SA ISANG LINGGONG pagta-trabaho ko dito ay naging maayos naman ang buhay ko. Dito ako kadalasan sa hardin nagta-trabaho, minsan ay sa ibang parte ng mansyon pero mas gusto ko dito.
Maaga pa lang ay nandito na ako sa hardin para diligan itong mga magagandang halaman. Si Adrianna naman ay winawalis ang mga patay na dahon. Nagagalit na siya minsan dahil hindi man lang maubos-ubos ang mga patay na dahon. "Adrianna!!" Nabasag ang katahimikan sa hardin nang makarinig kami ng sigaw na may kasamang galit. Tumingin ako sa parte ng hardin kung saan nanggaling 'yong sigaw. Nakita ko si Sheena na naglalakad palapit sa pwesto namin kasama ang dalawa niyang alipores. Napatingin ako kay Adrianna na tumigil sa pagwawalis saka tinignan si Sheena. Walang buhay itong nakatingin sa tatlo. "Bakit na naman, Sheena?" walang buhay na tanong ni Adrianna sa kanya. Matalim na tumingin ito kay Adrianna, "Ano 'tong narinig kong sinabi mo na delusional ako!?" galit nitong saad kay Adrianna. Umirap si Adrianna, "Ano namang meron doon?" Wala pa ring buhay na tinignan ni Adrianna sila Sheena na nanggagalaiti na sa galit. "Bakit mo sinabi 'yon? Siya ang magiging asawa ni sir Alex. Gusto mo bang sabihin namin sa kanya ang sinabi mo?" pananakot naman nong isang alipores ni Sheena. 'At talagang tinakot pa kami ng babaeng 'to' Napaayos ng tayo si Sheena saka ngumisi. Umiba agad ang timpla ng mukha niya sa sinabi ng alipores niya. Sa isang linggo kong pamamalagi dito, marami na akong nakitang babae humahanga kay Sir Alex pero itong si Sheena, sobra. As in, sobra, ipinapagkalat niyang may nangyari sa kanila ni sir Alex, na may gusto daw si sir Alex sa kanya. Ang mga kasamahan naman namin ay napapa-irap na lang kapag may sinasabi siyang ganoon. Iba ang level ng pagiging ilusyunada niya. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon. Para siyang ewan. "Bakit ba kayo nagpapaniwala doon?" tanong ko sa dalawang alipores ni Sheena. Mapang-asar na tumingin si Adrianna kay Sheena, "Itigil mo na nga 'yang panaginip mo, Sheena.." lumapit ito sa kanilang tatlo kaya napaatras sila, "... tsaka totoo namang DE. LU. SIO. NAL ka" mariing saad ni Adrianna na mas lalong ikinagalit nilang tatlo, lalo na si Sheena. Agad na dinampot ni Sheena ang waling tingting na nasa lupa saka ihahampas na sana kay Adrianna pero inunahan ko siya nang itapat ko ang hose may binubugang tubig sa kanilang tatlo. Agad silang napaatras. Si Adrianna naman ay nagulat sa ginawa ko pero agad siyang nakaatras. Tinaasaan ko silang tatlo ng kilay nang tumuon ang galit nilang mga mata sa akin. Anong akala nila titiklop ako sa mga galit nilang mata? Hindi no! Na-train na ako ni Auntie dyan. Wala lang iyan sa akin. Sinubukan pa nilang lumapit sa akin pero mas lalo ko namang inilapit ang hose sa kanila. Si Adrianna naman ay naglakad palapit sa gilid ko. "Umalis na kayo. Ipagpatuloy niyo na lang ang paglilinis ng banyo" pang-aasar ni Adrianna. Gusto pa nilang lumaban pero dahil mas malakas ang hawak ko ay wala silang nagawa kung hindi ang tumalikod pero bago sila pumasok sa mansyon ay binigyan niya muna kami ng matalim na tingin. Ngumiti lang kami ni Adrianna na siyang ikinainis ni Sheena. Nang wala na silang tatlo ay agad kaming natawa ni Adrianna. "Tatiana, narinig mo naman siguro iyong sinabi ni Sheena, diba?" natatawang tanong ni Adrianna. Natatawa akong tumango, "Siyempre at masasabi kong nasobrahan na niya sa pagiging delusional" "Kaya nga eh, ewan ko ba kung saan niya nakuha ang mga iyon" "Iyan din ang katanungan ko sa isip ko kanina, Adrianna. Ang lakas ng tama niya kay sir Alex" NANG MATAPOS KAMI sa trabaho namin ay kumain kami kaagad pero siyempre nauna muna sila sir Alex bago kami kumain. Nakakahiya naman kung uunahan namin iyong may-ari. Ngayon ay nandito kami sa loob ng kwarto namin ni Adrianna, nagpapahinga habang nakaharap sa electric fan. Napakainit ba naman kasi sa labas kanina. Nakahiga ako habang si Adrianna nman ay naka-upo sa paanan ko. "Ilang taon ka na palang nagta-trabaho dito sa mansiyon, Adrianna?" kapagkuwa'y tanong ko. Hindi ko naitanong sa kanya noong nakaraang linggo dahil marami pa akong iniisip saka nangangapa pa ako dito sa pagtira sa mansiyon. "Tatlong taon na akong nagta-trabaho dito" "Maayos naman ba?" Parang nag-aalangan pa itong tumango, "Oo pero minsan delikado ang buhay mo dahil sa mga kalaban ni sir Alex sa mga negosyo niya" 'Ano naman kaya ang negosyo ni sir Alex at bakit magiging delikado ang buhay ko?' Naputol ang pag-uusap namin ni Adrianna nang may kumatok sa pinto namin. Napa-upo kaagad ako nang bumukas iyon saka iniluwa ang mayordoma ng mansyon. "Tapos na ba kayong magpahinga?" Nagkatinginan kami ng katabi ko saka tumingin kay Manang Josie, "Opo, Manang" Tahimik itong tumango, "Kung ganoon ay pwedeng paki-ayos ang kwarto ni Theo sa taas. Utos iyon ni sir Alex dahil uuwi na siya dito mamayang gabi" 'Theo?' "Sige po, Manang" sagot na ni Adrianna. Hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko pa kung sino si Theo. Nagtungo kaagad kami sa kwarto ni Theo sa taas. Pagkabukas ni Adrianna ng pinto ay nakita ko kaagad ang mga pambatang laruan. Mga laruang panlalaki iyon. Mga maliliit na laruang sundalo, mga sasakyan saka iba pa. Ang mga unan at kumot naman ay may disenyo ng mga kilalang cartoons, ganoon din ang kurtina. "Sino si Theo?" hindi ko na napigilang magtanong. "Anak ni sir Alex. Three years old na siya" sagot ni Adrianna saka nagtungo sa isa pang pinto. 'Oh! May anak na pala si sir Alex? Hindi ko inaasahan iyon' Sumunod ako kay Adrianna papasok sa walk in closet ng bata. Kumuha si Adrianna ng comforter kaya kumuha naman ako ng bagong kurtina. Maingat kong inayos ang kurtina habang si Adrianna naman ay inaayos ang higaan ng anak ni sir Alex. "Bakit pa ngarod nagde-delusional si Sheena kay sir Alex? E, may asawa na pala siya" ani ko sa gitna ng pag-aayos ng kurtina. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Adrianna, "Tatiana, wala pang asawa si sir Alex. Hindi mo ba iyon napansin noong nakaraang linggo?" Umiling ako, "Hindi, hindi ko naman kasi alam na may anak na si sir Alex kaya hindi ko rin naisip na may asawa siya" 'So....single dad si sir Alex?' Curios tuloy ako kung anong hitsura at anong klaseng babae ang naanakan ni sir Alex. Sa dinami-dami ba naman ng babaeng nagkakandarapa kay sir Alex ay ito ang nakakuha ng atensyon ni sir. Ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni sir Alex. Bahagya akong umiling para maalis ang napakarami kong katanungan. Huminga ako ng malalim. 'Tatiana, hindi ka pinunta dito para sumagap ng chismis'SA GITNA NG maliwanag na gabi ay napilitan akong bumangon dahil sa uhaw na nararamdaman ko. Madilim sa buong kwarto pero may liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ng aming kwarto.Maingat akong bumangon para hindi ko magising si Adrianna sa taas ng double deck. Tahimik akong naglakad patungo sa pinto nang may nagsalita sa likod ko. "Saan ka pupunta, Tatiana?" mahinang tanong ni Adrianna. 'Natulog ba ito o hindi?'Ang bilis niyang magising kahit kaunting galaw lang. Kamot-kamot ko ang ulo ko nang humarap ako sa higaan."Punta lang ako sa kusina, nauuhaw na kasi ako" inaantok na sagot ko.Ilang minuto akong naghintay sa sagot niya pero wala akong nakuha kundi ang malalim niyang paghinga. Kumunot ang noo ko doon. Nakatulog agad si Adrianna? Ang bilis naman! Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon saka lumabas ng kwarto. Dahan-dahang lang ako sa paglalakad dahil baka magising ko ang mga kasamahan kong natutulog. Kumurap-kurap muna ako para masanay ang mata ko sa ilaw ng kusina n
UMAGA NA AT INAANTOK pa rin ako! Ano bang pwede kong gawin para makalimutan ko 'yong nakita ko kagabi? Hindi ako makatulog kagabi dahil doon! Nasa hardin kami ngayon, heto ako tulalang nakatitig sa kawalan habang nagdidilig ng halaman. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang matulog pero may trabaho ako kaya hindi ko 'yon magawa. Buti pa si Adrianna, maayos ang tulog. Parang hindi nagising kagabi. Lahat ata ng tao dito sa mansyon maayos ang tulog, ako lang ang hindi. Tapos 'yong taong may kasalanan kung bakit hindi ako makatulog ay maayos din ang tulog. I feel so miserable.. Huminga ako ng malalim saka itinapat ang hose sa ibang halaman para madiligan ang mga ito. Marami pa akong gagawin ngayon pero mukhang iba ang tatapos dahil inaantok na talaga ako. "TATIANA!!" Agad akong napaharap sa taong tumawag sa akin pero umatras ito nang maitapat ko ang hose sa kanya. Buti na lang at hindi ko ito nabasa. Tinupi ko ang hose saka tumingin sa kanya. "Ano 'yon, ate Mirna?" tanong k
WALA KANG IBANG MARIRINIG sa loob ng office ni sir Alex kundi ang hagikhik ng anak ni sir Alex na si Theo. Naglalaro kasi ito ng baril-barilan habang nasa kandungan ko. Kalaro naman nito ang isa sa kaibigan ni sir Alex na nagngangalang Clint. 'Parang nakita ko na ang dalawang bisita ni sir Alex' Nakaupo ako ngayon sa pang-isahang upuan tapos si sir Alex ay nakikipag-usap nang masinsinan malapit sa table niya kasama ang isa pa niyang kaibigan. Tinitigan ko naman ang mukha ng lalaking nasa harapan ko at pilit na inaalala kung saan ko siya nakita pero sumasakit lang ang ulo ko. 'In fairness naman, gwapo silang tatlo pero mas nangingibabaw para sa akin ang kagwapuhan ni sir Alex' Sa hitsura nila mukhang wala lang sa kanila ang nangyari kanina pero ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naghalo ata ang pagiging curios at hiya ko ngayon. "Let's go, Clint" saad ng isang kaibigan ni sir Alex. Nginitian naman niya ako pero hindi ko magawang suklian 'yon. Sinundan ko nang tingi
SA DALAWANG ARAW NA nakalipas ay naging maayos naman ang buhay ko. Nanny na nga ako ni Theo at masasabi kong madali lang siyang alagaan. Susunod kaagad siya sa mga sasabihin ko lalo na kapag pinagbabawalan ko siya sa isang bagay na ikakapahamak niya. Nagmamatigas nga lang ito sa kanyang ama, palibhasa ay binibigay ni sir Alex ang lahat ng gusto ni Theo. Nagpapakain ako ngayon ng mga isda sa fish pond. Wala kasi akong ibang magawa habang hinihintay na magising si Theo, ayoko naman siyang gisingin dahil masyado pang maaga. "Tatiana..." Napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Adriana, may hawak itong malaking basket at puno ng nakatuping damit. "Bakit?" tanong ko habang pinapagpag ang kamay kong madumi dahil sa pagkain ng mga isda. "Ikaw na lang ang bahalang mag-ayos nitong damit ni Theo" ani niya saka itinaas ang basket. Tumango na lang ako dahil wala na rin akong gagawin. Kinuha ko na sa kanya ang basket saka ako naglakad papasok sa loob ng mansyon. Napa
LAHAT KAMI AY napatingin sa itaas na parte ng hagdanan kung saan nakatayo si sir Alex. Kunot noo itong nakatingin sa amin dito sa baba. Bumaba ito saka lumapit sa pwesto ko. "Why are you crying, buddy?" marahang tanong ni sir Alex kay Theo na humihikbi pa rin. Napatingin ako kay Ma'am Valerie. Kung kanina ay puro ngisi ang nakarehistro sa mukha niya, ngayon ay napalitan na iyon ng takot. "Why don't you ask that stupid b*tch" ako na ang sumagot dahil umiiyak pa rin si Theo. Galit namang tumingin si Ma'am Valerie nang dahil sa itinawag ko sa kanya. Hindi na ata nagsawa 'tong babae na 'to na magalit. "What did you do, Valerie?" mariing tanong ni sir Alex na ngayon ay nakatingin na kay Ma'am Valerie. Tinaas niya ang braso niya, "Your son bit me so pinagalitan ko lang siya pero hindi ko naman aasahan na iiyak 'yan" 'Sinong bata ang hindi iiyak kung pinagalitan ito?' I scoffed. Galing namang magpalusot ng babaeng 'to. Magpaturo nga ako sa kanya sa susunod. May bakas nga ng kagat sa
"THEO! Huwag kang tumakbo malapit sa fish pond baka mahulog ka!" nag-aalalang sigaw ko habang tinutulungan kong magwalis si Adrianna dito sa garden. Tumigil si Theo sa pagtatatakbo sa paligid ng fish pond at patakbong lumapit sa akin. Ngiting-ngiti ang bata na siyang ipinagpasalamat ko dahil mukhang nakalimutan niya na ang nangyari noong nakaraang araw. "Mommy, can I feed those fishes?" excited niyang tanong nang makalapit na sa akin. Tumigil ako sa pagwawalis at tinuon ang buong atensyon sa kanya, "Of course, Theo. Wait until I finish this, okay?" Tumango ito, "Yes, mommy" ani niya saka dumiretso sa upuan malapit sa amin at kumain ng pancake. "Buti naman at nakikinig sa'yo 'yang si Theo" Napatingin ako kay Adrianna sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.Tumigil si Adrianna sa pagwawalis, "Medyo may katigasan ang ulo ni Theo noon at hindi siya nakikinig o sumusunod sa mga dating nag-aalaga sa kanya kaya sumuko ang mga ito pero ikaw, ang dali mong napa
The warm aroma of fresh bread and brewing coffee filled the kitchen as I stepped inside, rubbing the sleep from my eyes. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Nakita ko si Adrianna nakatayo malapit sa stove, may niluluto ata siya. This is new, ngayon ko lang siya nakitang nagluluto. Kadalasan kasi ay nasa garden siya. Mukha pang busy ang babae dahil hindi niya manlang napansin na papalapit na ako sa kanya. Dahil medyo inaantok pa ako ay napagpasyahan kong uminom ng kape. Just as I reached for a mug from the shelf, Adrianna spoke without looking up. “Bakit ang tagal mong pumasok sa kwarto kagabi?” I froze. Akala ko hindi niya ako napansin na pumasok pero ang talagang nagpatigil sa akin ay ang tanong niya. My breath hitched for a second. Gising ba siya nang pumasok ako sa kwarto namin kagabi? Lagi naman siyang tulog kapag papasok na ako sa kwarto namin a. My heart pounded against my ribs. Images from the night before flashed in my mind—the soft whispers, ang
I walked down the long hallway of sir Alex's mansion, bumabalot sa paligid ang halimuyak ng kape na dala-dala ko. I forced myself to remain composed as I approached Alex’s office. I was about to reach the door handle but I heard the soft voice of a familiar child inside. It's Theo. “Daddy, where is my mommy?” Nakahinga ako nang maluwag nang malamang nasa loob ng office si Theo. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Hindi ko pa kayang kausapin si sir Alex pagkatapos nang nangyari kagabi. I slowly pushed the door open and saw Theo standing beside Alex’s desk, his small hands are holding a small toy while looking up to his father with his curiosity. “Theo, buddy, mommy's talked about this—” Before sir Alex could finish his sentence, Theo turned his head toward the door—and his entire face lit up. “Mommy!” I smile while looking at Theo. Hinawakan ko nang maigi ang tray na hawak ko nang makita kong patakbong lumapit si Theo sa akin. Nilagay ko muna sa ibabaw ng desk ang
Ang gintong liwanag ng araw sa hapon ay tumatama sa mga salamin na bintana ng opisina aking opisina. Tahimik ang silid, maliban sa ingay ng vintage clock na nakadikit sa dingding. Umupo si ako sa sofa, hinihintay na matapos si Mr. Acosta, sa paglalatag ng mga files para sa pinag-usapan naming proyekto. Nakikinig lang ako nang maigi habang ipinapaliwanag niya sa akin ang mga dapat gawin para sa bagong proyekto. Nang matapos na siya ay sakto namang may kumatok sa pinto ng opisina ko mula sa labas. Parehas kaming napatingin ni Mr. Acosta sa pinto. "Come in..." I said. I smiled immediately after seeing Tatianna enter my office. She's carrying a tray full of desserts. I watch her as she slowly walk toward the glass table, put the tray above it and hold the door knob to close the door. "You know, Mr. Visconti. I really like you for my daughter" I snapped my head back at Mr. Acosta when those words came out of his mouth. I was surprised by what he said. I couldn't even say a wor
Nagulat ako ng pagkagising ko isang araw ay aligaga ang mga kasambahay. Pati ang mga guards ni sir Alex. Kunot noong pumasok ako sa loob ng kusina. Nakita ko si Adrianna na nagluluto habang ang iba ay naghahanda ng iba pang sakpan sa iluluto nila. Lumapit ako kay ate Mirna nang makita ko siya. "Anong meron, ate?" tanong ko habang ang tingin ko ay nasa paligid. "Meron kasing dadating na importanteng bisita ngayon si sir Alex" sagot niya sa akin. Napatango na lang ako saka nagpaalam sa kanya na aalis ako. Naglakad ako papunta sa ikalawang palapag para puntahan si Theo. Habang nasa hallway ako ay nakita ko si Sheena habang pinapagalitan ng mayordoma. Galit nitong itinuturo ang malaking painting na nasa harap nila. "Sabi ko araw-araw mo itong punasan! Bakit ang dumi ngayon!?" singhal nito. Walang nagawa si Sheena kundi ang magbaba nang tingin habang pinupunasan ang painting. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya pero agad ding naglaho iyon nang tignan niya ako nang masama. Iniwas
"Where are we going, mommy?" tanong ni Theo nang lumabas kami mula sa kwarto ng daddy niya. Tumingin ako sa kanya at nanggigigil na hinalikan ang mataba niyang pisngi. Napaka-cute naman kasi ng batang ito. Dahil sa ginawa ko ay natatawang inilayo ni Theo ang mukha niya sa akin pero buhat-buhat ko siya kaya wala siyang magagawa. "You're going to take bath, Theo" sagot ko. Ngumuso ito, "But I don't like to take a bath, mommy." Natawa ako, "Baby, you need to take a bath. Babaho kapag ang baby namin kung hindi naligo." He smiled, "Okay, mommy" ani niya saka niyakap ang teddy bear na kanina pa niya hawak. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya pagkarating namin. Madilim pa ang kwarto niya dahil natatakpan ng kurtina ang bintana. Nagtungo ako sa may bintana saka hinila ang isang parte ng kurtina para lumiwanag kaunti ang kwarto. Maingat ko namang inilapag si Theo sa ibabaw ng malambot na kama. "Wait for mommy, okay?" Kumunot ang noo niya, "Where are you doing, mommy?" S
Inayos ko ang mga kinalat ni sir Alex kanina. Ang mga libro, mga larawan at iba pang bagay na kinalat niya kanina bago pumasok sa walk-in-closet niya. Nasa kalagitnaan ako nang pagpulot ng jacket ni sir Alex nang bumukas ang pinto ng walk-in closet at iniluwa siya doon. Hinarap ko si sir Alex pero napatigil ako. Nakatayo si sir Alex tapat ng walk-in-closet habang ang suot ay black joggers lang. I can even see his V-line and his toned abs that rippled everytime he moves as he casually ran a towel through his damp hair. Nanuyo ang lalamunan ko at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa aking nakikita. Agad ko siyang tinalikuran para hindi niya mapansin ang namumula kong mukha saka nagkunwaring pinupunasan ang table sa gilid ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang mabagal, sadyang mga hakbang nito patungo sa gilid ng kama na nasa likuran ko lang atsaka umupo doon. Kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatingin siya sa akin dahil sa init ng tingin niya. Narinig ko tumawa si s
One sunny morning, rays of golden sunlight streamed through the tall windows of the Visconti mansion. Nakatayo ako sa gilid ng sofa, napapaligiran ng mga kapwa ko kasambahay habang seryosong nakikinig sa mayordoma ng mansiyon. “Makinig kayong lahat” tawag niya sa aming atensiyon, “We have new task rotations starting today.” Lahat ng mga kasambahay ay nagpapalitan ng tingin, ang iba pa ay nagrereklamo pero mas nangibabaw sa akin ang boses ni Sheena. "Sana ay ako na ang tagapaglinis ng kwarto ni sir Alex" saad niya. Napairap na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, e nanny naman ako ni Theo. Wala namang kinalaman ang pagiging nanny ko sa paglilinis ng mansiyon. “Tatianna, simula ngayon, ikaw na ang maglilinis ng kwarto ni sir Alex at ni Theo” tuloy ng mayordoma. Napakurap ako, “Ho?” tanong ko para kumpirmahin kung tama ba ang mga narinig ko. I mean, sa dami namin na mga kasambahay, bakit ako pa ang pinili niya? Bakit hindi na lang si Sheena? Alam naman siguro ng m
I'm laying above the bed, staring at the windows. Pagod ako mula sa trabaho pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Bumuntong hininga ako saka tumayo. Napagpasyahan kong pumunta muna sa hardin baka sakaling dalawin ako ng antok. Napayakap agad ako sa aking sarili nang salubungin ako ng malamig na hangin pagkalabas ko. Ang liwanag ng buwan ay banayad na tumama sa mga halaman at sa mga bulaklak na namumulaklak. Huminga ako nang malalim bago ako umupo sa upuan malapit sa fountain. Pumikit ako at dinama ang mapayapang gabi. Minulat ko ang aking mga mata nang may marinig akong taong papalapit sa aking direksiyon. Tinignan ko kung sino 'yon, si sir Alex lang pala. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay kita ko pa rin ang guwapo niyang mukha. Nakasuot lang ito ng komportableng damit pang-itaas at pang-baba. Sinundan ko lang ang bawat kilos ni sir Alex hanggang sa umupo siya sa tabi ko. Kumunot ang noo ko, "Bakit ka po nandito, sir?" Saglit itong tumingin sa akin bago ngumit
"Theo, let me carry you" pilit pa ni sir Alex pero ayaw talaga ng bata. Sumuko na rin si sir Alex sa kakapilit kay Theo kaya ang ginawa niya ay siya ang nagbitbit ng basket na dala namin. Wala namang problema sa akin na ako ang nagbubuhat kay Theo. Hindi naman siya mabigat. The sun was setting as we made our way on the mansion. Nakabukas na rin ang ilaw sa loob at labas. Nang makapasok kami sa loob ng mansyon ay amoy na amoy ko ang niluluto nilang ulam. Natakam tuloy ako. Dumiretso kami sa kusina, nakita namin ang mga kasambahay na hinahanda ang lamesa. Pumasok naman ang tatlong kasambahay, dala nila ang tatlong ulam. "I'm hungry na po, mommy" "Okay, baby" Balak ko pa sanang ipa-half bath siya pero mamaya na lang dahil gutom na ang bata. Dumiretso ako sa upuan ni Theo saka ipapa-upo na sana siya pero umiling siya. Kumunot ang noo ko. Kanina pa niya ayaw humiwalay sa akin. "What's wrong, Tatianna?" sir Alex asked when he saw that Theo is still not sitting on his cha
Nasa malayo pa lang kami ay kita ko na ang malawak na park. The park was alive with the sounds of children laughing, running, and playing. Hinawakan ko nang maigi ang kamay ni Theo habang naglalakad kami patungo sa playground. Habang papalapit kami ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang sigaw at tawa ng mga bata. Nasa gitna ng village ang playground. Napapalibutan ito ng puno at meron ding maliit na kiosk kung saan tatambay ang mga nanay or nanny ng mga bata habang naglalaro sila. May nakita akong maliit na kiosk na walang naktambay na tao kaya dumiretso ako doon habang hawak si The. “Mommy, can I go play with my friends now?” he asked. Tinignan ko siya. Nakatitig siya sa mga batang naglalaro doon. I smiled, “Of course, baby. Mag-ingat ka ha?” I reminded him. Theo nodded eagerly, “Opo, mommy” after saying that, he ran off to a group of boys. Huminga ako nang malalim. I feel free, para akong preso na ngayon lang ulit nakalabas. Tumingin ako sa buong paligid, ang saya-s
The warm morning sun spilled through the large window of Theo's room. "Mommy, I want to bake cookies" Napatingin ako kay Theo nang sabihin niya iyon. Nasa loob kami ng kwarto niya at nasa ibabaw naman siya ng kama. Nakaupo rin ako sa ibabaw ng kama at nagtutupi ng damit niya. "I'll just finished this, Theo, then we're going to bake cookies" Sinundan ko naman siya ng tingin nang tumayo siya at lumapit sa akin. Kinuha nito ang isa niyang damit at dahan-dahang tinupi. "What are you doing, Theo?" "I'm helping you, mommy, so you can finished it quickly" I laughed. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Binilisan ko naman ang kilos ko para makapag-bake na kami ng cookies. Sabay kaming lumabas nang matapos naming itupi ang mga damit niya. Habang naglalakad kami ay nagkalat na ang mga kasambahay sa buong mansyon, naglilinis. Wala sa sariling nabaling ang tingin ko kay Adrianna na nasa unang palapag at may kausap. Mali, hindi sila nag-uusap, mukhang nagbabangayan na nama