Share

TRIPLETS 05: Muling Pagkikita

KABANATA 5: MULING PAGKIKITA [Meet Again]

Dumiretso si Allison sa kaniyang opisina habang tumutulo ang luha.

Habang si Warren naman ay naglalakad na tila ba walang nangyari. Madilim pa rin ang kaniyang awra, at malamig ang tingin sa mga taong naroon sa hospital, dahilan ng takot at pag-iwas ng mga ito.

Hindi nila halos akalain na ang baguhang Doctor ay tila hindi takot sa kamatayan. Kahit na ang operasyon ay matagumpay, walang sinuman ang makakapagligtas kay Doktora Sandoval ngayon.

Walang sabing binuksan ni Warren ang pinto sa consulting room!

Isang tahimik na nurse na nakasuot ng itim na salamin ang nakaupo sa duty sa loob, na may pagtataka sa mukha, at takot nang makilala kung sino ang pumasok.

“I–Ikaw po pala ‘yan, Mr. Harrison. S–Sino ang hinahanap mo?”

“Nasaan si Doktora Sandoval?” ang boses ni Warren ay sobrang nakakatakot.

“L–Lumabas si Doktora Sandoval para kumain at babalik siya mamaya. May kailangan po ba kayo sa kaniya?”

Hindi sumagot si Warren. Tumingin ito sa buong opisina ni Allison ay kinuha ang business card sa mesa ng konsultasyon at tinitigan iyon.

Kaagad na tumayo ang nurse. “Pasensya na po, Mr. Harrison. Kung nais niyo po siyang kausapin ay puwede niyo po siyang hintayin sa labas.”

Nang marinig kanina ng Director na tila hinahanap ni Warren si Doktora Sandoval ay kaagad siyang nabahala dahil baka katapusan nito. Kaya sinundan niya ito. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala ito roon. Sinenyasan niya na lamang ang nurse na lumabas.

“Mr. Harrison, pasensya po sa gulong nangyari kanina bago magsimula ang operasyon. Alam kong pagod lang si Doktora Sandoval at hindi ko naipaliwanag sa kaniya ng maayos ang sitwasyon, kaya niya nagawang kalabanin ka. Kasalanan ko ang lahat, patawad po.” nagmamadaling paumanhin ng Director.

Gusto na lang nitong akuin ang lahat ng nangyari para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Tila wala namang pakielam sa kaniya si Warren, at pinakatitigang mabuti ang business card. Gamit ang kaniyang kamay ay mahigpit niya itong hinawakan at nilukot.

Kaagad na kwinelyuhan ni Warren ang Director. “I want to see her right now! Kapag hindi siya nagpakita sa akin ngayon ay tuluyan kong wawasakin ang buong hospital na ‘to!”

Namutla ang mukha ng Director. “O–Opo! Pababalikin ko siya sa hospital ngayon din!” at nagmamadaling tinawagan ang numero ng cellphone ni Doktora Sandoval.

“Doktora, bumalik ka na ngayon sa hospital. Mr. Harrison wants to see you. Please come back now!” natatarantang sambit ng Director.

“It’s my breaktime, and I don't care kahit magwala pa siya sa galit! Let him be!” walang pakialam na sambit ni Allison bago ibinaba ang tawag.

Napahiya ang Director at namutla. Habang si Warren ay tila nagpupuyos na sa galit.

Hindi si Warren ang focus ni Allison ngayon kundi ang mga anak niya. Pinaandar niya ang kotse saka patungo sa bahay ng kaniyang Kuya Arman.

Alas dose na nang gabi at natitiyak niyang tulog na ang kambal. Havang ang kaniyang Kuya ay nakaupo sa sala, nakatanaw sa labas at palagi siyang hinihintay.

She knows that he really love her, kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito nagsinungaling.

Nang iparada ni Allison ang kotse ay nagmamadali siyang lumapit kay Arman.

“Kuya Arman, magsabi ka ng totoo. Ilang sanggol ang ipinanganak ko?!”

Napangiti si Arman. “Mukhang pagod ka sa trabaho, at nakalimutan mong kambal ang anak mo.” hahawakan sana nito ang balikat niya ngunit kaagad siyang umiwas.

“Nakakita ako ng isang bata sa hospital ngayon na kamukha-kamukha ni Walter, at anak siya ni Warren Harrison!”

Nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Arman. “G–Gano’n ba? Hindi kaya nagkataon lang? Nabalitaan ko nga na nag-asawa ng muli si Warren, at nagkaroon na ito ng anak, apat na taong gulang pa lang ang bata. Kaya ano bang iniisip mo?”

“Nagsisinungaling ka pa rin sa akin, Kuya Arman! Sabihin mo na sa akin ang totoo!”

Hindi alam ni Arman ang sasabihin. Alam niyang galit si Allison kay Warren at Olivia, at tiyak na hindi nito matatanggap ang nangyari. Ngunit si Warren, ay isang bilyonaryo na hindi nila kayang pantayan.

Mas pinili niyang ibigay ang gusto ni Warren na isang tagapagmana upang palayain na nito si Allison, at ang dalawa pa nitong mga anak.

“Allison, ito lang ang utang mo kay Olivia. Isipin mo na lang ito bilang kabayaran para sa kaniya. Stop asking questions, okay? Young master na ngayon ng Harrison family ang batang iyon. Masaya na siya at minamahal ng lahat natitiyak ko ‘yon.”

Galit na tumawa si Allison, “Wala akong utang kay Olivia! Bakit siya dapat kilalanin ng anak ko na dinala ko ng siyam na buwan sa aking sinapupunan? Bakit hindi ka man lang naniniwala sa akin! Bakit ka ра nagsinungaling sa akin!”

Unti-unting tumulo ang luha ni Allison.

“Alam mo ba na si Wesley ay nakahiga sa harap ko kanina na puno ng dugo, na may tatlong bali ng tadyang, at mga sugat sa kaniyang mga kamay at likod. Ako mismo ang nagsagawa ng operasyon sa kaniya. Sabihin mo sa akin, siya ba ay nasa mabuting kalagayan. Masaya ba siya?”

Laking gulat ni Arman, “S–Si Wesley ay sugatan? Ano ang nangyari? Siya ay nakatira ng maayos sa pamilyang Gray, paano siya nasugatan ng ganito?”

“Hindi natin parehas alam! Mukhang kailangan kong puntahan sila ngayon din.”

Tumalikod si Allison upang umalis.

“Hindi ka puwedeng pumunta sa kanila!”

“At bakit?”

“Kung malaman ni Warren na buhay ka pa ay tiyak na hindi ka niya pakakawalan!”

“Sinaktan nila ang anak ko! Sa tingin mo ay wala akong dapat gawin?!”

“Hindi iyon ang sinasabi ko! Mag-isip ka! Mayroon ka pang dalawang anak! Makapangyarihan si Warren, at kapag nalaman niya ang tungkol kay Walter at Allysa, sa tingin mo ba ay hahayaan niya ito sa tabi mo?! Gusto mo bang ibang babae rin ang kilalanin nitong ina?”

“So, sinasabi mo gusto mong hayaan ko si Wesley sa poder ni Warren at Olivia habang nagdurusa ito? Gano'n ba, Kuya Arman?” nanlalatang napaupo si Allison sa sofa.

“Wala tayong laban sa kanila, Allison. Mahal ni Warren si Olivia, hindi ka rin naman niya pinaniniwalaan, at tiyak kong hindi niya palalampasin kapag nalaman niyang buhay ka pa.”

Bawat salita ay tila kutsilyo na tumatagos sa kaniyang puso.

“Ni isang beses ay walang naniwala sa akin. Wala akong ginawa kay Olivia, kaya wala akong utang sa kaniya!” galit na wika ni Allison bago tumayo at nagtungo sa kuwarto, naligo, nagbihis ng malinis na damit at kumain.

Pagkatapos ay handa na ulit siyang umalis.

“Saan ka pupunta? Hating gabi na. Hindi ba't tapos na ang duty mo?” tanong ni Arman.

“Nasa kritikal na kondisyon pa rin si Wesley, at gusto kong manatili sa tabi niya upang bantayan siya.”

“Hindi na ligtas para sa iyo ang lumapit pa sa kanila.”

“At hindi rin ligtas ang anak ko na nasa kamay nila. Hindi ko hahayaan na masaktan pa nila si Wesley.”

Nagmaneho si Allison pabalik ng hospital. Dumiretso siya sa kuwarto ni Wesley. At nanghihina pa rin ang tuhod niya sa tuwing maaalala ang sitwasyon nito kanina.

Naupo siya sa upuan na tabi ng hospital bed nito at pinakatitigan ang mukha saka hinawakan ang kamay. She remembered the first time she saw and held him. Iyon ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat.

“W–Wesley…” basag ang kaniyang boses na tila pinipigilan na umiyak. “A–Anak ko, narito na si Mommy… Hinding-hindi kitang pababayaan at poprotektahan kita.” pinunasan ni Allison ang luha sa kaniyang pisngi.

Ilang oras siyang nanatili roon at nararamdaman niya ang pagod at antok. Mas pinili niyang magtungo sa kaniyang opisina upang umidlip. Ang buong hallway ng hospital ay tahimik at madalang na lamang ang mga staff at nurse.

Pagpasok niya sa kaniyang opisina ay hindi inaasahan ni Allison ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki ang sasalubong sa kaniya. Saktong pagkasarado niya ng pintuan ay kaagad siyang hinawakan nito sa beywang inilapat ang katawan niya sa pintuan.

“Finally, nandito ka na. Long time no see, Doktora Allison Sandoval. . . or should I say Allison Aguilera. . . ” bulong nito sa kaniyang tenga habang siya ay nakatalikod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status