Hello, readers! thank you for reading my story! Sana ay subaybayan niyo po ito hanggang sa dulo! <3 Comment down below! Keep safe! ^.^
KABANATA 12: WESLEY'S FEARNakatitig si Warren kay Alisson na may mga mata na tila tumatagos sa kaniyang buong katawan. Ang puso niya ay labis na kinakabahan sa sandaling ito na halos nakalimutan niyang tumibok ito, at ang kanyang paghinga ay tila huminto.“Ano ba itong nangyayari sa akin? Dala ba ito ng takot o pagkahumaling kay Warren?” tanong niya sa kaniyang isipan.“I'm asking you, Doktora. Nakita mo ba ang anak ko? Totoo bang nagpunta nga siya rito sa opisina mo?” tanong ni Warren sa kaniya.“Sagutin mo, Docktora. Dahil hindi ako puwedeng magkamali! Matalas ang mga mata ko kaya sigurado ako sa nakita ko!” saad pa ni Brando.Napatingin si Allison sa mga matang nakatingin sa kaniya— na naghihintay sa kaniyang kasagutan.Talagang nakilala ni Brando ang bata kanina— inakala niyang si Wesley at Walter ay iisa…Tiniis ni Allison ang matinding panggigipit ng mga mata ni Warren, at mga salitang nanggaling kay Brando. Hindi siya papayag na malaman ng mga ito ang tungkol kay Walter. Ina
KABANATA 13: WALTER THE HACKERHindi alam ni Warren ang gagawin. Inisip niya na baka gusto nito ang kaniyang yakap, ngunit hindi niya inaasahang ang biglang pagsigaw ni Wesley. “Ah! Huwag mo pong patayin ang ilaw! Please, Daddy! Please! Nakikiusap po ako, please!” “Huwag kang matakot, nandito si Daddy. Hinding-hindi kita iiwan.”“No! Ayoko matulog! Ayokong matulog! Daddy, buksan mo yung ilaw… Please… Huhuhu…” umiiyak na sigaw ni Wesley.Ang sigaw ni Wesley ay parang aso na nakakulong sa kulungan. Walang tigil sa pagbagsak ng kaniyang matinis na sigaw sa buong ospital. Ang mga nurse na naka-duty ay tumakbo palabas ng susunod na ward dahil sa gulat.Narinig din ni Allison ang pag-iyak, noong una ay naisip niya na isa ito sa mga batang pasyente. Ngunit nalaman niyang ang pag-iyak ay nagmumula sa ward ni Wesley, at hindi siya nagdalawang isip na tumakbo patungo roon.Sa labas ng pinto, hinarang siya ng dalawang bodyguard.“Tumabi kayo! Papasukin niyo ako! Gusto kong pumasok!”Hindi gum
KABANATA 14: SHE’S A THREATNang biglang mamatay ang ilaw ay tila sumakto iyon sa plano ni Allison. Akma na niyang bubuhatin si Wesley nang biglang naramdaman niya ang pagkagat sa kaniyang balikat, at pagkapunit ng kaniyang damit.“Ah! Sh!t!” Nagmura si Allison sa mahinang boses.Sa madilim na gabi, galit na kinurot ng lalaki ang kanyang pisngi: “Mas mabuting huwag mo ng gawin ang binabalak mo.” sambit nito.Nakonsensya si Allison. Gusto niyang kunin si Wesley, ngunit hindi ngayon. Napansin ba ito ni Warren? Imposible.“Bitawan mo ako! Huwag mong gisingin si Wesley.”Itinulak siya ni Allison at sinubukan niyang manatiling kalmado. Si Wesley ay hindi mahimbing na natutulog at maaaring magising anumang oras. Hindi pinansin ni Allison ang pag-aaway nila ni Warren at lumabas upang maghanap ng isang tao.Hindi nagtagal ay binuksan ang kontrol ng ilaw, at bumalik sa liwanag ang paligid. Nakahinga ng maluwag si Allison. Nang babalik na siya sa ward, nakita niya ang isang grupo ng mga tao sa c
KABANATA 15: REVEALING HER FACE“Patalsikin mo si Doktora Sandoval.” utos ni Scarlet. “Ano? Hindi mo na rin ba ako pakikinggan?”Ang direktor ay sumagot, “Si Doktora Sandoval ay isang nangungunang Doktora na binayaran namin mula sa ibang bansa at may kontrata na rin siya. Hindi ito naaayon sa patakaran.”Muling nagtanong si Scarlet, “Kailangan ko bang tawagin si Mr. Harrison para kausapin ka?”Ang direktor ay nagtanong, “Ito ba ang kagustuhan ni Mr. Harrison?”“Tama, ito ang kagustuhan ni Mr. Harrison. Tungkol kay Doktora Sandoval, magaling siyang gumawa ng operasyon, pero ang kanyang pagkatao ay hindi maaasahan. Hindi ako naniniwala na ang ganitong klaseng doktor ay magkakaroon ng sapat na etika. Kung kailangan mo ng oras, ibibigay ko, pero ayokong makita siya dito sa ospital sa mga susunod na araw.” matatag na sabi ni Scarlet.Lubhang nahirapan ang direktor. Si Allison ay tatlong beses niyang binayaran mula sa ibang bansa gamit ang malaking halaga at itinuturing siyang hiyas ng kani
KABANATA 16: NAGBABALIK!Nanginig si Scarlet habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya, sa mukhang kahit sa kamatayan ay hindi niya makakalimutan!Sa wakas, naintindihan niya kung bakit pamilyar sa kanya ang itsura ng doktor na ito. Ang babaeng nasa harapan niya ay walang iba kundi si Allison!Paano siya narito?Hindi ba't patay na siya?Biglang parang sumabog ang isipan ni Scarlet. Pinilit niyang ibuka ang kanyang mga mata nang husto, ngunit ang pamilyar na mukha sa harap niya ay nanatiling walang pagbabago — ito nga si Allison!Bumalik siya!Sa isang iglap, kumalat ang takot sa isipan ni Scarlet. Sa wakas, naunawaan niya kung bakit espesyal ang tila pangkaraniwang doktor na ito kay Wesley — si Wesley ay anak niya! Paano magiging parehas ang pagtrato niya kay Wesley sa ibang tao?Hindi nakapagtataka na sobrang galit niya nang makita niyang itinutulak ni Scarlet si Wesley. Kahit na may panganib na mapatalsik siya, ipinaglaban niya ito.Talagang bumalik siya!“I–Ikaw? Paanong buhay
KABANATA 1: HUWAG KUNIN ANG ANAK KO! [Don't Take My Child!] “Pakiusap, tawagan niyo ang asawa ko, papuntahin niyo rito…” sambit ni Allison habang himas niya ang kaniyang tiyan, at patuloy niyang nararamdaman ang pagsakit nito. Natawa naman si Scarlet. “Sinong asawa ang tinutukoy mo? Mukhang nagdederilyo ka na nga talaga, Allison. Nakalimutan mo yatang bigla na hiwalay na kayo ni Warren.” Napakuyom ng kamao si Allison. Alam niya ang bagay na ‘yon. At sa dalawang taon nilang pagsasama ay umaasa pa rin siya na sana ay bibigyan siyang halaga ni Warren. Ngunit malabo na yata itong mangyari. “Ah! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko, Doc!” sigaw niya. Papasok pa sana ng delivery room si Scarlet ngunit pinigil naman ito ng Doctor. “Hanggang dito na lang po muna kayo, Miss Scarlet.” “Doctor, kahit anong mangyari ay mas unahin niyong alisin ang bata. That's the heir of Harrison Family, kaya kung ayaw niyong magkaproblema ay gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. At ang babae… hindi bale
KABANATA 2: ANG TAGAPAGMANA [The Heir] LIMANG TAON ANG NAKALIPAS Sa loob ng limang taon ay ngayon lang ulit magdadaos ng engrandeng kaarawan si Warren, kaya abala ang lahat sa mansion. At talagang pinaghandaan din ito ng lahat, para sa tagapagmanang si Wesley. Si Wesley ay isang batang lalaki na tahimik lamang na nakaupo sa kaniyang kuwarto. Ang guwapo nitong mukha ay pinaresan ng makapal na kilay at malamlam na mga mata. Bumukas ang kuwarto sa silid nito at pumasok si Scarlet, na kasalukuyang nakasuot ng isang eleganteng pulang gown. “At bakit hindi ka pa nagbibihis, Wesley? Dumarating na sa Harisson Mansion ang lahat ng bisita kaya magpalit ka na ng damit, at sumunod ka sa akin sa labas!” utos ni Scarlet. “Ayoko pong sumama.” maikling tugon ni Wesley na tila matamlay. Mabilis na mas lumapit pa si Scarlet sa kaniya habang hawak ang isang pares ng damit. “Isuot mo na ang iyong damit!” pilit pa rin ni Scarlet. Nagdabog naman si Wesley. “Sabing ayoko! Ayoko pong sumama
KABANATA 3: GAGAWIN MO O PAPATAYIN KITA? [Do or Die?] “H–Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Nagkulong si Wesley sa kaniyang kuwarto at ayaw niya akong papasukin. Naisipan ko na hintayin ka na lang para kauspain siya, pero nagulat na lang kami nang biglang may malakas na kalabog ang bumagsak. Hindi ko inakala na siguro sa sobrang kakulitan niya ay magagawa niyang umakyat sa bintana, dahilan ng kaniyang pagkalaglag. Kasalanan ko, Warren, patawarin mo ako…” umiiyak niyang paliwanag. “Nasaan si Wesley? Nasaan ang anak ko?!” madilim na tanong ni Warren. Tumabi naman si Scarlet sa daraanan nito saka nanginginig na itinuro si Wesley na naliligo na sa sarili nitong dugo. Ang nakakunot na noo ni Warren ay biglang nagulat dahil sa nakitang kalagayan ng kaniyang anak. Mabilis na lalong nagdilim ang paningin ni Warren at kwinelyuhan si Scarlet. “Kapag may nangyaring masama sa anak ko, o kung magkaroon siya ng depekto, at kung mauwi siya sa kamatayan ay papatayin din kita pati n