No Love Between Us (Filipino)

No Love Between Us (Filipino)

last updateLast Updated : 2023-08-31
By:  Jay SeaCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
132Chapters
10.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa edad na 32 ay hindi pa naranasan ni Andrea ang magkaroon ng boyfriend. In short, siya ay NBSB o No Boyfriend Since Birth. Hindi naman siya kapangitan ngunit napakailap ng pagkatataon sa kanya. May nagawa ba siyang malaking kasalanan sa kanyang past life? Sa edad niya ay hindi na siya umaasa pa na may lalaki na magmamahal sa kanya ngunit gusto niya na magkaroon ng kahit isang anak man lang. Puwede naman na magkaroon ng anak na walang asawa kaya naisip niya maghanap ng sperm donor. Hindi artificial insemination ang gagawin kundi natural method. Sa kalagitnaan ng paghahanap niya ay nakilala niya si Martin na isang guwapong bilyonaryo. Unang pumasok sa isip niya na perfect match ang binata para sa kanya ngunit ang problema lang ay hindi siya nito gusto. Mapapayag kaya ito ni Andrea sa nais niyang mangyari? Paano kung hindi? Itutuloy pa ba niya ang paghahanap ng sperm donor o ititigil na lang at tatanggapin na lang na kailanma'y hindi siya magkaroon ng asawa't anak?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Kailan ka ba mag-aasawa, ha? Thirty two years old ka na, Andrea. Gusto mo bang tumandang dalaga, ha? Gusto mo ba gumaya sa tita Sonia mo, ha? Wala na sa kalendaryo ang edad mo," sunod-sunod na tanong ng ina ni Andrea na si Merla sa kanya kung kailan ba siya mag-aasawa. Thirty two years old na siya ngunit hindi pa rin siya nag-aasawa. Naunahan pa siya ng bunso niyang kapatid na si Ivan na mag-asawa. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay.

Napapakamot na lang si Andrea sa kanyang ulo sa paulit-ulit na tanong sa kanya ng ina niya. Araw-araw ay 'yon na mismo ang naririnig niya mula sa bunganga nito. Naririndi na siya sa sinasabi nito sa kanya.

"Ma, hindi ka po ba magsasawa sa katatanong sa akin ng mga tanong na 'yan, ha? Araw-araw na lang po ay 'yan ang naririnig ko mula sa bibig mo po," reklamo ni Andrea sa ina niya na nakakunot ang noo. Gustong-gusto na kasi siya nito na mag-asawa ngunit ang problema ay wala naman sa kanyang gustong mag-asawa na lalaki. Wala naman siyang boyfriend kaya paano siya magkakaroon ng asawa?

No boyfriend since birth si Andrea. Kailanma'y hindi niya naranasan ang magkaroon man lang ng boyfriend. Noong nag-aaral siya ay hindi naman niya pinag-tutuunan ng pansin ang mga bagay na 'yon. Focus lang talaga siya sa pag-aaral niya kaya palagi siya ang Top 1 sa klase. Hanggang sa mag-college siya at makapagtapos sa pag-aaral ay hindi na siya nagkaroon pa ng oras na magpaligaw sa mga lalaki. May nagtatangka naman sa kanyang manligaw ngunit sinusungitan niya sa umpisa pa lang kaya hindi na siya nilalapitan pa. Itinuon niya ang buong atensiyon sa trabaho sa isang malaking kompanya. Siya na rin ang nagpaaral sa dalawa niyang kapatid hanggang ngayon.

"Hindi talaga ako magsasawa na tanungin ka sa mga tanong na 'yan dahil gusto ko malaman kung may balak ka pa bang mag-asawa. Matanda ka na, Andrea. Halos lahat ng mga kaklase mo ay may mga asawa't anak na. Ikaw na lang ang wala. Naunahan ka pa ng bunso mong kapatid na mag-asawa. Gusto mo ba na tumandang dalaga, ha? Gusto mo ba na tumandang mag-isa kagaya ng tita Sonia mo? May pera ka naman naiipon ngunit para saan ang mga 'yon kung hindi ka naman magpapamilya, ha? Bilang magulang mo ay iniisip ko ang kinabukasan mo. Gusto ko na magkaroon ka ng sarili mong pamilya. Tandaan mo ha, mawawala rin kami ng papa mo dito sa mundo. Ayaw namin na mag-isa ka sa buhay mo. Gusto namin na magkaroon ka rin ng sarili mong pamilya. Gusto namin na magkaroon ka ng asawa't anak dahil kapag tumanda ka na ay may mag-aalaga sa 'yo at hindi ka mag-iisa sa buhay. Hindi naman puwede na umasa ka sa mga kapatid mo dahil magkakaroon rin sila ng sariling pamilya lalo na ang bunso mo na kapatid na si Ivan," mahaba-habang paliwanag ni Merla sa anak niya na si Andrea na napapangiwi sa kanya.

Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Andrea bago sumagot sa ina niya.

"Alam ko naman po 'yon, eh. Wala naman pong problema sa akin kung tumanda akong dalaga at mag-isa sa buhay. Hindi naman na po ako mag-aasawa pa, eh. Matanda na rin ako, sigurado na mahihirapan na akong manganak nito kung sakali. Matagal ko na po na tinangap sa sarili ko na hindi 'yan para sa akin," nakanguso na sagot ni Andrea sa ina niya.

"Ano'ng sinasabi mo na matagal mo nang tinangap, ha? Ano'ng ibig mong sabihin, ha? Ang magiging matandang dalaga ka at tatandang mag-isa, ha? Iyon ba ang ibig mong sabihin, Andrea?" nakakunot ang noo na tanong ng ina niya sa kanya.

"Opo. Ganoon na nga po, eh. Walang mag-aasawa sa akin, hindi rin po 'yon para sa akin. I was born to live my life without it. Hindi na rin po ako umaasa sa mga bagay na 'yon. Tanggapin n'yo na lang po kung ano ang gusto ko na mangyari. Alam ko naman po ang ginagawa ko na desisyon sa buhay. Ito po ang desisyon ko kaya ito po ang ginagawa ko," paliwanag ni Andrea sa ina niya.

"Puwede ka na magdesisyon para sa sarili mo ngunit kailangan mo rin naman na magdesisyon na alam mo na hindi mo pagsisisihan sa bandang huli. Walang masama sa sinasabi ko sa 'yo na mag-asawa ka na. Para lang naman ito sa 'yo, eh. Ikaw lang naman ang magkikinabang nito, Andrea. Kaya sana ay makinig ka sa sinasabi ko sa 'yo. Please lang, Andrea. Hindi ito para sa amin ng papa at mga kapatid mo. Ito ay para sa 'yo, para sa kinabukasan mo na alam namin na magiging maayos ang lahat kapag wala na kami sa mundo na 'to," paliwanag ni Merla sa anak niya na si Andrea.

"Hindi ko naman po 'to pagsisisihan sa bandang huli dahil ito po ang desisyon ko. Ang bawat desisyon ko po sa buhay ay hindi nakabase sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid ko. Ang bawat desisyon ko po ay nakabase kung ano ang nangyayari sa akin mula noon hanggang ngayon dahil alam ko na ito ang magdadala sa akin sa kung ano man ang naghihintay na mangyari sa mga susunod na taon. Alam ko po na hindi n'yo naiintindihan ang mga sinasabi ko ngunit ang pakiusap ko lang po ay sana respetuhin n'yo na lang po ang desisyon ko sa buhay. Kung ano man po ang mangyari sa akin sa desisyon ko ay wala po akong pagsisisihan o sisisihin na tao kahit kayo po na mga magulang ko," mabigat ang loob na sagot ni Andrea sa ina niya. "Magpapahinga na po ako dahil may trabaho pa po ako bukas. Kailangan ko po na maagang gumising. Pasensiya na po."

Hindi na nagsalita pa si Merla pagkasabi ng anak niya na si Andrea. Hinayaan na lang niya ito na iwan siya sa sala. Alam niya na masama na naman ang loob nito dahil sa mga pinagsasabi niya ngunit hindi naman 'yon ikasasama ng anak niya. Ang lahat ng sinasabi niya kay Andrea ay ikabubuti nito. Alam niya na tama ang sinasabi niya bilang isang ina sa kanyang anak. Walang ina ang magsasabi sa anak niya na ikasasama o ikapapahamak nito.

Umupo si Merla sa sofa at inalala ang mga sinabi sa anak niya na si Andrea. May tumulong luha mula sa kanyang mga mata kaya mabilis naman niya 'yon na pinunasan.

Lumuluha rin na pumasok si Andrea sa kanyang kuwarto matapos 'yon. Masama ang loob niya sa kanyang ina dahil sa paulit-ulit na pagtatanong kung kailan siya mag-aasawa. Rinding-rindi na talaga siya araw-araw sa sinasabi ng kanyang ina na para bang walang kapaguran sa bagay na 'yon. Alam naman ni Andrea sa sarili niya na hindi siya magkakaroon ng asawa't anak dahil kung magkakaroon siya ay noon pa dapat. Naiwanan na siya ng lahat ng mga biyahe. Sa edad niya ay masasabi para sa iba na huling biyahe na 'yon at kung hindi pa siya makakasakay ay talagang habambuhay na siyang maiiwanan.

Pabagsak na humiga siya sa kanyang malambot na kama at umiyak nang umiyak. Napakabigat ng kanyang dibdib at puno ng mga katanungan ang kanyang isip. Pakiramdam pa niya ay para siyang sasabog ng wala sa tamang oras o panahon. Bakit ba siya ganoon? Bakit hindi niya makuha ang mga bagay-bagay na nakukuha ng mga kaibigan o kakilala niya nang napakadali na para sa kanya ay suntok sa buwan kung makuha niya kagaya ng pagkakaroon ng boyfriend o asawa? Kaya ba nangyayari ang mga nararanasan niya ngayon ay dahil sa mga desisyon niya noon?

Sa loob-loob ni Andrea ay gusto niya na magkaroon ng asawa't anak ngunit napakailap ng pagkatataon na 'yon sa kanya. Gustuhin man niya na magkaroon ng asawa't anak wala naman siyang magagawa kundi ang harapin at tanggapin ang lahat ng mga nararanasan niya ngayon na para sa kanya ay isang malaking sumpa. Napapaisip na lang siya kung may nagawa ba siyang malaking kasalanan sa past life niya kaya kailangan niya na magdurusa ngayon?

Hindi namamalayan ni Andrea na habang umiiyak siya ay tinatangay na siya ng antok dahilan upang siya ay makatulog na nang mahimbing. Nagising na lang siya kinabukasan na medyo magaan na ang pakiramdam. Kahit papaano ay nawala ang bigat ng dibdib niya sa pag-iyak kagabi. Naalala pa rin niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi naman na niya inisip pa 'yon dahil ayaw niya na makaapekto pa 'yon sa mood niya at lalo na papasok siya sa kanyang trabaho. Ayaw niya na dalhin 'yon sa trabaho.

Kumain muna siya ng almusal bago pumasok sa trabaho. Tahimik lang siya habang kumakain silang pamilya. Hindi rin naman siya kinakausap ng ina niya na alam niya ay nag-aalangan na kausapin siya dahil kagabi. Ayaw naman na niya muna na kausapin ang ina niya dahil baka magtanong na naman ito kagaya kagabi na palagi nitong tinatanong sa kanya. Tahimik siyang umalis sa kanilang bahay papunta sa kompanya na pinagtatrabauhan niya. Maaga siyang umalis sa kanilang bahay kaya maaga rin siyang nakarating sa opisina. Hindi naman kalayuan ang kompanya na pinagtatrabauhan niya sa bahay nila.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
132 Chapters
Chapter 1
"Kailan ka ba mag-aasawa, ha? Thirty two years old ka na, Andrea. Gusto mo bang tumandang dalaga, ha? Gusto mo ba gumaya sa tita Sonia mo, ha? Wala na sa kalendaryo ang edad mo," sunod-sunod na tanong ng ina ni Andrea na si Merla sa kanya kung kailan ba siya mag-aasawa. Thirty two years old na siya ngunit hindi pa rin siya nag-aasawa. Naunahan pa siya ng bunso niyang kapatid na si Ivan na mag-asawa. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay.Napapakamot na lang si Andrea sa kanyang ulo sa paulit-ulit na tanong sa kanya ng ina niya. Araw-araw ay 'yon na mismo ang naririnig niya mula sa bunganga nito. Naririndi na siya sa sinasabi nito sa kanya."Ma, hindi ka po ba magsasawa sa katatanong sa akin ng mga tanong na 'yan, ha? Araw-araw na lang po ay 'yan ang naririnig ko mula sa bibig mo po," reklamo ni Andrea sa ina niya na nakakunot ang noo. Gustong-gusto na kasi siya nito na mag-asawa ngunit ang problema ay wala naman sa kanyang gustong mag-asawa na lalaki. Wala naman siyang boyfri
last updateLast Updated : 2023-05-26
Read more
Chapter 2
"Ba't ka nakabusangot, ha? Biyernes santo ba ngayon, ha? Malayo-layo pa ang Holy week, Andrea. 'Wag kang ganyan. May problema ka ba, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea na kaibigan niya sa opisina. Napansin kasi nito na malungkot siya. Napangiwi si Andrea sa kanyang kaibigan na naghihintay sa isasagot niya."Wala akong problema," mahinang sagot ni Andrea kay Gretta. Sa sagot niya na 'yon ay hindi kumbinsido si Gretta sa kanya."Talaga ba? E, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang inutangan nang Biyernes santo, eh. Ano ba ang nangyari, ha? Kilala kita, Andrea. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin kaya sabihin mo na ang totoo. Hindi ko naman sasabihin kahit kanino, eh. Kaibigan mo ako, 'di ba?" pangungumbinsi na sagot ni Gretta kay Andrea.Umupo muna si Andrea sa kanyang upuan. Magkatabi ang desk nilang dalawa ng kaibigan niya na si Gretta kaya nakakapagdaldalan sila sa oras ng trabaho. 'Wag lang talaga sila magpapahuli sa boss nila na nagdadaldalan habang nagtatrabaho dahil talagang lagot
last updateLast Updated : 2023-05-26
Read more
Chapter 3
Nadagdagan na naman ang mga iniisip ni Andrea kinagabihan dahil sa panibagong suggestion sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta. Kung ayaw nga niya na mag-asawa ay puwede naman na magkaroon siya ng anak. May mga pagpipilian siya; mag-adopt o kailangan niya na magkaroon ng sperm donor na puwede na artificial insemination o natural method. Kailangan lang ay pumili ng isa ni Andrea. Gusto rin niya na mag-adopt ng dalawang bata ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niya na magkaroon ng anak na mula talaga sa kanya. May dalawang pagpipilian siya kung gusto niya na magkaroon ng anak na sarili niya ngunit kailangan niya ng sperm donor and it's either artificial insemination or natural method ang kanilang gagawin.May punto naman ang kaibigan niya na si Gretta na kung artificial insemination ang pipiliin niya ay mapapagastos siya at marami pang proseso ang gagawin kumpara sa natural method na mapapatipid siya at kaunti lang ang proseso na gagawin lalo na kung nagkakatugma sila ng lalaki na
last updateLast Updated : 2023-05-27
Read more
Chapter 4
Maagang pumasok si Andrea kinabukasan na may ngiti sa mga labi. Akala niya ay wala pa ang kanyang kaibigan na si Gretta ngunit nagulat siya pagkakita rito na nakangiti sa kanya."Good morning!" nakangising bati ni Gretta sa kanya na mabilis naman niya na binigyan ng tugon."Good morning rin sa 'yo! Himala na maaga ka ngayon na pumasok," sagot ni Andrea sa kaibigan niya na si Gretta na kinunutan tuloy siya ng noo. "For your information maaga naman akong pumapasok, 'no? Hindi naman ako palaging late kagaya ng iba d'yan na pagaling late," maarteng pagkakasabi ni Gretta sa kaibigan niya na si Andrea. Napatawa tuloy si Andrea sa facial expression ng kaibigan niya."May pinaparinggan ka ba, ha? Hindi naman ako palaging late, 'no? Palagi nga akong nauuna na pumasok sa 'yo," nakangiwing sagot ni Andrea."I know. Relax ka lang dahil hindi naman ikaw ang pinaparinggan ko, eh," sagot ni Gretta kay Andrea."E, sino ang pinaparinggan mo kung hindi ako, ha? May kaaway ka na naman ba?" nagtatakang
last updateLast Updated : 2023-06-21
Read more
Chapter 5
"Nagugutom na ako. Hindi ka pa ba nagugutom, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea pagkalabas nila sa company building na pinagtatrabauhan nila. Gabi na nang makalabas sila kaya dahil sa iba't ibang mga ilaw sa paligid ay hindi gaanong madilim. May tinapos pa kasi silang urgent documents sa opisina."Nagugutom na rin ako, eh," mahinang sagot ni Andrea. "Saan mo gusto kumain? Dinner na rin naman na, eh."Hindi muna sumagot si Gretta sa kaibigan niya. Nag-iisip muna ito ng puwede nila na kainan bago sila umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Naisip niya ang bagong bukas na kainan na malapit lang sa pinagtatrabauhan nila."Alam ko na kung saan tayo kakain ngayon," nakangising wika niya sa kaibigan na si Andrea na seryosong nakatingin sa kanya."Saan ba? May naiisip ka na ba kung saan tayo puwede na kumain ngayon? Iyong mura lang na puwede natin kainan. Mahirap na sa panahon ngayon na gumastos nang gumastos. Mahirap at nakakapagod kumita ng pera lalo na sa panahon ngayon na lahat ng mga bilihin ay
last updateLast Updated : 2023-06-22
Read more
Chapter 6
"Single ka pa ba? Wala ka ba talagang girlfriend?" pangungumpirma na tanong ni Gretta sa isang college student na lalaki na kasama nilang pumipila sa counter sa grocery store para magbayad ng binili nito. Dumaan muna kasi silang dalawa na magkaibigan sa grocery store dahil nagpapasama si Andrea dahil may bibilhin siya. Hiyang-hiya na si Andrea sa ginagawa ng kaibigan niya na si Gretta. Pati ba naman college student ay gusto nitong tanungin kung gusto na maging sperm donor niya. Napapahilamos na lang siya sa hiya."Opo. Single naman po ako," magalang na sagot ng lalaki na ang pangalan ay Jeremy. "Bakit mo po tinatanong?" Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan pagkatanong ng college student na si Jeremy."E, gusto lang namin malaman kasi—""Kasi ano po ba? Ano po ba ang kailangan n'yo sa akin?" nakakunot ang noo na tanong ni Jeremy sa kanilang dalawa. Tahimik lang si Andrea habang hinihintay niya na magsalita ang kanyang kaibigan na si Gretta.Bago sumagot si Gretta ay nagpakawala muna
last updateLast Updated : 2023-06-23
Read more
Chapter 7
Papalabas na sa kanilang bahay si Andrea nang biglang tumunog ang cell phone sa loob ng bag niya. Kaagad naman niya na kinuha ito para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Pangalan ng kaibigan niya na si Gretta ang nabasa niya sa screen ng cell phone niya."Ano naman kayang kailangan ng babaeng 'to? Bakit na naman tumatawag ito?" bulong ni Andrea sa sarili habang dahan-dahan na sinasagot ang tawag ng kaibigan niya. Nagpawala muna siya nang malalim na buntong-hininga at nagsalita sa kanilang linya."O, ba't ka napatawag ngayong umaga? Paalis na ako sa bahay namin at papunta na ako d'yan sa opisina. Nand'yan ka na ba?" tanong ni Andrea kay Gretta na humugot nang malalim na buntong-hininga. "Wala. Wala pa ako sa opisina ngayon. Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning, ha?" nagtatampo na sagot ni Gretta kay Andrea na mabilis naman niya na tinawanan. "Okay, fine. Good morning to you, Gretta. Why are you calling me this early morning? Do you have a problem, huh?" sagot ni An
last updateLast Updated : 2023-06-24
Read more
Chapter 8
Andrea could feel her heart beats so fast as she stares at his handsome face. She could feel something she hasn't felt before to other men. Maybe it's her first time to feel it with him. "Naghahanap ka po ba ng mauupuan para kainin 'yan na pagkain mo po?" magalang na sagot ni Andrea sa guwapong lalaki na hindi niya alam ang pangalan. Mabilis na ibinuka ng guwapong lalaki ang bibig nito para magsalita sa kanya."Oo. Naghahanap nga ako, eh, kaso nga lang ay wala na akong mahanap na bakanteng mesa. Balak ko nga sana na i-take out na lang 'to na in-order ko na pagkain dahil wala naman akong maupuan," sagot ng guwapong lalaki sa kanya."Ganoon ba? 'Wag mo na pong i-take out 'yan na in-order mo na pagkain. Dito mo na lang po 'yan kainin sa loob. Mag-isa lang naman po ako na kumakain, eh, kaya ay puwede ka naman po na kumain sa mesa na kinakainan ko. Share na lang po tayo. Mukhang wala naman sa 'yo gusto na makipag-share ng kanilang mesa. Dito ka na lang po umupo sa harap ko," sabi ni Andre
last updateLast Updated : 2023-06-25
Read more
Chapter 9
"Wala ka na ba talagang balak na mag-asawa? Hindi pa naman huli siguro. Thirty two years old ka pa lang naman, eh. Hindi pa huli para sa 'yo, Andrea," wika ni Martin sa kanya. "You still have a chance and you shouldn't waste it. Sayang naman kung hindi ka mag-aasawa." May punto naman si Martin sa sinabi niya kay Andrea ngunit buo na ang desisyon niya. Hindi na talaga siya mag-aasawa pa kahit ano'ng gawin na pilit ng mga taong nasa paligid niya. Maghahanap na lang talaga siya ng lalaki na mapapayag niya na maging sperm donor niya para magkaanak siya kahit isa man lang.Andrea licked her lips and sighed deeply before she answers him."Wala na, wala na akong balak pa na mag-asawa pa, eh," nakangusong sagot niya kay Martin. "E, paano 'yan? Tatanda kang walang asawa't anak n'yan. Walang mag-aalaga sa 'yo 'pag matanda ka na at hindi na makagalaw. Kawawa ka naman n'yan. Mag-asawa ka na lang kaya, Andrea. 'Wag kang magalit sa sinasabi ko dahil para naman 'to sa 'yo, eh," sabi ni Martin kay A
last updateLast Updated : 2023-06-26
Read more
Chapter 10
"Can I have your number?" Namilog ang dalawang mga mata ni Andrea nang marinig niya na hinihingi ni Martin ang kanyang cell phone number. Hindi niya inaasahan na hihingiin nito ang cell phone number niya kaya. "You want to have my number, huh?" pangungumpirma pang tanong ni Andrea kay Martin na kaagad naman na tumango sa kanya. "Yes. Puwede ko ba mahingi ang cell phone number mo?" tanong muli ni Martin kay Andrea. "Bakit mo naman gusto na mahingi ang cell phone number ko? Bibigyan mo ba ako ng load araw-araw?" sagot ni Andrea na may kasamang biro. Ngumiti si Martin sa kanya at nagsalita, "Hinihingi ang number bibigyan kaagad ng load araw-araw? Nakakatawa ka naman, Andrea. Hindi ko hinihingi ang cell phone number mo para bigyan ka ng load araw-araw." Napatawa si Andrea."E, bakit mo hinihingi ang cell phone number ko? Gusto mo ba akong maging text mate, huh?" tanong pa ni Andrea. Martin shrugs his shoulders and said, "Maybe yes. If I would have time, I'll text you, Andrea.""Why wo
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status