka!" madiin kong wika sa nanlalaking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita at nagkaharap ang dalawang ito lalo na at lasing at galit si Clark."Cassandra!" Nang makita ko na nagcrack ang pintuan ay binuksan ko na ito, hindi na iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa dalawa.Marahas na pumasok si Clark sa loob at matalim ang kanyang mga mata na tumingin sa akin."Where is that man? Nasaan na ang lalaking sumundo sa iyo kanina?" Inilibot niya ang kanyang matatalim na mga mata sa loob ng aking apartment. At nang makita si Dark na prenteng nakaupo sa sofa ay kagyat na bumagsik ang kanyang mga mata.Mabibilis ang mga hakbang ni Clark at tinawid ang distansya sa pagitan nila ni Dark at malakas niya itong sinuntok sa mukha."Bastard!""Clark!" sigaw ko at lumapit sa kanya upang awatin siya.Tinabig ni Clark ang kamay ko at padasko
Nasa sala kami ni Avi. Nanunuod siya ng TV habang ako naman ay nililinisan ang aking mga kuko. Nakabihis na ako at mamaya lang ay darating na si Dark. "Ate Cassandra," untag sa akin ni Avi maya-maya."Hmm?""Ayaw mo ba kay Kuya Dark? Magandang lalaki naman siya at mas mabait kaysa dun sa manliligaw mong si Clark."Natigil ako sa ginagawa at binalingan siya. Nakapangalumbaba siya na nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.Bumalik ako sa aking ginagawa bago nagsalita. "Gusto ko siya.. pero bilang isang kaibigan lang."Nakita ko ang pagsimangot niya na para bang hindi natutuwa sa sinabi ko. Kahit ako rin naman ay hindi sang-ayon sa sagot ko. Friendly date lang ang lakad namin pero heto at bihis na bihis ako na para bang totoong date talaga ang pupuntahan namin.Maya-maya lang ay nakarinig na kami ng katok sa pintuan. Mabilis na tumayo si Avi at siya na ang nagbukas nito."Kuya Dark!" magiliw niyang bati dito at niyakap pa sa bewang. Hindi ko talaga alam pero sobrang close nilang
Hindi ko man lang namamalayan na natapos na pala ang date namin. Sobrang bilis ng oras. Gusto ko pa sana siyang makasama ng mas matagal pero kailangan din ng restaurant na magsarado.Ganun talaga siguro. Kapag masaya ka ay hindi mo napapansin ang oras, magugulat ka na lang na tapos na pala."Ang tahimik mo. May problema ba?" untag ni Dark habang nasa daan kami pauwi.Tumingin ako sa labas ng sasakyan. "Wala. May iniisip lang ako."Hindi agad siya sumagot. Ang dami namin napagkwentuhan kanina pero ang tanging tumatak at patuloy kong iniisip ay ang sinabi niya kaninang gusto niya ako. Sa totoo lang ay nalilito ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi maipagkakaila na gusto ko rin siya pero naroon pa rin yung pag-aalinlangan. Gusto ko sanang kausapin si Margie pero alam ko na kung ano ang magiging sagot niya."Seryoso ako sa iyo, Cassandra kung iyon ang inaalala mo," seryoso niyang wika maya-maya.Hindi iyon ang inaalala ko!Hinarap ko siya. "Alam kong maganda ako pero—"Mahina siyan
Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Dark. Sasampalin ko na sana siya pero mabilis niyang napigilan ang aking kamay."You're really going to slap me, Cassandra?" nanliliit ang kanyang mga mata at inilapit pa ang kanyang mukha sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.Nagtagis ang bagang ko at hinila ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan."At bakit hindi? Eh basta ka na lang na pumapasok sa kwarto nang may kwarto! May balak kang masama 'no?" bintang ko sa kanya kahit na alam ko naman na hindi niya iyon gagawin.Lalong naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "At ano ang gagawin mo kung meron nga?" Lumapit pa lalo si Dark sa akin kaya wala akong ibang magawa kundi ang umatras palayo sa kanya. "May magagawa ka ba? Tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto Cassandra. Tayo lang na dalawa ang nandito sa loob ng hotel. Sa tingin mo ba ay makakatakas kabsa akin kung may gagawin man ako sa inyo?" bulong niya nang marahan pero may diin.Unti-unting lumalapit si Dark kaya napapaatras di
Hinila ko palayo si Dark sa kainan. Mabuti na lang talaga at busy ang lahat sa pagkain kaya walang nakakapansin sa amin.Binitawan ko na siya nang makalayo na kami at hinarap."Ano ba ang problema mo ha? Wala namang ginagawa na masama iyong tao ah? Kung hindi kita pinigilan ay susuntukin mo yung kalaki 'no? Nababaliw ka na ba?" galit kong wika kay Dark.Sa lahat ng mga nangyari at sa mga ginawa ni Pay ay wala naman akong nakikita na mali doon. Oo at masyado siyang malapit sa akin, na hinawakan pa ang gilid ng aking labi pero alam ko naman na walang ibang kahulugan iyon. Natural lang siguro sa kanya iyon at walang malisya! Itong Dark na ito ang malaswa ang isipan! Ewan ko ba sa kanya!"Walang ginawa? Eh hinawak hawakan ka. Ang lapit ng mukha niya sa iyo na kulang na lang ay halikan ka niya! At narinig mo ba ang sinabi niya kanina? Na papakasalan ka raw niya! Ano? Gusto mo yun?" ganti rin niya.Natawa ako. Ano ba ang problema ng tukmol na ito at galit na galit? At tsaka ano ba ang ginag
Hindi lang ako ang natigilan pansamantala upang tumitig sa banda kung nasaan sina Dark at ang babaeng kasama nito. Nakasuot lang ng board shorts si Dark at puti na polo na bukas ang lahat ng mga butones kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib at hulmadong abs.Nasa lilim ang mga ito ng coconut tree. Nakasandal doon si Dark na nakangisi habang pinapakinggan ang sinasabi ng babae."Iba talaga si Sir Alex! Pang model ang katawan! Kailan ko kaya yan matitikman?" hagikgik ni Gelo."Ssshh. Tumigil ka nga. Baka may makarinig sa iyo at magsumbong. Kapag nakarating sa kanya ang mga kahalayan mo sa kanya ay baka ipatanggal ka niya sa trabaho," mahina naman na suway ni Meldasa kaibigan."Pero sino iyong babae na kasama niya?" tukoy ni Jaime. "Ngayon ko lang siya makita. Kilala mo Cassandra? Baka nakita mo na siya kapag sinasamahan mo si Sir Alex sa kanyang mga meeting?" dagdag pa niya sabay baling sa akin.Umiling ako. Hindi ko kilala ang naturang babae. May mga nakikilala akong mga bagong t
"Ang ganda dito sa condo mo!" wika nina Jaime at Nicole habang nililibot ang buong unit ko. Sabado na ngayon. Alas nuwebe ang oras ng sinabi nila na pagpunta namin. Sa Boracay magaganap ang team building at sobrang saya ng lahat. Hindi naman ganung kaaga ang call time pero maaga na dumating ang dalawa at dito agad sa condo ko ang ni-rade nila. Nag-aagahan ako nang bigla na lang silang tumawag at sinabing papunta na raw sila dito sa tinutuluyan ko. May dalang tig isang maleta ang mga ito at handang handa na talaga na bumiyahe paalis. Ako naman ay noong nakaraang araw pa nakahanda ang mga gamit na dadalhin ko para sa team building. Mabuti na iyong mag-impake ng maaga para hindi na aligaga pa kapag paalis na. Maraming mga gamit ang nakakalimutan na dalhin kapag nagkataon."Grabe. Iba talaga ang alagang Alexander Miller," ani Nicole habang masusi na binubusisi ang kusina ko. Si Jaime naman ay pinagdiskitahan ang mga laman ng ref ko.Sinimangutan ko si Nicole dahil sa sinabi niya. "Hind
Sa una ay nag-atubili pa ako na tanggalin ang aking mga damit pero kung magtatagal pa ako dito sa banyo ay baka ma-late na ako para sa meeting mamaya ni Dark.Binuksan ko ang shower ay nang masigurong hindi na ito gaanong kalamig ay tumapat na ako doon. Habang nasa ilalim ako ng tubig ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga pagbabago sa relasyon namin ni Dark bilang aking boss at kanyang secretary. Hindi na siya ganung kahigpit tulad ng dati. Hindi na niya ako pinagsasalitaan ng masama at higit pa doon ay maayos na ang kanyang pakikitungo sa akin, hindi na rin siya nagsasabi ng mga salita na maaaring ikapahiya ko kung sakali.Wala akong ideya kung bakit bigla na lang siyang nagbago ng ganon pero ipinagpapasalamat ko iyon. Kahit papaano ay gumaan na ang buhay ko dito. Kung sana ay ganito na siya simula pa lang ay hindi na sana kami magkakaproblema. Ngunit kahit ganoon ay nanatili pa rin na marami akong mga trabaho. Hindi sa sinasadya niyang pahirapan ako katulad ng iniisip ko noon per
Nasa kasagsagan ako ng pagta-type nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot at ni-loud speaker upang hindi maabala ang aking trabaho."Oh?" sagot ko nang makitang si Jaime ang tumatawag."Anong oh? Alas dose na uy. Hindi ka pa ba bababa para kumain? Huwag mong ipunta sa trabaho ang lunch break mo," aniya sa kabilang linya.Tiningnan ko ang orasan sa ibabang bahagi ng computer. Alas dose na nga."Sorry. Hindi ko agad nakita ang oras," hingi ko ng tawad. Sa dami ng trabaho ko at sa sobrang focus ko ay hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng oras."Okay lang. Kadarating lang naman namin ni Nicole dito sa ibaba. Hintayin ka na lang namin dito sa lobby," aniya."Sige," sagot ko at mabilis na tinapos ang huling pahina ng ginagawa ko. Naglagay ako ng powder sa mukha at inayos ng kaunti ang bahagyang nagulo kong buhok. Panghuli kong kinuha ay ang aking wallet.Bago ako umalis ay sinulyapan ko ang office ni Dark. Hindi ba iyon manananghalian? Hindi pa siya lumalabas sa kanyang opisi
Nagkatitigan kami ni Dark ng matagal. Ayaw ko sanang magpatalo pero sa huli ay ako rin naman ang sumuko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang magtagal sa ilalim ng mga titig niya.Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa aking kwarto. "Umalis ka na. Gabi na at gusto ko nang magpahinga," malamig ang boses kong sinabi.Ngunit isang mapakla na tawa ang narinig ko. "Gabi na? Alam mo naman pala na gabi na pero ngayon ka lang umuwi? Ano? Masyado ka bang nasarapan na kasama ang lalaking iyon? Nagbalik na pala siya. Huwag mong sabihin na siya ang rason kaya hindi ka na pumapasok?" malamig din ang kanyang boses ng sinabi iyon.Napamaang ako at natigilan sa paglalakad. Lalaking iyon? Si Clark ba ang tinutukoy niya? At paano niya nalaman na kakauwi ko lang?Liningon ko ulit siya at nanliit ang aking mga mata. Kung nakita niya kami kanina ay malamang na nandoon din siya sa bar kanina. Wala namang ibang dahilan hindi ba? O baka nakita niya kami kanina naglalakad?"Sinusundan mo ba ako?" "Don't
Nagkatinginan kami ni Clark at bigla na lang kaming natawa sa isa't-isa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kami tumatawang dalawa."But you know that I did those things wholeheartedly. You don't have to apologize for anything. So.. are we still friends? Or.. you know if you want then I will court you again," aniya sabay kindat pa sa akin.Tumawa ako at pabirong hinampas ang kanyang balikat. "Nah. I think we're better off being friends."Kung siya pa rin ang dating Clark na kilala ko ay baka kanina pa ako tumakbo palayo dahil sa sinabi niya. Pero dahil alam ko na iba na siya, na hindi na siya katulad ng dati ay hindi ko na iyon ininda pa. Higit sa lahat, alam ko naman na nagbibiro lang siya. Katulad ko ay natuto na siya sa nangyari sa amin noong nakaraan.Sumimangot si Clark kaya lalo lang akong natawa. "Bakit? May boyfriend ka na ba? Kayo pa rin ba ni Dark?" taas kilay niyang tanong.Agad na nabura ang aking ngiti dahil sa pangalan na binanggit niya. A
Pagkauwi ko ay naglaba ako at naglinis ng buong condo upang hindi ko maisip ang mga bagay na hindi ko dapat na isipin. Maaga pa. Mga alas nwebe pa lang kaya inabala ko ang aking sarili sa kung anu-anong mga bagay. Inaasahan ko na may tatawag sa akin at pagsasabihan o pagagalitan dahil sa pag-alis ko sa trabaho pero wala. Wala ring mensahe galing kay Ma'am Beth. Hindi naman siguro kasi ako ganun kaimportante para gawin nila iyon.Pagpatak ng gabi ay gumawa na ako ng resignation na ipapadala ko. Buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa ito.Malakas na humalakhak si Margie doon sa kabilang linya. "Walang hiya. Sana ay sinapak mo ang kanyang mukha!"Sinabi ko sa kanya ang mga naging kaganapan sa opisina, lahat-lahat pati na kung paano ako tratuhin ng aking boss. Hindi naman kilala ni Margie si Dark kaya okay lang na sabihin ko.Sumimangot ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Hindi naman Pwede yang iniisip mo Marj. Baka lalong mapasama ang record ko kapag sinapak ko siya.""Weeh