หน้าหลัก / Romance / The Billionaire's Bargain / บทที่ 1 - บทที่ 10

บททั้งหมดของ The Billionaire's Bargain: บทที่ 1 - บทที่ 10

22

001: MAID

KUMUNOT ANG NOO ko nang pagkagising ko ay may naamoy akong pamilyar na amoy ng isang pagkain pero mas lalong nagpakunot sa noo ko ang tunog ng pagbuhos ng tubig.Iminulat ko ang mata ko para makita ko kung anong nangyayari. Bumungad sa akin ang babaeng kumakain ng cup noodles malapit sa pinto. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero sigurado akong hindi ko siya kilala dahil alam kong mag-isa lang ako sa kwarto. 'May bisita ba sila Auntie?'Kumurap ako ng ilang beses para alalahanin kung may bisita ba sila Auntie na dumating kahapon hanggang sa naalala ko ang nangyari kagabi. Sinubukan kong alisin ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko pero may pumipigil sa paggalaw ko. Tinignan ko ang kamay ko. Nakaposas ako. Wala sa sariling napunta ang tingin ko sa babae. Napangiwi ako nang maibuga nito ang kinakain nitong noodles nang magtama ang mata namin. Tinignan ko lang siya na dali-daling ibinaba ang cup noodles sa mesa saka patakbong lumapit sa akin. "Gising ka na pala" ani niya.
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-12
อ่านเพิ่มเติม

002: BOSS

TUMIGIL AKO sa paglalakad nang tumigil din si Adrianna. Mukhang nandito na kami sa labas ng office ni Sir Alex. Hinarap niya ako. "Dito 'yong office ni Sir Alex, katok ka na lang kapag. Hindi na kita mahihintay kasi magtatanggal pa ako ng mga patay na dahon sa garden" mahabang saad nito saka naglakad paalis nang hindi hinihintay ang sagot ko. Nang tuluyan na siyang makaalis ay humarap na ako sa pinto. Bigla akong kinabahan. 'Andito ka na, Tatiana. Lakasan mo ang loob mo' Huminga muna ako nang malalim saka kumatok ng tatlong beses sa pinto. Nang wala akong marinig na sagot ay dahan-dahan ko na lang na binuksan ang pinto saka sumilip sa loob. Napalunok ako nang makita ko ang likod ng isang lalaki, may kausap ata ito sa cellphone. Mag-isa lang siya sa loob. Sa tindig niya pa lang alam kong bata pa ito, akala ko kasi kanina ay matanda na ito. Dahan-dahang akong pumasok saka isinara ang pinto. Tahimik lang akong nakatayo habang hinihintay na matapos si Sir Alex sa pagsasalita. Haban
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-12
อ่านเพิ่มเติม

003: DELUSIONAL

SA ISANG LINGGONG pagta-trabaho ko dito ay naging maayos naman ang buhay ko. Dito ako kadalasan sa hardin nagta-trabaho, minsan ay sa ibang parte ng mansyon pero mas gusto ko dito.Maaga pa lang ay nandito na ako sa hardin para diligan itong mga magagandang halaman. Si Adrianna naman ay winawalis ang mga patay na dahon. Nagagalit na siya minsan dahil hindi man lang maubos-ubos ang mga patay na dahon. "Adrianna!!"Nabasag ang katahimikan sa hardin nang makarinig kami ng sigaw na may kasamang galit. Tumingin ako sa parte ng hardin kung saan nanggaling 'yong sigaw.Nakita ko si Sheena na naglalakad palapit sa pwesto namin kasama ang dalawa niyang alipores. Napatingin ako kay Adrianna na tumigil sa pagwawalis saka tinignan si Sheena. Walang buhay itong nakatingin sa tatlo. "Bakit na naman, Sheena?" walang buhay na tanong ni Adrianna sa kanya.Matalim na tumingin ito kay Adrianna, "Ano 'tong narinig kong sinabi mo na delusional ako!?" galit nitong saad kay Adrianna.Umirap si Adrianna, "
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-12
อ่านเพิ่มเติม

004: THEO VISCONTI

SA GITNA NG maliwanag na gabi ay napilitan akong bumangon dahil sa uhaw na nararamdaman ko. Madilim sa buong kwarto pero may liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ng aming kwarto.Maingat akong bumangon para hindi ko magising si Adrianna sa taas ng double deck. Tahimik akong naglakad patungo sa pinto nang may nagsalita sa likod ko. "Saan ka pupunta, Tatiana?" mahinang tanong ni Adrianna. 'Natulog ba ito o hindi?'Ang bilis niyang magising kahit kaunting galaw lang. Kamot-kamot ko ang ulo ko nang humarap ako sa higaan."Punta lang ako sa kusina, nauuhaw na kasi ako" inaantok na sagot ko.Ilang minuto akong naghintay sa sagot niya pero wala akong nakuha kundi ang malalim niyang paghinga. Kumunot ang noo ko doon. Nakatulog agad si Adrianna? Ang bilis naman! Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon saka lumabas ng kwarto. Dahan-dahang lang ako sa paglalakad dahil baka magising ko ang mga kasamahan kong natutulog. Kumurap-kurap muna ako para masanay ang mata ko sa ilaw ng kusina n
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-12
อ่านเพิ่มเติม

005: MOMMY

UMAGA NA AT INAANTOK pa rin ako! Ano bang pwede kong gawin para makalimutan ko 'yong nakita ko kagabi? Hindi ako makatulog kagabi dahil doon! Nasa hardin kami ngayon, heto ako tulalang nakatitig sa kawalan habang nagdidilig ng halaman. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang matulog pero may trabaho ako kaya hindi ko 'yon magawa. Buti pa si Adrianna, maayos ang tulog. Parang hindi nagising kagabi. Lahat ata ng tao dito sa mansyon maayos ang tulog, ako lang ang hindi. Tapos 'yong taong may kasalanan kung bakit hindi ako makatulog ay maayos din ang tulog. I feel so miserable.. Huminga ako ng malalim saka itinapat ang hose sa ibang halaman para madiligan ang mga ito. Marami pa akong gagawin ngayon pero mukhang iba ang tatapos dahil inaantok na talaga ako. "TATIANA!!" Agad akong napaharap sa taong tumawag sa akin pero umatras ito nang maitapat ko ang hose sa kanya. Buti na lang at hindi ko ito nabasa. Tinupi ko ang hose saka tumingin sa kanya. "Ano 'yon, ate Mirna?" tanong k
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-14
อ่านเพิ่มเติม

006: NANNY

WALA KANG IBANG MARIRINIG sa loob ng office ni sir Alex kundi ang hagikhik ng anak ni sir Alex na si Theo. Naglalaro kasi ito ng baril-barilan habang nasa kandungan ko. Kalaro naman nito ang isa sa kaibigan ni sir Alex na nagngangalang Clint. 'Parang nakita ko na ang dalawang bisita ni sir Alex' Nakaupo ako ngayon sa pang-isahang upuan tapos si sir Alex ay nakikipag-usap nang masinsinan malapit sa table niya kasama ang isa pa niyang kaibigan. Tinitigan ko naman ang mukha ng lalaking nasa harapan ko at pilit na inaalala kung saan ko siya nakita pero sumasakit lang ang ulo ko. 'In fairness naman, gwapo silang tatlo pero mas nangingibabaw para sa akin ang kagwapuhan ni sir Alex' Sa hitsura nila mukhang wala lang sa kanila ang nangyari kanina pero ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naghalo ata ang pagiging curios at hiya ko ngayon. "Let's go, Clint" saad ng isang kaibigan ni sir Alex. Nginitian naman niya ako pero hindi ko magawang suklian 'yon. Sinundan ko nang tingi
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-20
อ่านเพิ่มเติม

007: VISITOR

SA DALAWANG ARAW NA nakalipas ay naging maayos naman ang buhay ko. Nanny na nga ako ni Theo at masasabi kong madali lang siyang alagaan. Susunod kaagad siya sa mga sasabihin ko lalo na kapag pinagbabawalan ko siya sa isang bagay na ikakapahamak niya. Nagmamatigas nga lang ito sa kanyang ama, palibhasa ay binibigay ni sir Alex ang lahat ng gusto ni Theo. Nagpapakain ako ngayon ng mga isda sa fish pond. Wala kasi akong ibang magawa habang hinihintay na magising si Theo, ayoko naman siyang gisingin dahil masyado pang maaga. "Tatiana..." Napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Adriana, may hawak itong malaking basket at puno ng nakatuping damit. "Bakit?" tanong ko habang pinapagpag ang kamay kong madumi dahil sa pagkain ng mga isda. "Ikaw na lang ang bahalang mag-ayos nitong damit ni Theo" ani niya saka itinaas ang basket. Tumango na lang ako dahil wala na rin akong gagawin. Kinuha ko na sa kanya ang basket saka ako naglakad papasok sa loob ng mansyon. Napa
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-21
อ่านเพิ่มเติม

008: THEO'S PAIN

LAHAT KAMI AY napatingin sa itaas na parte ng hagdanan kung saan nakatayo si sir Alex. Kunot noo itong nakatingin sa amin dito sa baba. Bumaba ito saka lumapit sa pwesto ko. "Why are you crying, buddy?" marahang tanong ni sir Alex kay Theo na humihikbi pa rin. Napatingin ako kay Ma'am Valerie. Kung kanina ay puro ngisi ang nakarehistro sa mukha niya, ngayon ay napalitan na iyon ng takot. "Why don't you ask that stupid b*tch" ako na ang sumagot dahil umiiyak pa rin si Theo. Galit namang tumingin si Ma'am Valerie nang dahil sa itinawag ko sa kanya. Hindi na ata nagsawa 'tong babae na 'to na magalit. "What did you do, Valerie?" mariing tanong ni sir Alex na ngayon ay nakatingin na kay Ma'am Valerie. Tinaas niya ang braso niya, "Your son bit me so pinagalitan ko lang siya pero hindi ko naman aasahan na iiyak 'yan" 'Sinong bata ang hindi iiyak kung pinagalitan ito?' I scoffed. Galing namang magpalusot ng babaeng 'to. Magpaturo nga ako sa kanya sa susunod. May bakas nga ng kagat sa
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-22
อ่านเพิ่มเติม

009: KISS

"THEO! Huwag kang tumakbo malapit sa fish pond baka mahulog ka!" nag-aalalang sigaw ko habang tinutulungan kong magwalis si Adrianna dito sa garden. Tumigil si Theo sa pagtatatakbo sa paligid ng fish pond at patakbong lumapit sa akin. Ngiting-ngiti ang bata na siyang ipinagpasalamat ko dahil mukhang nakalimutan niya na ang nangyari noong nakaraang araw. "Mommy, can I feed those fishes?" excited niyang tanong nang makalapit na sa akin. Tumigil ako sa pagwawalis at tinuon ang buong atensyon sa kanya, "Of course, Theo. Wait until I finish this, okay?" Tumango ito, "Yes, mommy" ani niya saka dumiretso sa upuan malapit sa amin at kumain ng pancake. "Buti naman at nakikinig sa'yo 'yang si Theo" Napatingin ako kay Adrianna sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.Tumigil si Adrianna sa pagwawalis, "Medyo may katigasan ang ulo ni Theo noon at hindi siya nakikinig o sumusunod sa mga dating nag-aalaga sa kanya kaya sumuko ang mga ito pero ikaw, ang dali mong napa
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-25
อ่านเพิ่มเติม

010: LIAR

The warm aroma of fresh bread and brewing coffee filled the kitchen as I stepped inside, rubbing the sleep from my eyes. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Nakita ko si Adrianna nakatayo malapit sa stove, may niluluto ata siya. This is new, ngayon ko lang siya nakitang nagluluto. Kadalasan kasi ay nasa garden siya. Mukha pang busy ang babae dahil hindi niya manlang napansin na papalapit na ako sa kanya. Dahil medyo inaantok pa ako ay napagpasyahan kong uminom ng kape. Just as I reached for a mug from the shelf, Adrianna spoke without looking up. “Bakit ang tagal mong pumasok sa kwarto kagabi?” I froze. Akala ko hindi niya ako napansin na pumasok pero ang talagang nagpatigil sa akin ay ang tanong niya. My breath hitched for a second. Gising ba siya nang pumasok ako sa kwarto namin kagabi? Lagi naman siyang tulog kapag papasok na ako sa kwarto namin a. My heart pounded against my ribs. Images from the night before flashed in my mind—the soft whispers, ang
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-29
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
123
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status