"Kunin niyo na na siya" takot na saad ni Auntie sa mga lalaking nakapaligid sa amin habang nakatingin siya akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "A-anong sinasabi mo, Auntie? Sinong kukunin nila?" "Ginawa kang pambayad utang ng Auntie mo" sagot ng isa sa mga lalaki nang hindi sumagot si Auntie sa tanong ko. Alam ko na maraming utang si Auntie pero hindi ko inaakala na ako mismo ang gagamitin niyang pambayad sa mga utang nito.
View MoreNagulat ako ng pagkagising ko isang araw ay aligaga ang mga kasambahay. Pati ang mga guards ni sir Alex. Kunot noong pumasok ako sa loob ng kusina. Nakita ko si Adrianna na nagluluto habang ang iba ay naghahanda ng iba pang sakpan sa iluluto nila. Lumapit ako kay ate Mirna nang makita ko siya. "Anong meron, ate?" tanong ko habang ang tingin ko ay nasa paligid. "Meron kasing dadating na importanteng bisita ngayon si sir Alex" sagot niya sa akin. Napatango na lang ako saka nagpaalam sa kanya na aalis ako. Naglakad ako papunta sa ikalawang palapag para puntahan si Theo. Habang nasa hallway ako ay nakita ko si Sheena habang pinapagalitan ng mayordoma. Galit nitong itinuturo ang malaking painting na nasa harap nila. "Sabi ko araw-araw mo itong punasan! Bakit ang dumi ngayon!?" singhal nito. Walang nagawa si Sheena kundi ang magbaba nang tingin habang pinupunasan ang painting. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya pero agad ding naglaho iyon nang tignan niya ako nang masama. Iniwas
"Where are we going, mommy?" tanong ni Theo nang lumabas kami mula sa kwarto ng daddy niya. Tumingin ako sa kanya at nanggigigil na hinalikan ang mataba niyang pisngi. Napaka-cute naman kasi ng batang ito. Dahil sa ginawa ko ay natatawang inilayo ni Theo ang mukha niya sa akin pero buhat-buhat ko siya kaya wala siyang magagawa. "You're going to take bath, Theo" sagot ko. Ngumuso ito, "But I don't like to take a bath, mommy." Natawa ako, "Baby, you need to take a bath. Babaho kapag ang baby namin kung hindi naligo." He smiled, "Okay, mommy" ani niya saka niyakap ang teddy bear na kanina pa niya hawak. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya pagkarating namin. Madilim pa ang kwarto niya dahil natatakpan ng kurtina ang bintana. Nagtungo ako sa may bintana saka hinila ang isang parte ng kurtina para lumiwanag kaunti ang kwarto. Maingat ko namang inilapag si Theo sa ibabaw ng malambot na kama. "Wait for mommy, okay?" Kumunot ang noo niya, "Where are you doing, mommy?" S
Inayos ko ang mga kinalat ni sir Alex kanina. Ang mga libro, mga larawan at iba pang bagay na kinalat niya kanina bago pumasok sa walk-in-closet niya. Nasa kalagitnaan ako nang pagpulot ng jacket ni sir Alex nang bumukas ang pinto ng walk-in closet at iniluwa siya doon. Hinarap ko si sir Alex pero napatigil ako. Nakatayo si sir Alex tapat ng walk-in-closet habang ang suot ay black joggers lang. I can even see his V-line and his toned abs that rippled everytime he moves as he casually ran a towel through his damp hair. Nanuyo ang lalamunan ko at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa aking nakikita. Agad ko siyang tinalikuran para hindi niya mapansin ang namumula kong mukha saka nagkunwaring pinupunasan ang table sa gilid ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang mabagal, sadyang mga hakbang nito patungo sa gilid ng kama na nasa likuran ko lang atsaka umupo doon. Kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatingin siya sa akin dahil sa init ng tingin niya. Narinig ko tumawa si s
One sunny morning, rays of golden sunlight streamed through the tall windows of the Visconti mansion. Nakatayo ako sa gilid ng sofa, napapaligiran ng mga kapwa ko kasambahay habang seryosong nakikinig sa mayordoma ng mansiyon. “Makinig kayong lahat” tawag niya sa aming atensiyon, “We have new task rotations starting today.” Lahat ng mga kasambahay ay nagpapalitan ng tingin, ang iba pa ay nagrereklamo pero mas nangibabaw sa akin ang boses ni Sheena. "Sana ay ako na ang tagapaglinis ng kwarto ni sir Alex" saad niya. Napairap na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, e nanny naman ako ni Theo. Wala namang kinalaman ang pagiging nanny ko sa paglilinis ng mansiyon. “Tatianna, simula ngayon, ikaw na ang maglilinis ng kwarto ni sir Alex at ni Theo” tuloy ng mayordoma. Napakurap ako, “Ho?” tanong ko para kumpirmahin kung tama ba ang mga narinig ko. I mean, sa dami namin na mga kasambahay, bakit ako pa ang pinili niya? Bakit hindi na lang si Sheena? Alam naman siguro ng m
I'm laying above the bed, staring at the windows. Pagod ako mula sa trabaho pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Bumuntong hininga ako saka tumayo. Napagpasyahan kong pumunta muna sa hardin baka sakaling dalawin ako ng antok. Napayakap agad ako sa aking sarili nang salubungin ako ng malamig na hangin pagkalabas ko. Ang liwanag ng buwan ay banayad na tumama sa mga halaman at sa mga bulaklak na namumulaklak. Huminga ako nang malalim bago ako umupo sa upuan malapit sa fountain. Pumikit ako at dinama ang mapayapang gabi. Minulat ko ang aking mga mata nang may marinig akong taong papalapit sa aking direksiyon. Tinignan ko kung sino 'yon, si sir Alex lang pala. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay kita ko pa rin ang guwapo niyang mukha. Nakasuot lang ito ng komportableng damit pang-itaas at pang-baba. Sinundan ko lang ang bawat kilos ni sir Alex hanggang sa umupo siya sa tabi ko. Kumunot ang noo ko, "Bakit ka po nandito, sir?" Saglit itong tumingin sa akin bago ngumit
"Theo, let me carry you" pilit pa ni sir Alex pero ayaw talaga ng bata. Sumuko na rin si sir Alex sa kakapilit kay Theo kaya ang ginawa niya ay siya ang nagbitbit ng basket na dala namin. Wala namang problema sa akin na ako ang nagbubuhat kay Theo. Hindi naman siya mabigat. The sun was setting as we made our way on the mansion. Nakabukas na rin ang ilaw sa loob at labas. Nang makapasok kami sa loob ng mansyon ay amoy na amoy ko ang niluluto nilang ulam. Natakam tuloy ako. Dumiretso kami sa kusina, nakita namin ang mga kasambahay na hinahanda ang lamesa. Pumasok naman ang tatlong kasambahay, dala nila ang tatlong ulam. "I'm hungry na po, mommy" "Okay, baby" Balak ko pa sanang ipa-half bath siya pero mamaya na lang dahil gutom na ang bata. Dumiretso ako sa upuan ni Theo saka ipapa-upo na sana siya pero umiling siya. Kumunot ang noo ko. Kanina pa niya ayaw humiwalay sa akin. "What's wrong, Tatianna?" sir Alex asked when he saw that Theo is still not sitting on his cha
Nasa malayo pa lang kami ay kita ko na ang malawak na park. The park was alive with the sounds of children laughing, running, and playing. Hinawakan ko nang maigi ang kamay ni Theo habang naglalakad kami patungo sa playground. Habang papalapit kami ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang sigaw at tawa ng mga bata. Nasa gitna ng village ang playground. Napapalibutan ito ng puno at meron ding maliit na kiosk kung saan tatambay ang mga nanay or nanny ng mga bata habang naglalaro sila. May nakita akong maliit na kiosk na walang naktambay na tao kaya dumiretso ako doon habang hawak si The. “Mommy, can I go play with my friends now?” he asked. Tinignan ko siya. Nakatitig siya sa mga batang naglalaro doon. I smiled, “Of course, baby. Mag-ingat ka ha?” I reminded him. Theo nodded eagerly, “Opo, mommy” after saying that, he ran off to a group of boys. Huminga ako nang malalim. I feel free, para akong preso na ngayon lang ulit nakalabas. Tumingin ako sa buong paligid, ang saya-s
The warm morning sun spilled through the large window of Theo's room. "Mommy, I want to bake cookies" Napatingin ako kay Theo nang sabihin niya iyon. Nasa loob kami ng kwarto niya at nasa ibabaw naman siya ng kama. Nakaupo rin ako sa ibabaw ng kama at nagtutupi ng damit niya. "I'll just finished this, Theo, then we're going to bake cookies" Sinundan ko naman siya ng tingin nang tumayo siya at lumapit sa akin. Kinuha nito ang isa niyang damit at dahan-dahang tinupi. "What are you doing, Theo?" "I'm helping you, mommy, so you can finished it quickly" I laughed. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Binilisan ko naman ang kilos ko para makapag-bake na kami ng cookies. Sabay kaming lumabas nang matapos naming itupi ang mga damit niya. Habang naglalakad kami ay nagkalat na ang mga kasambahay sa buong mansyon, naglilinis. Wala sa sariling nabaling ang tingin ko kay Adrianna na nasa unang palapag at may kausap. Mali, hindi sila nag-uusap, mukhang nagbabangayan na nama
HABANG HINIHINTAY ko si Theo na makahanap ng libro dito sa loob ng library ay nagmasid-masid din ako. Sa tagal ko na dito sa mansyon ay ngayon lang ako nakapunta dito sa library. "I'll be right here, Theo" saad ko kay Theo nasa tinitignan ko ang mga libro malapit sa amin. "Yes, mommy" sagot ni Theo ba ngayon ay nasa bookshelf kung saan nakalagay ang mga libro na para sa bata. Napatigil ako sa paglalakad nang may napansin akong isang libro. Hindi siya ganun ka kapal pero maganda ang disenyo niya. Hindi ko alam pero may nag-u-udyok sa akin na lapitan at kunin ito. Nang makuha ko na ito ay marahan ko itong hinaplos para matagal ang kaunting alikabok. Nililinisan ba talaga itong library? Kakalinis lang ni Adrianna dito, pero ngayon, maalikabok na naman. Walang pamagat ang libro kaya binuksan ko iyon. Unang pahina pa lang ay alam ko ng hindi iyon libro kundi isang diary. Ayokong maki-osyoso pero gusto ko pa ring basahin. Wala naman sigurong makakaalam. 'In fairness, ang ganda
KUMUNOT ANG NOO ko nang pagkagising ko ay may naamoy akong pamilyar na amoy ng isang pagkain pero mas lalong nagpakunot sa noo ko ang tunog ng pagbuhos ng tubig.Iminulat ko ang mata ko para makita ko kung anong nangyayari. Bumungad sa akin ang babaeng kumakain ng cup noodles malapit sa pinto. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero sigurado akong hindi ko siya kilala dahil alam kong mag-isa lang ako sa kwarto. 'May bisita ba sila Auntie?'Kumurap ako ng ilang beses para alalahanin kung may bisita ba sila Auntie na dumating kahapon hanggang sa naalala ko ang nangyari kagabi. Sinubukan kong alisin ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko pero may pumipigil sa paggalaw ko. Tinignan ko ang kamay ko. Nakaposas ako. Wala sa sariling napunta ang tingin ko sa babae. Napangiwi ako nang maibuga nito ang kinakain nitong noodles nang magtama ang mata namin. Tinignan ko lang siya na dali-daling ibinaba ang cup noodles sa mesa saka patakbong lumapit sa akin. "Gising ka na pala" ani niya. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments