Share

Kabanata 0003

last update Last Updated: 2024-03-20 15:09:15

Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan.

"Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment."

Pinagtaasan siya ni Geoff ng kilay nang marinig iyon. Hindi mahulaan ni Alyson kung galit ba siya o hindi dahil hindi siya familiar sa emosyon ni Geoff.

"Totoo ba iyang sinasabi mo? Baka nasasabi mo lang iyan ngayon tapos hindi mo naman kayang panindigan sa huli? Kainin mo lang?"

Batid ni Geoff na madalas labanan ni Alyson at salungatin ang anumang gusto niya. At ngayon na pumapayag ito, napuno ng pagdududa ang isipan niya. Kakaiba iyon. Napaka-imposible rin.

"Hindi mo kailangang magpanggap, Alyson. Okay lang na ipakita mo kung sino ka talaga."

Pilit na ang naging ngiti ni Alyson. Kung pwede lang isumbat niya rito ang mga ginawa niya para maging mabuting asawa ay ginawa niya na sana. Sobrang laki ng nawala sa kanya at kinailangan niya 'ring magsakripisyo pagka-graduate niya ng college para lang ganito ang maging trato nila sa kanya. Gusto man niyang gawin iyon ngunit ayaw niya ng humaba pa ang usapan nilang dalawa.

"Hindi ko iyon kailangang gawin—"

"Kilala kita, Alyson!" dumadagundong ang boses ni Geoff sa loob ng apat na sulok ng silid.

Dumilim pa ang hilatsa ng mukha nito habang hindi maikakaila ang panlilisik ng mga mata. Ilang sandali pa ay binalot na iyon ng sarkasmo.

"Ang galing mo pa namang umarte—"

"Kung magaling akong umarte, pasensiya ka na ha at nakuha kita nang dahil sa pag-arte ko."

SA UNANG pagkakataon ay nakita ni Alyson ang pagkapikon ng mukha ni Geoff. Madalas niya itong makita na walang emosyon pero ngayon ay mas malinaw na nakita ng mga mata niya ang galit nito sa sinabi niya. Habang nakatingin siya dito ay naramdaman ni Alyson ang sobrang kasiyahan. Pakiramdam niya pa ay nanalo siya.

"Alyson..." magkadikit ang ngiping usal ni Geoff, ilang beses itong umiling. Dismayado sa asawa.

"Maghihiwalay din naman tayo, bakit pa tayo magpapanggap na okay tayo sa isa't-isa? Hindi ba iyan ang gusto mo? Ang maging balahura ako? Heto na iyon. Ano nasasaktan ba kita? Ha?"

Naghiwalay ang labi ni Geoff sa pagkagulat. Hindi siya makapaniwala na may itinatago pa lang gaspang ng ugali si Alyson. Ang buong akala niya ay madali lang niya itong mauuto dahil mabait ito noon at halatang mahal na mahal siya. Walang imik at palagi nitong ibinibigay ang lahat ng gusto niya.

"Oo nga pala, basta siguraduhin mong wala tayong magiging problema sa process ng annulment papers natin!" matabang ang tono na panduduro ni Geoff kay Alyson.

Napaatras ng ilang hakbang si Alyson nang makita ang diklap ng galit ni Geoff sa nagbabagang mga mata. Nanlamig na ang dalawang palad niya sa takot. Walang humpay na tumahip sa kaba ang kanyang dibdib.

"Ano ang pumasok sa isip mo at bigla ka na lang pumayag sa annulment?! Sagutin mo ako!"

Umurong na roon ang dila ni Alyson. Hindi na alam ano ang isasagot sa asawa.

"Sumagot kang babae ka! Ano ang plina-plano mo laban sa amin? Kilala kita. Hindi ka basta papayag nang ganun na lang! Anong plano mo?!"

Hinablot ni Geoff ang buhok ni Alyson dahilan para mapatingala ang babae. Napakislot na siya nang patuloy pang dumiin ang hila ng palad nito sa anit niya. Pakiramdam niya ay kaunti pa at mapupunit na ang balat niya sa ulo.

"Aray ko naman, Geoff! Bitawan mo ang buhok ko dahil n-nasasaktan na ako..."

Pinalo-palo niya ang kamay nito pero sa halip na makinig at luwagan iyon ay lumipat lang ang kamay ni Geoff sa leeg ni Alyson para manakal.

"Huwag mo akong sinusubukan. Di mo alam ang kaya kong gawin sa'yo ngayon, Alyson!"

Makailang ulit na sinubukang kumawala ni Alyson sa hawak niya. Ngunit kahit anong subok ay wala. Sa lapit ng katawan ni Geoff sa kanya ay nagawa pa niyang maamoy ang suot nitong pabango. Nang maisip na iba ang amoy noon sa natural na amoy nito, naisip niyang si Loraine na ang bumili noon. Ito ang nagbigay ng liwanag sa kanya upang itulak ng ubod-lakas si Geoff palayo at para makawala sa hawak nito.

"Ano bang problema mo? Ibibigay ko na nga ang gusto mo kung anu-ano pa ang paghihinalang ginagawa mo! Gawain mo kasi ang lahat ng iyon!"

Dikit sa lalamunan na umubo-ubo si Alyson, ilang ulit din na hinihimas-himas niya ang masakit na leeg. Pakiramdam niya kung hindi pa siya nakawala ay tuluyan siyang mawawalan ng hininga hanggang sa mautas. Nanlilisik na ang matang sinipat niya si Geoff na bahagyang na-estatwa sa nagibg reaction niya.

"Akala ko ba gusto mo ng matapos ang lahat? Heto na iyon! Payag na ako. Ano pa bang gusto mo? Ako na nga ang gumagawa ng paraan para wala ng maging hadlang sa binubuo mong bagong pamilya!" hinihingal sa galit na bulalas ni Alyson, "Ano pa ba ang kulang, Geoff?!"

"Tama ka ng iniisip. Gusto ko ng matapos ang annulment natin para maikasal na sa babaeng pangarap kong makasama habang buhay—"

"Iyon naman pala, eh ano pa bang ginagawa mo dito at ipinuputok ng butse mo? Bakit ka narito? Umalis ka na nga! Sa isang araw na lang tayo magharap. Umuwi ka na. Bumalik ka na kandungan ng malanding babaeng iyon!" halos pumutok ang ugat sa leeg na sigaw ni Alyson.

Nagpanting ang tainga at umakyat na sa ulo ang galit ni Geoff nang marinig ang huling sinabi ni Alyson patungkol sa babaeng mahal niya. Walang kahit anong pakundangang malakas na itinulak niya si Alyson, dahilan upang parang kahoy na bumulagta ang katawan nito sa malamig na sahig.

"Wala kang karapatang insultuhin si Loraine sa harapan ko! Sino ka para harapang sabihin iyon? Hindi siya malandi gaya ng sinabi mo. Siya ang unang babaeng minahal ko! Kung ikukumpara ko ang sarili mo sa kanya, walang-wala ka, Alyson! Alikabok ka lang sa talampakan niya."

Nabalot ng poot ang mata ni Alyson. Hindi niya matanggap na sa kabila ng mga sinakripisyo niya at ginawa, ganun lamang pala ang tingin nito sa kanya. Maliit at alikabok lang sa talampakan.

"T-Talaga?"

Dahan-dahang bumangon si Alyson kahit na ang sakit ng kanyang balakang at nais ng mapangiwi.

"Matino siya? Pinagtatatanggol mo siya? Kung matino siyang babae, hindi siya p-papatol sa isang lalake na alam niyang may asawa. Hindi ka niya aakitin—"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi niya ako inakit? Mahal ko siya. Mahal ko ang babaeng iyon!"

Mapang-asar na ngumising parang aso si Alyson. Pinagpag na ang pang-upo upang tanggalin ang kaunting dumi na dumikit doon.

"Oh? Okay. Bakit hindi ka pa umuwi?"

Muli na naman siyang sinakal ni Geoff. Hindi na nito napigilan ang sarili. Napaatras na si Alyson. Hindi niya magawang magsalita sa higpit ng hawak nito sa kanyang leeg. Galit na galit ang mga mata ni Geoff na kawangis ng nauulol na aso sa kalye. Mapanganib. Walang ayos na idudulot.

Matagal ng alam ni Alyson na si Loraine ay kababata nito at may nakaraan ang dalawa. Ito kasi ang laging bukambibig ng pamilya ni Geoff na simula pa lang ay may ayaw na sa kanya. Kada may salu-salo ay hindi pwede na hindi nababanggit ang babae. Bingi-bingihan na lang dito si Alyson. Manhid-manhidan. Kunwari ay hindi na lang iyon masakit.

"Hindi ka pa titigil?" nanggigigil na tanong ni Geoff, "Gusto mo talagang pisikal na sinasaktan ka?!"

Unti-unting kinulang si Alyson ng oxygen sa katawan. Mapait siyang lihim na ngumiti habang may ilang butil ng patak ng luhang bumagsak sa mata. Kung iyon na ang katapusan niya, kung sa mismong palad ng asawa siya malalagutan ng hininga, malaya at maluwag sa dibdib niya itong tatanggapin. Wala rin siyang pagsisisihan. Marahil ay hanggang doon na lang ang kanyang buhay.

"Pasalamat ka na may natitira pa akong kaunting awa sa iyo. Hindi ko dudungisan ang palad ko para kunin ang walang kwentang buhay mo. At ayaw din kitang mamatay dala ang apelyido namin sa kabilang buhay!"

Nanginginig ang mga tuhod ni Alyson nang bitawan ni Geoff ang leeg niya. Napalugmok na siya sa sahig habang hinihimas ang leeg. Alam niyang nagkaroon ng bakas ng mga daliri ng asawa niya iyon pero hindi niya ito pinansin. Nanlalabo ang paningin na tiningnan niya si Geoff na pamartsa ng humahakbang papaalis ng silid.
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Norhayfah Rashed
Dami Kong iyak..Ganda Ng kuwento
goodnovel comment avatar
Ma Teresa Go Dawal
hmmp..kawawa naman..
goodnovel comment avatar
Missy F
grabe napakahayop mo Geoff!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0004

    Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon

    Last Updated : 2024-03-20
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0005

    Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang p

    Last Updated : 2024-03-20
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0006

    Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gam

    Last Updated : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0007

    Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa

    Last Updated : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0008

    Mapaklang ngumiti si Alyson na hindi man lang umabot sa kanyang mata. Naisip niya na wala man lang awa ang asawa niya. Well, dati pa naman ay ganun na ang ugali ni Geoff. Hindi na niya maitago ang sakit sa mukha. Nasa ganung kalagayan na nga siya tapos ayaw pang maniwala nito. Ang akala nito ay nagd

    Last Updated : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0009

    PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay

    Last Updated : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0010

    HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa prese

    Last Updated : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0011

    Sa pagtitig ng mga mata ni Geoff kay Alyson habang sinasabi iyon ng babae ay saka pa lang niya naisip na malaki ang pinagbago nito. Kung noon ay hindi nito magawang tumingin sa kanya ng deretso at palaging nakatungo, ngayon ay nagagawa ng labanan ang tingin niya. Sinasalubong na ang mga mata niya.

    Last Updated : 2024-03-26

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0725

    HINDI MAAMPAT AY sunod-sunod na nahulog ang mga luha ni Alia pababa ng kanyang magkabilang pisngi na para bang sobrang apektado siya mga pinagsasabi sa sulat ng dati niyang asawa. Wala naman itong sinabing pinagbabantaan siya o ang anak na kukunin sa kanya pero umaapaw naman ang emosyon niya nang da

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0724

    SA MGA SANDALING iyon naman, sa veranda ng silid ni Oliver sa mansion ng mga Gadaza ay tahimik na nakaupo ang lalaki sa kanyang wheelchair habang nakatingala sa kalangitan. Dinadama niya ang lamig ng hangin. Masaya niyang binabalikan sa kanyang isipan ang ilang araw na nakasama niya ang kanyang anak

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0723

    BAGO PA MAGAWA ni Alia na makapag-react ay mabilis ng tumakbo si Nero paalis sa kanyang harapan, papasok ng kwarto habang malakas na pumapalahaw ng iyak. Parang may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib nang marinig ang atungal ng anak. Ngayon niya lang narinig na umiyak ito sa usapan tungkol sa kany

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0722

    KAPWA NAPILITANG TUMANGO ang dalawang bata na may blangko pa ‘ring mukha kung sino ang kausap nila ngayon.“Heto, ipinapabigay ni Mr. Mustache ito sa inyong dalawa.” lahad nito ng isang maliit at malaking envelope na ilang segundong tinitigan lang ni Nero, napuno ng pag-aalinlangan ang mata niya kun

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0721

    NAMULA NA ANG mga mata ni Oliver, lantarang nanghapdi na iyon sa ginagawang pagpapakilala ng sariling anak. Nais niya na rin sanang sabihin na siya si Oliver Gadaza, ang kanyang ama ngunit ngayon pa lang ay parang binibiyak na ang puso niya. Parang hindi niya pa kayang harapin at sagutin ang maramin

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0720

    SA KANYANG NARINIG ay sinamaan na ni Alia ng tingin ang anak na biglang napayuko. Ngunit saglit lang iyon, bigla din itong nag-angat ng kanyang paningin upang magbigay ng katwiran sa kanyang ina na alam niya namang tama.“Mom? Wala naman akong masamang ginagawa. Saka mukha namang mabait iyong may-ar

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0719

    NAPASINGHAP SI OLIVER nang makita niya ang dalawang bata na nasa malayo pa kanina ay biglang nasa harapan na niya. Kampante siya ngayong nakaupo sa duyan na ipinasadya niya noon. Iyon ang duyan na pangarap noon ng kanyang dating asawang si Alia. Tinulungan siya ng caregiver niyang makaupo doon kanin

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0718

    TANDANG-TANDA NIYA PA ang tagpong iyon kung saan ay mahigpit niyang yakap ang katawan ni Alia na tila ba parehong hawak nila ang mundo ng bawat isa. Nakapwesto siya noon sa likuran ng nobya, nakasandal naman ang likod ng babae sa malapad niyang dibdib habang pareho nilang iginuguhit sa kanilang mga

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 0717

    NAGING PANATAG AT tahimik ang unang gabi nila sa beach. Maagang natulog ang mga bata marahil ay dahil sa pagod sa byahe at pagod sa paglalaro sa dalampasigan bago lumubog ang araw. Namulot sila ng mga seashells na ginawa nilang laruan habang nakasalampak sa sahig ng kanilang silid na inu-okupa. Main

DMCA.com Protection Status