"Single ka pa ba? Wala ka ba talagang girlfriend?" pangungumpirma na tanong ni Gretta sa isang college student na lalaki na kasama nilang pumipila sa counter sa grocery store para magbayad ng binili nito. Dumaan muna kasi silang dalawa na magkaibigan sa grocery store dahil nagpapasama si Andrea dahil may bibilhin siya. Hiyang-hiya na si Andrea sa ginagawa ng kaibigan niya na si Gretta. Pati ba naman college student ay gusto nitong tanungin kung gusto na maging sperm donor niya. Napapahilamos na lang siya sa hiya.
"Opo. Single naman po ako," magalang na sagot ng lalaki na ang pangalan ay Jeremy. "Bakit mo po tinatanong?"Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan pagkatanong ng college student na si Jeremy."E, gusto lang namin malaman kasi—""Kasi ano po ba? Ano po ba ang kailangan n'yo sa akin?" nakakunot ang noo na tanong ni Jeremy sa kanilang dalawa. Tahimik lang si Andrea habang hinihintay niya na magsalita ang kanyang kaibigan na si Gretta.Bago sumagot si Gretta ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga. "Puwede ka ba na maging sperm donor ng kaibigan ko?" mahinang tanong ni Gretta kay Jeremy na namilog kaagad ang mga mata sa kanyang narinig. Mababakas sa mukha niya ang pagkakabigla sa tanong na 'yon."Sperm donor po? Tinatanong mo po ako kung gusto ko na maging sperm donor ng kaibigan mo po?" pangungumpirma niya sabay turo kay Andrea na pinagpapawisan ng malamig sa ginagawa ng kaibigan niya na walang hiya-hiya.Guwapo naman si Jeremy. Maputi. Matangkad. Mukha naman na matalino at mabait kaso nga lang ay nag-aaral pa. Bata pa kung iisipin."Oo. Kailangan kasi niya ng sperm donor para magkaroon siya ng anak. Gusto mo ba na maging sperm donor niya?" sabi pa ni Gretta sa college student na si Jeremy."May bayad po ba?" mabilis na sagot ni Jeremy na mukhang interesado kung may bayad. Mabilis na tumango si Gretta habang si Andrea ay napangiwi na lang sa harap nila."Oo. May bayad syempre. Wala naman na libre sa panahon ngayon, eh. So pumapayag ka na maging sperm donor ng kaibigan ko? Makikipag-sex ka sa kaibigan ko, remember?" sagot ni Gretta na nakangisi."Sige po. Pumapayag po ako. Kailangan ko po kasi ng pera, eh. Kailangan na kailangan ko po talaga ang pera lalo na ngayon na malapit na ang final exams namin. Pumapayag po ako. Magdo-donate lang naman po ako ng aking sperm cells sa kaibigan mo na maganda. Nagkapera na po ako, nasarapan pa ako at nagkaanak pa ako ng hindi ko kailangan na sustentuhan," sagot ni Jeremy kay Gretta na nakangiti. Kinindatan pa nga silang dalawa nito.Napaubo si Andrea matapos marinig ang sinabi na 'yon ng college student na si Jeremy. Hindi niya gusto ang sinabi nito. Willing nga siya na mag-donate ng kanyang sperm cells ngunit ayaw naman ni Andrea na gawin 'yon sa college student na si Jeremy. Ayaw niya na samantalahin ang kawalan ng pera nito para lang mapapayag na mag-donate ng sperm cells sa kanya. Hindi 'yon maganda para sa kanya. Gusto niya ay ang walang ibang dahilan kundi ang tulungan siya na magkaroon ng anak. Sa sitwasyon ni Jeremy ay gusto nito na mag-donate ng sperm cells sa kanya dahil sa kailangan nito ng pera.Tuwang-tuwa si Gretta nang marinig mula sa bibig ni Jeremy na pumapayag nga ito na mag-donate ng kanyang sperm cells kay Andrea. Kaagad naman niya na hinarap ang kaibigan na si Andrea at nagsalita, "Good to hear from you, Jeremy. You're such a good boy. Narinig mo ba 'yon, Andrea? Pumapayag na si Jeremy na mag-donate ng kanyang sperm cells sa 'yo para magkaroon ka ng anak. Hindi na tayo mahihirapan na mahahanap pa." Nakangusong tinapunan ni Andrea ng tingin si Gretta. Hindi siya nagsalita kaya nagsalita muli ang kanyang kaibigan na si Gretta."O, bakit? Ayaw mo ba, ha? Pasalamat nga tayo dahil may nahanap kaagad tayo na gusto na mag-donate ng sperm cells sa 'yo. Tatanggihan mo pa ba si Jeremy? Wala namang masama kung estudyante pa siya, eh. Nasa tamang edad naman na siya. He's twenty one years old. Sperm cells lang naman niya ang kailangan mo. Ayaw mo n'yan, bata pa siya. Talagang makakabuo kaagad n'yan."Wala pa ring sagot si Andrea sa kaibigan niya. Tumungo siya at kaagad na pinasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang bag at kinuha ang kulay itim niya na wallet at binuklat. Kumuha siya ng dalawang libo at mabilis na iniabot kay Jeremy 'yon at nagsalita, "Kung kailangan mo ng pera para sa pag-aaral mo ay kunin mo na 'tong binibigay ko na pera. Dalawang libo 'yan, bigay ko na sa 'yo. Hindi mo kailangan i-donate ang sperm cells mo para lang magkaroon ako ng anak. Hindi mo 'yon kailangan na gawin. Salamat na lang sa 'yo pero mas importante ang pag-aaral mo, okay? Mag-aral ka ng mabuti. 'Wag kang magbubulakbol. Isang taon na lang ay ga-graduate ka na. Sabi mo sa amin ay huminto ka sa pag-aaral ng isang taon dahil sa wala kang pag-tuition, kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon na nag-aaral ka para kapag nakatapos ka sa 'yong pag-aaral ay makakahanap ka ng magandang trabaho at makakatulong ka sa pamilya mo. Mabibili mo ang lahat ng gugustuhin mo. 'Wag mambabae, okay? 'Wag maglalaro sa apoy dahil mahirap na. Ilaan mo na lang 'yang sperm cells mo sa babaeng mamahalin mo nang buong puso. Maliwanag ba, ha? Sorry pero hindi ko matatanggap 'yon."Hindi makapaniwala si Gretta sa narinig niya mula kay Andrea. Nanlaki ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang dalawa na magkaharap. Tinanggap naman ni Jeremy ang pera na binibigay ni Andrea sa kanya. Hindi man 'yon gaano kalaki ay makakadagdag na 'yon sa pambayad niya sa tuition niya."Maraming salamat po sa bigay mo na pera. Maraming salamat po. May pangdagdag na ako sa pambayad ko sa tuition ko. Maraming salamat po talaga. Pero paano ka po kung ayaw mo na mag-donate ako ng sperm cells para magkaanak ka? Paano ka po n'yan?" nag-aalalang tanong ni Jeremy kay Andrea. Nagpasalamat na rin naman siya sa bigay nito na pera.Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Andrea bago sumagot kay Jeremy."Walang anuman 'yon. Hindi man gaano kalaki ang ibinigay ko sa 'yo ngunit alam ko na makakatulong na rin 'yon sa 'yo. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo, okay? 'Wag mambabae. Mag-focus ka lang sa pag-aaral mo. Isang taon na lang ay makakapagtapos ka na rin. 'Wag mo na akong isipin. Isipin mo na lang ang sarili mo. Kung kailangan mo ng tulong mula sa amin ng kaibigan ko na si Gretta ay huwag kang mahihiya na lumapit. Maghahanap na lang kami ng iba. Salamat sa 'yo, Jeremy. Masaya kaming nakilala ka kahit papaano," nakangising sagot ni Andrea kay Jeremy.Tumango-tango si Jeremy pagkasabi ni Andrea habang tahimik lang si Gretta na nakikinig sa kanila na nakakunot ang noo."Sige po. Maraming, maraming salamat po talaga. Masaya rin po ako na nakilala ko kayong dalawa ngayong gabi na 'to. 'Pag wala ka po talaga mahanap na magiging sperm donor mo ay nandito lang po ako. Willing po ako na mag-donate anytime. Kung gusto mo po ay asawahin mo na lang po ako," sagot ni Jeremy na tumatawa. Nagawa pa niyang magbiro sa harap ng dalawang dalaga lalo na sa harap ni Andrea. Tumawa lang si Andrea at hindi na nagsalita pa hanggang sa makabayad sila sa counter at makalabas sa loob ng grocery store na 'yon."Bakit mo tinanggihan ang college student na si Jeremy, ha? Bakit ba ayaw mo sa kanya? Ano ba'ng problema mo sa kanya? Sayang 'yon, tinanggihan mo pa, eh. Hindi na tayo mahihirapan kung hindi mo siya tinanggihan. Sperm cells lang naman ang kailangan mo sa kanya, 'di ba? Ewan ko ba sa 'yo at tinanggihan mo na naman 'yon. Pangalawa na 'to, Andrea," reklamo ni Gretta kay Andrea na napapakamot sa kanyang ulo.Ipinaliwanag ni Andrea sa kaibigan niya na si Gretta kung bakit niya tinanggihan ang college student na si Jeremy. Sinimplehan lang niya ang paliwanag na 'yon at sinigurado niya na maiintindihan 'yon ng kaibigan niya."Ganoon ba 'yon? Kaya mo siya tinanggihan, ha?" nakangiwing tanong ni Gretta kay Andrea."Oo. Maghanap na lang tayo ng iba, huwag na ang mga kagaya niya. Hindi naman tayo tumitingin sa estado ng buhay nila, kailangan lang natin—""Kailangan lang ba natin ng ano, ha?" tanong pa ni Gretta kay Andrea."Kailangan lang natin balansehin ang mga bagay-bagay, Gretta. Hindi ibig sabihin ay gusto na nila ay gusto na rin natin kahit alam natin na may kailangan sila unahin kaysa sa kagustuhan natin. Kailangan na isaalang-alang rin natin ang mga gagawin nila na desisyon, hindi lang sa atin. Sana ay naiintindihan mo ako sa sinasabi ko sa 'yo," seryosong sagot ni Andrea kay Gretta."Ang lalim ng sinabi mo, ha? Hindi ko maintindihan, hindi binibiro lang naman kita, Andrea. Napakaseryoso na naman ng mukha mo ngayon. 'Wag mong seryusohin ang mga sinasabi ko, okay? Naiintindihan ko naman 'yon, eh. OA lang talaga ako," sagot ni Gretta."Mabuti ay alam mo na OA ka," sagot ni Andrea na napatawa. "Hindi si Jeremy ang lalaki na 'yon, Gretta. Hindi siya 'yon. Tiwala lang. 'Di ba 'yon ang sinasabi mo sa akin?""Oo. Iyon nga," sagot ni Gretta na nakangisi. "Kaya 'yon ang gagawin natin. Naiintindihan ko naman ikaw, eh. Magtiwala lang tayo pero sayang 'yon si Jeremy. Binigyan mo pa talaga ng pera.""Nakakaawa naman kasi, eh. Kaya binigyan ko na lang. Mukhang mabait naman siya, eh.""Mabuti ang ginawa mo, Andrea. Patunay 'yon na may mabuti kang puso. Iyon naman ang pinakaimportante, 'di ba?" sagot ni Gretta."Oo. Alam ko naman 'yon. Hangga't kaya natin na tumulong ay tumulong tayo kahit walang kapalit na maibigay-bigay sila sa atin, 'di ba? Ano pa ang kahalagahan ng pagtulong kung humihingi ka naman ng kapalit, 'di ba? Kapag tumulong ka, tumulong ka. May mga tao kasi na kapag tumutulong ay kailangan ay may maibibigay ka rin sa kanilang kapalit," nakangusong sagot ni Andrea."I strongly agree with you, Andrea. Actually, hindi naman pagtulong ang ginagawa nila," nakangising sagot ni Gretta."Ano?""Barter..." Humagalpak ng tawa si Gretta pagkasabi. Hindi na nagsalita si Andrea dahil alam na niya kung ano'ng ibig sabihin ng sinabi nito. May punto naman ang kaibigan niya na si Gretta sa sinabi nito.Papalabas na sa kanilang bahay si Andrea nang biglang tumunog ang cell phone sa loob ng bag niya. Kaagad naman niya na kinuha ito para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Pangalan ng kaibigan niya na si Gretta ang nabasa niya sa screen ng cell phone niya."Ano naman kayang kailangan ng babaeng 'to? Bakit na naman tumatawag ito?" bulong ni Andrea sa sarili habang dahan-dahan na sinasagot ang tawag ng kaibigan niya. Nagpawala muna siya nang malalim na buntong-hininga at nagsalita sa kanilang linya."O, ba't ka napatawag ngayong umaga? Paalis na ako sa bahay namin at papunta na ako d'yan sa opisina. Nand'yan ka na ba?" tanong ni Andrea kay Gretta na humugot nang malalim na buntong-hininga. "Wala. Wala pa ako sa opisina ngayon. Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning, ha?" nagtatampo na sagot ni Gretta kay Andrea na mabilis naman niya na tinawanan. "Okay, fine. Good morning to you, Gretta. Why are you calling me this early morning? Do you have a problem, huh?" sagot ni An
Andrea could feel her heart beats so fast as she stares at his handsome face. She could feel something she hasn't felt before to other men. Maybe it's her first time to feel it with him. "Naghahanap ka po ba ng mauupuan para kainin 'yan na pagkain mo po?" magalang na sagot ni Andrea sa guwapong lalaki na hindi niya alam ang pangalan. Mabilis na ibinuka ng guwapong lalaki ang bibig nito para magsalita sa kanya."Oo. Naghahanap nga ako, eh, kaso nga lang ay wala na akong mahanap na bakanteng mesa. Balak ko nga sana na i-take out na lang 'to na in-order ko na pagkain dahil wala naman akong maupuan," sagot ng guwapong lalaki sa kanya."Ganoon ba? 'Wag mo na pong i-take out 'yan na in-order mo na pagkain. Dito mo na lang po 'yan kainin sa loob. Mag-isa lang naman po ako na kumakain, eh, kaya ay puwede ka naman po na kumain sa mesa na kinakainan ko. Share na lang po tayo. Mukhang wala naman sa 'yo gusto na makipag-share ng kanilang mesa. Dito ka na lang po umupo sa harap ko," sabi ni Andre
"Wala ka na ba talagang balak na mag-asawa? Hindi pa naman huli siguro. Thirty two years old ka pa lang naman, eh. Hindi pa huli para sa 'yo, Andrea," wika ni Martin sa kanya. "You still have a chance and you shouldn't waste it. Sayang naman kung hindi ka mag-aasawa." May punto naman si Martin sa sinabi niya kay Andrea ngunit buo na ang desisyon niya. Hindi na talaga siya mag-aasawa pa kahit ano'ng gawin na pilit ng mga taong nasa paligid niya. Maghahanap na lang talaga siya ng lalaki na mapapayag niya na maging sperm donor niya para magkaanak siya kahit isa man lang.Andrea licked her lips and sighed deeply before she answers him."Wala na, wala na akong balak pa na mag-asawa pa, eh," nakangusong sagot niya kay Martin. "E, paano 'yan? Tatanda kang walang asawa't anak n'yan. Walang mag-aalaga sa 'yo 'pag matanda ka na at hindi na makagalaw. Kawawa ka naman n'yan. Mag-asawa ka na lang kaya, Andrea. 'Wag kang magalit sa sinasabi ko dahil para naman 'to sa 'yo, eh," sabi ni Martin kay A
"Can I have your number?" Namilog ang dalawang mga mata ni Andrea nang marinig niya na hinihingi ni Martin ang kanyang cell phone number. Hindi niya inaasahan na hihingiin nito ang cell phone number niya kaya. "You want to have my number, huh?" pangungumpirma pang tanong ni Andrea kay Martin na kaagad naman na tumango sa kanya. "Yes. Puwede ko ba mahingi ang cell phone number mo?" tanong muli ni Martin kay Andrea. "Bakit mo naman gusto na mahingi ang cell phone number ko? Bibigyan mo ba ako ng load araw-araw?" sagot ni Andrea na may kasamang biro. Ngumiti si Martin sa kanya at nagsalita, "Hinihingi ang number bibigyan kaagad ng load araw-araw? Nakakatawa ka naman, Andrea. Hindi ko hinihingi ang cell phone number mo para bigyan ka ng load araw-araw." Napatawa si Andrea."E, bakit mo hinihingi ang cell phone number ko? Gusto mo ba akong maging text mate, huh?" tanong pa ni Andrea. Martin shrugs his shoulders and said, "Maybe yes. If I would have time, I'll text you, Andrea.""Why wo
Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Andrea bago sumagot sa tumatawag sa kanya na walang iba kundi si Martin na nakilala niya noong isang gabi sa isang fast-food chain. Humingi ito ng sorry sa kanya dahil sa hindi kaagad nakapagpakilala sa kanya bago tumawag."Bakit ka napatawag ngayon, huh? Ano ba'ng kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Martin took a very deep and said, "Gusto ko lang tanungin ka na kung puwede ba tayo magkita bukas. Kung hindi ka puwede ay okay lang naman, eh. Kung busy ka sa umaga o hapon ay baka puwede na magkita tayo sa gabi sa isang restaurant para mag-dinner." "Bakit naman natin kailangan na magkita bukas, huh? May importante ka ba na sasabihin sa akin bukas?" tanong pa ni Andrea kay Martin."Oo. May importante akong sasabihin sa 'yo bukas kung puwede ka, eh. Hindi naman kita tatawagan para tanungin kung hindi naman 'yon importante. Puwede ba tayong magkita bukas? Can we have a dinner tomorrow?" paliwa
Pinauna muna ni Andrea na umalis ang kaibigan niya na si Gretta bago siya lumabas sa company building na pinagtatrabauhan nila upang hindi siya makita nito na may kasamang lalaki. Sinigurado muna niya na nakaalis na si Gretta bago siya lumabas. Naghihintay na sa kanya si Martin na ilang beses ng tumawag sa kanya. "Nasaan ka na ba, huh? Kanina pa ako sa 'yo naghihintay dito sa labas ng company building n'yo. May ginagawa ka pa ba? Matagal pa ba 'yan, huh?" naiinip na tanong ni Martin kay Andrea sa kabilang linya."Wait lang. Papalabas na ako. 'Wag ka naman mainip d'yan. Maghihintay ka lang naman, eh," sagot naman ni Andrea kay Martin na napapakamot sa kanyang ulo."Okay. Akala ko ay wala ka na ngang balak pa na lumabas d'yan sa loob ng company building n'yo. Bilisan mo please," sabi pa ni Martin kay Andrea."Ba't parang nagmamadali ka, huh? May lakad ka pa ba pagkatapos natin na mag-dinner tonight, huh?" tanong ni Andrea kay Martin. Narinig ni Andrea na humugot
It's unbelievable for Andrea na marinig 'yon mula kay Martin na ang babaeng tinutukoy nito sa kanya noong isang gabi nang magkakilala sila ay walang iba kundi si Ella Marie Sebastian na katrabaho niya na secretary ni Mr. Rodriguez. Si Ella Marie ay kaibigan ni Clarissa na kaaway nila ng kaibigan niya na si Gretta. Hindi niya inaasahan na may gusto pala si Martin kay Ella Marie. Napagtanto niya na kaya pala tinatanong nito si Ella Marie nang malaman niya kung saan siya nagtatrabo dahil doon rin nagtatrabaho ang babaeng natitipuhan nito na maging girlfriend niya.Andrea took a very deep breath and bit her lips before she speaks to him."So papayag ka na maging sperm donor ko pero kailangan na tulungan rin kita na mapalapit ka kay Ella Marie upang maging girlfriend mo siya?" pangungumpirma pa na tanong ni Andrea kay Martin na mariing tumango sa kanya."Oo. Iyon nga ang magiging agreement nating dalawa, Andrea. Papayag ako na maging sperm donor mo. Magdo-donate ako sa 'yo pa
"Sino ang kasama mo kagabi, huh? Sino ba 'yon na lalaki na kasama mo? Magkasama kayong sumakay sa isang mamahalin na sasakyan. Sino ba 'yon, huh?" mabilis na tanong ni Gretta kay Andrea pagkalapit nito sa kanya. Kinabahan kaagad si Andrea sa mga tanong na 'yon ng kaibigan niya na si Gretta. Naalala niya bigla ang nangyari kagabi kung saan nagkita sila ni Martin at kumain ng dinner sa isang restaurant upang magkaroon ng kasunduan. Hindi muna siya sumagot kay Gretta kaya nagtanong muli ito sa kanya."Bakit hindi ka makapagsalita, huh? Ikaw ba 'yon na nakita namin kagabi na may kasamang guwapong lalaki na may mamahalin na sasakyan, huh? Sagutin mo ako please, Andrea. Sino ba ang lalaki na 'yon kung ikaw nga ang nakita namin ng boyfriend ko na si Roman kagabi?"Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Andrea bago tuluyan na sumagot sa kaibigan niya na atat na atat na marinig ang sagot niya."Nakita n'yo ako kagabi ni Roman na may kasamang guwapong lalaki na may mamaha
Nalaman ng lahat ang nangyari kay Clarissa. Walang natuwa sa sinapit nito kahit na nga ay maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang kasamaan. Inoperahan si Clarissa sa kanyang ulo at pinutol ang isa niyang binti. Sa nangyaring 'yon sa kanya ay marami siyang na-realize sa buhay niya lalo na ang mga kasalanan niyang nagawa sa mga taong sinaktan niya. Pinatawad naman na siya nina Andrea, Gretta at Ella Marie sa mga kasalanan niya kahit hindi siya humingi ng tawad dito. Pinakilala na rin ni Martin si Andrea sa mga magulang niya na hindi makapaniwala sa nalaman nila na si Andrea lang pala ang babaeng minamahal ng kanilang anak. Kilalang-kilala na nila si Andrea kaya naman natuwa sila nang malaman na siya pala ang babaeng napupusuan ng anak nila. Tanggap na tanggap nila si Andrea sa pamilya nila at para na rin sa anak nila na si Martin. Sinabi nila na nagdadalang-tao na si Andrea at magkakaroon na sila ng apo. Labis ang tuwang nararamdaman nito."Kailan n'yo balak na magpakasal na da
Nagbihis muna silang dalawa ni Martin sa loob ng kuwarto niya bago bumaba para kumain ng dinner. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Martin nang bumaba sila mula sa kuwarto niya patungo sa dining room. Nagkatinginan lang ang mag-asawa na sina Merla at Roberto sa nakikita nila. Mukhang may good news na sasabihin ang dalawa sa kanila. Iyon ang nasa isipi nilang mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang kababa pa lang mula sa taas.Bago umupo ang dalawa sa upuan para kumain ay sinabi na nga nila ang magandang balita na 'yon sa mga magulang ni Andrea. Inanunsiyo na nilang dalawa na magkasintahan na sila. Tuwang-tuwa naman ang dalawang mag-asawa sa nalaman nila na 'yon mula sa kanila. "Masayang-masaya kami para sa inyong dalawa. Wala kaming ibang nasabi kundi ang maging maligaya kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo na para bang wala nang bukas pa," nakangising wika ni Merla sa kanilang dalawa na magkasintahan na. Nandoon sa dining room ang mga kapatid ni Andrea kaya narinig nila ang good ne
Pinuntahan ni Martin si Andrea sa bahay nito. Hindi sana siya papasukin ni Andrea sa bahay nito ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang niya ay pinapasok na niya ito sa bahay nila. Nagpaliwanag si Martin sa mga magulang ni Andrea kung bakit nagkakaganoon ang anak nila."Nagseselos lang 'yang anak namin na si Andrea kaya nagkakaganyan 'yan," sabi ni Merla kay Martin pagkapasok nito sa loob ng bahay.Tumango naman si Martin sa ina ni Andrea at ngumiti bago nagsalita. "Oo nga po, eh. Wala naman po siyang kailangan na ipagselosan o ikagalit. Siya lang naman ang mahal ko po. Hindi ko na po mahal ang babaeng nakita niya kanina na kayakap ko, eh. Siya na po ang mahal ko ngayon at wala nang iba pa. Alam n'yo naman po 'yan, 'di ba po? Akala niya po siguro ay niloloko ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin 'yon kailan pa man sa babaeng mahal ko. She's the only one for me," sagot naman ni Martin sa harap ng mga magulang ni Andrea. Ngumiti naman ito sa kanya a
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali."Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya. "Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Inihatid muna ni Martin si Andrea sa kompanyang pinagtatrabauhan nito bago siya tumungo sa mansion nila kinabukasan. Pinapapunta siya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok kaagad siya sa mansion nila. Naghihintay na ito sa loob sa kanya. Bumeso muna siya sa mga magulang niya. Umupo siya sa harap nito."May importante po ba kayong sasabihin sa akin ngayong umaga na 'to?" tanong niya sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita ang isa sa kanila. Sabay na tumango ito sa kanya."Oo. May importante kaming sasabihin ng daddy mo ngayon kaya ka namin pinapunta dito sa mansion natin," malumanay na sagot ni Aurora na mommy niya sa kanya."Ano po 'yon na sasabihin n'yo sa akin na importante?" mabilis naman na tanong niya. Sinenyasan ni Antonio ang asawa niya na si Aurora na sabihin na nito ang sasabihin nila. Huwag na nilang patagalin pa 'yon. "Ikatutuwa mo siguro ang sasabihin namin na 'to, Martin. Siguradong-sigurado kami ng daddy mo," sabi nito sa kanya na h
"Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin kanina," sabi ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Ilang minuto na rin silang magkausap. Martin wasn't surprised as he heard that from her. He's expecting that he would confess his feelings for her. Wala naman siyang takot sa ginawang 'yon ng best friend niya. Alam niya naman na sa kanya lang si Andrea at kailanma'y hindi ito makukuha kahit sino pa man 'yan."I'm expecting for that he would confess his feelings for you, honey. Wala namang problema 'yon sa akin dahil alam ko na sa akin at isa pa ay best friend ko siya at hindi niya gagawin na agawin ka sa akin. Kahit naman agawin ka niya sa akin ay hindi naman niya makukuha ang puso mo because it's mine already," sabi ni Martin sa kanya sa kabilang linya. Kampanteng-kampante ito na hindi mawawala sa kanya si Andrea dahil mahal siya nito at mahal niya rin ito. Kahit sabihin na hindi pa naman sila magkasintahan na dalawa ay panatag ang loob niya na hindi mapupunta sa iba ang babaeng minam
Andrea shared to her friend Gretta about what really happened last night. Masayang-masaya ito na kinukuwento ang lahat ng mga nangyari kagabi sa kaibigan niya kinikilig rin kagaya niya. "Akala ko pa naman ay sasagutin mo na siya kagabi. 'Yung ginawa niya kagabi ay para bang magkasintahan na kayong dalawa. Napaka-romantic sa totoo lang. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa inyo kagabi ay masasabi ko na punong-puno ng pag-ibig ang gabing 'yon sa inyong dalawa ni Martin. Sinagot mo na dapat siya," masayang wika ni Gretta kay Andrea."Hindi ko pa naman siya sasagutin kagabi, eh. May tamang panahon para d'yan, Gretta. 'Wag muna tayong magmadali, okay?" sagot ni Andrea sa kaibigan niya. Tumango-tango si Gretta pagkarinig ng sinabi niya. "E, kayong dalawa ng boyfriend mo? Kumusta ang dinner n'yo kagabi?""Okay naman ang naging gabi namin ng boyfriend ko. We had sex last night, Andrea. Naka-ilang rounds nga kami. E, kayo did you have sex last night?" nakangising sagot ni Gretta kay Andre
"Para sigurado ako sa gabing 'to ay nakiusap ako sa kanila na ipaghanda ako nila ng mga dresses na babagay sa 'yo para kapag nagreklamo ka o gusto mo na magpalit ng damit ay hindi imposible 'yon, honey. Dahil gusto mo na magpalit ng isusuot mo na damit ay sasama ka sa kanila ngayon sa dressing room na nandito sa loob. They'll assist you there. Aayusan ka nila para magmukha kang mas maganda sa gabing 'to. Tutulungan ka rin nila na mamili ng dress na gusto mong isuot. Sumama ka na muna sa kanila. Maghihintay lang ako sa 'yo. Maghihintay ako sa prinsesa ko. Kahit ano'ng gusto mo ay sabihin mo lang sa kanila. Wala kang dapat na ipag-alala pa, honey. Bayad ko ang lahat. Gumastos lang naman ako ng mahigit isang milyon sa gabing 'to kaya wala kang dapat na ipag-alala. Do you understand me, honey?" paliwanag ni Martin sa kanya. Hindi nakapagsalita si Andrea sa sinabing 'yon ni Martin sa kanya lalo na nang sabihin nito na gumastos lang naman siya ng mahigit isang milyon sa gabing 'to."Nilalan
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma