KABANATA 1: HUWAG KUNIN ANG ANAK KO! [Don't Take My Child!]
“Pakiusap, tawagan niyo ang asawa ko, papuntahin niyo rito…” sambit ni Allison habang himas niya ang kaniyang tiyan, at patuloy niyang nararamdaman ang pagsakit nito. Natawa naman si Scarlet. “Sinong asawa ang tinutukoy mo? Mukhang nagdederilyo ka na nga talaga, Allison. Nakalimutan mo yatang bigla na hiwalay na kayo ni Warren.” Napakuyom ng kamao si Allison. Alam niya ang bagay na ‘yon. At sa dalawang taon nilang pagsasama ay umaasa pa rin siya na sana ay bibigyan siyang halaga ni Warren. Ngunit malabo na yata itong mangyari. “Ah! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko, Doc!” sigaw niya. Papasok pa sana ng delivery room si Scarlet ngunit pinigil naman ito ng Doctor. “Hanggang dito na lang po muna kayo, Miss Scarlet.” “Doctor, kahit anong mangyari ay mas unahin niyong alisin ang bata. That's the heir of Harrison Family, kaya kung ayaw niyong magkaproblema ay gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. At ang babae… hindi bale ng huwag siyang mailigtas.” huling habilin ni Scarlet sa Doctor, bago isara ang pintuan. Tumulo ang luha sa mga mata ni Allison. Ang puso niya ay para bang pinagpira-piraso, dahil ni isang tao ay wala sa tabi niya para gabayan at pahalagahan siya. Napakapit siya ng mahigpit sa bed sheet ng hospital bed. “Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Warren?” Ngayong araw siya manganganak ngunit wala ito sa tabi niya, dahil ngayon araw ang kasal nito sa babaeng tunay nitong minamahal. Ang tanging gusto lamang nito ay ang bata sa kaniyang sinapupunan. “Ah!” muling sigaw niya nang maramdaman muli ang konstraksyon ng kaniyang tiyan. “Tulungan niyo po ako, Doc! Iligtas niyo po ang anak ko!” pakiusap niya sa Doctor na tila ba wala namang pakielam sa kaniya. Kahit masakit na ang kaniyang tiyan ay nagawa niya pang kunin muli ang cellphone at pindutin ang number ni Warren. Umaasa siyang sagutin nito ang tawag, pero walang sumasagot hanggang sa tuluyan siyang sumuko. Halos isang oras siyang naghirap at halos maubusan ng hininga. Hanggang sa marinig niya ang iyak ng isang sanggol. Maingat na inabot ng Doctor sa kaniya ang bata, at ramdam niya sa kaniyang buong katawan ang panghihina. Unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “A–Anak ko… mahal na mahal kita, anak ko…” wika niya habang nakatitig sa sanggol. Bigla ay narinig niya ang tila nagkakagulo ng mga tao sa labas ng delivery room. Alam niya ang ibig sabihin nito… nais na nilang kunin ang kaniyang anak. Ngunit wala siyang planong ibigay ito. “Hindi ko hahayaan na ilayo ka nila sa akin.” wika ni Allison sa sanggol. Warren might married now, at ang babaeng pinakasalan nito ang siyang kikilalaning ina ng kanilang anak. Talagang mga walang puso! Pinigilan ni Allison ang mga luha at mahigpit na niyakap ang bata laban sa sakit na na nararamdaman. Bigla namang bumukas ang pinto ng delivery room at maraming mga tauhan ni Warren ang sumugod kabilang na si Scarlet at pinalibutan siya. Ang mga labi at ngipin ni Allison ay nagngitngit dahil sa galit. Ang kaniyang mukha ay masamang nakatingin sa mga ito. Ang kaniyang mga kamay ay nanginginig upang protektahan ang sanggol sa kaniyang bisig. “Allison, ibigay mo na sa akin ang bata ngayon din!” utos ni Scarlet sa kaniya. “Utang mo ito sa kapatid ko dahil sa ginawa mo! Kung hindi ka susunod ay tiyak na papatayin ka ni Warren!” Naging matigas si Allison. “Hanggang kailan ko ba sasabihin sa iyo na wala akong ginawang masama sa kaniya! Hindi ko siya sinaktan!” Napangisi si Scarlet. “Hindi na ito ang mahalaga ngayon. Alam na ni Warren na ikaw ang may gawa kung bakit na comatose ang kapatid ko! Ikaw ang may gawa at iyon ang alam ng maraming tao! Kaya ibigay mo na sa akin ang sanggol!” “Hindi! Hindi ako papayag! Anak ko ito!” “Wala kang anak! Ang sanggol na ‘yan ang kabayaran sa ginawa mo sa kapatid ko! Iyang sanggol ang magpapalakas sa pamilya namin at pamilyang Harrison. Habang ikaw ay tiyak na mabubulok sa bilangguan!” Hindi niya kayang gawin ang ganoong bagay. Bakit ganito kung tratuhin siya ni Warren? Bakit?! Mali ang ibinibintang sa kaniya. Hindi niya ibibigay sa iba ang anak na isinilang niya, at dinala niya ng siyam na buwan sa kaniyang sinapupunan. Lalo pa sa isang babaeng kikilalanin nitong maging ina! Kahit nakakaramdam pa rin ng sakit at pagkapunit, ay nagawa pa ring kunin ni Allison ang cellphone at paulit-ulit na idinial ang numero ni Warren. Ngunit hindi pa rin nito sinagot ang tawag hanggang sa agawin sa kaniya ni Scarlet ang cellphone saka iyon tinapon ng malakas sa pader. "Ngayong nangyari na ang inaasam ni Warren, sa tingin mo pa ba ay may malasakit pa siya sa iyo? Isa ka lamang kagamitan para sa aking kapatid na babae upang mas umangat at mas makilala pa kami. Ngayon na naipanganak mo na ang sanggol ay wala ka ng halaga. Mas gugustuhin ni Warren na hiwalayan ka at pakasalan ang lantang gulay na! At sa tingin mo ba talaga ay minahal ka niya?” Ang malamig at masasakit na salita ay tila tumagos sa kaniyang puso. Sa dalawang taon nilang kasal, ay hindi niya inaasahang para pala iyon sa babaeng ‘yon. Alam ng lahat na si Olivia Gray ang tunay na minamahal ni Warren. At ang anak niya ang susi para sa dalawang makapangyarihan na pamilya. She just became a substitute wife, a concubine— na kung tutuusin ay tila isa pa siyang legal na kabet. Sa sandaling ito, gumapang ang takot sa buong katawan, at ang matinding sakit ay kumalat mula sa kaniyang ibabang parte ng tiyan. Halos lamunin ang kaniyang buong katawan. Ang sakit ay napakasakit na hindi na niya matukoy kung ito ba ay galing sa sugat o ang puso niyang sugatan. Unti-unting humina ang kaniyang katawan at tila namamanhid na ito sa sakit. Ang nurse ay nag-aalalang sumigaw. “Hindi maaari! Dinudugo ng husto si Miss Allison!” Kahit agaw buhay na ang kondisyon ni Allison ay walang nagmamalasakit sa buhay o kamatayan niya. Kinuha ni Scarlet ang pagkakataong ‘yon, upang kunin ang sanggol. Ang ospital ay naglabas ng maraming abiso sa kritikal na kondisyon na karamdaman ni Allison. Ngunit walang gustong pumirma! Hanggang sa inihayag ng ospital ang balita ng kamatayan ay umalis si Scarlet kasama ang anak ni Allison sa mga bisig nito. Dahil sa maliwanag na ilaw ay mas naging matingkad ang kulay pulang dugo ni Allison. Natitirang tahimik ang delivery room, na tila mas dumoble pa ang lamig dahil sa nangyari. Pagkaalis ng lahat ay siya namang biglang pagtawag muli ng nurse sa Doctor. “D–Doctor, hindi ito maganda! May dalawa pang sanggol sa tyan ni Miss Allison!”KABANATA 2: ANG TAGAPAGMANA [The Heir] LIMANG TAON ANG NAKALIPAS Sa loob ng limang taon ay ngayon lang ulit magdadaos ng engrandeng kaarawan si Warren, kaya abala ang lahat sa mansion. At talagang pinaghandaan din ito ng lahat, para sa tagapagmanang si Wesley. Si Wesley ay isang batang lalaki na tahimik lamang na nakaupo sa kaniyang kuwarto. Ang guwapo nitong mukha ay pinaresan ng makapal na kilay at malamlam na mga mata. Bumukas ang kuwarto sa silid nito at pumasok si Scarlet, na kasalukuyang nakasuot ng isang eleganteng pulang gown. “At bakit hindi ka pa nagbibihis, Wesley? Dumarating na sa Harisson Mansion ang lahat ng bisita kaya magpalit ka na ng damit, at sumunod ka sa akin sa labas!” utos ni Scarlet. “Ayoko pong sumama.” maikling tugon ni Wesley na tila matamlay. Mabilis na mas lumapit pa si Scarlet sa kaniya habang hawak ang isang pares ng damit. “Isuot mo na ang iyong damit!” pilit pa rin ni Scarlet. Nagdabog naman si Wesley. “Sabing ayoko! Ayoko pong sumama
KABANATA 3: GAGAWIN MO O PAPATAYIN KITA? [Do or Die?] “H–Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Nagkulong si Wesley sa kaniyang kuwarto at ayaw niya akong papasukin. Naisipan ko na hintayin ka na lang para kauspain siya, pero nagulat na lang kami nang biglang may malakas na kalabog ang bumagsak. Hindi ko inakala na siguro sa sobrang kakulitan niya ay magagawa niyang umakyat sa bintana, dahilan ng kaniyang pagkalaglag. Kasalanan ko, Warren, patawarin mo ako…” umiiyak niyang paliwanag. “Nasaan si Wesley? Nasaan ang anak ko?!” madilim na tanong ni Warren. Tumabi naman si Scarlet sa daraanan nito saka nanginginig na itinuro si Wesley na naliligo na sa sarili nitong dugo. Ang nakakunot na noo ni Warren ay biglang nagulat dahil sa nakitang kalagayan ng kaniyang anak. Mabilis na lalong nagdilim ang paningin ni Warren at kwinelyuhan si Scarlet. “Kapag may nangyaring masama sa anak ko, o kung magkaroon siya ng depekto, at kung mauwi siya sa kamatayan ay papatayin din kita pati n
KABANATA 4: PANGANAY NA ANAK [Her First Child] “Anong klaseng tao ka? Hindi mo ba alam na isang karangalan ang ma-operahan ang young master?! Na kahit sampung buhay mayroon ka ay hindi mo matutumbasan ang karangalan na ‘yon!” galit na wika ni Scarlet. “Gusto mo ba ang karangalan na sinasabi mo? Then, if you have knowledge about operating, then do it.” tugon ni Allison. Halos napaawang naman ang labi ng Director dahil sa narinig. Hindi niya inakala ang ganitong pag-uugali ni Doktora Sandoval. At ngayon ay doble na ang takot na nararamdaman niya. Tahimik naman napakuyom ng kamao si Scarlet dahil sa pagkapahiya. “Warren, narinig mo ang sinabi ng Doctor na ‘yan, at kitang-kita mo kung gaano ito nagmamalaki. Kung sakaling may mangyaring masama kay Wesley, ay tiyak na kasalanan niya ‘yon.” Napangisi si Allison. “Nagpapatawa ka ba? Bakit ko magiging responsibilidad ang buhay niya? Ako ba ang nagtulak sa bata para mahulog ito?” Tila na-corner si Scarlet ng katotohanan. “S–So, ano a
KABANATA 5: MULING PAGKIKITA [Meet Again] Dumiretso si Allison sa kaniyang opisina habang tumutulo ang luha. Habang si Warren naman ay naglalakad na tila ba walang nangyari. Madilim pa rin ang kaniyang awra, at malamig ang tingin sa mga taong naroon sa hospital, dahilan ng takot at pag-iwas ng mga ito. Hindi nila halos akalain na ang baguhang Doctor ay tila hindi takot sa kamatayan. Kahit na ang operasyon ay matagumpay, walang sinuman ang makakapagligtas kay Doktora Sandoval ngayon. Walang sabing binuksan ni Warren ang pinto sa consulting room! Isang tahimik na nurse na nakasuot ng itim na salamin ang nakaupo sa duty sa loob, na may pagtataka sa mukha, at takot nang makilala kung sino ang pumasok. “I–Ikaw po pala ‘yan, Mr. Harrison. S–Sino ang hinahanap mo?” “Nasaan si Doktora Sandoval?” ang boses ni Warren ay sobrang nakakatakot. “L–Lumabas si Doktora Sandoval para kumain at babalik siya mamaya. May kailangan po ba kayo sa kaniya?” Hindi sumagot si Warren. Tumingin i
KABANATA 6: MULTO NG NAKARAAN [Ghost In The Past] Ang baritonong boses ni Warren ay bumalot sa kaniyang opisina. Mabuti na lang at nakasuot pa rin siya ng facemask kaya tanging mga mata niya lang ang makikita. Mabilis siyang pumalag at lumayo kay Warren. Talaga bang kilala na siya nito ngayon? “Mr. Harrison, sino ba ang tinutukoy mo?” patay malisya niyang tanong, habang pinapakalma ang sarili. “Nagpapanggap ka pa rin kahit bistado na kita?” napakalamig ng boses ng nito habang nakatitig sa kaniya ng masama. Sinulyapan ni Allisson ang business card na nasa consultation table, Allison Sandoval, ito na ang pangalan na ginagamit niya sa ospital. “Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi mo, Mr. Harrison. Pumunta ka ba rito para malaman kung kailan mamamatay ang anak mo?” Sinubukan ni Allison na maging matapang. Matalim ang mga mata ni Warren, at mabilis niyang nilapitang muli si Allison. “Sa tingin mo ba sa pagsuot mo ng mamahaling damit, at pagpalit ng iyong pangalan a
KABANATA 7: PASA, SUGAT, AT TAKOT [Bruises, Wound, and Fear] Nakita ng mga staff at nurse sa hospital kung paano tratuhin ni Warren si Allison. Nakakaramdam sila ng awa para kay Doktora, kahit na nagawa naman nito ng maayos ang operasyon sa young master, ay hindi pa rin ito naging mabait sa kaniya. “Doktora Allison, ayos ka lang ba? Hindi ba't parang grabe naman yata kung saktan ka ni Mr. Harrison.” sambit ni Yanna, isa sa mga nurse. “Ayos lang naman ako, baka gano'n lang talaga siya dahil din sa inasal ko.” tugon ni Allison at iniwasan na niya ang ilang mga nurse na nagkumpulan at mukhang siya ang laman ng usapan. Sa totoo lang alam ni Allison na mas matinding hirap pa ang kaniyang daranasin sa kamay ni Warren. Pero handa siyang kalabanin ito, ngipin sa ngipin, pangil sa pangil. Dumiretso siya kay Doctor Anthony, upang ipagamot ang sugat sa kaniyang braso na gawa ni Warren. “Doktora Allison, kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung sino ang may gawa nito. Dapat ba talagang
KABANATA 08: YOU WANT TO BE, MRS. HARRISON?Hindi natinag si Scarlet. “Kilala kita! Isa ka lang hamak na Doktor! Ako pa rin ang guardian ni Wesley, kaya ako pa rin ang may karapatan sa kaligtasan niya!” bwelta ni Scarlet sabay hinawakan nito ang braso ni Wesley.Hindi makapagsalita si Wesley dahil sa nararamdaman na pananakit ng kaniyang mga sugat.“Wow! His safetyness? Nagawa mo pa talagang sabihin ang salitang ‘yan matapos mong pabayaan na malaglag si Wesley. Pero ang tanong, nalaglag nga ba o baka tinulak mo?”Sa inis ni Allison, ay tinggal niya ng malakas ang kamay ni Scarlet dahilan kaya ito tumama sa lamesa. Hindi pa siya nito nakikilala dahil nakasuot pa rin siya ng facemask.“A-Anong pinagsasabi mo diyan?! Hindi ko siya tinulak kaya huwag kang mang bintang! Napakatapang mo talaga, huh?! Gusto mo talagang sirain ko ang buong hospital na ito?!”Napangisi si Allison, “Go on! I don’t care, but in return ay sasabihin ko sa lahat na ikaw ang dahilan kung bakit nalaglag si Wesley, sa
KABANATA 09: WEAK SPOT“Warren, Mabuti naman at narito ka na! Tingan mo ang ginawa ng Doktor na ‘yan sa ‘kin!” pagsumbong ni Scarlet habang umaarte itong umiiyak at nasasaktan.Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Warren at sa halip ay nakatitig lamang ito kay Allison. Walang sbaing tinanggal ni Allison ang pagakakapit sa kaniyang kamay ni Doctor Anthony, dahil ayaw niyang iba ang isipin ni Warren na kahulugan nito.Doon pa lamang tumingin si Warren sa paligid, habang nakahiga si Wesley ay nagkalat naman ang kanin at ulam sa paligid, magulo din pati ang ilang gamit sa lamesa.“Anong ginawa mo?” tanong ni Warren kay Allison.Hindi makapaniwala si Allison, talagang siya ang tinanong nito? Well, ano pa nga ba ang aasahan niya sa dating asawa?“W-wala akong ginawa—”“She attacked me!” naputol ang pagsasalita ni Allison dahil kay Scarlet na bida-bida. “Narito lang naman ako para bisitahin si Wesley nang bigla niya ang sampalin at sabunutan. Warren, talagang nababaliw na ang babaeng ‘ya