Share

Kabanata 0004

last update Huling Na-update: 2024-03-20 15:10:32

Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon kasalukuyang nakatira ang ina niya na gumaling na sa sakit. May problema man ang katawan niya ngayon alam niyang hindi magtatagal ay magagawan niya ng paraan lahat.

Kailangan niyang magtrabaho para sustentuhan at buhayin ang ina niya na sa kanya na lang ngayon umaasa.

"Nakita rin kita!"

Kinabukasan noon pagkagising ay kulang na lang ay mapatalon sa saya si Alyson nang mahanap ang business card ng kaibigang may kompanya. Ka-close niya ito at kung sakali na humingi siya dito ng tulong, sure siya na hindi rin siya nito matatanggihan. Noong huling nakita niya ito ay inabot nito ang business card, habang nagbitaw ng salita na pwede niya itong malapitan.

"Hello?"

Kinagat ni Alyson ang labi nang marinig ang pamilyar nitong tinig.

"Sino ito?"

"Alyson Samonte."

"Oh? Kumusta ka na? Nasaan ka na ngayon? Mabuti at napatawag ka?"

"Ayos lang naman ako, Kevin."

Napilitang ikuwento ni Alyson ang tungkol sa paghahanap niya ng trabaho. Aniya ay kailangan niya ng trabaho para buhayin ang kanyang ina. Actually, pahaging lang niya iyon para kung sakaling may opening sa kumpanya nila ay alukin siya nito. Bagay na hindi siya nagkakamali.

"Kung gusto mong magtrabaho dito ay bukas-palad kitang tatanggapin, Aly. Alam mo namang gusto ko ang mga design mo. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng professor natin noon? Magaling ka. Magiging matagumpay ka kung itutuloy-tuloy mo lang iyon."

Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ni Alyson sa mga narinig. Isa ito sa mga isinakripisyo niya para kay Geoff, ang mga pangarap niya.

"Nalungkot nga si Prof noong bigla ka na lang nawalan sa amin ng contact. Akala pa nga namin ay nasa ibang bansa ka na para doon ituloy ang mga pangarap na sinimulan mo dito."

Mahinang tumawa si Alyson. Kung alam niya lang noon na ganito ang mangyayari sa kanya, sa relasyon na pinangarap niya hindi niya sana noon sinakripisyo ang kanyang pangarap.

"Kailan ka available? Magkita tayo."

"Maraming salamat sa opportunity. Update kita kung kailan ako pwede."

"Sige, message ka lang o tumawag."

Ang buong akala niya noon ay sobra na ang swerte niya na maging asawa si Geoff, ang kasalukuyang CEO at tagapagmana ng Carreon Holdings. Gwapo na ito, mayaman pa, wala ng ibang hihilingin pa. Hindi niya alam na mali ang naging desisyon niya noon.

"Anong sinabi mo, Alyson?"

Pabagsak na inilapag ng ina ang hawak na kutsara nitong pinanghalo sa kakatimpla niyang tasa ng kape.

"Ma, alam niyo naman po ang—"

"Bakit ka pumayag sa annulment? Nasaan ang laman ng utak mo? Asawa ka niya. Hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa kanya. Ngayong wala na ang ama mo at nalugso ang negosyo, dapat lumuluhod ka sa harap niya at nagmamakaawang tulungan ka. Tapos, ano? Malalaman ko na nagdesisyon kayong maghiwalay?!"

Humampas ang palad nito sa mesa. Napaigtad na doon si Alyson sa labis na gulat. Hindi niya inaasahan ang bayolenteng reaction ng sariling ina.

"Wala ka pang nakukuhang tulong sa kanya sa loob ng tatlong taong iyon!"

"May babae siya Ma—"

"Eh ano naman? Hayaan mo siyang mambabae hangga't gusto niya!"

"Ma? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Bakit? Ginusto mo iyan di ba? Hindi ka mapigilang magpakasal sa kanya!"

"Mahal niya iyong babae. Nabuntis na niya iyong babae at gusto niyang pakasalan. Hahadlangan ko pa ba?"

Dismayadong umiling ang ina niya.

"Gamitin mo ang opportunity na ito. Hingan mo siya ng pera bilang danyos. Kung hindi dahil sa kanya, matagumpay ka na sana ngayon."

"Mama naman?!"

"Bakit? Wala kang gagawin? Tutunganga ka na lang dito?"

"Huwag kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan para mabigyan ka ng pera bukas na bukas din. Huwag mo akong pangunahan sa desisyon ko! Ibibigay ko ang pangangailangan mo nang hindi nauudlot ang pakikipaghiwalay sa asawa ko."

"Alyson? Kinakausap pa kita!"

Walang lingon-likod siyang lumabas ng bahay. Pagbalik ng bahay ay agad niyang hinalughog ang kanyang wardrobe upang kunin ang mamahalin at mga branded niyang damit, bag at sapatos. Isama pa doon ang ilang mga alahas na natanggap niya mula sa pamilya ni Geoff bilang regalo nila. Sa loob ng tatlong taon ay marami siyang naipon, ang ilan pa nga doon ay hindi niya nagamit at nasuot kahit minsan. Taong bahay lang naman kasi siya at hindi madalas maimbitahan sa mga mahahalagang okasyon, unless ay involved doon ang family gathering.

"Pasensiya na kung ibebenta ko kayo, kailangan ko lang ng pera ngayon."

Tinawagan niya ang Manager ng store upang magpaalam na ibebenta niya ang mga branded niyang damit. Sa sunod niya ihahanap ng buyer ang bag, sapatos at alahas. Ang shop na iyon ay tumatanggap lang ng second hand na gamit na maaari nilang mabenta sa mataas na halaga. Kumbaga, ang shop na iyon ay isa sa matatawag na pangmayamang ukay-ukay sa bansa.

"Paniguradong maaalagaan kayo ng mga taong makakabili sa inyo at tiyak na magagamit sa tamang okasyon."

Nang makwenta ni Alyson ang pera na mapagbibintahan noon ay naisip niya na kaya na nilang maka-survive ng ina. Oras na ma-settle niya ang annulment ay magtra-trabaho na siya. Tatanggapin niya ang offer ng dating kaklase niya. Pagsisikapan niyang makuha ang mga pangarap kahit medyo huli na iyon. Para sa kanya ay walang maling panahon as long as pangarap ang pinag-uusapan dito. Kanya-kanya lang iyon ng panahon. Aayusin niya ang trabaho at sisiguraduhing magtatagumpay sa kung anumang balak niya sa buhay.

"Tunay ba ang lahat ng ito?"

"Oo, kahit tingnan mo pa ang etikita nila sa likod. Sayang nga lang at natanggal ko na ang tag price nila dahil nilabhan ko para isuot sana."

Sinuri nitong mabuti ang tela at panaka-naka ang naging sulyap sa kanya. Hindi naman siya mukhang mababang uri ng babae. Maayos din ang suot niyang plain dress noon.

"Seryoso ka ba talagang branded sila? Alam mo na iyong iba ay hindi naman totoong branded at peke."

Napataas na ang kilay ni Alyson. Mukha na gusto pa siya nitong baratin. Mababa na nga ang bigay niya sa totoo nitong halaga. Eh iyong iba doon ay hindi pa niya nasuot. Marahil ay dahil hindi siya sikat na tao at simple lang ang suot kaya ganito ang tingin ng Manager ng shop. Hindi mapagkakatiwalaan. Ang hindi nito alam ay marami na siyang nasuot na sikat na brands sa bansa.

"Bibilhin namin ang lahat ng ito pero oras na may magreklamo na hindi sila totoo ay ikaw ang mananagot."

Nais na bawiin na lang sana ni Alyson ang mga ibinibinta at huwag na lang ituloy, pero naisip niya ang ina niya.

"All right, I will be accountable for it."

Kaugnay na kabanata

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0005

    Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang p

    Huling Na-update : 2024-03-20
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0006

    Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gam

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0007

    Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0008

    Mapaklang ngumiti si Alyson na hindi man lang umabot sa kanyang mata. Naisip niya na wala man lang awa ang asawa niya. Well, dati pa naman ay ganun na ang ugali ni Geoff. Hindi na niya maitago ang sakit sa mukha. Nasa ganung kalagayan na nga siya tapos ayaw pang maniwala nito. Ang akala nito ay nagd

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0009

    PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0010

    HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa prese

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0011

    Sa pagtitig ng mga mata ni Geoff kay Alyson habang sinasabi iyon ng babae ay saka pa lang niya naisip na malaki ang pinagbago nito. Kung noon ay hindi nito magawang tumingin sa kanya ng deretso at palaging nakatungo, ngayon ay nagagawa ng labanan ang tingin niya. Sinasalubong na ang mga mata niya.

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0012

    TUMIGIL sa paghakbang si Geoff nang maramdaman niyang hindi pa sumunod si Alyson sa kanya. Akma na sanang magsasalita ito para tanungin si Alyson kung ano pa ang tinutunganga nito, subalit napigilan iyon nang malakas na tunog ng kanyang cellphone sa loob ng bulsa. "Anong hinihintay mo? Sagutin mo."

    Huling Na-update : 2024-03-26

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0787

    MAHINANG TUMAWA SI Geoff sa kabilang linya na mas ikinakunot pa ng noo ni Oliver. Sinabihan na siya ng asawa niyang si Alyson na huwag ditong babanggitin ang tungkol kay Alia na dating secretary niya, pero hindi niya mapigilan dahil nangangati ang dila niya. Batid niyang anumang dami ng trabaho ni O

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0786

    SINALUBONG ANG MAG-IINA ng mag-asawang Gadaza sa entrance pa lang ng mansion na halatang excited sa kanilang pagdating. Ganun na lang ang higpit ng yakap ng dalawang matanda kay Nero at Helvy nang makita na ang mga bata. Pinaulanan rin nila ng halik ang dalawang bata na tanging mahinang hagikhik lan

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0785

    MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Manang Elsa. Iyon lang ang tanging magagawa ng matanda sa nanginginig na namang katawan ni Alia dahil sa pagbabalik niya ng tanaw sa mga pinagdaanan. Nagpatuloy pa sa kwento si Alia. Sinabi niya pa ang mga pangungulit nito at pakikipagbalikan sa kanya. Bagay na ayaw na

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0784

    NOONG UNA AY medyo maayos-ayos pa itong nakikiusap na magkabalikan silang dalawa. Araw-araw itong nanghihinuyo ngunit lagi niya itong tinatanggihan dahil wala na talaga. Tama nga ang kwento ni Dawn sa kanya na hindi natuloy ang kasal nito sa local celebrity. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0783

    ANG SABI NI Alia sa kanyang sarili noong bago pa lang silang dating sa Malaysia at makita ang ganda ng lugar na kinatitirikan ng townhouse ay nais niyang doon na mag-retired at tumira hanggang sa kanyang pagtanda. Dito niya gustong gugulin ang buong panahon niya habang patuloy na nagpipinta. Subalit

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0782

    NANG SUMAPIT ANG gabi ng araw na iyon ay hinintay nilang mag-iina na tumawag si Oliver, subalit hindi iyon nangyari. Nakatulugan na lang ng mga bata ang paghihintay sa tawag nito, ngunit ni chat ay wala ‘ring pinadala ito. Dinamdam iyon ni Alia at pinag-isipang mabuti buong gabi. Wala siyang ibang

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0781

    TINUPAD NI OLIVER ang kanyang pangako sa mga bata. Palagi itong naglalaan ng oras upang tumawag at makipag-usap sa kanilang mag-iina kahit na halatang pagod ito sa kanyang trabaho at kita sa mata. Bagay na paunti-unting kinasanayan na ng katawan ni Alia. Napapangiti na lang siya nang lihim sa tawag

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0780

    WALANG NAGAWA SI Alia kung hindi ang isama ang dalawang bata sa paghatid kay Oliver. Ano pa bang magagawa niya ay naroon na sila sa sitwasyong iyon? Gaya ng kanyang inaasahan, sa loob pa lang ng sasakyan ay panay na ang hikbi nila na parang wala ng chance na muli pang makita si Oliver, lalo na nang

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0779

    HABANG NASA KLASE ay panay ang buntong-hininga ni Alia habang hindi mawala sa kanyang isipan ang ginawa nilang dalawa ni Oliver ng umagang iyon. Hindi siya makapaniwala na hinayaan niyang may mangyari sa kanila nang ganun-ganun na lang. Masyado siyang nadala ng init ng katawan na hindi na napigilan.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status