Share

Chapter 2

Author: SUMMERIASWINTER
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ni Clark. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin pero tahimik lang ako at malalim na nag-iisip.

"Just call me once you're done here. Susunduin ko kayo," aniya matapos niya akong tulungan na ipasok ang aking mga gamit sa hotel na tutuluyan namin.

"Sige," sang-ayon ko na lang upang hindi na naman kami mag-away.

Umangat ang gilid ng labi niya saka mabilis akong hinalikan.

"Good. I'm going now. Huwag kang masyadong maglalapit sa mga lalaki dito," bilin niya na siyang tinanguan ko lang.

"I need a word Cassandra," he demanded.

Huminga ako ng malalim. "Oo Clark."

Matapos ang ilang mga bilin niya ay tuluyan na siyang umalis.

Pagkasara ko ng pintuan ay naabutan ko si Margie na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin. Base sa ekspresyon niya ay mukhang nakikinig siya sa usapan namin kanina.

"Bakit?"

"Narinig ko yung usapan niyo kanina sa sasakyan," aniya.

Tsk. Buong akala ko pa naman ay tulog siya buong biyahe.

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya.

"Forget what I've said last night. I think it's better to ditch Clark. Kapag nagtagal pa ito ay baka mapasubo ka lang."

"Alam ko Marj. Pero paano? Kung narinig mo nga ang pag-uusap namin kanina then alam mong hindi yun ganun kadali. He has connections. Takbuhan ko man siya ay mahahanap pa rin niya ako," sagot ko habang hinihilot ang aking sintido.

Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kakaisip kung paano ko matatakasan itong gulong pinasok ko.

Sobrang bait ni Clark noong una ko siyang nakilala kaya binigyan ko siya ng pagkakataon upang ligawan ako. Pero ngayon ay lumalabas na ang tunay niyang ugali.

"Bakit hindi mo na lang kalimutan yang pangarap mong makapangasawa ng mayaman? Doon ka na lang sa mahirap pero mabait naman," suhestiyon niya habang nagsisimula nang magsindi ng isang stick ng sigarilyo.

Blangko ko lang siyang tiningnan. Alam niya ang kwento ng buhay ko at naiintindihan niya ako kaya bakit niya iyon sinasabi ngayon?

Galing ako sa hirap na hanggang ngayon ay naghihirap pa rin tapos sasabihin niyang maghanap din ako ng kagaya kong mahirap? Mahal na ang mga bilihin ngayon kaya hindi pwede yang sinasabi niya.

Masama ba ang maging praktikal?

Malaki man ang kinikita ko pero sapat lang iyon sa akin dahil liban sa sarili ko ay sinusoportahan ko pa ang pamilya ko.Mukhang wala akong swerte sa buhay dahil kahit anong kayod ang gawin ko ay wala pa rin. Ganun pa rin. Ang sabi nila ay bilog ang mundo pero pakiramdam ko ay hindi gumagalaw ito. Kung ano ako noon ay ganun pa rin hanggang ngayon. Walang pagbabago. Ang tanging swerte ko lang dito sa mundo ay itong itsura ko. Kung wala ito, ewan ko na lang.

"I can't lower my standard Marj. Though thanks for the advice," tanging sagot ko.

Sinulyapan niya ako bago nagbuga ng usok sa hangin. "Ikaw ang bahala," aniya.

Sabay kaming bumaba ni Margie nang magtawag na sila ng agahan. Pagkababa namin ay kumpleto na ang team at ayon sa kanila ay nakahanda na raw ang setup para sa gagawing photo shoot.

Kahit pagod sa biyahe ay diretso agad kami sa trabaho. Kung anu-ano ang mga ipinasuot nila sa amin. Sobrang gulo at bilis ng galaw ng paligid at hindi namin namamalayan na lagpas tanghalian na pala.

"Okay. Tama na muna 'yan. Break muna kayo," malakas na palakpak ni Chito, ang organizer ng event na ito.

Nakarinig ako ng mga sunod-sunod na buntong hininga ng mga co-models ko.

Saka ko lang din naramdaman ang pagod at gutom pagkaupo ko. Agad akong uminom ng tubig habang iginagala ang aking mga mata upang hanapin si Margie.

Umupo sa tabi ko si Kayla na halata ang inis sa mukha. "Ito ang ayaw ko sa agency na ito. Kahit gutom ka na ay hindi ka pwedeng magbreak hangga't wala silang sinasabi," reklamo niya sa akin.

I agree with her though I just kept it myself. Sobrang demanding ng agency na ito pero ang katumbas naman nun ay mas malaki ang sahod kumpara sa ibang agency na napasukan ko na. Tsaka kasama naman iyon doon sa kontrata bago kami pumirma kaya wala kaming karapatan na magreklamo ngayon.

"Nakita mo si Marj?" tanong ko.

She waved her hand. "Nah. I saw her with a hot guy earlier."

Tumaas ang kilay ko. "Sa kabilang agency?"

Umiling siya. "I think it's a tourist," sagot niya.

Grabe talaga ang babaeng yun. Hindi ko na lang siya hinanap at itinuon na lang sa pagkain ang aking buong atensyon.

Habang kumakain ay may tumabi sa akin na isang lalaki na galing sa ibang agency. Napansin ko kanina na hindi lang pala kami ang nagshoshoot dito. Malapit na naman kasi ang summer kaya todo na naman ang mga clothing brands sa pagpropromote ng summer collections nila. At kahit hindi ko pa nalilibot ang lugar ay maganda itong beach resort na napili nila.

"Hi," bati ng lalaki pagkaupo niya sa aking tabi.

Matamis ko siyang nginitian saka binati pabalik. Wala siyang pang itaas na damit kaya kitang-kita ko ang maganda niyang katawan. Tanging boardwalk short lang ang suot niya at isang puting twalya sa leeg niya. He's a model so it's given that he has a striking looks.

"Wala bang magagalit sa pag-upo ko dito?" nagbibiro niyang tanong.

Eksaheradang tumikhim si Kayla na nasa kabilang gilid ko pero hindi ko iyon binigyang pansin.

Naglabas ako ng mahinang tawa bago sumagot. "Wala naman—"

Saktong tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa pagsasalita.

Pagkakita ko kung sino ang tumatawag ay agad na napalis ang ngiti sa aking labi.

"Mukhang meron atang magagalit," tawa ng lalaki nang makita ang pangalan ng tumatawag sa akin.

Pilit akong ngumiti kaya pati si Kayla ay natawa na rin.

Ang nakalagay na pangalan ni Clark sa contact list ko ay LOVE at nakacaps lock pa talaga. I want to change it but I can't since he kept on checking it every now and then.

"Excuse me," pasintabi ko sa kanila nang hindi tumitigil si Clark sa pagtawag sa akin.

Agad akong tumayo at lumayo ng bahagya upang sagutin ang tawag niya.

"What took you so long to answer my call?" bungad niya.

"We're taking our lunch," sagot ko. Paglingon ko sa banda ni Kayla ay wala na iyong lalaki.

"It's almost 2pm Cass. Are you making lies?"

Bigla akong nakaramdam ng inis sa mga pinagsasabi niya. Ganitong pagod ako tapos ganun pang mga salita ang maririnig ko sa kanya.

"Alam mo naman na minsan ay hindi on time ang pagkain namin dito," sagot ko habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Fine. How are you then? Sinong kasama mong kumakain?"

"Si Margie—"

"Cassandra! Pakibilisan daw at may sasabihing importante sa iyo si boss Chito!" sigaw ni Derek na katrabaho ko.

Hindi pa ako nakakasagot nang sunod-sunod na tanong agad ang pinakawalan ni Clark mula sa kabilang linya.

"Sino yung kumausap sa iyo? Sino yung Chito na tinutukoy niya? Trabaho ba talaga ang pinunta mo diyan Cassandra o ano? Mukhang lalaki ata lahat ang mga kasama mo diyan ah," bintang niya sa iritadong boses.

Napipirwisyong hinilot ko ang aking sintido.

"I swear, if I found out that—"

Mabilis kong pinutol ang kung ano man ang sinasabi niya at sa matigas na boses ay nagsalita ako.

"Listen here Clark. I'm done with you. If you can't hold back your nonsense jealousy then let's stop this shit. We're not official and I'm telling you now to leave me alone and find another one. I'm so tired and fed up. I'm sorry but I can't continue this anymore," diretso at walang preno kong saad.

"What the.. Cassandra—"

Mabilis kong pinatay ang tawag bago pa kung ano ang masabi niya. I've put my phone in airplane mode because I know that he will bombard me with messages and calls.

Bumalik ako sa aking upuan at nagpatuloy sa pagkain.

That was hasty but I can't keep up with his tantrums anymore. I just grabbed the opportunity in front of me and used it to run away.

Doon din naman papunta iyon, pinaaga ko lang.

_________

"You're entrusting the company to me?" ani Marcus sa hindi makapaniwala na boses.

"Yeah."

"Kababalik mo lang galing America pero aalis ka ulit?"

"Sandali lang naman," sagot ko.

"At ilang araw naman?" dagdag niyang tanong.

"Tatlong buwan."

Bigla siyang nabilaukan sa iniinom niya at sa nanlalaking mga mata ay tumingin siya sa akin na para bang isa akong baliw.

"Tatlong buwan?!" bulalas pa niya.

Tumango lang ako.

Nang mahimasmasan siya ay kalmado na siyang nagsalita pero nandun pa rin sa mukha niya ang pagkamangha.

"At ano naman ang gagawin mo sa tatlong buwan na iyon?" nakataas kilay niyang tanong.

I sip on my hard liquor and focused my eyes on the stage where woman almost naked were dancing without inhibitions, eyes shining with the bills that was thrown away at them.

I'm done with these types of woman. I want to settle down with simple and not materialistic one.

I want someone who will love me, not my money nor my identity.

Binalingan ko ang pinsan kong nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

I chuckled at him. "I'm going to find a wife."

Kaugnay na kabanata

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 3

    "Ang ganda dito Marj," namamangha kong wika sa aking kaibigan habang naglalakad kami dito sa kalawakan ng beach resort.Gabi na ngayon at halos katatapos lang ng trabaho namin. Gusto ko na sanang matulog at magpahinga pero kinulit ako ni Margie na maglakad-lakad muna saglit. Hindi ko inakalang ganito pala kaganda dito, halatang pangmayaman. Bigla tuloy nawala ang pagod at antok ko dahil kuha ako nang kuha ng mga larawan."I told you," ani Margie habang kumakain ng ice cream.Ayon sa kanya ay hindi raw ito ang unang beses na nakapunta siya dito dahil minsan na raw nagbakasyon ang pamilya at kamag-anak niya dito noon.Sumimangot ako. "Kung hindi lang dahil sa modelling na ito ay hindi ako makakapunta sa mga ganitong lugar," wika ko habang tinitingnan ang mga kuha kong larawan.Tawa lang ang isinagot ni Margie sa sinabi ko."Tara sa labas. May mga night market doon at mga shops para sa mga pasalubong," aniya sabay hila sa akin."Teka, hindi ba tayo mapapagalitan?" pigil ko sa kanya."Hin

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 4

    I've never been this never nervous in my entire life especially in front of a man. I am always confident and proud so I'm confused as hell on what's happening right now.Pasimple ko siyang pinagmasdan at sa isang tingin lang ay nasagot na ang mga katanungan kong iyon.Akala ko ay nasa modelling industry na ang mga may pinakamamagandang mukha dahil sila ang laging mga laman ng mga magazine at mga advertisements pero hindi pala.He's beside me and I completely see the outline of his face. His jawline was so prominent and his nose was so sharp. He looks foreign in every aspect.He's drinking a canned beer and I don't know why I find it damn hot.Nang dumako ang tingin ko sa braso niya ay biglang nahiya ang kutis ko dahil jusme, mukhang mas makinis pa ang balat niya kaysa sa akin.Simple lang ang pananamit niya pero agaw pansin talaga ang big bike na sinasandalan niya.Sa kanya ba ito?"Mag-isa ka lang dito?" Bahagya pa akong napaigtad nang bigla siyang nagsalita.Ako ba ang kinakausap ni

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 5

    Isang linggo na ang nakalipas matapos ang photo shoot namin at isang linggo na rin magmula nang umalis si Margie dito sa tinutuluyan naming apartment.Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagtatampo sa kanya. Pero base na rin sa mga kwento niya tungkol sa kapatid niya ay mukhang mas mabuting magpakalayo-layo muna siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na iniwan niya ako. Nag-uusap naman kami araw-araw pero iba pa rin kapag nandito siya.Ang problema ko ngayon ay mag-isa ako dito sa apartment. Wala akong kahati sa upa, kuryente at tubig. Kailangan kong maghanap ng bagong kasama para may kahati ako sa mga bayarin dito.Matapos kong mag-ayos ay lumakad na ako papuntang University. Matagal na sana akong nakapagtapos pero dahil sa kakapusan ng pera ay tumigil ako.Umalis ako sa aming bahay dahil kapag nanatili ako doon ay walang patutunguhan ang buhay ko. The environment there is suffocating and negative. Baka lalo lang akong mahila pababa kung hindi ako umalis do

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 6

    Pagabi na nang matapos kami sa paggawa ng aming group report. Nauna nang umuwi sina Stephanie at Merry habang ako ay nagpasya nang tapusin sa coffee shop ang ilan sa mga assignments ko.Madalas akong tumingin sa counter kung nasaan kanina si Dark pero hindi ko na siya mahagilap simula pa kanina. Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya hinahanap. Pasara na rin ang shop kaya malamang na tapos na ang shift niya at kanina pa umuwi.Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at lumabas na. Maglalakad na sana ako papunta sa paradahan ng mga jeep nang marinig ko ang pagbukas sara ng pintuan sa likod ng coffee shop.Lumingon ako doon at hindi nagtagal ay nabungaran ko si Dark habang sinusuot niya ang kanyang jacket.Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang magtama ang aming mga paningin. Akala ko ay nakaalis na siya."H-Hey.." utal kong bati sa kanya."Cassandra," aniya na parang hindi man lang ata nasorpresa sa pagkikita naming ito."Hmm. Mabuti naman at natata

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 7

    Sabado ngayon at gaya nga ng napag-usapan namin noon ni Clark ay magdadate kami sa kanyang condo. Ilang araw ko rin siyang hindi nakikita dahil meron daw ipinapapagawa sa kanya ang kanyang ama sa Cebu kaya hanggang tawag lang siya muna sa ngayon.Ayon pa sa kanya ay hindi pa raw siya tapos sa kanyang ginagawa pero isiningit daw niyang umuwi para sa date namin. Gustong umikot ang mga mata ko lalo na nung maalala ko ang ipinakita noon na larawan ni Stephanie.Gusto kong magdahilan na masama ang pakiramdam ko upang hindi matuloy ang lakad namin na ito but knowing Clark, hindi iyon maniniwala at talagang kakaladkarin ako paalabas ng apartment ko.Tungkol naman sa makakasama ko dito ay meron na raw nairekomenda si Aling Marites at darating daw ito sa Lunes. Bukod sa babae raw ay wala ng ibang impormasyong sinabi si Aling Marites.Alas singko pa lang ng hapon ay tumawag na si Clark upang sabihin kung anong oras niya ako susunduin. At dahil maaga pa ay pinili ko na lang na maglaba muna.Haba

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 8

    Sa loob pa lang ng sasakyan ay madalas na ang mga paghaplos haplos sa akin ni Clark. Minsan ay sa aking mga hita at paminsan-minsan naman sa aking bewang.Humugot ako ng malalim na hininga habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa akin. Ang plano kong takasan siya kanina sa bar ay hindi nangyari dahil bantay sarado niya ako bawat minuto. Kahit ang pagpunta ko sa comfort room ay sinasamahan niya ako. Kahit na kausap at kakwentuhan niya ang kanyang mga barkada ay laging nakabantay ang mga mata niya sa akin.Bago kami pumunta sa bar ay sinabi niya na saglit lang kami at hindi siya iinom pero heto siya ngayon at lasing na. Kilala ko si Clark. Malakas ang alcohol tolerance niya kaya kahit na lasing na siya ay alam pa rin niya ang kanyang ginagawa. Ang ikinababahala ko ay lalo siyang nagiging obsessed kapag may halong alak ang kanyang sistema. Papunta kami sa condo niya at kanina pa ako hindi mapakali. Wala na ba akong kawala sa kanya? Sa isiping iyon ay nanlumo ako.Humingi kaya ako

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 9

    Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-abala na ihatid ako sa aking apartment.Tumigil kami sa tapat ng apartment building ni Aling Marites. Nalilito man kung bakit dito niya ako itinigil pero bumaba na rin ako.Nagsitahulan ang mga tao sa kalsada dahil sa pagdating naming dalawa."Salamat sa paghatid ulit Dark. Ito na ang pangalawa," wika ko at bahagyang tumawa upang maibsan ang tensyon sa pagitan namin.Tumango lang siya saka kinuha ang kanyang helmet na hawak ko."Hmm. Una na ako?" Turo ko sa daan.Nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ay naiilang akong ngumiti at tumalikod na. Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang tinawag niya ang pangalan ko."Bakit?"Matagal bago siya sumagot. Bumuntong hininga siya. "Gusto mo bang magmeryenda muna?"Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Gabi na at gusto ko nang magpahinga pero malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya bilang pasasalamat ay sumang-ayon ako. "S-Sure. Doon na lang tayo sa apartment ko," wika

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 10

    Lunes ng umaga ay napagpasyahan kong ihatid si Avi sa kanyang paaralan. Wala lang, gusto ko lang maglakad-lakad tutal at wala akong klase sa umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga professor namin.Salita nang salita si Avi. Ang dami niyang kwento kaya kahit na hindi na ako magtanong tungkol sa kanya ay kilala ko na siya. Umagang-umaga pa lang ay parang wala na akong lakas dahil sa ingay niya. Hindi ko rin maiwasan ang hindi maalala ang aking kapatid na naiwan doon sa bahay namin.Bisitahin ko kaya siya sa susunod na linggo?"Dito na ako Ate Cassandra. Salamat sa paghatid!" aniya saka niyakap pa ako.Hinaplos ko ang buhok ni Avi. "Galingan mo sa klase.""Of course! Kailangan kong magkaroon ng matataas na grade para makapag-aral ako sa Harvard sa College!"Natawa ako sa sinabi niya.Pagkatapos kong maihatid si Avi sa kanyang paaralan ay napagpasyahan kong mag-agahan na lang dito sa labas. Wala na akong stock sa apartment. Maggogrocery na lang ako pagkatapos ng klase ng mga k

Pinakabagong kabanata

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 53

    Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Dark. Sasampalin ko na sana siya pero mabilis niyang napigilan ang aking kamay."You're really going to slap me, Cassandra?" nanliliit ang kanyang mga mata at inilapit pa ang kanyang mukha sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.Nagtagis ang bagang ko at hinila ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan."At bakit hindi? Eh basta ka na lang na pumapasok sa kwarto nang may kwarto! May balak kang masama 'no?" bintang ko sa kanya kahit na alam ko naman na hindi niya iyon gagawin.Lalong naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "At ano ang gagawin mo kung meron nga?" Lumapit pa lalo si Dark sa akin kaya wala akong ibang magawa kundi ang umatras palayo sa kanya. "May magagawa ka ba? Tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto Cassandra. Tayo lang na dalawa ang nandito sa loob ng hotel. Sa tingin mo ba ay makakatakas kabsa akin kung may gagawin man ako sa inyo?" bulong niya nang marahan pero may diin.Unti-unting lumalapit si Dark kaya napapaatras di

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 52

    Hinila ko palayo si Dark sa kainan. Mabuti na lang talaga at busy ang lahat sa pagkain kaya walang nakakapansin sa amin.Binitawan ko na siya nang makalayo na kami at hinarap."Ano ba ang problema mo ha? Wala namang ginagawa na masama iyong tao ah? Kung hindi kita pinigilan ay susuntukin mo yung kalaki 'no? Nababaliw ka na ba?" galit kong wika kay Dark.Sa lahat ng mga nangyari at sa mga ginawa ni Pay ay wala naman akong nakikita na mali doon. Oo at masyado siyang malapit sa akin, na hinawakan pa ang gilid ng aking labi pero alam ko naman na walang ibang kahulugan iyon. Natural lang siguro sa kanya iyon at walang malisya! Itong Dark na ito ang malaswa ang isipan! Ewan ko ba sa kanya!"Walang ginawa? Eh hinawak hawakan ka. Ang lapit ng mukha niya sa iyo na kulang na lang ay halikan ka niya! At narinig mo ba ang sinabi niya kanina? Na papakasalan ka raw niya! Ano? Gusto mo yun?" ganti rin niya.Natawa ako. Ano ba ang problema ng tukmol na ito at galit na galit? At tsaka ano ba ang ginag

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 51

    Hindi lang ako ang natigilan pansamantala upang tumitig sa banda kung nasaan sina Dark at ang babaeng kasama nito. Nakasuot lang ng board shorts si Dark at puti na polo na bukas ang lahat ng mga butones kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib at hulmadong abs.Nasa lilim ang mga ito ng coconut tree. Nakasandal doon si Dark na nakangisi habang pinapakinggan ang sinasabi ng babae."Iba talaga si Sir Alex! Pang model ang katawan! Kailan ko kaya yan matitikman?" hagikgik ni Gelo."Ssshh. Tumigil ka nga. Baka may makarinig sa iyo at magsumbong. Kapag nakarating sa kanya ang mga kahalayan mo sa kanya ay baka ipatanggal ka niya sa trabaho," mahina naman na suway ni Meldasa kaibigan."Pero sino iyong babae na kasama niya?" tukoy ni Jaime. "Ngayon ko lang siya makita. Kilala mo Cassandra? Baka nakita mo na siya kapag sinasamahan mo si Sir Alex sa kanyang mga meeting?" dagdag pa niya sabay baling sa akin.Umiling ako. Hindi ko kilala ang naturang babae. May mga nakikilala akong mga bagong t

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 50

    "Ang ganda dito sa condo mo!" wika nina Jaime at Nicole habang nililibot ang buong unit ko. Sabado na ngayon. Alas nuwebe ang oras ng sinabi nila na pagpunta namin. Sa Boracay magaganap ang team building at sobrang saya ng lahat. Hindi naman ganung kaaga ang call time pero maaga na dumating ang dalawa at dito agad sa condo ko ang ni-rade nila. Nag-aagahan ako nang bigla na lang silang tumawag at sinabing papunta na raw sila dito sa tinutuluyan ko. May dalang tig isang maleta ang mga ito at handang handa na talaga na bumiyahe paalis. Ako naman ay noong nakaraang araw pa nakahanda ang mga gamit na dadalhin ko para sa team building. Mabuti na iyong mag-impake ng maaga para hindi na aligaga pa kapag paalis na. Maraming mga gamit ang nakakalimutan na dalhin kapag nagkataon."Grabe. Iba talaga ang alagang Alexander Miller," ani Nicole habang masusi na binubusisi ang kusina ko. Si Jaime naman ay pinagdiskitahan ang mga laman ng ref ko.Sinimangutan ko si Nicole dahil sa sinabi niya. "Hind

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 49

    Sa una ay nag-atubili pa ako na tanggalin ang aking mga damit pero kung magtatagal pa ako dito sa banyo ay baka ma-late na ako para sa meeting mamaya ni Dark.Binuksan ko ang shower ay nang masigurong hindi na ito gaanong kalamig ay tumapat na ako doon. Habang nasa ilalim ako ng tubig ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga pagbabago sa relasyon namin ni Dark bilang aking boss at kanyang secretary. Hindi na siya ganung kahigpit tulad ng dati. Hindi na niya ako pinagsasalitaan ng masama at higit pa doon ay maayos na ang kanyang pakikitungo sa akin, hindi na rin siya nagsasabi ng mga salita na maaaring ikapahiya ko kung sakali.Wala akong ideya kung bakit bigla na lang siyang nagbago ng ganon pero ipinagpapasalamat ko iyon. Kahit papaano ay gumaan na ang buhay ko dito. Kung sana ay ganito na siya simula pa lang ay hindi na sana kami magkakaproblema. Ngunit kahit ganoon ay nanatili pa rin na marami akong mga trabaho. Hindi sa sinasadya niyang pahirapan ako katulad ng iniisip ko noon per

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 48

    Nasa kasagsagan ako ng pagta-type nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot at ni-loud speaker upang hindi maabala ang aking trabaho."Oh?" sagot ko nang makitang si Jaime ang tumatawag."Anong oh? Alas dose na uy. Hindi ka pa ba bababa para kumain? Huwag mong ipunta sa trabaho ang lunch break mo," aniya sa kabilang linya.Tiningnan ko ang orasan sa ibabang bahagi ng computer. Alas dose na nga."Sorry. Hindi ko agad nakita ang oras," hingi ko ng tawad. Sa dami ng trabaho ko at sa sobrang focus ko ay hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng oras."Okay lang. Kadarating lang naman namin ni Nicole dito sa ibaba. Hintayin ka na lang namin dito sa lobby," aniya."Sige," sagot ko at mabilis na tinapos ang huling pahina ng ginagawa ko. Naglagay ako ng powder sa mukha at inayos ng kaunti ang bahagyang nagulo kong buhok. Panghuli kong kinuha ay ang aking wallet.Bago ako umalis ay sinulyapan ko ang office ni Dark. Hindi ba iyon manananghalian? Hindi pa siya lumalabas sa kanyang opisi

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 47

    Nagkatitigan kami ni Dark ng matagal. Ayaw ko sanang magpatalo pero sa huli ay ako rin naman ang sumuko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang magtagal sa ilalim ng mga titig niya.Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa aking kwarto. "Umalis ka na. Gabi na at gusto ko nang magpahinga," malamig ang boses kong sinabi.Ngunit isang mapakla na tawa ang narinig ko. "Gabi na? Alam mo naman pala na gabi na pero ngayon ka lang umuwi? Ano? Masyado ka bang nasarapan na kasama ang lalaking iyon? Nagbalik na pala siya. Huwag mong sabihin na siya ang rason kaya hindi ka na pumapasok?" malamig din ang kanyang boses ng sinabi iyon.Napamaang ako at natigilan sa paglalakad. Lalaking iyon? Si Clark ba ang tinutukoy niya? At paano niya nalaman na kakauwi ko lang?Liningon ko ulit siya at nanliit ang aking mga mata. Kung nakita niya kami kanina ay malamang na nandoon din siya sa bar kanina. Wala namang ibang dahilan hindi ba? O baka nakita niya kami kanina naglalakad?"Sinusundan mo ba ako?" "Don't

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 46

    Nagkatinginan kami ni Clark at bigla na lang kaming natawa sa isa't-isa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kami tumatawang dalawa."But you know that I did those things wholeheartedly. You don't have to apologize for anything. So.. are we still friends? Or.. you know if you want then I will court you again," aniya sabay kindat pa sa akin.Tumawa ako at pabirong hinampas ang kanyang balikat. "Nah. I think we're better off being friends."Kung siya pa rin ang dating Clark na kilala ko ay baka kanina pa ako tumakbo palayo dahil sa sinabi niya. Pero dahil alam ko na iba na siya, na hindi na siya katulad ng dati ay hindi ko na iyon ininda pa. Higit sa lahat, alam ko naman na nagbibiro lang siya. Katulad ko ay natuto na siya sa nangyari sa amin noong nakaraan.Sumimangot si Clark kaya lalo lang akong natawa. "Bakit? May boyfriend ka na ba? Kayo pa rin ba ni Dark?" taas kilay niyang tanong.Agad na nabura ang aking ngiti dahil sa pangalan na binanggit niya. A

  • It Turns Out That He's A Billionaire    Chapter 45

    Pagkauwi ko ay naglaba ako at naglinis ng buong condo upang hindi ko maisip ang mga bagay na hindi ko dapat na isipin. Maaga pa. Mga alas nwebe pa lang kaya inabala ko ang aking sarili sa kung anu-anong mga bagay. Inaasahan ko na may tatawag sa akin at pagsasabihan o pagagalitan dahil sa pag-alis ko sa trabaho pero wala. Wala ring mensahe galing kay Ma'am Beth. Hindi naman siguro kasi ako ganun kaimportante para gawin nila iyon.Pagpatak ng gabi ay gumawa na ako ng resignation na ipapadala ko. Buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa ito.Malakas na humalakhak si Margie doon sa kabilang linya. "Walang hiya. Sana ay sinapak mo ang kanyang mukha!"Sinabi ko sa kanya ang mga naging kaganapan sa opisina, lahat-lahat pati na kung paano ako tratuhin ng aking boss. Hindi naman kilala ni Margie si Dark kaya okay lang na sabihin ko.Sumimangot ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Hindi naman Pwede yang iniisip mo Marj. Baka lalong mapasama ang record ko kapag sinapak ko siya.""Weeh

DMCA.com Protection Status