Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
View MoreTAHIMIK PA RIN ang buong hapag-kainan matapos na sabihin iyon ni Oliver. Tila ba may dumaang anghel kaya sila natahimik. Walang sinuman ang gustong magsalita kahit na ang mga bata ay behave na behave sa kanilang harap. Kinailangan pa na tumikhim si Mr. Gadaza para kunin ang atensyon ng lahat at nang
PAGBABA NI ALIA ay eksaktong naghahain na ang mga maid ng kanilang magiging dinner sa kusina. Ilang sandali lang silang tumambay sa sala at kapagdaka ay inanyayahan na rin silang magtungo doon ng mag-asawang Gadaza. Nahihiya man ay nagtungo na rin doon si Alia lalo pa at nauna ng tumakbo doon ang mg
MAHINANG TUMAWA SI Geoff sa kabilang linya na mas ikinakunot pa ng noo ni Oliver. Sinabihan na siya ng asawa niyang si Alyson na huwag ditong babanggitin ang tungkol kay Alia na dating secretary niya, pero hindi niya mapigilan dahil nangangati ang dila niya. Batid niyang anumang dami ng trabaho ni O
SINALUBONG ANG MAG-IINA ng mag-asawang Gadaza sa entrance pa lang ng mansion na halatang excited sa kanilang pagdating. Ganun na lang ang higpit ng yakap ng dalawang matanda kay Nero at Helvy nang makita na ang mga bata. Pinaulanan rin nila ng halik ang dalawang bata na tanging mahinang hagikhik lan
MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Manang Elsa. Iyon lang ang tanging magagawa ng matanda sa nanginginig na namang katawan ni Alia dahil sa pagbabalik niya ng tanaw sa mga pinagdaanan. Nagpatuloy pa sa kwento si Alia. Sinabi niya pa ang mga pangungulit nito at pakikipagbalikan sa kanya. Bagay na ayaw na
NOONG UNA AY medyo maayos-ayos pa itong nakikiusap na magkabalikan silang dalawa. Araw-araw itong nanghihinuyo ngunit lagi niya itong tinatanggihan dahil wala na talaga. Tama nga ang kwento ni Dawn sa kanya na hindi natuloy ang kasal nito sa local celebrity. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit
ANG SABI NI Alia sa kanyang sarili noong bago pa lang silang dating sa Malaysia at makita ang ganda ng lugar na kinatitirikan ng townhouse ay nais niyang doon na mag-retired at tumira hanggang sa kanyang pagtanda. Dito niya gustong gugulin ang buong panahon niya habang patuloy na nagpipinta. Subalit
NANG SUMAPIT ANG gabi ng araw na iyon ay hinintay nilang mag-iina na tumawag si Oliver, subalit hindi iyon nangyari. Nakatulugan na lang ng mga bata ang paghihintay sa tawag nito, ngunit ni chat ay wala ‘ring pinadala ito. Dinamdam iyon ni Alia at pinag-isipang mabuti buong gabi. Wala siyang ibang
TINUPAD NI OLIVER ang kanyang pangako sa mga bata. Palagi itong naglalaan ng oras upang tumawag at makipag-usap sa kanilang mag-iina kahit na halatang pagod ito sa kanyang trabaho at kita sa mata. Bagay na paunti-unting kinasanayan na ng katawan ni Alia. Napapangiti na lang siya nang lihim sa tawag
"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments