Share

TRIPLETS 02: Ang Tagapagmana

KABANATA 2: ANG TAGAPAGMANA [The Heir]

LIMANG TAON ANG NAKALIPAS

Sa loob ng limang taon ay ngayon lang ulit magdadaos ng engrandeng kaarawan si Warren, kaya abala ang lahat sa mansion. At talagang pinaghandaan din ito ng lahat, para sa tagapagmanang si Wesley.

Si Wesley ay isang batang lalaki na tahimik lamang na nakaupo sa kaniyang kuwarto. Ang guwapo nitong mukha ay pinaresan ng makapal na kilay at malamlam na mga mata.

Bumukas ang kuwarto sa silid nito at pumasok si Scarlet, na kasalukuyang nakasuot ng isang eleganteng pulang gown.

“At bakit hindi ka pa nagbibihis, Wesley? Dumarating na sa Harisson Mansion ang lahat ng bisita kaya magpalit ka na ng damit, at sumunod ka sa akin sa labas!” utos ni Scarlet.

“Ayoko pong sumama.” maikling tugon ni Wesley na tila matamlay.

Mabilis na mas lumapit pa si Scarlet sa kaniya habang hawak ang isang pares ng damit.

“Isuot mo na ang iyong damit!” pilit pa rin ni Scarlet.

Nagdabog naman si Wesley. “Sabing ayoko! Ayoko pong sumama sa inyo!” paglaban nito.

Lumitaw ang kaunting galit sa mukha ni Scarlet. Tinitigan niya ang building block na kastilyo sa harap ni Wesley. Alam niyang laruan iyon ni Wesley kaya sa inis ay ibinagsak niya itong lahat.

Nanlaki ang mga mata ni Wesley dahil sa pagkabigla. Habang nagkalat ang kaniyang mga laruan ay kaagad na bumuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata.

“Buong magdamag ko po itong ginawa! Bakit mo po sinira, Tita? Bakit po?!” umiiyak nitong sigaw kahit paos pa ang boses mula sa nakaraang pag-iyak.

Inis ang naramdaman ni Scarlet nang tawagin siya nitong ‘Tita’. She knows the truth, na narito lang siya sa tabi ng batang ito para makamtam ang mataas na posisyon. Ni wala siyang nararamdaman na pagmamahal para sa bata.

“Binibigyan pa kita ng isang pagkakataon! Magbihis ka na ngayon din!” walang ekspresyong utos ni Scarlet.

“I hate you!” sigaw naman ni Wesley.

Namumula ang mga mata nito dahil sa pag-iyak, at kaagad na kinuha nito ang damit na nasa lapag saka sinugod si Scarlet at pinaghahampas ito.

Kaagad naman na itong hinawakan ni Scarlet sa balikat upang pigilan ito. “Makinig ka sa akin, Wesley! Kung hindi dahil sa akin, ay itinapon ka na sana sa ampunan o ‘di kaya ay naging pulubi na nilalayuan ng lahat! Wala akong pakialam kung ano ang ayaw at gusto mo. Sumunod ka sa akin hanggang sa matapos ang okasyon o itatapon kita sa ampunan ngayon din!”

Hindi mapigil ni Scarlet ang galit para sa bata. Ito kasi ang unang pagkakataon na tatayo siya sa tabi ni Warren sa harap ng maraming tao. Makikilala siya ng lahat at mas tataas ang tingin sa kaniya.

At hindi siya papayag na basta na lamang sirain ng batang ito ang kinabukasan niya!

“You don’t want to go with us?! Then, fine! Kung ayaw mong bumaba ay huwag kang bababa!”

Lumabas si Scarlet sa kwarto at ni- lock nito ang pinto mula sa labas.

Ang umiiyak na si Wesley ay naiwang nakakulong sa isang madilim na silid. Bigla ay tila may narinig siyang tunog ng isang maliit na hayop na kaniyang kinatatakutan. Hindi na niya napigilan pa na mabuo sa kaniyang isipan ang tungkol sa napakaraming daga na handa siyang kagatin.

Sa takot ay tumakbo si Wesley patungo sa pintuan. “Tita, nagkamali po ako! Palabasin mo ako! Please po!” umiiyak niyang sigaw dahil sa takot. “S–Sorry po, Tita Scarlet, please! Ayokong mag-isa, please let me out!” patuloy niyang pagsigaw habang hinahampas ang pintuan.

Pagkababa naman ni Scarlet ay sumalubong sa kaniya ang nakabusangot na si Auntie Nova, dahil sa lakas ng iyak at sigaw ng batang si Wesley.

“Hanggang kailan ba titigil sa pag-iyak at pagsigaw ang pesteng batang ‘yan? Nakakairita na ang ingay niya! Tulad siya ng kaniyang ina na walang kuwenta!” wika ni Auntie Nova.

“Huwag kayong magsalita ng ganyan dahil baka may makarinig! At isa pa si Wesley ay anak ng kapatid ko, at hindi sa babaeng inuuod na ang katawan sa lupa!”

Mabilis naman na tinakpan ni Auntie Nova ang kaniyang bibig bago tumingin sa paligid. Mabuti na lang at walang ibang tao roon, kundi sila lamang.

“Kailan ba kayo susunduin ni Warren, pati na ang kutong lupa na ‘yon para naman tumahimik na ang bahay na ‘to.”

“Iyan nga ang inaalala ko. On the way na si Warren, ngunit si Wesley ay ayaw naman sumunod sa akin.”

“Hay naku! Hindi titigil sa pag-iyak ang pesteng batang ‘yan! Kung ako lang ang masusunod ay dapat na siyang ibaba rito at bugbugin, nang malaman niya kung ano ang tama at mali! Dapat siyang parusahan para magtanda!”

Umiling si Scarlet. “That’s not a good idea, Auntie Nova. Dahil maaaring may makakita sa atin na taga labas. Oo nga at hindi gusto ni Warren ang ina ng bata, pero tunay pa rin nitong anak si Wesley. Tiyak na manganganib ang pamilya natin kapag nalaman niyang sinasaktan ang anak niya.”

Napaisip si Scarlet, sa kung anong klaseng buhay mayroon si Warren. Makapangyarihan, mataas, tinitingala ng lahat, at higit sa lahat ay nakakatakot itong magalit.

“Oh, ehdi, amuhin mo na lang muna ang batang ‘yon, pagkatapos ay pag-uwi niyo mamaya ay saka natin parusahan ng matindi!”

Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nila namalayan na mula sa itaas si Wesley ay umakyat sa binata. Nagulantang na lamang silang dalawa nang may marinig silang malakas na tunog na bumagsak.

Natakot bigla pati ang mga tauhan sa bahay.

“A–Ano ang tunog na ‘yon?! Ano ang bumagsak?” kinakabahanng tanong ni Scarlet.

“Miss Scarlet, nahulog ang young master mula sa itaas!” matalas na sigaw ng guard sa labas ng pinto.

Kaagad namutla ang mukha ni Scarlet. “Ano? Nahulog? Nahulog si Wesley?!”

“Jusko, Scarlet!” kinakabahang sambit ni Auntie Nova.

Nagmamadali silang lumabas ng pinto at nakita ang isang batang puno ng dugo na nakahiga sa sahig na bato.

Walang iba kundi si Wesley.

“Tapos na! Lagot tayo, Auntie Nova! Tapos na tayo! Darating na si Warren, para sunduin kami! Anong dapat kong gawin! Ano ang dapat kong gawin?!” pautal-utal at natatarantang sambit ni Scarlet.

Sa oras din na iyon ay mayroong kumikinang na ilaw na nagmumula sa sasakyan hindi kalayuan. At ang lulan nito ay walang iba kung hindi ang makapangyarihang si Warren Harrison. Walang hindi nakakakilala sa kakaiba at napakagandang kotse ng pamilyang Harrison at ngayon ay malapit na ito sa kanila.

Lahat ng tao sa pamilyang Gray ay tumingin kay Wesley na puno ng dugo sa lupa. Ang lahat ay takot, ngunit hindi maiwasan ang kanilang pagtataka sa kung paano nahulog ang young master.

Habang si Scarlet naman ay pawis na pawis, nanginginig, at pinipigilan ang kaniyang takot. Nakaisip siya ng paraan upang hindi mas magalit si Warren. Bago pa huminto niya sa harap ang kotse ay nagmamadali na niyang pahintuin ang kotse.

“Tulong, Warren! Si Wesley ay nahulog sa bintana!” sigaw niya habang hinahampas ang bintanang salamin ng kotse.

Hindi mapigilan ni Scarlet ang maluha dahil sa takot. Mabilis naman na bumaba si Warren dahil sa kaguluhan.

“What’s happening here?” tanong ni Warren.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status