PAGLABAS NI AMANDA sa kuwarto ay dinatnan niya sina Genis at Wendy na nasa hapag kainan. Hindi nakaligtas sa kanya nang pasadahan siya ng tingin ni Wendy, umangat ang isang kilay nito ngunit hindi nito naikubli ang selos sa mga mata nito habang tinitingnan ang kagandahan niya. Palihim siyang napangiti. Nahuli rin niyang bahagyang natigilan si Genis, at ewan kung namamalikmata lang siya or nakita talaga niya ang piping pananabik sa mga mata nito nang tingnan siya. Pero pagkatapos ay muling nabalik sa pormal ang anyo nito saka hinarap ang pagkain. Si Wendy naman ay tila nanadya pang ipakita ang pagiging malambing kay Genis. Nilagyan pa nito ng pagkain ang pinggan nito, “Kumusta ang luto ko, ang sarap, hindi ba?” saka nilingon siya, “Pwede bang umalis ka dito, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!” bulyaw nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Tumayo si Wendy, “Nakikipagmatigasan ka ba sa akin, ha? Baka akala mo ipagtatanggol ka ni Genis?” Ni
“HINDI KO pinapakialaman ang mga ‘yan!” Hinawakan ni Genis ang magkabilang balikat ni Amanda, “Paano mapupunta saiyo ang mga ito kung hindi mo pinakialaman?” Galit na galit na tanong ni Genis sa kanya. Hindi siya makasagot. Wala talaga siyang ideya kung paano napunta sa kanya ang notebook na kulay itim. Nilinis lang niya ang kuwarto nito kaninang umaga ngunit wala siyang ginalaw na kahit na ano duon kung kaya’t pinagtatakhan niyang napunta ang notebook sa mga gamit niya. Tumiim ang mga mata ni Genis, “Talagang napakasinungaling mo! Huling-huli ka na nga, tumatanggi ka pa! Manang-mana ka talaga sa tatay mo!” Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha, “Huwag na huwag mong mainsulto ang tatay ko!” inis ng sabi niya rito. Matagal na siyang nagtitimpi pero nasosobrahan na ito. Hindi na niya kayang palampasin pa ang lahat ng sinasabi nito tungkol sa Daddy niya. Halos bumaon ang mga daliri nito sa kanyang balikat, “Bakit? Ano bang pa
ANIM na araw rin siyang naglagi sa Sta. Elena. Nagbus na lamang siya pabalik ng Maynila kahit pa nga mapilit ang Daddy niya na ihatid siya. Ayaw niyang mapagod pa ito sa pagmamaneho, besides, paano niya ipapaliwanag dito na pinagbabawalan siya ni Genis na tumanggap ng kahit sino sa pamilya niya sa pamamahay nito? Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ay sinalubong kaagad siya ng isang malakas na sampal ni Genis. Ang akala niya ay bukas pa ang dating nito kaya nagmamadali siyang umuwi ngayon. Hindi niya akalaing mapapaaga ang pag-uwi nito. “Hindi ka na nahiya? Nakisabay ka pa talaga sa Errald na iyon pauwi ng Sta. Elena?” Galit na sita nito sa kanya, hinawakan nito ang isang braso niya, “Ano? Nakipaglandian ka sa kanya sa daan, ha?” “Genis, ano bang pinagsasabi mo?” Aniyang hindi makapaniwala. Nasaktan siya sa sampal nito ngunit mas nasasaktan siyang akusahan nito ng isang bagay na ni minsan ay never niyang gagawin. Punong
NAGHAHANDA ng lunch si Amanda nang dumating si Wendy kasama ang ina nitong si Erlinda o Ninang Linda kung tawagin ni Genis. Diretso kaagad ang mga ito sa kusina kung saan andun siya. Sinipat siya ng matandang babae mula ulo hanggang paa saka bahagyang napaismid at inilinga ang tingin sa buong kapaligiran, “Ang tamad-tamad mo naman, ni hindi ka man lang naglilinis ng bahay,” sabi nito sa kanya saka muling napaismid, “Hindi ka na nahiya sa asawa mo, ang sipag-sipag magtrabaho pagkatapos nakahilata ka lang siguro maghapon.” “Naku Mommy, sinabi mo pa. Feeling prinsesa ang babaeng yan dito. Nagrereklamo nga si Genis sakin,” sabi naman ni Wendy, “Bukod sa tanghali na raw gumising, masyado pang pakialamera. Super assuming. Lahat raw ng gamit nya gustong pakialaman. Umaandar na naman siguro ang kakatihan ng kamay.” Napakagat labi siya. Gusto na niyang patulan ang mga ito ngunit alam niyang siya na naman ang mapapagalitan ni Genis kapag sinagot niya a
SI CARINA CORDOVA ay anak ng business partner niya. Ang mga negosyo ng pamilya nito ay nakabase sa Hongkong at Malaysia. First girlfriend niya si Carina. Seventeen years old pa lamang siya nang maging kasintahan niya ito at nag-uumpisa pa lamang siyang pamahalaan ang mga negosyo. That time ay hindi niya ito mabigyan ng sapat na oras dahil priority niya ang magpayaman. Three years rin ang itinagal ng kanilang relasyon. Wala siyang itinago kay Carina. Alam nito ang lahat-lahat sa kanya. At tinanggap nito iyon ng walang tanong-tanong. Hindi lang girlfriend ang turingan nila sa isa’t-isa. He considered her as his bestfriend. Kaya sobra siyang nasaktan nang wakasan nito ang relasyon nila dahil hindi na raw niya ito mabigyan ng sapat na oras. Ilang beses siyang nagmakaawa dito. Pero nakahanap na ito ng lalaking magbibigay ng mga kakulangan niya. Pagkatapos ng break up ay halos gabi-gabi yata siyang nag-iinom. Saksi si Wendy sa heartaches na pinagdaanan
NASA MEETING place na si Carina nang dumating si Genis. At gaya ng kanyang inaasahan, hindi pa rin naglalaho ang sex appeal nito kaya hindi na siya nagtataka kung maraming mga kalalakihan ang napapalingon sa kinaroroonan ng dalaga. Nakangiting nilapitan niya ito at humalik sa pisngi nito. “Mukhang marami na namang mga lalaki ang maiinggit sakin,” compliment niya rito, “You look stunning, Carina. And you haven’t aged.” “Ikaw rin naman,” sabi nito sa kanya, “Mas dumami nga lang ang pera mo ngayon!” Nagkatawanan sila. “How’s your bitch step-sister, by the way?” Tanong nito sa kanya. Napangisi siya. Nuon pa man ay hindi na magkasundo sina Wendy at Carina at palagi na ay magkakompetisyon sa lahat ng bagay. Ngunit mas lalo na ay sa atensyon niya. “She’s okay. I heard nag-enroll siya ng pilates,” sabi niya sa dalaga. “Really?” sabi nitong nag-angat ng isang kilay, “Hindi ba delikado iyon since kakapaayos
“KUYA LUKAS?” Nagulat si Amanda nang bigla na lamang itong sumulpot sa bahay nila ng araw na iyon. “Wala ka bang pasok?” Nagtatakang tanong niya rito, hindi niya alam kung bubuksan niya ang gate o hindi. Alas otso pa lamang ng umaga at nasa kuwarto pa nito si Genis, tiyak na mapapagalitan siya nito kapag pinapasok niya sa bahay ang kapatid. Ngunit mas malaking gulo kapag pinagtakhan ng Kuya Lukas niya na hindi man lamang niya ito pinapasok sa loob ng bahay kung kaya’t napilitan siyang pagbuksan ito ng gate. Walang kangiti-ngiti ang kapatid niya nang pumasok ito sa loob ng bahay. “Nasaan ang magaling kong bayaw?” Tanong nito, nagulat siya sa klase ng pagtatanong nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Natuklasan na ba nito ang nangyayari sa pagitan nila ni Genis? Bago pa siya makasagot ay lumabas na ng kuwarto nito si Genis, bagong paligo ito at nakabihis na. Ngumiti ito nang makita ang Kuya Lukas niya. “Good morni
KAGAYA NG INAASAHAN, nauna nang pumunta si Genis sa hotel kung saan gaganapin ang celebration para sa anniversary ng GenCo Corporation, ang isa sa mga itinatag na kompanya ni Genis at ng mga kaibigan nito. Siya ay ipinasundo na lamang nito kay Mang Doy, marahil ay upang huwag namang magtaka ang mga empleyado nito kung sakaling may makakitang nagcocommute siya. Alam rin niyang napilitan lang naman itong padaluhin siya sa kompanya nito since alam ng lahat na bagong kasal sila. Kung siya nga lamang ang masusunod ay mas gusto na lamang niyang mag-stay siya sa bahay dahil for sure maa-out of place lamang naman siya duon dahil wala naman siyang kakilala kundi si Genis lang. Pero ayaw niyang maging issue pa ito sa asawa kaya dumalo na rin siya. Simple lamang ang ayos niya. Manipis na make up lamang ang ipinalagay niya sa make-up artist na kinuha niya. Ipinataas lang din niya ang buhok niya. Ang suot niyang black gown na may mahabang slit sa tagiliran ay ipinada
“KAPAG HINDI KA NAGSABI ng totoo, tatamaan ka sakin!” galit na galit na sabi ni Genis kay Jericho nang mahuli ito ng mga pulis. Napangisi ang lalakii, tiningnan siya na waring nakakaloko,”May mapapala ba ko kung magsabi ako ng totoo? Ipakukulong nyo pa rin naman ako hindi ba? So mas mabutiing manahimik na lang ako.” Kwenelyuhan niya ito at akmang susuntukin na ngunit maagap siyang napigilan ng mga pulis. “Putang ina mo, ginagago mo ba ako? At ano bang napala mo sa pagpapakalat ng walang kwentang mga [ictures na iyon?” Tanong niya rito. Tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Iyong ngiting tila gustong-gusto siyang galitin. Pikon na pikon siya kung kaya’t di na siya nakapagpgil pa, mabilis niya itong nasuntok. Pupuruhan sana niya ito ngunit kaagad nahawakan ng dalawang pulis ang mga kamay niya. “Boss kami ng bahala sa kanya,” bulong pa sa kanya ng hepe ng pulis saka senenyasan ang mga tauhan n
NAPAKAGAT LABI SI AMANDA, alam naman niyang ginagawa nito ang lahat para makabawi sa lahat ng naging atraso nito sa kanilang mag-ina. At alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magduda. “Pinipilit ko namang kalimutan ang lahat. I’m sorry kung minsan, hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda,” sabi niyang ginagap ang isang kamay nito, muli na naman siyang napaiyak. Hangga’t maari ay ayaw na niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit mahirap rin naman sa parte nya na ibigay ang buong tiwala niya lalo pa at ilang beses na rin naman siya nitong binigo. “Gusto kong magwork ang relasyon nating ito. Hindi ko na yata kakayanin kapag naghiwalay tayong muli pero sana naman, bigyan mo ako ng chance na maging isang mabuting asawa saiyo at mabuting ama kay Gertrude. Nagsusumikap naman ako pero bakit parang hindi pa rin sapat?” Tanong nito sa kanya, ramdam nya ang sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito.
PINAKARIPAS NI GENIS ANG PAGPAPATAKBO ng sasakyan. Gusto niyang komprontahin si Charlene. Hindi niya alam kung anoa ng pakana nito sa buhay ngunit may kutob na siya ngayong sinadya nito ang nangyari. “Magkita tayo sa coffee shop sa ibaba ng building,” seryosong sabi niya kay Charlene nang tawagan niya ito. Napipikon siyang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Amanda na magpaliwanag. Ganitong-ganito ang nangyari nuon sa kanila at hindi na niya papayagang maulit pang muli iyon kaya kailangan niyang maresolba ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Nasa coffee shop na si Charlene nang dumating siya. Kaagad itong tumayo at akmang yayakap na naman sa kanya ngunit mabilis niya itong naitulak palayo. Seryoso ang mukha niya nang tingnan ito, “Hindi ko alam kung anong kalokohan ito, Charlene pero sigurado akong hindi ka inosente tungkol sa bagay na ito,” aniyang walang kangiti-ngiti habang nakatingin dito, “Paano tayo magkakaron ng intimate na mga lar
NASA LOOB NA SILA ng kotse nang hawakan ni Genis ang isang kamay niya at dalahin sa bibig nito para halikan, “I love you,” pagbibigay assurance nito sa kanya. Nahalata nito marahil na may katiting pa rin siyang selos na nararamdaman pagdating kay Charlene. “I love you too,” sagot niya rito. “Pero sana alam ni Charlene ang limitasyon nya.” “I know, hindi ako dapat ang tinatawagan niya ng ganitong oras,” sabi nito sa kanya, “Nawala lang siguro sa isip nya. Kahit naman kasi paano ay naging close na kami sa isa’t-isa, I hope ypu don’t mind,” anito sa kanya. “I understand. Pero sana next time marealize niya kung saan siya dapat na lumugar,” prangkang sabi niya rito, “Besides, bakit kailangan ka pa nyang tawagan eh obvious namang natawagan na niyang lahat ng mga kaibigan niya, pati mga pulis.” Aniya rito. Nagkibit balkat lang si Genis saka pina-andar na ang sasakyan. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay palai
NAPAUNGOL SI AMANDA nang hagurin ng mga labi ni Genis ang kanyang buong katawan, nagtagal iyon sa kanyang maumbok na mga dibdib, nilaro-laro nito ang dungot niyon kaya bahagya siyang napaigtad. “Genis,” daing niya habang hindi malaman kung saan ipipiling ang kanyang ulo. Napasabunot siya rito saka kagat ang pang-ibabang labi na ipinuloupot niya ang kanyang mga binti sa katawan nito, “Ohhh. . .Genis. . .” Nilamas nito ang isang suso niya habang ang dila nito ay nagpapaikot-ikot naman sa kabilang boobs niya. Ramdam niya ay pangangatas ng maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa sensasyong inihahatid sa kanyang katawan ng ginagawang iyon ng asawa. Nuong kasintahan niya si Tom ay ilang beses siya nitong tinangkang makuha ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong panunuyo ang gawin nito ay hindi niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kung kaya’t hindi siya natuksong ipagkaloob dito ang kanyang pagkababae.
“WHAT’S WRONG?” Tanong ni Genis nang lapitan si Amanda, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya kaya nahiga na ito kaagad sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito, saka hinalik-halikan ngunit nanatiling nakapikit si Amanda, bahagya pang umisod para lumayo sa kanya. “Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” Clueless na tanong niya sa asawa. Nagmulat ito ng mga mata, “May nagawa ka bang hindi ko dapat magustuhan?” Balik tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napatawa, “As far as I know, wala naman akong ginagawang masama kaya nga tinatanong kita. . .”sabi niya rito, ginagap niya ang isang kamay nito at dinala sa kanyang bibig, “baka naman pinaglilihian mo ako?”Pabirong sabi niya rito. Humaba ang nguso nito. “Amanda, kung may gusto kang linawin, please magsalita ka, hindi ganitong mananahimik ka lang,” Pakiusap niya sa asawa. Tinitigan siya nito ng matiim, “Ikaw, may gusto ka bang linawin sakin?” T
SINIGURADO muna ni Amanda na naihanda na niya ang almusal ni Gertrude bago siya gumayak patungong pilates session niya. Naging kaibigan kaagad niya ang ilan sa mga enrolees duon na sina Emily at Nicole. Kaya naman after ng kanilang session ay naisipan nilang mag-bonding sa isang coffee shop na malapit rin lang sa studio na pinagdausan ng kanilang pilates. “There was even a time na halos hindi na sya umuuwi sa bahay. Mas madalas pa nga niyang nakakasama ang secretary niya kesa sakin,” maktol pa ni Emily. “Nuong una, akala ko talaga trabaho lang, then isang araw, bigla akong nag-surprise visit, ayun nahuli ko ang husband kong nakapatong sa kanyang sekretarya!” “Naku, never trust your husband’s secretary lalo na kung batang-bata at maganda,” sabi naman ni Nicole na kakahiwalay lang sa asawa. Parang may sumipa na kung ano sa kanyang sikmura habang naiisip si Genis na nasa ibabaw ng maganda at batang-bata nitong sekretarya. Subukan lang n
“DO YOU ALWAYS MONITOR GENIS?” Pabirong tanong ni Charlene sa kanya ngunit malaman as if gusto nitong sabihin sa kanya na halatang insecure na insecure siya. Pilit na ngumiti si Amanda, “H-hindi naman. Naisipan ko lang pasyalan sya ngayon p-para sana tanungin kung gusto nyang mag-dinner na lang kami sa labas. Minsan rin mainam na mag-surprise visit,” pahayag niya rito. Nahuli niyang nag-angat ito ng isang kilay saka gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi nito. ‘’Well, hindi na ako magtatagal, ipaalala mo na lang kay Genis iyong dinner naming bukas, tutal naman nakapag-usap na kami in between meetings,” sabi nito sa sekretarya saka muling bumaling sa kanya, “I’ll go ahead, Amanda. . .” anitong akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin sa kanya, “By the way, are you pregnant? Parang malaki ang itinaba mo ngayon,” nakangising sabi nito saka tumalikod na nakangisi. Pinamulahan siya ng mukha. Kulang na lamang ay sabihin ntong mag-gym
“Mommy, fake news yan. Pati ba naman po kayo nagpapaniwala sa mga tsismis,” sabi ni Amanda sa ina nang tawagan siya nito at kausapin tungkol sa larawan nina Genis at Charlene na lumabas sa diyaryo, “Pinik up lang yan ng mga reporter para umingay ang pangalan ni Charlene. May bago kasi siyang program na lalabas.” Paliwanag niya sa ina. “Ke totoo o hindi ang tsismis, aba’y dapat huwag kang pakampante,” anang Mommy niya sa kanya, “Hindi porke’t mahal ka ni Genis ay hindi mo na aalagaan ng husto ang sarili mo,” Paalala nito sa kanya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Kailan mo ba huling pinamper ang sarili mo?” “Mukha na ba akong losyang, ‘ma?” tanong niyang muli na namang nakaramdam ng insecurities sa katawan. Kaninang magising siya ay napansin niyang tumataba siya at medyo dry ang kanyang buhok. May kamahalan naman kasi ang magpapa-parlor sa Ireland kaya madalang na madalang siyang pumapasok ng parlor duon. Nangunot ang nuo nito,