Loving a Billionaire

Loving a Billionaire

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-01
Oleh:  AffeylyTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
9 Peringkat. 9 Ulasan-ulasan
61Bab
45.3KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Napilitang huminto sa pag-aaral si Feigh dahil sa kahirapan upang maghanap ng trabaho para makatulong sa mga magulang niya. Nakapasok siya bilang isang katulong sa Hacienda ng mga Montero sa tulong ng kaibigan ng kanyang ina at doon niya nakilala ang suplado, gwapo at mala-diyos niyang amo na si Luke Montero. Luke Montero is a billionaire who owns a huge Hacienda in Valerde and he also own a lot of huge properties and businesses all over the country. Nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Montero kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya pati ang mga babae. Feigh is a drop dead gorgeous woman despite of her simple and old clothes. Nakuha niya ang atensyon ng isang Luke Montero at aminin man niya o hindi ay may gusto rin siya sa amo dahil sa angkin nitong itsura na mala diyos na tila bumaba sa kalangitan. As they share the heat that they both needed, can Feigh handle her heart? Paano niya haharapin na nahuhulog na siya sa bilyonaryong amo na halatang katawan lang ang gusto sa kanya? How could she avoid falling for the billionaire? Maiiwasan pa ba kung una pa lang ay hulog na hulog na siya? Read at your own risk. R18

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Napangiti ako ng maliit habang nakatingin sa mga gamit na dadalhin ko mamaya sa bahay na pagtatrabahuhan ko. Sa hirap ng buhay ay hindi ko maiiwasan ang ganitong bagay lalo na at may sakit pang iniinda si Nanay. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral pero kailangan kong makatulong muna.

Mag-iipon ako at sisiguraduhin kong magtatapos rin ako ng pag-aaral sa mga susunod na taon. Sa ngayon ay kailangan ko munang tumulong sa pamilya ko.

Hindi naman masakit ang huminto ng isa o dalawang taon sa kolehiyo.

"Feigh, maayos na ba ang mga gamit mo? Nandoon na si Mila sa labas," matamlay na sabi ni Tatay kaya napangiti ako ng tipid bago siya niyakap. Niyakap niya din ako pabalik kaya ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

Hindi pa ako nakakaalis ay miss na miss ko na sila kaagad. Ayaw ko na sanang tumuloy pero kailangan kong gawin ito.

"Mag-ingat rin kayo dito, Tay," mahinang sabi ko saka mahigpit ring niyakap si nanay na nagmamasid lang sa amin.

"Patawad at kailangan mong gawin ito, Anak," mahinang sabi ni nanay kaya umiling ako sa natawa ng pilit.

"Nay, ano ka ba. Kaya ko 'to," masiglang sabi ko kaya napatawa na rin sila kaya medyo gumaan ng pakiramdam ko.

Matawas naming magpaalam sa isa't-isa ay lumabas na ako dala-dala ang mga dadalhin kong gamit. Kaagad kong nakita si Tiya Mila na kaibigan ni Nanay kaya nginitian ko kaagad ito. She smiled at me also and pointed at the tricycle on her back.

"Handa ka na ba, Feigh? Kumuha na ako ng masasakyan natin para maihatid na tayo sa Valerde," sabi ni Tita Mila kaya mabilis akong tumango.

"Opo, handa na po," masiglang sabi ko bago ko nilagay ang mga gamit sa tricyle na tinutukoy niya.

"Mila, huwag mong pababayaan itong si Feigh sa pinagtatrabahuhan ninyo. Anak, kapag hindi mo kaya ay umuwi ka kaagad dito," bilin ni Tatay na may pag-aalala kaya napangiti na lang ako ng tipid.

"Tay, kaya ko. Ano ka ba, malakas at masipag kaya akong tao," biro ko pa kaya lahat kami ay tumawa.

"Oh sige. Aalis na kami para makarating kaagad kami sa Hacienda. Huwag kayong mag-alala at hindi ko pababayaan itong si Feigh. Mababait rin ang mga kasama namin doon kaya hindi siya malalagay sa alanganin," sabi ni Tiya Mila kaya napatango naman si Nanay at Tatay bago nagpaalam sa akin ng tuluyan.

Matapos naming makapagpaalam ay sumakay na kami sa tricycle para magpahatid sa kabilang bayan na tinatawag na Valerde. Napangiti ako habang natatanaw ang berdeng mga tanim sa gilid ng kalsada.

Marami man ang nangyayari sa mundo ngunit nananatiling maganda ang kapaligiran dito sa amin. Isa sa mga dahilan kaya mas gustong kong manatili dito hanggang sa tumanda kaysa sa makipagsapalaran sa siyudad na puro pulosyon ang hatid.

Matapos ng isang oras na biyahe ay huminto kami sa tapat ng sobrang laking gate. Ito na yata ang pinakamalaking gate na nakita ko sa tanang buhay ko. Mas lalo akong namangha nang bumukas ito ng unti-unti. Pumasok ang sinasakyan namin at hindi ko maiwasang tumitig ang napakalawak na lupain.

Ito na ba ang Hacienda Montero?

I am feeling excited and nervous right now. Hindi ko akalaing sobrang lawak pala talaga ng Hacienda na ito. At hindi ko akalaing magtatrabaho na ako dito simula ngayon.

Unti-unting huminto ang tricycle sa tapat ng isang napakalaking mansyon na kulay puti. Halos lumuwa ang mga mata ko sa kakatitig sa mansyon na nasa pelikula ko lang nakikita noon.

"Salamat," rinig kong sabi ni Tiya Mila sa driver ng tricycle pero masyado na akong napatulala sa mansyon.

"Tiya Mila, dito po?" namamanghang sabi ko sabay turo sa mansyon kaya napatawa naman si Tiya Mila bago ako hinila.

"Oo, halika na!"

Nagpatianod ako sa hila ni Tiya Mila hanggang sa makarating kami sa mismong tapat talaga ng mansyon. Para akong maliit na langgam sa sobrang laki ng bahay. Akala ko ay dadaanan kami sa malaking pinto sa harapan pero tuloy-tuloy akong hinila ni Tiya Mila papunta sa likuran. At doon ko nakita ang malaking swimming pool na mukhang kay sarap paliguan.

"Dito ang maid quarters, Feigh. Dito tayo," sabi ni Tiya Mila sabay turo sa isang medyo malaking bahay.

Nakakamangha at wala akong masabi.

"Mila! Siya na ba ang bagong katulong?" sabi ng babaeng ngayon ko lang napansin. Nakasuot siya ng uniporme ng isang katulong. At siguradong iyan na rin ang suot ko mamaya o bukas.

"Andeng, siya na nga! Ito nga pala si Feigh, Feigh siya si Andeng, labandera dito sa Hacienda," pakilala ni Tiya Mila kaya ngumiti ako ng tipid bago yumuko ng kaunti.

"Kay gandang bata, ilang taon ka na, Hija?" nakangiting tanong niya kaya lumaki ang ngiti ko.

"Twenty po," magalang na sagot ko kaya tumango siya ng marahan.

Hinila muli ako ni Tiya Mila papasok sa sinabi niyang maid quarters. Napangiti ako nang makita ang nasa loob. Isa itong malaking kwarto na may anim na magkakatabing kama. Hindi ko akalaing ganito kaganda ang loob.

"Dito ang kama mo, Feigh. Maghanda ka na at ngayon ka magsisimula. Nasa drawer ang uniform mo kaya isuot mo na lang," sabi ni Tiya Mila kaya tumango ako.

Dahan-dahan kong nilapag sa ibabaw ng kama ang mga gamit ko. Hinimas ko pa ang malambot na kama at hindi ko maiwasang sumaya dahil dito. Hindi ko pa nararanasang mahiga sa ganito kalambot na kutson.

Nagbihis si Tiya Mila ng uniform na katulad ng kay Ate Andeng kanina kaya kinuha ko na rin ang akin sa tinuro niyang drawer. Puting dress at may itim na parang apron sa bandang unahan ang itsura ng damit. Sakto lang ang haba sa akin at kurbadong-kurbado ang katawan ko dito.

"Bagay sa iyo, Feigh," sambit ni Tiya Mila kaya ngumiti na lang ako kasi nakakaramdam pa ako ng hiya.

Matapos kong mag-ayos ay dinala ako ni Tiya Mila sa pinakaloob ng mansyon. Sa likod kami dumaan na siyang daanan raw ng mga katulong na tulad namin. Pinakilala niya ako sa iba pang mga katulong, si Ate Ann, Manang Janet at Ate Gina dalawang taon lang ang tanda sa akin. Bale anim kaming katulong dito at may mga drivers at hardinero rin daw pero may quarters rin silang iba.

"Ang ganda mo, Feigh," sabi ni Ate Gina sabay hawi ng buhok ko kaya medyo nakaramdam ulit ako ng hiya.

"Ikaw rin," nahihiyang sabi ko kaya tumawa siya saka nagsabit ng buhok sa tainga sa pabirong paraan kaya tumawa ako.

"Syempre naman! Kapag nakita mo ang amo natin siguradong araw-araw kang mag-aayos," sabi niya sabay tawa ng malakas kaya nadala na rin ako sa tawa niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Gurl, gwapo! Gwapo ang amo natin! Ay mali! Diyos pala!" galak na sabi niya.

"Feigh, tumulong ka dito. At ikaw Gina, turuan mo si Feigh ng mga gagawin niya. Mamaya ay uuwi na si Senyorito," masungit na suway sa amin ni Manang Janet na siyang mayordona ng mansyon na ito.

Umirap si Ate Gina ng palihim kaya tumikhim ako bago tumulong sa mga gawain sa kusina. Namamangha ako sa modernong gamit na nakikita pero hindi ako nangialam kasi natatakot akong makasira. Dahil parang lahat ng bagay sa mansyon na ito ay katumbas ng buhay ko ang halaga.

"Umuwi na si Senyorito! Magmadali kayo!" biglang sabi ni Manang Janet kaya napaawang ang mga labi ko.

Naging kuryuso ako sa tinatawag nilang Senyorito. Siguro iyon na ang amo namin.

"Feigh, huwag kang magkakamali ngayon," bulong ni Tiya Mila kaya tumango ako.

"Opo," sabi ko saka pinagpatuloy ang pagpupunas ng dumi sa makintab nilang lutuan.

"Ikaw, ihatid mo ito sa labas. Mag-ingat ka at ayaw ni Senyorito ng lampa. Bago ka pa naman," bati ni Manang Janet habang nakatingin sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

"P-po?"

"Bilisan mo! Dalhin mo ito sa labas!" inis na sabi niya kaya mabilis akong lumapit para kunin ang pitsel na gawa sa kristal na siyang tinutukoy niya. May laman ito g juice na kulay pink na alam kong hindi ko pa natitikman sa buong buhay ko.

"Ate Gina, sabay na tayo," sabi ko kay Ate Gina na may dala ring pagkain na hindi ko matukoy.

Hindi niya ako sinagot kaya sumunod na lang ako ng tahimik. Dahan-dahan pa ang paghakbang ko kasi madulas ang sahig at hindi ako sanay. Komportable naman ang damit kasi hindi masyadong masikip at maikli pero hindi talaga ako sanay na makakita ng mga eleganteng mga bagay.

"Si Senyorito," biglang sabi ni Ate Gina kaya dumiretso ang tingin ko.

Napaawang ang mga labi ko nang makita ang isang matangkad na lalaki na may hawak na cellphone. Kunot ang noo nito at medyo nakayuko pero kita ko pa rin ang itsura niya na maihahalintulad ko sa diyos. Siya ang amo namin?

"Magandang araw po, Senyorito," magalang na bati ni Ate Gina kaya napaangat ng tingin ang gwapong lalaki sa amin. Parang biglang may bumara sa lalamunan ko dahil sa mga mata niyang walang kasing itim.

Marahan akong siniko ni ate Gina kaya bigla akong bumalik sa reyalidad.

"M-magandang araw po, Senyorito," mahinang bati ko habang nakayuko para hindi ko makita ang mukha ng amo namin.

Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan sa hindi ko malamang dahilan. Para rin akong nawawalan ng hangin sa baga at hindi ko alam kung bakit.

"Tara na," bulong ulit ni Ate Gina saka siya dahan-dahan na naglakad papunta sa isang lamesa na malaki.

Dahan-dahan akong sumunod pero napasulyap muna ako sa amo namin. I saw him staring at me intently so I swallowed hard. Seryoso siya at parang kakainin niya ako ng buhay sa klase ng pagtitig niya sa akin. Mas lalo akong nanginig at kinabahan.

"Feigh," mahinang tawag ni Ate Gina kaya kabado akong napabaling sa kanya. Sinenyasan niya akong lumapit kaya kahit nanginginig ay naglakad ako papalapit sa kanya. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay bigla talagang nawalan ng lakas ng binti ko kaya nawalan ako ng balanse.

Nabitawan ko ang pitsel na dala at natapon sa akin ang malamig na laman nito bago mabasag sa sahig ang kristal.

Napasinghap ako at ganoon rin si Ate Gina.

"Sorry, sorry, sorry," kinakabahan na sabi ko ng matanto ang mga nagawa.

Ang lampa ko!

Nanginginig akong lumuhod para pulutin ang mga basag na piraso ngunit isang malamig at malalim na boses ay siyang nag patigil sa akin.

"Stop," that word is enough for me to stop.

Muli akong napatinghala sa mala diyos na lalaki sa hindi kalayuan.

"Susmaryosep! Feigh!" narinig ko ang boses ni Tiya Mila at ilang sandali lang ay nasa tabi ko na siya pero ako ay nanatili lang nakatingin sa amo na nakatingin rin sa akin.

"Senyorito patawad po, bago po itong si Feigh kaya sana po mapatawad niyo po ang mga mali niya. Patawad po," takot na takot na sabi ni Tiya Mila pero hindi umalis ang titig ng lalaki sa akin.

Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko at parang nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan nang dahan-dahan niya akong hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa.

Unfamiliar heat suddenly awakened in my body that I couldn't explain.

"What's your name?" tanong nito nang bumalik ang mga mata niya sa mukha ko.

"F-Feigh po," nanginginig na sambit ko. Hindi ko alam kung ang kabang nararamdaman ay dahil sa kamaliang nagawa o iba na ito.

"Do better next time," sabi nito saka mabilis na naglakad paalis.

Na pahinga naman ng malalim si Tiya Mila ngunit ako ay sinundan lang ng tingin ang lalaki hanggang sa parang modelo itong umakyat sa malaking hagdanan.

"Feigh, hindi ba sabi ko mag-ingat ka?" sabi ni Tiya Mila sabay alog sa akin kaya doon ako natauhan.

"Sorry po," sabi ko sabay tingin sa basag na pitsel na nagkalat sa sahig.

"Linisin mo iyan at kakausapin ka si Manang Janet," sabi ni Tiya Mila kaya napatango ako ng mahina at nag-umpisa ng maglinis ng kalat na ako rin ang gumawa.

Matapos kong maglinis ay tumabi sa akin si Ate Gina.

"Hoy," sabi niya saka malungkot ko siyang nginitian.

"Ibabawas ba sa sweldo ko ang nabasag?" tanong ko. Hindi ko alam kung magkano ang presyo ng kristal na pitsel pero painiguradong mahal iyon.

"Ang lagkit ng tingin ni Senyorito sa iyo kanina. Mag-ingat ka, magaling daw iyon sa kama sabi nila," natatawang sambit niya kaya uminit ng husto ang pisngi ko.

Tinatawanan niya lang bago iwanan kaya napahawak ako sa basang uniporme.

Wala sa sariling napatingin ako sa replekyon ko sa pinto na gawa sa salamin. At nanlaki ang mga mata ko nang makita na bakat na bakat ang kulay pula kong bra sa unipormeng basang-basa. Uminit ng husto ang pisngi ko sa kaisipang nakita ito ng amo namin kanina.

Hindi naman siguro ako sisisantehin hindi ba?

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Cindy Manzano
Hard to put down........️...️...️
2024-11-07 01:44:37
1
default avatar
Honey Leah Cantoria
Love it so much
2024-05-01 05:10:53
2
user avatar
Marlyn Alaman
nice story.....️
2023-12-18 10:03:54
3
user avatar
Jesusa De Asis
subrang ganda ng stories ...️
2023-12-06 12:40:23
1
user avatar
Sheilamay Daleon
one of the best story na nabasa ko dto,
2023-07-04 06:01:16
1
default avatar
edhz.ladrica17
maganda ang story at talaga naman aabang an mo chapter by chapter.
2023-06-07 07:52:05
1
default avatar
edhz.ladrica17
Maganda ang takbo ng kwento. Sana happy ending ito story.
2023-05-31 19:46:04
3
user avatar
ReddLove Gaming
wow!! grbe ung story
2023-05-31 17:43:48
2
user avatar
Affeyly
Thank you so much po sa mga nagbabasa...
2022-12-08 14:52:13
5
61 Bab
Chapter 1
Napangiti ako ng maliit habang nakatingin sa mga gamit na dadalhin ko mamaya sa bahay na pagtatrabahuhan ko. Sa hirap ng buhay ay hindi ko maiiwasan ang ganitong bagay lalo na at may sakit pang iniinda si Nanay. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral pero kailangan kong makatulong muna.Mag-iipon ako at sisiguraduhin kong magtatapos rin ako ng pag-aaral sa mga susunod na taon. Sa ngayon ay kailangan ko munang tumulong sa pamilya ko.Hindi naman masakit ang huminto ng isa o dalawang taon sa kolehiyo. "Feigh, maayos na ba ang mga gamit mo? Nandoon na si Mila sa labas," matamlay na sabi ni Tatay kaya napangiti ako ng tipid bago siya niyakap. Niyakap niya din ako pabalik kaya ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.Hindi pa ako nakakaalis ay miss na miss ko na sila kaagad. Ayaw ko na sanang tumuloy pero kailangan kong gawin ito."Mag-ingat rin kayo dito, Tay," mahinang sabi ko saka mahigpit ring niyakap si nanay na nagmamasid lang sa amin."Patawad at kailangan mong gawin ito, An
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-23
Baca selengkapnya
Chapter 2
Pinagalitan ako ni Manang Janet dahil sa kapalpakan ko sa unang araw ng trabaho. Wala akong nagawa kundi yumuko na lang at pakinggan ang mga masasakit niyang salita dahil kasalanan ko rin naman. Nagtatrabaho ako dito at kailangan kong pagbutihin kasi dito nakasalalay ang pag-aaral ko at ang gamot ni Nanay.Sadyang nagulat lang ako sa taglay na itsura ni Senyorito. Walang ganoong itsura sa bayan namin kaya hindi ako sanay. Para talaga siyang diyos para sa akin. Literal na diyos kasi ang hirap abutin."Hoy!"Napaigtad ako ng bahagya dahil sa panggugulat ni Ate Gina. Matamlay ko siyang nginitian kaya sinundot niya ako sa tagiliran ng pabiro."Iniisip mo si Senyorito? Ang gwapo hindi ba?" nanunudyong sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako."Nakakahiya Ate Gina, nagkamali ako sa unang araw ko," nahihiyang sabi ko sabay yuko."Huwag mo ng isipin iyon. Mabuti at hindi ka nasisante dahil maganda yata ang mood ni Senyorito kanina. Pero hindi ko talaga makalimutan ang malagkit niyang ti
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-23
Baca selengkapnya
Chapter 3
Hingal na hingal ako nang makarating sa gilid ng malaking swimming pool. Naninindig pa rin ang mga balahibo sa buo kong katawan at nang-iinit ako. I am twenty years old and I am no innocent. Nag-aral ako kaya may alam ako sa mga bagay na iyon.Pero bakit? Bakit niya ginawa ang bagay na iyon sa akin?"Feigh!"Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Gina sa hindi kalayuan at mukhang hinahanap ako. Pilit kong inayos ang sarili bago humarap sa kanya."Ate—""Nasa loob ka ng kwarto ni Senyorito nanggaling?" puno ng pagdududa na tanong niya kaya nanuyo ang lalamunan ko."Ah, hinatid ko ang kape niya," sabi ko ng hindi nauutal kaya tumango siya saka tumawa ng mahina."Akala ko kung ano na," natatawa na sabi niya kaya medyo naging kampante ang paghinga ko kasi naniwala siya. I told her the truth. Naghatid lang naman talaga ako ng kape pero may nangyaring bagay na ayaw kong ipagsabi. Hinding-hindi ko ipagsasabi.Sabay kaming bumalik sa loob ng mansyon para tumulong sa mga gawain. At nag-aga
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-23
Baca selengkapnya
Chapter 4
"Feigh, let's talk," Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa seryosong amo.Nanginig ang katawan ko sa kaba lalo na dahil nakikita kong galit siya. Gusto kong tumakbo pero tila naging parang isang rebulto na lang ako na hindi makagalaw. Rinig na rinig ko ang kabadong paghinga ni Ate Gina sa gilid ko habang palapit na palapit sa amin si Senyorito.Kaagad na namuo ang luha sa magkabilang mga mata ko. I was about to kneel to ask for his forgiveness but I was not able to do it because he strongly gripped my wrist. Kabado akong napatinghala sa kanya pero magsasalita pa lang sana ako ay bigla niya ako kinaladkad paakyat sa ikalawang palapag. Wala akong lakas at wala ako sa sarili kaya nagpatangay ako sa hila niya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na walang katao-tao. Malakas niyang sinara ang pinto nang makapasok kami kaya napatalon ako ng bahagya sa kaba at takot."Senyori-to—""Sino ang nagsabi sayong sumilip? Huh?" madiin na tanong niya
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-08
Baca selengkapnya
Chapter 5
My heart pounded so hard when I heard what he said. Gusto kong sumagot kaso hindi ko alam kung bakit parang napipi na ako ngayon. Mas lalo siyang ngumisi pero nandoon pa rin ang apoy sa mga mata niya.Ilang sandali pa ay unti-unti siyang tumalikod saka parang modelong naglakad palabas ng kwartong ito. Naiwan ako na nanghihina at nang-iinit na nakasandal sa pader. Hinang-hina ang katawan ko at parang ramdam ko pa rin ang labi niya sa leeg ko. Pati ang paglakbay ng kamay niya sa katawan ko ay ramdam na ramdam ko pa rin.Anong nangyari? Bakit ko ginawa iyon? Bakit ko hinayaang gawin iyon?"Feigh," naiiyak na bulong ko sa sarili ko habang nakasabunot sa sariling buhok.Kaagad na tumulo ang masaganang luha sa pisngi ko dahil sa pagkapahiya at pandidiri sa sarili. Hinayaan ko ang amo kong hawakan ako sa iba't-ibang parte ng katawan at hinayaan ko siyang halikan ang leeg ko. At namuhay niya ang init sa katawan ko na siya lang ang nakakagawa.Bakit niya ginawa iyon?Matapos ko siyang mahuli n
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-09
Baca selengkapnya
Chapter 6
Mabilis akong bumalik sa kusina dala ang puso na sobrang lakas ng kabog. Pagpasok ko sa kusina ay hindi sinasadyang nabagsak ko ang basket sa island counter kaya lahat ng mga kasamahan kong katulong ay napatingin sa akin."Feigh, mag-ingat ka," mabilis na sabi ni Tiya Mila kaya bigla akong bumalik sa matino kong pag-iisip."Sorry po," sabi ko sabay kuha sa basket at maayos itong pinatong sa tabi ni Manang Janet na kunot ang noo habang nakatingin sa akin. Na parang anumang oras ay pagagalitan niya ako."Kayo, huwag kayong pakalat-kalat malapit sa swimming pool. Gina pagsabihan mo ang mga hardinero na huwag lumapit sa swimming pool para hindi maka-istorbo kina Senyorito at mga kaibigan niya. Hindi natin gusto na mapagalitan tayong lahat," seryosong sabi niya kaya napalunok ako."Sige po, Manang Janet," sagot ni Ate Gina saka mabilis na lumabas ng kusina para pagsabihan ang mga hardinero na siyang inutos ni Manang Janet.Dahan-dahan akong lumapit sa malaking refrigerator. Akmang bubuksan
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-09
Baca selengkapnya
Chapter 7
Gulong-gulo ang isip ko at ayaw kong magulo pa ito lalo sa mga oras na ito. Ayaw kong isipin ang mga sinabi niya pero kusa itong kumakatok sa isipan ko kaya hindi ko magawang kalimutan. Hindi ako makapaniwala na napanaginipan niya ako at alam kong kamunduhan rin iyon.I don't like this. May parang koneksyon kami na hindi ko matukoy at hindi ko alam kung gusto ko ba o hindi. Nagtatrabaho ako dito at gusto ko sanang magtrabaho ng tahimik. Pero paano kung mayroon ng mga ganito?"Kanina ka pa hinahanap ni Manang Janet. Sana ka pa galing?" pabulong na tanong sa akin ni Tiya Mila nang pumasok ako sa kusina kaya napalunok ako ng mariin.Kinalma ko muna kasi kanina ang sarili ko sa labas bago ako magpasyang bumalik dito sa kusina."Sorry po," sabi ko kaya napabuntong hininga si Tiya Mila na parang siya ang hirap na hirap."Feigh, umayos ka naman. Hindi mo na hawak ang oras mo diyo kasi nagtatrabaho tayo. Malalagot tayong pareho kapag patuloy kang aasta ng ganyan," sabi niya pa kaya napalunok
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-10
Baca selengkapnya
Chapter 8
The soft mattress on my back did not comfort me. Nagbigay pa ito lalo ng kaba at takot sa akin kung bakit niya ako tinapon pahiga sa kama niya."P-Po?" kabadong tanong ko pero ngumisi lang siya saka unti-unti na lumapit sa akin. Itim na sando ang suot niya saka sweatshorts na kaya kitang-kita ang magandang built ng katawan niya. Napalunok ako ng dahan-dahan at may choice akong tumakbo paalis sa kama at tuluyang lumabas ng pinto kasi bukas naman ito pero hindi ko ginawa. Sa lalo niyang paglapit ay mas umakyat lang ako sa kama para lumayo ng kaunti.Namamawis ako ng sobra kahit hindi naman mainit at nanlalamig ako. Bahagyang nakabuka ang hita ko kaya umangat ang uniporme na suot ko. Saglit na tumingin ang mga mata niya sa hita ko pero kaagad rin niya iyong binalik sa mukha ko habang nakangisi.Dapat akong umalis ngayon at umiwas pero bakit ayaw ko? Bakit gusto ko ring manatili para malaman kung ano ang gusto niyang gawin?"This is the payment that I want," medyo paos na sabi niya saka m
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-10
Baca selengkapnya
Chapter 9
Ayaw kong sundin ang sinabi niya kaso sinamaan niya ako ng tingin. Wala sa sariling napatingin ako kay Ate Gina na nakatingin na rin sa akin kaya awkward akong ngumiti dito. "Opo," sabi ko waka muling bumaling sa harapan kung nasaan siya. I saw him staring at me still. Tila may inis sa mukha niya kaya dahan-dahan akong yumuko habang paunti-unti na naglalakad paalis doon. Iniwan ko na si Ate Gina na wala naman yatang balak na umalis.Hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Kung sa quarters ba o sa kitchen para magpaalam muna kay Manang Janet. I sighed because I couldn't decide. Hindi ko gustong sumama kay Senyorito sa totoo lang kasi kabado ako kapag nasa paligid siya. Palagi kong iniisip na may gagawin kaming hindi maganda at ayaw ko iyon. I mean, I don't want it but I want it at the same time. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Imbes na magpaalam muna kay Manang Janet ay pinili ko na dumiretso sa quarters para magbihis. At dahil wala naman akong mga magagandang damit ay ang luma
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-10
Baca selengkapnya
Chapter 10
Hindi na ako gumawa pa ng tunog o kahit anong galaw habang nasa loob kami ng kotse niya. Pinakikiramdaman ko ang sitwasyon at masasabi ko na galit talaga siya sa hindi ko malamang dahilan. Kaagad akong nakaramdam ng lungkot dahil dito kasi inakala ko na kahit kaunti ay magiging maayos ang araw na ito. Pero mali pala ako.May nagawa yata akong mali sa paningin niya. Napahiya ko ba siya? O masyado akong nag-inarte sa mga kabayo kanina?Dahil sa matindi kong pag-iisip ay huli ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng mansyon niya. Kaagad akong sumulyap sa kanya para magtanong pero nang makita ko ang malamig niyang mga mata na diretso sa akin ay parang umatras na lahat ng katanungan sa isip ko."Stay here," sabi niya sa malamig na paraan kaya biglang may kumirot sa dibdib ko sa mga oras na iyon.Kahit naguguluhan ay marahan akong tumango saka ngumiti ng maliit.Gamit ang nanginginig na kamay ay tinanggal ko ang seatbelt na suot habang siya ay tahimik na diretso lang ang tingin sa hara
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-12
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status