"But I'll abide for my time right now. Pero darating din ang araw na mas bibigyan pa kita ng mas higit pa sa nakukuha mo mula sa trabaho mo ngayon... Mark my words, Ria. Magiging akin ka din ng buong-buo." ~Jacinto Mathias Gusto mo bang malaman ang baho ng iba? Gusto mo bang marinig ang istorya ng isang disenteng binata na nahulog sa maduming bayaran? Do you want to know that behind her innocent face conceal her unholy self? Or does it more interesting to hear about a man who has dignified appearance hides an intense desire of something that should be considered wicked? Do you think it's a waste if an influential, wealthy, and decent man chose to be with an immoral, good for nothing, and prostitute woman? Well, what do you think? Do you have time to know and hear about these spicy rumors? Then come and satisfy your curiosity. Learn to know that expectations, moral standards, and bad reputation doesn't matter in love... Nothing matters when it comes to love. ~SpadeLucker
View MoreProsti
Magulo. Mabaho. Maingay. Madumi. Makitid ang daan. Maraming bata na naghahabulan. Lahat na yata ng 'M' ay maiilarawan na sa lugar ng Macabalan. Pero ano ba naman ang maaasahan mo sa isang squatter area? Mala-subdivision?
Pero kung sa kahirapan ka lumaki, hindi na importante ang lugar kundi ang bubong na matutuluyan. Diskarte na lang 'yan kung paano ka babagay at umiwas sa gulo.
"Jack! Hinto ka muna saglit!"
Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. Gustuhin ko mang lantaran na ngumiwi ay pinigilan ko ang sarili ko.
Uulitin ko, diskarte ang kailangan para umiwas sa gulo.
"Manong Raffy! Ang aga na'tin 'a."
Sinenyasan ako nito na lumapit sa kinaroroonan nito. Alas kuatro pa lang ng hapon ngunit andito na sila sa harap ng tindahan ni Aling Lara at nagiinuman.
At dahil wala namang masama kung makikipag-usap saglit at tanggapin ang isang baso ng alak na inaalok nito nang tinawag ako kaya lumapit ako.
"S'yempre, sweldo ngayon kaya saan pa ba tutungo?" Si Manong Raffy tapos malakas na humalakhak.
Napailing ako at napatawa din. Iniisip kung naibigay niya ba ang sweldo niya kay Manang Fe at kung hindi ay may live na naman mamaya na drama para sa kapitbahay namin.
Pero nagkibit-balikat na lang ako. Sino ba ako para makialam sa buhay nila?
Bumati ako sa kasama ni Manong Raffy na kapitbahay din namin bago tinanggap ang isang shot ng alak.
Agad kumalat ang mainit na sensasyon na dulot ng alak sa pagdaan ng lalamunan ko. Pagkatapos masimot ang laman ng baso ay napangiwi ako. Sanay na naman ako sa lasa pero parati parin akong nababaguhan sa dulot nito sa sistema ko.
"Galing ka ba ng escuelahan?" Tanong ni Jimbo sabay tunga ng alak na para sa kanya. Tumango ako.
Nasa 4th year highschool na ako sa Cagayan de Oro National Highschool at ilang buwan na lang ang bibilangin ay gagraduate na.
"Mabuti 'yan, Boy. Aral ng mabuti, hindi tulad nitong si Jimbo na bulakbol lang alam." Nakangising asar ni Landon kay Jimbo.
"Gago. Ikaw kaya masamang impluwensya sakin." Si Jimbo.
"Anong ako? Pa'no naman si Ramil? Anong tawag sa kanya? Advocates?" Turo naman ni Landon sa katabi n'yang si Ramil.
"Uy! Advocates, english 'yon 'a. Anong ibig sabihin n'on?" Bwelta naman ni Ramil.
"Ugh... Ang ibig sabihin n'on... Advocates... Advoca...do... Advocado. 'Yong nasa korte? 'Yon!" Palusot ni Landon.
"Siraulo ka talaga, Landon. Avocado 'yon at isa 'yong prutas. Iba naman 'yong Abogado. Wala ka talagang kwenta." Si Manong Raffy.
"Ano ka ba naman, Manong Raffy. Biro lang 'yon."
Hindi nila pinansin ang palusot ni Landon at humalakhak na lang sina Ramil at Jimbo habang napangiwi na lang si Landon. Napangisi ako at napailing sa kanila.
Tutal ay ilang saglit na naman akong nakatayo doon at pinagbigyan na sila sa kanilang alok. Hindi ko na hinintay na umabot pa ulit sakin ang baso ng alak kaya akma na sana akong magpapaalam nang sumipol bigla si Jimbo.
"And'yan na ang hinihintay ko. Ang masarap na ulam para mamayang hapunan." Malisyosong usal ni Jimbo.
Halos magkasabay kaming lahat na lumingon sa tinitignan niya. May hinala ako sa kilos niya at hindi 'nga ako nagkamali.
Maiksing shorts na lantad ang makinis at maputi nitong hita. Isang dilaw na spaghetti strap blouse na sobrang hapit sa katawan na halos lahat ng kurba sa katawan ay sobrang lantad sa mata ng lahat.
Ngunit ang mas nakakaagaw pansin sa kanya ay ang maganda niyang mukha na tila manika.
Deep set of amber eyes, narrow pointed nose, pale pink lips and heart-shaped face. Idagdag pa ang kulay chesnut nitong buhok na umiindayog sa bawat kilos nito o hakbang.
Kung hindi ito kilala sa maduming reputasyon nito sa Macabalan ay mapagkakamalan talaga nitong anak ng Mayor o kaya naman sikat na modelo. 'Yon 'nga lang, ibang trabaho ito sikat.
"Ahh... Ang Maria Clara ng Macabalan." Tawag pansin ni Landon habang malisyoso na din ang tono ng boses nito.
Hindi lang ang mukha nito ang agaw pansin. Pati na din ang d****b nitong walang pang-ilalim na panamit. Lantad na lantad sa paningin ang hindi kalakihan nitong d****b sa loob ng masikip na blusa.
Pinigilan kong dumapo doon ang tingin ko habang sumusulyap-sulyap sina Landon at Ramil sa d****b nito habang walang hiyang tumititig si Jimbo dito. Kahit si Manong Raffy na may asawa na ay bakas sa mata nito ang malisyosong kislap.
Napangiwi ako at hindi maiwasan mangdiri.
"May bibilhin ka ba, Miss beautiful?" Si Ramil sabay sulyap sa d****b nito.
Iniwasan ko na matuksong tumingin sa nakalantad nitong d****b kaya nasa mukha niya ang buong atensyon ko. At tulad ng parati kung nakikita sa mukha niya, blanko 'yon.
Walang bakas ng hiya o disgusto. Tila sanay na siyang lantaran na binabastos o kaya naman wala talagang pakialam. Either way, I can't help but shivered from disgust.
I don't want to judge anyone, aside from the reason that it isn't proper, but because it's none of my business yet I still agreed about my Mother's opinion. Wala siyang delikadesa.
"Halata ba, Ramil?" Nakataas na kilay na saad niya sabay pamewang.
Her move made her chest and apparent nipples more prominent in blouse.
Umatras ako ng ilang hakbang papalayo sa kanya dahil sa pakiramdam ko ay sobrang lapit ng distansya pagitan namin. I'm still standing and she stopped steps away from me since Landon and Ramil was in her way.
Sumulyap siya sakin saglit dahil sa naging galaw ko ngunit hindi din nagtagal ang tingin niya sakin.
"Nagbabakasali lang naman ako na baka gusto mong sabayan kami dito." Nakangising usal ni Ramil.
"Oo 'nga naman. May maibibigay din naman kami tips sa... Eherm, serbisyo mo." Natatawang saad ni Jimbo.
It may seems like a joke but an insult is a insult. However, if you find the truth offensive then it's an insult.
Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Jimbo ngunit mas lalong kumunot ang noo ko ng narinig ang tawa ni Maria.
"Ang hilig mo talagang magbiro, Jimbo," mapanuya nitong saad habang may sarkastikong ngiti sa labi,"Pasensya ka na pero hindi ako tumatanggap ng barya sa serbisyo ko. Alam ko naman kasi kung gaano lang kaliit ang sweldo ng construction worker." Mapang-uyam nitong komento.
Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Habang malakas na humalakhak si Manong Raffy sa narinig. Kahit sina Ramil at Landon ay napangisi habang kumunot naman ang noo ni Jimbo.
Nakita ko ang matagumpay na ngisi ni Maria saka siya dumaan sa mismong harap nila at tinungo ang harap ng tindahan.
"Tao po! Aling Lara, pabiling 'nga ng isang kaha ng Green Malboro."
Napabuntong-hininga na lang ako. Aalis na pala dapat ako.
"Iba talaga kapag big time prosti, diba Maria? 'Yong sweldo ko, barya lang sa'yo. 'Yong trinabahunan ko ng isang araw, tatlongpung minutong pagbuka mo lang ng hita."
Parang napanting ang tenga ko sa matalas na insultong inusal ni Jimbo. Masama ko siyang tinignan.
Kahit ano pa man ang trabaho, ang babae ay isa pa ding babae. Kailangan pa ding respetuhin. Aalma na sana ako at awatin si Jimbo nang narinig ko na naman ang mapanuyang tawa ni Maria.
Mula sa kaha ng sigarilyo ay kumuha siya doon ng isang stick. Sinindihan niya 'yon gamit ang lighter na kinuha niya sa loob ng shorts niya.
Isang simsim ang ginawa niya bago hinihip ang makapal na usok mula sa mapulang labi niya. Agad na kumalat ang usok ng sigarilyo sa paligid namin.
"Parati mo talaga akong pinapatawa, Jimbo," sumimsim muna siya ng isang beses sa hawak na sigarilyo saka ulit ibinuga 'yon, "Pero sa tingin ko pareho namang nagpapakain sa kumakalam na'ting sikmura ang perang kinikita na'tin. Ang kaibahan lang ay malaki akin at maliit lang sa'yo."
At dahil nakatayo ay dinungaw nito si Jimbo na nakaupo at inilapit ang mukha dito. Tapos sumilay ang mapanuya nitong ngisi saka tumingin sa ibabang parte ng katawan ni Jimbo bago binalik ang tingin sa titig ni Jimbo.
"At sa kung paanong paraan ko nakuha ang pera ay wala ka nang pakialam doon," matigas nitong sabi, "At isa pa, hindi ako pumapatol sa maliit lang din..." Anito sabay ulit tingin sa ibabang parte ng katawan ni Jimbo at walang lingon-lingon na umalis.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang malutong na mura ni Jimbo habang malakas namang humalakhak sina Ramil, Landon, at Manong Raffy.
Instinctively, my daze followed her back while she's walking away. Kahit nakatalikod ay halata sa postura niya ang nakataas na noo at matuwid na balikat. She's walking like she own the road and never minding the people who whispered behind her retreating back.
Napailing na lang ako. I really don't get her. Her moves, her insights, her next thoughts... All of her.
Pero ano bang pakialam ko? She have her life while I have my own. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpaalam na sa kanila. Marami pa akong gagawin sa bahay bago umuwi si Mama.
~SpadeLucker
A/N:Hey, I'm glad that you made it til this chapter. Thank you for your time!But before you proceed, read this note first.Chapter 1-15 are intend for Jack's POV. While from here on until the last chapter will be for Maria's POV. Why? I'll tell you the reason to the last chap after the epilogue. For now, enjoy a different perspective and opinion but with the same emotions. Let's begin to hear the side of Maria...~~~~MasaklapMatalino. Mabait. Maalagang Anak. Maraming kaibigan. May itsura. Matino. Lahat na yata ng 'M' mailalarawan mo sa kanya.Hindi 'nga lang ako sigurado sa 'malaki'?Ipinilig ko ang ulo ko at piniling sumimsim sa hawak na sigarilyo."Ayan na naman ang titig! Hoy! Baka malusaw 'yan!" Saway ni Nicole habang nasa kabilang kanto kami sa tindahan ni Aling Lara.Sa maliwanag pa na hapon ay nagsisimula ng magpakalunod sina Mang Raffy, Jimbo, Ramil, at Landon sa alak.Dinamay pa si Jack n
Kung sana alam koPasado Alas Kuatro y medya ay naalimpungatan ako at nagising. Panay na ang tilaok ng manok at nag-aagawan na din ang liwanag at dilim sa labas.Mahimbing pa din ang tulog ni Maria nang dahan-dahan akong umalis mula sa kutson. I heard her mumbled under her breath which made me smile before she shifted her position.Napailing na lang ako at agad na dumako ang isip sa nangyari kagabi. Napakagat ako ng labi at napatingin sa kanya.Her chesnut hair messily fanned around the pillow. Her delicate and long eyelashes are lazily laid on her cheek. Even in her deep slumber, she's effortlessly beautiful.Pinilit ko ang sarili ko na umalis sa tabi niya. I still need to go to our house. Baka kasi dumating na si Mama at makapang-abot pa kami.For sure, maraming tanong na naman ang sunod-sunod na lalabas sa bibig nito.May plano naman akong sabihin sa kanya ang tungkol kay Maria pero hindi ngayon.I still
PassionTumango ako. Hindi ko pabubulaanan ang sinabi niya.I know that it's insane. But if madness is the only thing that can protect her then let me be a mad man."S'an mo nakuha ang ganito kalaking pera? 'Oh my God." Napahawak siya sa noo niya at mariin na napapikit."Kailangan mo pa bang malaman kung saan 'yan nanggaling? Can't you trust me and accept it please...?" Kulang na lang ay magmakaawa ako sa kanya para hindi na palakihin pa 'to.Marahas siyang bumaling sakin at matalim akong tinignan."Of course! Kailangan kong malaman kung saan mo 'to napulot! Ang laking pera nito at kung normal lang na sitwasyon ay walang matinong tao na basta na lang magbibigay ng ganito ka laking halaga." She indignantly said.Tumungo ako. I know but still... I've made up my mind."I... I trust you, okay?" Aniya sa mahinahong boses saka umiling, "Pero hindi ko 'yan matatanggap." Aniya habang nakatingin sa bagpack na nasa sahig.
Date Habang nagbibihis pa si Maria sa kwarto niya ay pinili kung umalis saglit patungong bahay para palitan ang suot na uniporme ng damit na panglakad. I chose to wore a forest green checkered polo underneath with black v-neck t-shirt. Hindi na ako nagabala pang magbutones. Nagsuot lang din ako ng black pants and sneakers. I also emptied the my usual black bag for the money later. At nang makabalik sa bahay ni Maria ay hindi pa rin s'ya tapos. I guess I was really fast. At habang naghihintay sa kanya ay inabala ko muna ang sarili ko na tupiin ang mangas ng polo. I heard the door knob being twisted and clicked then with the exact moment as I raised my gazed, I was greeting by her exquisite and captivating beauty. Maang na napatitig ako sa kanya habang tila naestatwa sa kinatatayuan at gusto lang gawin ay titigan siya. She wore a pristine white turtleneck dress and she paired it with a flat
Ikaw lang"I will send you the further details, Kuya.""Okay. A worthy match is the payment when I have time to visit. Bye.""Thanks."Napangiwi ako sa kondisyon niya. Damn! Sa lahat ng pinsan ko, si Kuya Kaj yata ang pinakanakakatakot pagdating sa matches.Pa'no ba naman kasi, lahat ng atake nito ay malakas at puno ng pwersa. He doesn't hold back his true strength for the sake of friendly match.Kaya ang huli ay ilag kaming lahat parati kapag siya ang opponent namin. Walangya, ang malas ko naman.Napabuntong-hininga ako at binalik na ang cellphone sa pocket ng jacket ko.Napatitig ako kay Maria ng bigla siyang gumalaw para mag-iba ng posisyon. Nakatagilid siya ngayon at nakaharap sakin.Napangiti ako nang makita ang mas maamo pa niyang mukha kapag natutulog. Iba kasi ang klase ng lambot na makikita sa kanyang itsura kaysa sa gising siya at palaging defensive.However, I still both preferred her stubborn, to
ConnectionsUmiwas siya ng tingin at yumuko ulit. Napabuntong-hininga ako at tumango."It's okay if you don't tell me though. But you can tell me things that bothering you—""Kaibigan 'yon ni Gino." Putol niya sa sinabi ko.Natahimik ako at hinintay pa ang susunod niyang sasabihin.Sa pagkakaalam ko ay employer niya si Gino. 'Yon kasi ang nangmamay-ari sa Gino's Beer Clubhouse.Nakita ko ang paglunok ni Maria. Halata sa katawan niya ang tensyon kaya kinuha ko ang dalawang malambot niyang kamay. Salungat sa malaki at magaspang kong kamay, dinatay ko ang mga 'yon sa magkabila kong pisngi.Kinital ko ng bawat marahan na halik ang mga palad saka binigyan siya ng kunting ngiti. Gamit ang kamay ko pinanatili ko ang kamay niya sa pisngi ko.Nakita ko ang pagkawala niya ng malalim na hininga at marahan hinimas ang pisngi ko gamit ang kanyang daliri. Napapikit ako at ninamnam ang marahan niyang haplos.
HalikTo keep my mother from being worried about the bad rumor and my well being, I distance myself from Maria for a while.Hindi naman sa iniiwasan ko siya ngunit pinili ko muna na ituon ang buong atensyon sa pag-aaral.Although we sometimes spoke from the backyard, sulit na ang ilang sandali na 'yon para sakin.Kahit masilayan lang siya o makausap saglit at kahit pambubula pakinggan ay sapat na 'yon para mabuo ang araw ko.At isa pa, malapit na din ang exam namin sa 3rd grading kaya todo talaga ang pag-aaral. In fact, we're so busy in review for the exam."Ilan nakuha mo score, Jack?" Si Jude."Secret." Nakangisi kong saad sabay kibit-balikat."Buraot ng isang 'to." Reklamo niya."'Oh? Kapal talaga ng hunghang na hindi sabihin kahit perfect naman siya sa review." Si Edward.Napatingin ako sa papel na hawak-hawak niya.What the...? Diba tinago ko 'yan sa isa sa libro ko?"Patingin 'nga
Bad RumorMariin ang titig ko sa kanya habang nakatulala lang siya sakin. Her face was painted with pure disbelief.Akala ko ay may ipapahayag na naman siyang tugon niya o kaya ay palalabasin na naman niya ako.I know I already castigated myself to control the follow of my words yet it's still escaped. That's why I'm waiting right now for the worse to come.But it doesn't came.Instead, silence engulfed us and it continued to lingered if I didn't took the courage to spoke first."Sino ang lalaking 'yon kanina?" Basag ko ng katahimikan.Tila mukhang nagising siya sa kanyang panaginip at para doon lang natauhan."H-Huh?""'Yong lalaki kanina, sino 'yon? Ang makilala ka ng lubusan ang hihingin ko na lang nakapalit sa'yo."Nakita ko ang pagpikit niya at paghugot ng hininga. Saka tumango
Mark my wordsMy most anticipated day comes so slowly.Kung kailan gusto ko bumilis ang oras saka naman babagal. At kapag gusto kong bumagal saka naman bibilis. Like, what the hell?Sumpa ba 'yon para makita ang kahalagahan ng bawat patak ng segundo?Napabuntong-hininga ako at tinitigan ang papel na nasa harap ko. Na'san na 'yong sinasabi ko na marunong akong maghintay?And because I was 'slightly' impatient. Pagtungtong ng Alas sinco ng madaling araw ay gising na ako. Mula sa labas ay maingay na ang tilaok ng manok.Habang marahan naman ang tunog ng musika na ng gagaling sa lumang kaset na pagmamay-ari ni Mama."Good morning," bati ko kay Mama ng nadatnan ko siya sa kusina at tahimik na umiinom ng kape.Nakapangtulog pa rin siya habang magulo ang buhok mula sa pagkakatali ng buhok. Halatang basta-basta na lang tinali."Hmm." She hummed while sipping at her coffee.Inabala ko din an
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments