“MANONG DOY, ibaba mo na lang ako dyan,” sabi ni Genis sa kanyang driver nang makarating sila sa ospital. Inihinto ng matanda ang sasakyan, mabilis siyang bumaba at pasimpleng naglakad patungo sa suite na kinaroroonan ni Mayor Alcazar. Dinatnan niya itong nag-iisa sa loob ng kuwarto habang kung anu-anong apparatus ang nakasaksak dito.
Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa walang malay na matanda. “Sayang at mukhang inunahan na ako ng Diyos saiyo. Ang dami ko pa naman sanang gustong gawin saiyo,” bahagya pa siyang napailing, waring nanunuya ang kanyang mga mata, “Hindi tuloy tayo makakapaglaro.”
Bumukas ang pinto, paglingon niya ay nakita niya ang butihing asawa ni Mayor, “Genis?”
“Nagmamadali akong pumunta dito nang mabalitaan ko ang nangyari kay Mayor,” kunwa’y nag-aalalang sabi niya sa babae. Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang kaibiganin niya si Mayor. Sa katunayan, isa siya sa may pinakamalaking donasyon sa pagpapatayo ng bagong plaza sa bayan ng Sta. Elena. Madalas rin ay present siya sa mga charity events ng pamilya ni Mayor. Magiliw na magiliw ang pakikitungo ng buong pamilya ni Mayor sa kanya, in fact ay naging kaibigan na rin niya ang mga anak nito.
Sayang nga lamang at mukhang kukunin na ito ng Maykapal, hindi na niya maiisakatuparan pa ang mga plano niya dito.
Nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ng ginang, “Dalawang araw na siyang unconscious. Pumutok ang ugat sa batok niya. Ang sabi ng doctor, 10 percent na lang ang tsansa niyang maka-survive. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kapag nawala sya sa amin,” tuluyan na itong napaiyak.
Inalo niya ang matandang babae. In fairness naman dito ay likas dito ang pagiging mabait kaya nga nakailang terms na di Mayor ay hindi ito matalo-talo ng kalaban. Nagsasalitan lang ito sa puwesto ng mga anak nito. At alam niyang malaking factor si Mrs. Alcazar sa panalo ng mga ito.
“Magdasal na lang tayong maka-survive siya,” aniyang muling bumaling sa walang malay na Mayor. Kung siya lang ang masusunod ay gusto talaga niyang maka-survive ito. Gusto niyang siya ang unti-unting kumitil sa buhay nito. Gusto niyang maranasan nito ang lahat ng sakit na naranasan niya nang mamatay ang buong pamilya niya.
Unti-unting nagtangis ang kanyang mga bagang. Sayang at mukhang hindi na niya maipararamdam dito ang lahat ng naramdaman niya nuon. Mukhang hindi na ito makaka-survive pa.
Habang pinagmamasdan si Mayor sa pagkakaratay nito, pakiramdam niya ay nabalik siya sa panahon nang makita niya ang tatay niyang nakahandusay sa lupa, sabog ang utak. Napakuyom ang kanyang mga palad. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niyang napapanaginipan ang mga nangyari eighteen years ago. At kahit ano yatang gawin niya ay hindi na mabubura sa utak niya ang lahat ng iyon.
“WENDY, anak, hindi porke’t gusto ko si Genis para saiyo ay pumapayag na kong makisama ka sa kanya!” Matiim ang mga matang sabi ni Ben sa anak habang kumakain sila ng almusal saka bumaling sa asawa, “Ikaw, wag mong kinukunsinti ang anak mo.”
“Look who’s talking? Ikaw nga itong oo lang ng oo sa mga plano ng inaanak mo eh.” Sagot ni Linda sa kanya.
Umikot ang kanyang eyeballs saka muling bumaling sa anak, “Huwag kang masyadong pahalata na patay na patay ka sa kanya!”
“Papa naman eh!” Nagmamaktol na sabi ni Wendy, “Matapos lang ang palabas na ito, magpapakasal kami ni Genis.”
“Hindi naman kayo totoong magkasintahan, ni hindi nga nagpaparamdam saiyo ang lalaking iyon, tapos gusto mong totohanan ang palabas ninyo?” aniya sa anak.
“Papa, saan pa baa ng punta ng relasyon naming ito ni Genis? Wala namang ibang babae sa buhay nun kundi ako lang. At hindi ko papayagang maagaw siya ng iba sakin,” anang dalaga sa kanya, “Saka Pa, hindi ba kaibigan ni Genis iyong huwes na nagkasal sa kanila sa Baguio? Nangako sakin si Genis na madali lang niyang mahihiwalayan ang babaeng iyon!”
Kumunot ang nuo ni Ben, “May pinanghahawakan ka ba sa kanya? Kung wala, huwag kang mag-assume!” nailing na sabi niya rito saka muling naglagay ng kanin sa pinggan, “Basta mag-iingat ka pa rin. Ang lalaki ay lalaki at kahit parang anak na rin ang turing ko kay Genis, mapapatay ko sya oras na sinaktan ka nya!”
“Papa, hindi naman siguro ako magagawang saktan ng lalaking iyon. Bah, Malaki yata ang utang na loob niya saiyo. Kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi niya mararating kung anuman ang narating niya ngayon.” Buong pagmamalaking sabi sa kanya ni Wendy.
“Anak, narating ni Genis ang kinalalagyan niya ngayon dahil sa kanyang galling! Kahit wala siguro ang tulong ko, magiging matagumpay pa rin siya.”
“Pero without your guidance, hindi siya magiging ganyan katapang, ‘Pa! Look at him now, ang layo na sa unang Genis na nakilala ko.”
Natigilan siya. Malaki talaga ang impluwensya niya para mahubog si Genis kung sino ito ngayon. Sino nga ba ang mag-aakala na iyong dating iyaking bata ay wala ng kinatatakutan ngayon? Pinatapang ito at pinatatag ng mga pinagdaanan nito sa buhay.
“AMANDA, kumusta ang buhay may asawa?” Tanong ng Kuya Lukas niya nang tawagan siya nito sa telepono. Sa lahat niyang kuya, sa Kuya Lukas niya siya pinaka-close palibhasa ay three years lamang ang agwat ng kanilang edad. Ito ang pinakamatalino sa kanilang magkakapatid kaya sa tatlo niyang Kuya, ito rin ang may pinakamalaking sweldo. IT ito ng isang malaking kompanya dito sa Maynila. Nuong isang taon lang ito ikinasal at kasalukuyang 7 months pregnant na ang asawa nito.
Wala siyang itinatago sa Kuya Lukas niya. Very vocal siya dito kapag may problema siya. Pero this time ay naisip niyang ilihim na lamang ang pinagdadaanan nya. Ayaw niyang madagdagan pa ang pag-aalala ng kanyang pamilya lalo pa at nang magpropose si Genis sa kanya, isa ito sa mga tumutol dahil kaka-graduate lang niya sa college. Ang gusto sana ng mga kapatid niya ay e-enjoy muna niya ang pagiging dalaga at subukan muna niyang iapply ang lahat ng mga natutunan niya sa college. Ngunit dahil minamadali siya ni Genis magpakasal at ayaw nitong pagtrabahuhin pa siya ay ganito na nga ang nangyari.
God, baka mapatay ng mga ito si Genis oras na malaman ng mga ito ang ginagawa nito sa kanya.
“O-Okay naman Kuya,” pilit niyang pinasigla ang tinig, “Maasikaso si Genis sakin. H-halos ayaw na nga akong pagalawin dito sa bahay. Reynang-reyna talaga ako dito sa bahay. Ang lambing niya. At. . .at never na nagbago ng pakikitungo sakin. P-Para pa nga niya akong nililigawan hanggang ngayon eh,” Hindi na niya napigilan ang mapaluha.
Naalala niya ang binitiwang mga salita ni Genis sa pamilya niya nang hingin nito ang basbas ng mga ito: Ipinapangako ko po sa inyo na paliligayahin ko ang anak ninyo at ituturing na parang isang reyna. Makakaasa po kayong pakamamahalin ko siya habang buhay.
Napakagat labi siya. Kabaligtarang lahat iyon ng ipinapakita ngayon sa kanya ni Genis.
“Amanda, umiiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong ng Kuya Lukas niya sa kanya.
Pinilit niyang tumawa, “Masayang-masaya lang ako Kuya. Ang swerte-swerte ko kay Genis, hindi ba?” May pait sa mga labing sabi niya.
“Basta kapag may problema or pinakitaan ka ng lalaking ‘yan ng di maganda, sabihin mo lang samin para bugbugin namin ang asawa mo,” pabirong sabi nito sa kanya.
Tinawanan lamang niya iyon. Kung alam lamang ng mga ito ang nangyayari ngayon, malamang ay sumugod na ito dito at pinagtulungan si Genis. Tuluyan na siyang napahagulhol matapos ang pakikipag-usap sa kapatid.
NAGPAPAHINGA SI AMANDA nang pumasok si Wendy at gisingin siya. “Labhan mo iyong mga damit ko!” Utos nito sa kanya, “Make sure malinis na malinis iyon. Mamahalin ang mga damit ko kaya ihandwash mo lahat!” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinahihigaan. Sino ba sa akala nito ang babaeng iyon na basta na lamang darating sa bahay anytime nitong gustuhin na akala mo ay ito ang asawa. Kung inaakala nitong isusuko niya ang pagiging may bahay niya kay Genis, nagkakamali ito. Hindi niya bibigyan ng satisfaction si Wendy na ibigay ang gusto nitong mangyari. Kailangan lang niyang maging metatag. Siya ang asawa. Kahit na pinakasalan lamang siya ni Genis para mapasakitan siya, the mere fact na ibinigay nito sa kanya ang pangalan nito ay mas may karapatan pa rin siya dito kesa kay Wendy. At ipaglalaban niya ang karapatan niyang iyon! Muli siyang pumikit at bumalik sa pagtulog. Maya-maya ay nari
“DAD, Mom, biglaan naman ang pasyal nyo dito, ni hindi kayo nagpasabi,” Natatarantang sabi ni Amanda sa mga magulang nang bigla na lamang itong sumulpot sa bahay nila. “Isang lingo na simula nang ikinasal ka, ni hindi mo man lamang kami naalalang tawagan ng Mommy mo,” anitong iginagala ang mga mata sa kabuuan ng bahay, “Ang laki pala at ang ganda ng bahay nyo,” dagdag pa nito saka kumunot ang nuo, “Teka, bakit mukhang nangangayayat ang prinsesa ko?” “Ito naman, syempre naninibago ang anak mo sa buhay may asawa. Nasaan nga pala ang asawa mo?” Anang ina niya. “Naliligo po Ma,” sagot niya. Ang totoo ay kinakabahan siya sa ipapakita sa mga ito ni Genis. Tiyak na magkakagulo kapag nalaman ng mga ito ang nangyayari sa kanila ng asawa. “Sandali lang po at igagawa ko kayo ng maiinom.” Aniyang nagtungo sa kusina. Sinundan siya ng Mommy niya duon. “Kumusta ka naman, anak?” “Masaya naman, Mommy. Ang bait-bait sakin ni Genis. Mas
“ITAY. . .” Napahagulhol si Genis, niyakap niya nang ubod higpit ang ama, “Patawarin nyo ako kung wala akong nagawa. . .’ “Genis. . .” Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya si Amanda na, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Bumangon siya ay yumakap dito habang umiiyak. Pagkatapos ng napakahabang panahon, ngayon lang siya muling umiyak. Pinakawalan niya ang lahat ng galit at pangungulila sa pamilya na nararamdaman niya. “Wala man lamang akong nagawa,” sabi niya rito, “Naririnig ko silang nagmamakaawa pero nagtago lang ako. Wala akong ginawa para matulungan sila,” aniya kay Amanda, kailangan niyang ilabas lahat ng nasa dibdib niya or else sasabog na iyon. “Ang sakit-sakit. Hindi ako patahimikin ng konsensya ko.” Naramdaman niya ang mga kamay nitong humagod sa likuran niya. Kahit paano ay nakatulong iyon para maibsan ang bigat ng dibdib na nadarama. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat nito.RAMDAM NI A
NASA kusina sina Imee at Amanda nang marinig nila ang malakas na boses ni Wendy sa salas. Nangigigil siya dahil basta na lamang ito dumarating anytime nito gustuhin. “Hindi mo inilock ang pinto,” sita niya kay Imee, “Alam mo namang nagkalat ang magnanakaw dito sa Maynila.” Magnanakaw na gaya ni Wendy na ibig nakawin ang puso ng asawa niya. Nagmamahalan kami, tanda niyang sabi sa kanya ni Genis ngunit iba ang naririnig miyang sinasabi ng damdamin nito. Hindi siya convince na may pagtingin nga rito ang kanyang asawa. Marahil ay isa lamang iyon sa mga palabas ng mga ito para pasakitan siya. Gayunpaman ay nagseselos pa rin siya. Babae pa rin naman si Wendy. “Amanda!” Palahaw ni Wendy ngunit kunwa’y wala siyang naririnig. Mas lalo namang natrigger si Wendy, yamot na hinila nito ang buhok niya, “Kapag tinatawag ko ang pangalan mo, lalapit ka kagad!” “Ma’m. . .” sabi ni Imee na takot na takot nakatayo lang habang pinapanuod sila.
“MAAWA KA NA, MALILIIT PA ANG MGA ANAK KO, saka pare, hindi ba inaanak mo si Andrei? Mahal na mahal ka ng anak kong iyon!” Nagsusumamong sabi ni Enrico habang nakaluhod ito sa harapan ni Genis. Ngunit parang walang naririnig si Genis, ikinasa niya ang baril na hawak niya at itinutok sa ulo nito. Napaihi sa takot ang lalaki. Si Enrico ay Filipino-Chinese na kasamahan nila sa kanilang underworld business. Ito ang namamahala ng mga ini-smuggle nilang armas sa Amerika na idinidistribute nila sa Asia. Ngunit last month ay nadiskubre niyang winawalanghiya siya nito at nakikipagsabwatan sa kakompetensya nilang grupo. “Genis, magkaibigan tayo,” mahina nitong sabi sa kanya, ramdam niya ang takot sa tinig nito. “Iyon na nga eh, akala ko magkaibigan tayo!” Singhal niya rito, “Pero anong ginawa mo? Hindi ba binalaan na kita bago ka pumasok sa grupo ko? Alam mo ang number one na patarakan ng grupong ito, hindi ba?” Napaiyak ito saka
PARANG batang sinupsop ni Genis ang kaliwang dibdib ni Amanda, bahagya itong napatingkayad sa kiliting idinulot ng ginawa niyang iyon dito. Mas lalo naman siyang na-excite nang makitang nagugustuhan nito ang ginagawa niya. Ang isa niyang kamay ay ipinuwesto niya sa pagitan ng mga hita nito habang sinasalat ang hiyas nito. Narinig niya ang mahinang ungol na tumakas mula dito, alam niyang nakadagdag kakaibang sensasyon ang ginagawa niyang ito dito. Sinimulan niyang ipasok ang isa niyang daliri sa loob niyon. Mas lalong lumakas ang ungol nito, lalo na nang laruin niya ang tungkil niyon. Ilang sandali pa at basing-basa na ito. Gumapang ang kanyang bibig mula sa dibdib nito paibaba duon. Ipinatong niya ang isang binti nito sa isa niyang balikat, saka pumuwesto sa tapat ng pagkababae nito. Inilabas niya ang kanyang dila at ipinasok doon. “Genis. . .” Halos maisigaw na nito ang pangalan niya habang naglalabas masok ang kanyang dila sa loob niyon, p
MATAPOS LABASAN ay parang nandidiring bumitaw si Genis kay Amanda. Gusto niyang murahin ang sarili dahil pansamantala ay nakalimot siya kanina habang nakikipagniig dito. Damn. Bumalik sa pagiging istrikto ang mukha niya. Nang tangkain siyang yakapin ni Amanda ay yamot niya itong itinulak. “Lalaki ako, may pangangailangan, at kahit kaninong babae, kaya kong ibigay ang ginawa ko saiyo,” aniya rito, hinila niya ang tuwalya sa rack at itinapis sa kanyang hubad na katawan, “Nga pala, ayoko ng pumapasok ka sa kwarto ko! Next time na pakialaman mo pa iyon, malilintikan ka sakin!” Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang lumabas sa kuwarto nito. Inis na inis siya nang pumasok sa kanyang kuwarto. What the hell am I thinking? Pumasok siya sa banyo at binuksan ang shower saka itinapat ang hubad niyang katawan. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng bakas ng katawan ni Amanda na nanduon. Damn, damn! Muli niyang naalala ang hitsura ng kanyang p
PAGLABAS NI AMANDA sa kuwarto ay dinatnan niya sina Genis at Wendy na nasa hapag kainan. Hindi nakaligtas sa kanya nang pasadahan siya ng tingin ni Wendy, umangat ang isang kilay nito ngunit hindi nito naikubli ang selos sa mga mata nito habang tinitingnan ang kagandahan niya. Palihim siyang napangiti. Nahuli rin niyang bahagyang natigilan si Genis, at ewan kung namamalikmata lang siya or nakita talaga niya ang piping pananabik sa mga mata nito nang tingnan siya. Pero pagkatapos ay muling nabalik sa pormal ang anyo nito saka hinarap ang pagkain. Si Wendy naman ay tila nanadya pang ipakita ang pagiging malambing kay Genis. Nilagyan pa nito ng pagkain ang pinggan nito, “Kumusta ang luto ko, ang sarap, hindi ba?” saka nilingon siya, “Pwede bang umalis ka dito, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!” bulyaw nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Tumayo si Wendy, “Nakikipagmatigasan ka ba sa akin, ha? Baka akala mo ipagtatanggol ka ni Genis?” Ni
“KAPAG HINDI KA NAGSABI ng totoo, tatamaan ka sakin!” galit na galit na sabi ni Genis kay Jericho nang mahuli ito ng mga pulis. Napangisi ang lalakii, tiningnan siya na waring nakakaloko,”May mapapala ba ko kung magsabi ako ng totoo? Ipakukulong nyo pa rin naman ako hindi ba? So mas mabutiing manahimik na lang ako.” Kwenelyuhan niya ito at akmang susuntukin na ngunit maagap siyang napigilan ng mga pulis. “Putang ina mo, ginagago mo ba ako? At ano bang napala mo sa pagpapakalat ng walang kwentang mga [ictures na iyon?” Tanong niya rito. Tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Iyong ngiting tila gustong-gusto siyang galitin. Pikon na pikon siya kung kaya’t di na siya nakapagpgil pa, mabilis niya itong nasuntok. Pupuruhan sana niya ito ngunit kaagad nahawakan ng dalawang pulis ang mga kamay niya. “Boss kami ng bahala sa kanya,” bulong pa sa kanya ng hepe ng pulis saka senenyasan ang mga tauhan n
NAPAKAGAT LABI SI AMANDA, alam naman niyang ginagawa nito ang lahat para makabawi sa lahat ng naging atraso nito sa kanilang mag-ina. At alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magduda. “Pinipilit ko namang kalimutan ang lahat. I’m sorry kung minsan, hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda,” sabi niyang ginagap ang isang kamay nito, muli na naman siyang napaiyak. Hangga’t maari ay ayaw na niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit mahirap rin naman sa parte nya na ibigay ang buong tiwala niya lalo pa at ilang beses na rin naman siya nitong binigo. “Gusto kong magwork ang relasyon nating ito. Hindi ko na yata kakayanin kapag naghiwalay tayong muli pero sana naman, bigyan mo ako ng chance na maging isang mabuting asawa saiyo at mabuting ama kay Gertrude. Nagsusumikap naman ako pero bakit parang hindi pa rin sapat?” Tanong nito sa kanya, ramdam nya ang sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito.
PINAKARIPAS NI GENIS ANG PAGPAPATAKBO ng sasakyan. Gusto niyang komprontahin si Charlene. Hindi niya alam kung anoa ng pakana nito sa buhay ngunit may kutob na siya ngayong sinadya nito ang nangyari. “Magkita tayo sa coffee shop sa ibaba ng building,” seryosong sabi niya kay Charlene nang tawagan niya ito. Napipikon siyang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Amanda na magpaliwanag. Ganitong-ganito ang nangyari nuon sa kanila at hindi na niya papayagang maulit pang muli iyon kaya kailangan niyang maresolba ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Nasa coffee shop na si Charlene nang dumating siya. Kaagad itong tumayo at akmang yayakap na naman sa kanya ngunit mabilis niya itong naitulak palayo. Seryoso ang mukha niya nang tingnan ito, “Hindi ko alam kung anong kalokohan ito, Charlene pero sigurado akong hindi ka inosente tungkol sa bagay na ito,” aniyang walang kangiti-ngiti habang nakatingin dito, “Paano tayo magkakaron ng intimate na mga lar
NASA LOOB NA SILA ng kotse nang hawakan ni Genis ang isang kamay niya at dalahin sa bibig nito para halikan, “I love you,” pagbibigay assurance nito sa kanya. Nahalata nito marahil na may katiting pa rin siyang selos na nararamdaman pagdating kay Charlene. “I love you too,” sagot niya rito. “Pero sana alam ni Charlene ang limitasyon nya.” “I know, hindi ako dapat ang tinatawagan niya ng ganitong oras,” sabi nito sa kanya, “Nawala lang siguro sa isip nya. Kahit naman kasi paano ay naging close na kami sa isa’t-isa, I hope ypu don’t mind,” anito sa kanya. “I understand. Pero sana next time marealize niya kung saan siya dapat na lumugar,” prangkang sabi niya rito, “Besides, bakit kailangan ka pa nyang tawagan eh obvious namang natawagan na niyang lahat ng mga kaibigan niya, pati mga pulis.” Aniya rito. Nagkibit balkat lang si Genis saka pina-andar na ang sasakyan. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay palai
NAPAUNGOL SI AMANDA nang hagurin ng mga labi ni Genis ang kanyang buong katawan, nagtagal iyon sa kanyang maumbok na mga dibdib, nilaro-laro nito ang dungot niyon kaya bahagya siyang napaigtad. “Genis,” daing niya habang hindi malaman kung saan ipipiling ang kanyang ulo. Napasabunot siya rito saka kagat ang pang-ibabang labi na ipinuloupot niya ang kanyang mga binti sa katawan nito, “Ohhh. . .Genis. . .” Nilamas nito ang isang suso niya habang ang dila nito ay nagpapaikot-ikot naman sa kabilang boobs niya. Ramdam niya ay pangangatas ng maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa sensasyong inihahatid sa kanyang katawan ng ginagawang iyon ng asawa. Nuong kasintahan niya si Tom ay ilang beses siya nitong tinangkang makuha ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong panunuyo ang gawin nito ay hindi niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kung kaya’t hindi siya natuksong ipagkaloob dito ang kanyang pagkababae.
“WHAT’S WRONG?” Tanong ni Genis nang lapitan si Amanda, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya kaya nahiga na ito kaagad sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito, saka hinalik-halikan ngunit nanatiling nakapikit si Amanda, bahagya pang umisod para lumayo sa kanya. “Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” Clueless na tanong niya sa asawa. Nagmulat ito ng mga mata, “May nagawa ka bang hindi ko dapat magustuhan?” Balik tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napatawa, “As far as I know, wala naman akong ginagawang masama kaya nga tinatanong kita. . .”sabi niya rito, ginagap niya ang isang kamay nito at dinala sa kanyang bibig, “baka naman pinaglilihian mo ako?”Pabirong sabi niya rito. Humaba ang nguso nito. “Amanda, kung may gusto kang linawin, please magsalita ka, hindi ganitong mananahimik ka lang,” Pakiusap niya sa asawa. Tinitigan siya nito ng matiim, “Ikaw, may gusto ka bang linawin sakin?” T
SINIGURADO muna ni Amanda na naihanda na niya ang almusal ni Gertrude bago siya gumayak patungong pilates session niya. Naging kaibigan kaagad niya ang ilan sa mga enrolees duon na sina Emily at Nicole. Kaya naman after ng kanilang session ay naisipan nilang mag-bonding sa isang coffee shop na malapit rin lang sa studio na pinagdausan ng kanilang pilates. “There was even a time na halos hindi na sya umuuwi sa bahay. Mas madalas pa nga niyang nakakasama ang secretary niya kesa sakin,” maktol pa ni Emily. “Nuong una, akala ko talaga trabaho lang, then isang araw, bigla akong nag-surprise visit, ayun nahuli ko ang husband kong nakapatong sa kanyang sekretarya!” “Naku, never trust your husband’s secretary lalo na kung batang-bata at maganda,” sabi naman ni Nicole na kakahiwalay lang sa asawa. Parang may sumipa na kung ano sa kanyang sikmura habang naiisip si Genis na nasa ibabaw ng maganda at batang-bata nitong sekretarya. Subukan lang n
“DO YOU ALWAYS MONITOR GENIS?” Pabirong tanong ni Charlene sa kanya ngunit malaman as if gusto nitong sabihin sa kanya na halatang insecure na insecure siya. Pilit na ngumiti si Amanda, “H-hindi naman. Naisipan ko lang pasyalan sya ngayon p-para sana tanungin kung gusto nyang mag-dinner na lang kami sa labas. Minsan rin mainam na mag-surprise visit,” pahayag niya rito. Nahuli niyang nag-angat ito ng isang kilay saka gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi nito. ‘’Well, hindi na ako magtatagal, ipaalala mo na lang kay Genis iyong dinner naming bukas, tutal naman nakapag-usap na kami in between meetings,” sabi nito sa sekretarya saka muling bumaling sa kanya, “I’ll go ahead, Amanda. . .” anitong akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin sa kanya, “By the way, are you pregnant? Parang malaki ang itinaba mo ngayon,” nakangising sabi nito saka tumalikod na nakangisi. Pinamulahan siya ng mukha. Kulang na lamang ay sabihin ntong mag-gym
“Mommy, fake news yan. Pati ba naman po kayo nagpapaniwala sa mga tsismis,” sabi ni Amanda sa ina nang tawagan siya nito at kausapin tungkol sa larawan nina Genis at Charlene na lumabas sa diyaryo, “Pinik up lang yan ng mga reporter para umingay ang pangalan ni Charlene. May bago kasi siyang program na lalabas.” Paliwanag niya sa ina. “Ke totoo o hindi ang tsismis, aba’y dapat huwag kang pakampante,” anang Mommy niya sa kanya, “Hindi porke’t mahal ka ni Genis ay hindi mo na aalagaan ng husto ang sarili mo,” Paalala nito sa kanya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Kailan mo ba huling pinamper ang sarili mo?” “Mukha na ba akong losyang, ‘ma?” tanong niyang muli na namang nakaramdam ng insecurities sa katawan. Kaninang magising siya ay napansin niyang tumataba siya at medyo dry ang kanyang buhok. May kamahalan naman kasi ang magpapa-parlor sa Ireland kaya madalang na madalang siyang pumapasok ng parlor duon. Nangunot ang nuo nito,