Chapter: Chapter 79.2BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
Last Updated: 2025-02-15
Chapter: Chapter 79.1HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
Last Updated: 2025-02-14
Chapter: Chapter 78.3PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
Last Updated: 2025-02-10
Chapter: Chapter 78.2PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
Last Updated: 2025-02-10
Chapter: Chapter 78.1NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
Last Updated: 2025-02-10
Chapter: Chapter 77.3SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si
Last Updated: 2025-02-06
Chapter: Chapter 20.2HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 20.1MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 19.4NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 19.3SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: Chapter 19.2NATATARANTA NA BUMABA ng kama si Giovanni upang tulungan ang nakasalampak na si Briel na makatayo. Iginiya niya ito at maingat na pinaupo sa gilid ng kama habang hindi niya inaalis ang mga mata sa mukha ng dating nobya. Putlang-putla ang mukha ni Briel dala ng takot na baka mapahamak si Gabe. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Giovanni na ganun na rin ang nararamdaman. Nanatiling yakap pa rin ni Briel ang pamangkin na kapansin-pansin ang pananahimik na ginagawa. Salit-salitan ang naging mga tingin nito sa kanila ni Giovanni. Iyong tipong binabasa nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Tita Briel at Lolo Governor. Bata pa siya pero magaling siyang makabasa ng emosyon ng mga taong nasa paligid niya. Nahuhulaan niya kung galit o takot.“Are you okay, G-Gabe?” masuyong haplos ni Giovanni sa ulo at mukha ng bata na pa-squat ng naupo sa harapan nila habang pigil ang hinga, iyong alak sa katawan niya ay tuluyan nang nilipad ng kaganapang iyon. “Sabihin mo kay Lolo, ayos ka lang b
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: Chapter 19.1PARANG ALIPIN NA sinunod iyon ni Giovanni na para bang nawala na ang epekto ng alak sa katawan niya. Bigla na siyang nahimasmasan. Parang may nagawang mali na nagmamadali na niyang kinumutan ang sarili na kagustuhan ni Briel na gawin niya. Mariing ipinikit niya ang mga mata upang idagdag iyon sa kanyang pagpapanggap. Lihim na rin siyang napamura sa kanyang isipan. Dapat hinayaan niya na mapaos ang apo at itinuloy lang nila ang ginagawa ni Briel. Nagpanggap na bingi at wala silang naririnig. Kung walang sasagot sa kanila at magbubukas ng pintuan, malamang ay titigil din si Gabe na paniguradong ang amang si Gavin nito ang salarin sa pananabotahe sa kanila ni Briel.Naroon na eh, nag-iinit na sila uli ng dating nobya!Tapos biglang mauudlot. Para namang hindi naranasan ni Gavin iyon. Bakit hinayaan nila ang anak na maglaboy sa mansion at mahanap ang silid? Intensyon niya talaga iyon. Hindi rin siya naniniwala na walang nagturo sa apo ng mga gagawin.Hinawakan niya ang maselang parte sa
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: Kabanata 0838PAGKAMATAY NG TAWAG ay nakaramdam ng panghihina ng katawan si Alia kung jaya naman parang pinutol na puno na bumagsak ang katawan nito na kung hindi nasalo ni Oliver ay paniguradong agad na hahandusay ito sa sahig. Napasugod na ang ibang maid palapit sa kanya upang dumalo at tulungan si Oliver na ib
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Kabanata 0837INIHANDA NA NI Oliver ang lahat ng kanilang mga kailangan at ang mga tauhan na kanilang isasama nang sa ganun ay agad ng makapunta kung nasaang lupalop naroon sina Jeremy upang mabawi si Helvy. Hindi nila ito pwedeng patagalin. Ilang beses na sinabihan ni Oliver ang asawang si Alia na hindi na nito
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Kabanata 0836BUMUHOS NA ANG luha ni Alia na makailang beses na iniiling ang kanyang ulo na para bang hindi makapaniwala na nakuha ni Jeremy si Helvy. Litong-lito siya. Parang tatakasan na siya ng ulirat. Takot na takot siya para kay Helvy. Paano kung ito ang halayin ng demonyong lalaking iyon at gawin ang bagay
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: Kabanata 0835HININTAY NI HELVY ang magiging tugon ni Jeremy sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Iba ang sinabi nito sa kanya na mas nagpagulo pa ng kanyang isipan. Ang kutob niya ay may mali at hindi niya gusto iyon.“You must eat now, Helvy, hmm? Kumain kang mabuti para mayroon kang lakas.”Pagkasabi noon ay
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: Kabanata 0834NANLALAKI NA ANG mga matang napabaling pa si Zayda sa mag-asawa na nakatingin pa rin sa kanyang banda. Lantad sa mga mata nina Oliver at Alia ang gulat sa mga mata ng babae na halatang wala ngang alam sa mga nangyayari. Ni ang tungkol sa bata ay parang wala itong alam. O baka isa lang iyon sa strate
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: Kabanata 0833NAPUTOL ANG PAG-UUSAP ng mag-asawa nang pumasok ang ilang armadong mga lalaki na kabilang sa mga tauhan ni Oliver sa sala ng villa. Bitbit nila si Leo. Pagkarating ay agad iniutos ni Oliver sa mga tauhan niya na damputin ito habang nagmamaneho siya ng sasakyan pauwi ng villa. Ito ang pangunahin niya
Last Updated: 2025-02-18