Share

NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY
NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY
Author: Michelle Vito

CHAPTER 1

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2022-08-02 08:21:38

"SINISIGURO kong pagsisihan niya ang araw na ito," paniniyak ni Genis sa kanyang sarili, hinubad niya ang kanyang suot na barong tagalog at itinapat ang katawan sa shower.  Katatapos lang ng kanilang civil wedding ni Amanda na ginaganap sa kanyang strawberry farm dito sa Baguio.  At ngayon ay nandito sila sa kanyang resthouse dito rin sa Baguio.  Sa edad niyang 28 years old ay marami na siyang naipundar na mga properties dito sa Pilipinas at sa iba't-ibang panig ng mundo.  Ngunit hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan para lamang marating ang kinalalagyan niya ngayon.  Sinong mag-aakala na iyong dating lampa at iyaking bata eighteen years ago ay magiging ganito na ngayon?

Napakuyom ang kanyang mga palad.  Hindi siya maaring magkamali sa bawat hakbang. Kailangan niyang maisukatuparan ang lahat niyang mga plano.  Kahit na kailan ay hindi niya sisirain ang pangakong binitiwan niya sa kanyang mga magulang at Ate Lyca.  Hindi niya ipagkakanulo ang mga ito ng dahil lamang sa isang babae.  "Titiyakin kong pagsisihan mo ang araw na pinakasalan mo ako," anang utak niya habang kinukuskos ang kanyang katawan.  Three years rin niyang hinintay ang sandaling ito.

Ngayon ay asawa na niya si Amanda.  Maisasagawa na niya ang kanyang mga plano.

WALANG PAGSIDLAN NG KANYANG kagalakan si Amanda Villa.  Wala na nga yata siyang mahihiling pa.  Hindi siya makapaniwalang sa araw na ito ay Mrs. Pagar na siya.  Habang hinuhubad ang kanyang wedding gown ay naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo.  Magkahalo ang excitement at nerbiyos na nararamdaman niya habang naiisip na sa gabing ito, handa na niyang ipagkaloob ang kanyang sarili sa lalaking kanyang pinakamamahal.

            Bigla bumilis ang tibok ng puso niya nang marealize na totohanan na ito.  Mag-asawa na sila ni Genis   Magsasama na sila sa iisang bahay!  Virgin pa siya kaya magkahalo ang mga damdaming nararamdaman niya.  Nakakatawang at the age of twenty three ay wala pa talaga siyang experience pagdating sa sex kaya madalas ay siya ang tampulan ng tukso ng mga kaibigan niya.  Saang planeta raw ba siya nanggaling.

            Ipinangako kasi niya sa kanyang sarili nuon na ibibigay lamang niya ang kanyang pagkababae kapag naikasal na siya.  Kaya laking pasasalamat niya kay Genis dahil kahit na kallan ay hindi siya nito pinilit.  Talagang tiniyaga nitong maghintay.  Isa iyon sa mga bagay na minahal niya dito bukod pa sa talaga namang napakabait nito sa kanya.  Ano pa nga ba ang mahihiling niya?

            Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang lalaking nagtataglay ng lahat ng mga characteristics na isinulat niya sa kanyang diary nuong high school siya.  God fearing, loving, at higit sa lahat ay very loyal.  Bunos na lamang ang pagiging tall, dark and handsome nito.

            Napahinto siya sa paghuhubad nang bumukas ang pinto ng banyo, lumabas si Genis, nakatapis ito ng tuwalya, walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa kanya.  O nakatitig sa mas tamang kahuligan ng salita.

            “W-what’s wrong sweetheart?”

            “Ngayon ang oras ng aking paniningil,” halos paanas lamang na sambit nito.

            “Paniningil?” Nagtaka pa siya nang makitang unti-unting napalitan ng galit ang walang ekspresyon nitong mukha, “S-Sinong may utang saiyo?” bahagya siyang napatawa, “Araw ng honeymoon natin, utang ang nasa isip. . .” Ang gulat niya nang bigla nitong haklutin ang mukha niya sa paraang waring hindi na makapagtimpi pa ng nararamdaman.  Napapikit siya dahil para siya nitong gustong sakalin. Ngayon lamang siya hinawakan ni Genis sa ganitong paraan.  Naguguluhang tiningnan niya ang asawa,  “Genis?”

            “Malaki ang atraso ng pamilya mo sakin, alam mo ba iyon?”

            Gulong-gulo ang isipan niya habang tinitingnan ito.  Ngayon lamang niya nakita ang gayong klase ng poot sa mga mata nito na para bang any moment ay sasabog iyon sa tindi ng pagkamuhi na nararamdaman, “Hindi kita maintindihan. . .sweetheart, if this is some kind of a joke, hindi ka na nakakatawa. . .please. . .”

            Mas humigpit ang hawak nito sa kanya, “Sa palagay mo ba nagbibiro lang ako?  Ang ama mo ang pumaslang sa buong pamilya ko.”

            Na-shock siya sa sinabi nito bagama’t hanggang ngayon ay malabo pa rin sa kanya kung ano ang tinutukoy nito.  Oo, alam niyang ulilang lubos na ito.  Lumaki ito sa Ninong nito na siya nang kumupkop ditto simula nang maulila ito.  Ngunit bukod duon ay wala na siyang alam tungkol kay Genis.  Kung may isang bagay man itong ayaw nitong pag-usapan nuon, iyon ay ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nito. 

            Paanong nasangkot ang Daddy niya sa pagkamatay ng mga magulang nito?

            “Three years kitang sinuyo.  Three years akong nagpanggap na mahal na mahal kita.  Alam mo bang sa loob ng tatlong taon na iyon, bawat oras na kasama kita, parang hinahalukay ang sikmura ko sa pandidiri, sa galit. . .sa tuwing tinitingnan kita sa mata, lahat ng mga masasakit na nangyari sa pamilya ko, lahat iyon nanariwa. . .”

            Parang hindi niya mapaniwalaan ang lahat ng naririnig niya kay Genis ng mga sandaling iyon.  Hindi siya makapaniwalang sa loob ng tatlong taon nilang pagiging magkasintahan ay nagkukunwari lamang pala ito.

            Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha, “G-Ginamit mo lang ako para makapaghiganti ka?  At saka bakit si Daddy ang pinagbibintangan mo sa nangyari sa pamilya mo?”

            “Dahil inutusan niya ang mga tauhan niyang patayin ang buong pamilya ko!!!!” Sigaw ni Genis sa kanya saka padarag siyang binitiwan at galit na galit na lumabas ng kuwarto.

            Napakurap-kurap siya.  Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap lamang ay biglang gumuho ang lahat ng mga pangarap niya.          

            Tatlong taon. 

            Tatlong taon na nagkuwanri si Genis na mahal na mahal siya nito para lamang bigyang katuparan ang plinaplano nitong paghihiganti?

            Muling nanariwa ang mga ala-ala kung paano silang nagkakilala ni Genis. . .

FLASHBACK:

            “Amanda, puros ka na lang eskwelahan, bahay.  Napaka-boring naman ng buhay mo!” Sita ng bestfriend niyang si Wendy sa kanya, nasa school canteen sila para sa kanilang lunch break.  Magkaklase sila ni Wendy since high school sa bayan ng Sta. Elena.  Siya ang valedictorian habang si Wendy naman ang kanyang salutatorian.  Ngunit hindi gaya niya, hindi studious si Wendy. Likas lang talaga ang pagiging matalino nito kaya kahit madalas ay naglalakwatsa ito, palagi pa ring matataas ang mga grades na nakukuha nito.  Hindi paris niya na kung hindi mag-aaral na mabuti ay hindi siya makakakuha ng matataas na grades.

            Nang mag-college ay sa Maynila na siya pinapag-aral ng Daddy niya.  Hindi naman sila mayaman.  Hepe ng kapulisan sa Sta. Elena ang Daddy niya.  Ngunit dahil bunso at only girl siya sa pamlya ay spoiled siya dito.  Kaya nang sabihin niya sa ama na gusto niyang mag-aral sa mamahalin at sikat na university ditto sa Maynila ay hindi tumutol ang kanyang Daddy bagkus ay all out support ito katulong ng kanyang mga Kuya at Mommy.

            Ang kanyang Kuya Efren ang sumagot ng baon niya.  Habang ang Kuya Rico naman ang nagbabayad ng dormitory niya.  At ang Daddy niya at Kuya Lukas ang sagot sa tuition fee niya.  Masscom ang kursong kinukuha niya.  Ang unibersidad na pinag-aaralan niya ay marami ng naproduce na mga sikat na news casters at umaasa siyang balang araw ay mapabilang siya sa mga ito.

            Third year college na siya nang muling magkasama sila sa iisang unibersidad ni Wendy.  Nagulat na nga lang siya isang araw ay nagkita sila.  From then on ay palagi na ulit silang magkasama kagaya nuong high school.  Ngunit hindi siya sumasama sa mga gimik nito.

            Ayaw niyang biguin ang kanyang mga magulang at mga kapatid na nagtutulong-tulong para makapag-aral siya.  Hindi kasi niya naipasa ang scholarship na inaplayan niya nuon.  Ngunit dahil ayaw siyang biguin ng pamilya niya sa mga pangarap niya ay nagtulong-tulong ang mga ito para mapaaral siya sa pangarap niyang unibersidad kung kaya’t hinding-hindi rin niya bibiguin ang mga ito.

            Ngunit ngayong araw na ito ay mas naging makulit si Wendy at mukhang walang balak na lubayan siya hangga’t hindi siya nito napapayag na sumama sa party mamayang gabi.

            “Promise, mag-eenjoy ka.  Saka may ipapakilala ako saiyo.  Ang guwapo.  Natatandaan mo iyong accidentally mabasa ko iyong diary mo ‘nung mag-sleep over ako sa bahay nyo?”

            Inirapan niya ang kaibigan, “Hindi accidentally!  Sinadya mong pakialaman at basahin ang diary ko ‘no!”

            “Okay, sinadya ko na.  Pero curious lang naman ako.  Anyways, iyong lalaking ideal man na sinulat mo sa diary, saktong-sakto kay Genis.”

            “At sino naman siya?”

            “Kinakapatid ko.  Ninong nya ang Papa ko.  ‘Nung mamatay ang parents nya, kinupkop na siya ni Papa at pinag-aral.  Tall, dark, and handsome!  Plus, God-fearing, loving at higit sa lahat, walang bisyo!”

            “Hindi ako interesado!”

            “Talaga lang ha?  What if sabihin ko saiyong nakatingin siya satin ngayon?” Nakangising sabi ni Wendy sa kanya.

            “Hay naku, Wendy, tigilan mo nga ako. . .”

            “Hindi ako nagbibiro.  Nandito siya ngayon sa school.  Gusto ka nya kasing makilala.  By the way, mayaman ‘yan ha.  Graduate ng engineering with honors dito rin sa university na ito.  Ahead sya satin ng five years eh. . .at sobrang successful na sa kanyang mga negosyo,” kinikilig na sabi pa ni Wendy sa kanya.

            Maya-maya pa ay nilapitan sila ng isang lalaki na waring nagpahinto sa pag-ikot ng mundo ng mga oras na iyon.

            Love at first sight.  Iyon ang eksaktong naramdaman ni Amanda nang makita ang lalaking tinutukoy ni Wendy!

            Kaya naman nang magpropose ito three years after ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.  Isinantabi niya ang kanyang pangarap na maging isang tanyag na broadcaster para sa kanyang ultimate dream.  Ang maging Mrs. Genis Pagar!

            Naputol ang pagbabalik tanaw niya sa kanyang mga alaala nang muling pumasok ng silid si Genis.

            “Babalik na tayo ng Maynila ngayon din.  Naghihintay na ang driver ko.  Ilabas mo na ang mga gamit natin!” Utos nito sa kanya.

            Napakurap-kurap siya.  Pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama niya ngayon.  Malayong-malayo sa Genis na nakilala niya nuon.

“MANONG DOY, hayaan nyo na siyang magbaba ng mga gamit.  Mas malakas pa ‘yan sa kalabaw!” Dinig ni  Amanda na sabi ni Genis sa driver nito nang makarating na sila sa bahay nito sa Maynila saka bumaba na ng sasakyan at ni hindi siya nilingon, tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng bahay nito.

            Tiningnan siya ng matanda sa rear view mirror, waring humihingi ng paumanhin sa kanya.  Tumango lang siya ditto saka bumaba na ng sasakyan at kinuha sa likuran ang dalawang maleta nila ni Genis.  Nangingilid na ang kanyang mga luha ngunit naisip niyang hindi siya dapat na sumuko.  Pasasaan ba at mababalik muli ang pagtingin nito sa kanya.

            Naniniwala siyang lahat ng pagmamahal na ipinakita nito sa loob ng tatlong taon nilang magkasintahan ay hindi pagpapanggap lamang.  Naramdaman niya ang tunay nitong pagmamahal. 

            At gagawin niya ang lahat para maibalik niya ang respeto at pag-ibig na iyon ni Genis sa kanya.

            Isa pa, nang pakasalan niya ito, sumumpa siyang sa hirap at ginhawa ay magsasama sila.  Pagsisilbihan niya ito at pakakamahalin.  Sumumpa siya sa Diyos at pangangatawanan niya iyon.

            “Amanda!” Nakangising sabi ni Wendy sa kanya nang makapasok siya sa bahay, habang hila-hila niya ang dalawang malaking maleta.  “Welcome home,” sabi nitong humalik sa mga labi ni Genis na waring talagang sinadyang ipakita pa iyon sa kanya.

            Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?

Related chapters

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 2

    NABITIWAN NI AMANDA ang hinihilang maleta nang makita niya si Wendy na hinahalikan sa mga labi nito ang kanyang asawa. Gulong-gulo ang utak niya sa mga nangyayaring ito. At si Genis, waring enjoy na enjoy itong masaksihan niya ang pakikipaghalikan nito kay Wendy. Hindi niya magawang gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay may mga punyal na tumatarak sa kanyang dibdib habang nakamasid sa dalawa. “A-Anong nangyayari?” Sa wakas ay nagawa niyang itanong sa mga ito matapos ng ilang minutong pagkalito at pagkabigla, ang kanyang mga mata ay nagpapalipat-lipat sa mukha ni Wendy at ni Genis. “Ano ba sa palagay mo?” Tanong ni Wendy sa kanya saka nakangising tiningnan si Genis, “Pinaalis ko na iyong ibang maids.!" anito sa kanyang asawa saka muling tumingin sa kanya, "From now on, ikaw na ang magiging maid namin dito sa bahay. Iyong cook na lang ang itinira ko, alam mo namang pihikan ako pagdating sa pagkain.” May tono ng sarcasm na sabi n

    Last Updated : 2022-08-02
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 3

    DUMIRETSO SI GENIS sa isa sa mga pasugalan niya. Ilan lamang ang mga pasugalan sa kanyang underground business. Eighteen years ago ay hindi pa ganito kalaki ang kinikita ng mga pasugalang ito. Ngunit simula nang pamahalaan niya ito ay lumaki na ito ng lumaki. Pati mga players nila ay mga big time na rin. Kaya naman bilib na bilib ang Ninong niya sa kanya. Hindi raw ito nagkamali sa paghubog sa kanya. Engineer siya by profession at sa mata ng publiko at kanyang mga kaibigan, isa siyang matagumpay na Engineer. Iyon rin ang pagkakakilanlan ni Amanda sa kanya. Ngunit mas malaki ang kinikita niya sa kanyang mga sideline kesa sa kanyang pagiging engineer although millions rin naman ang iniakyat nitong pera sa kanya. Sabi nga ng Ninong Ben niya, sa likod ng mabait at very dignified niyang mukha, sino ang mag-aakalang isa siyang Mafia King? Kaya naman very proud ang Ninong Ben niya sa kanya. Maging ang nag-iisa nitong anak na si Wendy ay halos ipagtulakan na sa kanya.

    Last Updated : 2022-08-02
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 4

    ALAS KUWATRO pa lamang ay gising na si Amanda para mag-prepare ng breakfast. Alam kasi niyang maagang gumigising si Genis. “Ma’m mukhang ang sarap ng break fast na inihanda ninyo ah.” Anang kusinera, “Siguradong mas masarap kesa sa luto ko.” Ngumiti siya. Sabi nila ‘a way to a man’s heart is thorugh his stomach.’ Mabuti na lamang at bata pa lamang siya ay hilig na niya ang magluto kaya naman sarap na sarap ang lahat sa tuwing siya ang nagluluto sa kanilang bahay. Dalawang beses na rin niyang naipagluto si Genis. At tiyak niyang hindi ito nagpapanggap lang nang matikman nito ang luto niya. Ipinatong niya sa mesa ang ginawang tortang talong at ang kanyang masarap na masarap na fried rice pati na rin ang ginawa niyang chicken soup. Alam na rin niya ang timpla ng kape ng asawa kung kaya’t tinimplahan na rin niya ito. Nakahanda na ang mesa ng pasukin niya ito sa kwarto. Nakabihis na ito. Akmang aayusin niya ang kwelyo ng suot nitong lo

    Last Updated : 2022-08-02
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 5

    “MANONG DOY, ibaba mo na lang ako dyan,” sabi ni Genis sa kanyang driver nang makarating sila sa ospital. Inihinto ng matanda ang sasakyan, mabilis siyang bumaba at pasimpleng naglakad patungo sa suite na kinaroroonan ni Mayor Alcazar. Dinatnan niya itong nag-iisa sa loob ng kuwarto habang kung anu-anong apparatus ang nakasaksak dito. Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa walang malay na matanda. “Sayang at mukhang inunahan na ako ng Diyos saiyo. Ang dami ko pa naman sanang gustong gawin saiyo,” bahagya pa siyang napailing, waring nanunuya ang kanyang mga mata, “Hindi tuloy tayo makakapaglaro.” Bumukas ang pinto, paglingon niya ay nakita niya ang butihing asawa ni Mayor, “Genis?” “Nagmamadali akong pumunta dito nang mabalitaan ko ang nangyari kay Mayor,” kunwa’y nag-aalalang sabi niya sa babae. Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang kaibiganin niya si Mayor. Sa katunayan, isa siya sa may pinakamalaking donasyo

    Last Updated : 2022-08-05
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 6

    NAGPAPAHINGA SI AMANDA nang pumasok si Wendy at gisingin siya. “Labhan mo iyong mga damit ko!” Utos nito sa kanya, “Make sure malinis na malinis iyon. Mamahalin ang mga damit ko kaya ihandwash mo lahat!” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinahihigaan. Sino ba sa akala nito ang babaeng iyon na basta na lamang darating sa bahay anytime nitong gustuhin na akala mo ay ito ang asawa. Kung inaakala nitong isusuko niya ang pagiging may bahay niya kay Genis, nagkakamali ito. Hindi niya bibigyan ng satisfaction si Wendy na ibigay ang gusto nitong mangyari. Kailangan lang niyang maging metatag. Siya ang asawa. Kahit na pinakasalan lamang siya ni Genis para mapasakitan siya, the mere fact na ibinigay nito sa kanya ang pangalan nito ay mas may karapatan pa rin siya dito kesa kay Wendy. At ipaglalaban niya ang karapatan niyang iyon! Muli siyang pumikit at bumalik sa pagtulog. Maya-maya ay nari

    Last Updated : 2022-08-05
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 7

    “DAD, Mom, biglaan naman ang pasyal nyo dito, ni hindi kayo nagpasabi,” Natatarantang sabi ni Amanda sa mga magulang nang bigla na lamang itong sumulpot sa bahay nila. “Isang lingo na simula nang ikinasal ka, ni hindi mo man lamang kami naalalang tawagan ng Mommy mo,” anitong iginagala ang mga mata sa kabuuan ng bahay, “Ang laki pala at ang ganda ng bahay nyo,” dagdag pa nito saka kumunot ang nuo, “Teka, bakit mukhang nangangayayat ang prinsesa ko?” “Ito naman, syempre naninibago ang anak mo sa buhay may asawa. Nasaan nga pala ang asawa mo?” Anang ina niya. “Naliligo po Ma,” sagot niya. Ang totoo ay kinakabahan siya sa ipapakita sa mga ito ni Genis. Tiyak na magkakagulo kapag nalaman ng mga ito ang nangyayari sa kanila ng asawa. “Sandali lang po at igagawa ko kayo ng maiinom.” Aniyang nagtungo sa kusina. Sinundan siya ng Mommy niya duon. “Kumusta ka naman, anak?” “Masaya naman, Mommy. Ang bait-bait sakin ni Genis. Mas

    Last Updated : 2022-08-05
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 8

    “ITAY. . .” Napahagulhol si Genis, niyakap niya nang ubod higpit ang ama, “Patawarin nyo ako kung wala akong nagawa. . .’ “Genis. . .” Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya si Amanda na, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Bumangon siya ay yumakap dito habang umiiyak. Pagkatapos ng napakahabang panahon, ngayon lang siya muling umiyak. Pinakawalan niya ang lahat ng galit at pangungulila sa pamilya na nararamdaman niya. “Wala man lamang akong nagawa,” sabi niya rito, “Naririnig ko silang nagmamakaawa pero nagtago lang ako. Wala akong ginawa para matulungan sila,” aniya kay Amanda, kailangan niyang ilabas lahat ng nasa dibdib niya or else sasabog na iyon. “Ang sakit-sakit. Hindi ako patahimikin ng konsensya ko.” Naramdaman niya ang mga kamay nitong humagod sa likuran niya. Kahit paano ay nakatulong iyon para maibsan ang bigat ng dibdib na nadarama. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat nito.RAMDAM NI A

    Last Updated : 2022-08-05
  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 9

    NASA kusina sina Imee at Amanda nang marinig nila ang malakas na boses ni Wendy sa salas. Nangigigil siya dahil basta na lamang ito dumarating anytime nito gustuhin. “Hindi mo inilock ang pinto,” sita niya kay Imee, “Alam mo namang nagkalat ang magnanakaw dito sa Maynila.” Magnanakaw na gaya ni Wendy na ibig nakawin ang puso ng asawa niya. Nagmamahalan kami, tanda niyang sabi sa kanya ni Genis ngunit iba ang naririnig miyang sinasabi ng damdamin nito. Hindi siya convince na may pagtingin nga rito ang kanyang asawa. Marahil ay isa lamang iyon sa mga palabas ng mga ito para pasakitan siya. Gayunpaman ay nagseselos pa rin siya. Babae pa rin naman si Wendy. “Amanda!” Palahaw ni Wendy ngunit kunwa’y wala siyang naririnig. Mas lalo namang natrigger si Wendy, yamot na hinila nito ang buhok niya, “Kapag tinatawag ko ang pangalan mo, lalapit ka kagad!” “Ma’m. . .” sabi ni Imee na takot na takot nakatayo lang habang pinapanuod sila.

    Last Updated : 2022-08-05

Latest chapter

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 115

    “KAPAG HINDI KA NAGSABI ng totoo, tatamaan ka sakin!” galit na galit na sabi ni Genis kay Jericho nang mahuli ito ng mga pulis. Napangisi ang lalakii, tiningnan siya na waring nakakaloko,”May mapapala ba ko kung magsabi ako ng totoo? Ipakukulong nyo pa rin naman ako hindi ba? So mas mabutiing manahimik na lang ako.” Kwenelyuhan niya ito at akmang susuntukin na ngunit maagap siyang napigilan ng mga pulis. “Putang ina mo, ginagago mo ba ako? At ano bang napala mo sa pagpapakalat ng walang kwentang mga [ictures na iyon?” Tanong niya rito. Tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Iyong ngiting tila gustong-gusto siyang galitin. Pikon na pikon siya kung kaya’t di na siya nakapagpgil pa, mabilis niya itong nasuntok. Pupuruhan sana niya ito ngunit kaagad nahawakan ng dalawang pulis ang mga kamay niya. “Boss kami ng bahala sa kanya,” bulong pa sa kanya ng hepe ng pulis saka senenyasan ang mga tauhan n

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 114

    NAPAKAGAT LABI SI AMANDA, alam naman niyang ginagawa nito ang lahat para makabawi sa lahat ng naging atraso nito sa kanilang mag-ina. At alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magduda. “Pinipilit ko namang kalimutan ang lahat. I’m sorry kung minsan, hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda,” sabi niyang ginagap ang isang kamay nito, muli na naman siyang napaiyak. Hangga’t maari ay ayaw na niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit mahirap rin naman sa parte nya na ibigay ang buong tiwala niya lalo pa at ilang beses na rin naman siya nitong binigo. “Gusto kong magwork ang relasyon nating ito. Hindi ko na yata kakayanin kapag naghiwalay tayong muli pero sana naman, bigyan mo ako ng chance na maging isang mabuting asawa saiyo at mabuting ama kay Gertrude. Nagsusumikap naman ako pero bakit parang hindi pa rin sapat?” Tanong nito sa kanya, ramdam nya ang sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito.

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   chapter 113

    PINAKARIPAS NI GENIS ANG PAGPAPATAKBO ng sasakyan. Gusto niyang komprontahin si Charlene. Hindi niya alam kung anoa ng pakana nito sa buhay ngunit may kutob na siya ngayong sinadya nito ang nangyari. “Magkita tayo sa coffee shop sa ibaba ng building,” seryosong sabi niya kay Charlene nang tawagan niya ito. Napipikon siyang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Amanda na magpaliwanag. Ganitong-ganito ang nangyari nuon sa kanila at hindi na niya papayagang maulit pang muli iyon kaya kailangan niyang maresolba ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Nasa coffee shop na si Charlene nang dumating siya. Kaagad itong tumayo at akmang yayakap na naman sa kanya ngunit mabilis niya itong naitulak palayo. Seryoso ang mukha niya nang tingnan ito, “Hindi ko alam kung anong kalokohan ito, Charlene pero sigurado akong hindi ka inosente tungkol sa bagay na ito,” aniyang walang kangiti-ngiti habang nakatingin dito, “Paano tayo magkakaron ng intimate na mga lar

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 112

    NASA LOOB NA SILA ng kotse nang hawakan ni Genis ang isang kamay niya at dalahin sa bibig nito para halikan, “I love you,” pagbibigay assurance nito sa kanya. Nahalata nito marahil na may katiting pa rin siyang selos na nararamdaman pagdating kay Charlene. “I love you too,” sagot niya rito. “Pero sana alam ni Charlene ang limitasyon nya.” “I know, hindi ako dapat ang tinatawagan niya ng ganitong oras,” sabi nito sa kanya, “Nawala lang siguro sa isip nya. Kahit naman kasi paano ay naging close na kami sa isa’t-isa, I hope ypu don’t mind,” anito sa kanya. “I understand. Pero sana next time marealize niya kung saan siya dapat na lumugar,” prangkang sabi niya rito, “Besides, bakit kailangan ka pa nyang tawagan eh obvious namang natawagan na niyang lahat ng mga kaibigan niya, pati mga pulis.” Aniya rito. Nagkibit balkat lang si Genis saka pina-andar na ang sasakyan. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay palai

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 111

    NAPAUNGOL SI AMANDA nang hagurin ng mga labi ni Genis ang kanyang buong katawan, nagtagal iyon sa kanyang maumbok na mga dibdib, nilaro-laro nito ang dungot niyon kaya bahagya siyang napaigtad. “Genis,” daing niya habang hindi malaman kung saan ipipiling ang kanyang ulo. Napasabunot siya rito saka kagat ang pang-ibabang labi na ipinuloupot niya ang kanyang mga binti sa katawan nito, “Ohhh. . .Genis. . .” Nilamas nito ang isang suso niya habang ang dila nito ay nagpapaikot-ikot naman sa kabilang boobs niya. Ramdam niya ay pangangatas ng maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa sensasyong inihahatid sa kanyang katawan ng ginagawang iyon ng asawa. Nuong kasintahan niya si Tom ay ilang beses siya nitong tinangkang makuha ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong panunuyo ang gawin nito ay hindi niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kung kaya’t hindi siya natuksong ipagkaloob dito ang kanyang pagkababae.

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 110

    “WHAT’S WRONG?” Tanong ni Genis nang lapitan si Amanda, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya kaya nahiga na ito kaagad sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito, saka hinalik-halikan ngunit nanatiling nakapikit si Amanda, bahagya pang umisod para lumayo sa kanya. “Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” Clueless na tanong niya sa asawa. Nagmulat ito ng mga mata, “May nagawa ka bang hindi ko dapat magustuhan?” Balik tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napatawa, “As far as I know, wala naman akong ginagawang masama kaya nga tinatanong kita. . .”sabi niya rito, ginagap niya ang isang kamay nito at dinala sa kanyang bibig, “baka naman pinaglilihian mo ako?”Pabirong sabi niya rito. Humaba ang nguso nito. “Amanda, kung may gusto kang linawin, please magsalita ka, hindi ganitong mananahimik ka lang,” Pakiusap niya sa asawa. Tinitigan siya nito ng matiim, “Ikaw, may gusto ka bang linawin sakin?” T

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   chapter 109

    SINIGURADO muna ni Amanda na naihanda na niya ang almusal ni Gertrude bago siya gumayak patungong pilates session niya. Naging kaibigan kaagad niya ang ilan sa mga enrolees duon na sina Emily at Nicole. Kaya naman after ng kanilang session ay naisipan nilang mag-bonding sa isang coffee shop na malapit rin lang sa studio na pinagdausan ng kanilang pilates. “There was even a time na halos hindi na sya umuuwi sa bahay. Mas madalas pa nga niyang nakakasama ang secretary niya kesa sakin,” maktol pa ni Emily. “Nuong una, akala ko talaga trabaho lang, then isang araw, bigla akong nag-surprise visit, ayun nahuli ko ang husband kong nakapatong sa kanyang sekretarya!” “Naku, never trust your husband’s secretary lalo na kung batang-bata at maganda,” sabi naman ni Nicole na kakahiwalay lang sa asawa. Parang may sumipa na kung ano sa kanyang sikmura habang naiisip si Genis na nasa ibabaw ng maganda at batang-bata nitong sekretarya. Subukan lang n

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 108

    “DO YOU ALWAYS MONITOR GENIS?” Pabirong tanong ni Charlene sa kanya ngunit malaman as if gusto nitong sabihin sa kanya na halatang insecure na insecure siya. Pilit na ngumiti si Amanda, “H-hindi naman. Naisipan ko lang pasyalan sya ngayon p-para sana tanungin kung gusto nyang mag-dinner na lang kami sa labas. Minsan rin mainam na mag-surprise visit,” pahayag niya rito. Nahuli niyang nag-angat ito ng isang kilay saka gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi nito. ‘’Well, hindi na ako magtatagal, ipaalala mo na lang kay Genis iyong dinner naming bukas, tutal naman nakapag-usap na kami in between meetings,” sabi nito sa sekretarya saka muling bumaling sa kanya, “I’ll go ahead, Amanda. . .” anitong akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin sa kanya, “By the way, are you pregnant? Parang malaki ang itinaba mo ngayon,” nakangising sabi nito saka tumalikod na nakangisi. Pinamulahan siya ng mukha. Kulang na lamang ay sabihin ntong mag-gym

  • NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY   CHAPTER 107

    “Mommy, fake news yan. Pati ba naman po kayo nagpapaniwala sa mga tsismis,” sabi ni Amanda sa ina nang tawagan siya nito at kausapin tungkol sa larawan nina Genis at Charlene na lumabas sa diyaryo, “Pinik up lang yan ng mga reporter para umingay ang pangalan ni Charlene. May bago kasi siyang program na lalabas.” Paliwanag niya sa ina. “Ke totoo o hindi ang tsismis, aba’y dapat huwag kang pakampante,” anang Mommy niya sa kanya, “Hindi porke’t mahal ka ni Genis ay hindi mo na aalagaan ng husto ang sarili mo,” Paalala nito sa kanya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Kailan mo ba huling pinamper ang sarili mo?” “Mukha na ba akong losyang, ‘ma?” tanong niyang muli na namang nakaramdam ng insecurities sa katawan. Kaninang magising siya ay napansin niyang tumataba siya at medyo dry ang kanyang buhok. May kamahalan naman kasi ang magpapa-parlor sa Ireland kaya madalang na madalang siyang pumapasok ng parlor duon. Nangunot ang nuo nito,

DMCA.com Protection Status